CHAPTER 24

1237 Words

"Hintayin mo na muna ako dito, at gagamit lang ako ng comfort room. Mamili ka ng lahat ng gusto mo diyan, at ako na ang bahalang magbayad," sabi ni Joaquin nang iwan siya nito sa isang mamahaling branded store. Tumango lamang siya, at nang umalis na ito ay napilitan siyang tumingin-tingin sa mga damit na naka-display. Napapangiwi siya sa tuwing mapapasadahan niya ang nakalagay na presyo sa tag. Sobrang nakakabutas sa bulsa, para sa isang tulad niya na hindi mayaman. Kahit kaya niya pa itong bilhin mula sa savings niya pero hindi niya gagawin 'yun at sobrang sayang ng pera para lang sa isang damit. Wala man lang apat na digit ang naroong price, lahat ay nasa 5 digit pataas. Nakakapanghina naman.  Ibinalik niya ang mga damit sa rack at lumabas na sa store na 'yun. Doon na lang siya maghihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD