Napasalampak nang upo si Arabella sa damuhan nang makita ang kalsada. Pero agad din siyang napatayo nang marinig na naman ang mga yabag na papalapit sa kanyang gawi. Tumayo siya at tumakbo, tatawid siya sa kabilang kalsada para doon naman siya susuong sa makakapal na kakahuyan sa kabilang side. Hindi na matao ang lugar na iyon at parang kay dalang ng mga sasakyan na pumaparoon.
"Ayon siya!" Narinig niya na sumigaw si Santos at parang puputok ang ulo ni Arabella sa sobrang kaba nang malaman na sinusundan na siya ng mga ito. Luminga siya at parang nabuhayan siya ng loob ng makita ang paparating na itim na Mercedes Benz.
Mabilis ang takbo ng sasakyan at nang makita niya na papalapit na ito saka siya tumakbo pagitna ng kalsada. Mas pipiliin pa niyang masagasaan kesa mahuli ng tauhan ni Fernan. Umingit ang gulong ng sasakyan nang kabigin ng driver ang sasakyan palayo sa kanya. Mariin na ipinikit ni Bella ang mga mata at hinintay na lumapat ang sasakyan sa kanyang katawan. Pero hindi iyon nangyari, natumba pa rin siya dahil sa malakas na impact ng sasakyan ng huminto ito.
Naagaw ang pansin niya nang makita ang paa na nasa malapit sa kanya, naka boots ng kulay balat at hindi pa nakaayos ang pagkatirintas na nakapaloob ang laylayan ng pantalong maong nito. Dahan-dahan niyang tiningala ito at nang matuon ang kanyang paningin sa hita nito na para bang nagpupumiglas ang muscles sa suot nitong pantalong maong. Itinaas niya pa ang paningin sa katawan nitong niyayakap ng damit nito at nakabakat ang matitipunong katawan nito sa itim nitong t-shirt. At nang mapadako ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki ay para bang nakalimutan ni Arabella na nasa panganib ang buhay niya. Inangat niya ang nakatabing belo sa kanyang mukha para mapasadahan niya pa ng maigi ang mukha ng lalaki. Napakaguwapo nito kahit na may mga balbas na tumutubo sa paligid ng mukha nito. Matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata na tila inaantok habang nakatitig sa kanya. Para itong isang hunk na holly wood actor sa tindig at itsura nito.
Bigla na nanumbalik ang kanyang isip sa kasalukuyan nang pasinghal itong magsalita. Napahigpit pa ang kapit ni Bella sa laylayan ng kanyang mahabang gown.
"What the hell are you doing? Magpapakamatay ka ba?" Namilog ang mapupungay nitong mata habang nakatunghay sa kanya. Natigilan si Arabella ngunit nang maalala na kailangan niyang makalayo sa lugar na ito ay agad niyang tinapangan ang sarili na harapin ito. He can save her maybe kahit isakay lang siya nito sa sasakyan nito at iwan na lang kung saan kapag makalayo-layo na siya sa mga humahabol sa kanya. May pakiramdam siyang mabuting tao ito at may tiwala siya kahit na ngayon niya lang ito nakita.
"Help me please," sabi niya na halos magmakaawa sa lalaki.
"Help you what?" Artista ka ba at nagtataping kayo dito? Good job lady, I'm sure your viewer will hook up on your acting skills," sagot naman nito na tila hindi sineryoso ang kanyang sinabi.
"Please may naghahabol sa 'kin," hinawakan niya sa braso ang lalaki ng akma siya nitong tatalikuran. Natigilan naman ito nang marinig ang mga yabag at may pumutok din na baril. Parang lumundag ang puso ni Bella nang marinig iyon at malapit na talaga sina Santos sa kanila. Wala namang sabi-sabi na binuhat siya ng lalaki at ipasok sa loob ng sasakyan nito saka mabilis na tinungo ang driver's seat at sobrang bilis na pinaharurot ang sasakyan nito. Nakita pa niya na humahabol sila Santos pero isang himala na lamang kung maabutan pa sila sa bilis ng pagpapatakbo ng lalaki.
"Who are you really?" Malakas nitong sabi while driving his car as fast as hell. Nanghihina na talaga siya at nanilim na ang kanyang paningin. Malabo na ang mukha ng lalaki sa kanyang paningin dahil sa matinding hilo at pagod na kanyang naramdaman.
"I-I am Arabella Guerrero," nakuha niya pang isagot bago siya tuluyang mawalan ng malay. With him, she knows that she will be safe.
Binuhat ni Joaquin ang babae nang marating nila ang bahay bakasyunan. Dinala niya ito sa kanyang silid dahil hindi niya alam ang gagawin sa babae. Doon naman sumungaw si mang Anton sa pintuan ng silid niya at kita sa mukha nito ang gulat habang nakatitig sa babaeng nakadamit pang kasal at walang malay.
"Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari diyan Señorito?" Tanong nito na pumasok na ng silid niya.
"Hindi ko po alam Mang Anton nakita ko lang siya na hinahabol ng mga kalalakihan na may mga baril kaya tinulungan ko siyang makatakas," habang hindi maalis-alis ang kanyang paningin sa kabuuan ng babae. Naka lihis pa ang gown nito hanggang hita, at kitang-kita ni Joaquin ang magandang hubog ng legs nito na sobrang kinis at mahahaba. Palihim siyang nagmura nang makita ang maraming galos nito sa braso at mga binti, kahit ang magandang mukha nito ay may malilit na galos. Siguro dahil sa sumuong ito sa masusukal na daan.
"Ako na ang bahala sa kanya Señorito at magpahinga na muna kayo," presinta ng matanda na agad tumutol ang isipan ni Joaquin. He can't afford to let any man touch her skin. Nagulat pa siya sa naisip.
"Ako na ho ang bahala sa kanya Mang Anton," sabi niya na hindi tumitingin sa matanda. Lumapit siya sa babae at kinuha ang belo nito na nakasabit sa nakatirintas na buhok. Tahimik naman na lumabas ang matanda at isinarado ang pinto ng kanyang silid.
Napabuntong hininga si Joaquin na lumapit sa cabinet at kumuha ng kanyang T-shirt. Pumasok sa banyo at naglagay ng tubig sa maliit na palanggana saka kumuha ng malinis na bimpo para ipunas sa babae na nagpakilalang Arabella.
Hmm, Arabella suits her. Beautiful name as her. Iwinaksi ni Joaquin iyon sa kanyang isip.
Hindi tumitingin at maingat na hinubad ang damit pangkasal ng babae. Natatakot siyang may masagi sa parte ng katawan ni Arabella.
Matagal bago niya maisuot ang kanyang t-shirt sa babae dahil nag-iingat siya na hindi masanggi man lang ang makinis nitong balat.
Nakasal ba talaga ito o hindi natuloy? Iyon ang gustong malaman ni Joaquin. Matagal tinitigan ang mukha ng babae bago ipinasyang lumabas at parang biglang sumusikip ang malaki niyang kuwarto dahil sa presnsya ng babae.