Masakit ang ulo na iminulat ni Arabella ang kanyang mga mata. Masakit rin ang kanyang buong katawan at mahahapdi ang kanyang mga balat. Namilog ang kanyang mga mata nang maalala ang paghahabol ng tauhan ni Fernan sa kanya. Nahuli ba nila ako? naisip niya saka inilibot ang paningin sa loob ng silid kung saan siya nakahiga. Kulay asul ang silid at malapad. Sa gilid ng malapad na kama kung saan siya nakahiga ay nakita niya ang maliit na lamesita na nakapatong ang maliit na palanggana na may lamang tubig at saka kulay puting bimpo. Sa isang sulok ng silid ay nakita niya ang malaking cabinet na glass ang dingding at naglalaman ng iba't-ibang klase ng mga eroplano. A collection. Wala siyang alam sa mga ganoon pero alam niyang mga imported ang mga iyon at ang isa ay nagkakahalaga na ng kayaman