Dumating na ang araw ng kasal ni Arabella at Fernan. Magkahalong takot, kaba at stress ang nararamdam ng dalaga. Kanina pa siya nakatayo sa harapan ng salamin matapos siya na maayosan ng make-up artist. Napaka-ganda niya kahit simple lang ang tabas ng kanyang gown. This is supposed to be the happiest day of her life. Pero kabaligtaran ang kanyang nararamdaman ngayon. Parang lamay ang kanyang pupuntahan dahil sa nararamdaman na paninibugho sa kanyang dibdib. Pero ano man ang mangyayari ngayon handang-handa na ang kanyang sarili.
Mag-iisang linggo na rin mula ng umalis ang kanyang ama at nag-tungo sa Davao. Kagabi lang ay nakausap niya ito at maayos naman daw ang kalayan nito doon. Abala daw ito sa pagtulong sa tindahan ng bigas ng kanyang Tito Norbert.
"Time to go," sabi ng isang staff ni Andy, na pumutol sa daloy ng kanyang isipan. Nakangiti ito habang pinapasadahan siya ng humahanga na tingin. Pumunta ito sa paanan niya at saka hinawakan ang mahabang laylayan ng kanyang gown.
Kabado siya na lumabas sa kuwarto ng hotel na nirenta ni Fernan para sa kanya. Sumakay sila ng elevator at ng tuluyan na makalabas ng hotel ay nakita niya si Santos na nakatayo sa tabi ng puting limousine na siyang gagamitin niya na bridal car. Napapalamutian ito ng ibat't-ibang klase ng fresh flowers. Kung ikakasal lang siya sa taong gusto niya. This wedding probably the perfect one for her.
"Ang suwerte talaga ni bossing na makasal sa napakagandang babae," napapalatak si Santos na kitang-kita ang sobrang paghanga nito para sa kanya. Nginitian niya lang ito ng ubod tamis. Kailangan niya na maging super friendly dito ngayon.
"Uy, baka pasukan pa ng langaw iyang bunganga mo na nakanganga. Mali-late na ang bride," sabi ng staff ni Andy kay Santos na nakatigagal habang nakatitig sa kanya.
Tumalima naman ito at binuksan ang pinto ng sasakyan sa bahaging likuran. Pinigilan niya ang kamay nito at namumula ang mukha nitong tiningnan ang mga kamay niyang nakahawak dito.
"Gusto kong sa passenger's seat maupo Santos," malambing niyang pakiusap dito, napakurap naman ang mga mata nito saka dali-dali na binuksan ang pintuan sa passenger's seat. Nakita niya na sumakay na rin ang dalawang staff ni Andy sa service car nila. Medyo malayo pa ang simbahan sa hotel na ito kaya marami pa siyang oras para isakatuparan ang kanyang plano.
Malayo-layo na rin sila at halos wala na masiyadong tao at buildings ang dinaraanan nila. Agad ng umilaw ang ideya sa utak niya nang malagpasan nila ang isang maliit na grocery store sa gilid ng daan. Kinakabahan man, but she rather takes the little chances, or else she will caught off guard. She took a deep breathe bago nagsalita.
"N-nauuhaw ako Santos, may mineral water ka ba diyan?" She tried so hard to not tremble.
Luminga ito sa gawi niya bago pinahinto ang sasakyan sa gilid ng daan. Lumabas ito at binuksan ang likod ng sasakyan, nakita niyang may hinahagilap ito. Maya-maya lang ay bumalik ito sa kanya nang hindi makita ang hinahanap.
"Walang tubig Bella, hintayin mo lang ako dito at babalik ako sa nadaanan natin na grocery kanina. Ibibili lang kita ng tubig sandali," sabi nitong napapakamot pa sa ulo.
"Huwag kang magtatagal Santos at baka ma-late tayo, malilintikan ka talaga kay Fernan," kunwari ay nagmamadali siya at tiningnan pa ang oras sa relo na nasa bisig niya.
"Oo Bella mabilis lang ako," mabilis naman ang naging lakad nito palayo sa kinaroroonan niya. Medyo malayo-layo na rin sila sa groserya at maluwang pa ang magiging oras niya para gawin na ang plano. Sinadya niya talagang malayo na ang distanya nila sa tindahan bago humingi ng tubig.
Nang hindi na niya makita si Santos ay mabilis niyang hinugot mula sa ilalim ng kanyang petticoat ang maliit niyang back pack na naglalaman ng kanyang, bank cards, passport, cellphone at flat niyang sandalyas. Mabilis niyang hinubad ang sapatos at basta nalang itinapon sa loob ng sasakyan at mabilis isinuot ang kanyang flat Sandals.
It's now or never Arabella!
Mabilis na bumaba ng sasakyan and run as fast as she can. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo, pumasok sa masusukal na gubat. Muntik pa siyang matapilok nang lumingon siya ay makita niyang tumatakbo nang humahabol sa kanya si Santos at may kasama na ito na tatlo pang mga kalalakihan. Binilisan pa niya ang pagtakbo at hindi alintana ang mga matatalim na bagay na tumutusok sa kanyang mga binti.
Mag-aalas dos pa lang ng hapon subalit madilim na sa loob ng kagubatan. dahil sa mayayabong at malalaking puno ng kahoy. Gumapang siya sa ilalim ng mayayabong na halamang baging nang marinig niya na papalapit na sa kanya ang mabibilis na mga yabag.
Taimtim siyang nanalangin na sana ay hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya. Bumaluktot pa siya lalo at mahigpit ang pagkakapit niya sa laylayan ng kanyang gown nang makita niyang nagsisitakbuhan palapit sina Santos. Matagal tumayo ang mga lalaki at nagpalinga-linga sa paligid.
"Patay ka ngayon kay Bossing, Santos," sabi ng isang lalaki na sinisi si Santos.
"Hindi pa iyon nakakalayo sigurado," si Santos na sumenyas na doon naman sila sa kabilang side ng kagubatan manggalugad. Sumunod ang mga lalaki sa itinuro ni Santos. Saka lang nakahinga ng maluwag si Arabella nang makitang papalayo sa ibang direksyon ang grupo ni Santos.
Nang masiguradong malayo na ang mga ito sa kanya saka lang siya lumabas sa pinagtataguan at mabilis na tumatakbo taliwas sa direksyon na tinahak nina Santos.
Hapong-hapo na ang pakiramdam ni Arabella, at pakiramdam niya anong oras man ay bibigay na ang kanyang katawan sa sobrang pagod.
Nabuhayan siya ng loob nang makita niyang papalabas na siya sa kagubatan at nakita niya na malapit na ang kalsada mula sa kanyang kinaroroonan. She's not familiar with the place, but she has this feeling na magiging safe siya pagkatapak niya sa kalsadang iyon. Nanakit ang buo niyang katawan at mahapdi ang kanyang mga braso at binti na nagalusan dahil na tumatama sa matatalim na halaman at bagay kanina sa kagubatan. Punit-punit na rin at may mga putik na ang laylayan ng suot niyang puting gown.