Chapter 4

1418 Words
DAHLIA Ilang minuto na ang nakalipas nang iwan niya akong mag-isa dito sa loob ng kuwarto. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang umaangkin sa akin kagabi. Sa tingin ko hindi lang ito isang beses dahil talagang sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong isuko ang aking p********e sa lalaking kinamumuhian ko. Nang dahil sa kagustuhan kong maghanap ng lalaking ihaharap sa mga kaibigan ko ganito ang nangyari sa akin. Sa isang banda malaki na ang pinagbago niya. Mula nang umalis kami sa Sitio Berde ay dalawangpung taon na ang nakakaraan ay hindi ko akalain na ang batang payat na lalaki noon na naging matalik kong kaibigan ay isa nang malaking tao. Tad-tad ng tattoo ang kanyang dibdib at braso. Naglalakihan ang mga biceps at pati ang malabato niyang katawan na parang hinulma upang maging perpekto ay malaki rin ang naging epekto sa akin. Kaya hindi ko siya nakilala. Kung hindi ko pa siya tinitigan sa mata ay hindi ko talaga siya makikilala. Napilitan akong tumayo dahil na-iihi na ako at nang pumasok ako sa banyo ay napangiwi ako at napapigil ang paghinga dahil sa hapdi ng aking p********e. Ang halimaw na yun! Kapag nakatakas ako dito talagang gagawin ko ang lahat makulong lang siya sa ginawa niya sa akin! Nagpasya akong maligo na rin dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit na ang katawan ko. Nagbabad ako sa maligamgam na tubig upang kahit paano ay maginhawaan. Pagkatapos ay nagtapis ako ng tuwalya. Pagkalabas ko ng pinto ay may damit na nakalatag sa ibabaw ng kama. “Wear it.” Napaigtad ako nang makita ko siya sa pinto ngunit sinarado niya din agad ito. Sinuot ko ang damit na bigay niya pati ang underwear. Halos umabot ito sa aking talampakan dahil sa haba ngunit labas naman ang likuran. Pagkatapos ay kumuha ako ng suklay. Hinawi ko ang kurtina at namangha ako sa kulay asul na dagat na aking natatanaw ngayon. Paano niya ako nadala sa isla na ito nang ganun lang? At anong nangyari kay Charles? Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon. Ngunit paano? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako! Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at saktong bumukas ang pinto. Bumungad ang seryoso niyang mukha. Bihis na din siya ng puting t-shirt at maong na pantalon. “Let’s go. Hindi pa tayo nag-breakfast. Sabayan mo akong kumain ng lunch.” “Hindi ako nagugutom.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Kumain lang ako ng isang pancake kanina na hinatid din niya upang makainom ako ng pain reliver. “Hindi ako nakikiusap sa’yo. Inuutusan kitang sabayan mo akong kumain. Nasa balwarte kita kaya lahat ng gusto ko susundin mo—” “Bakit pumayag ba ako?! You don’t own me! Hindi mo puwedeng ipagawa sa akin ang lahat ng gusto mo! Dahil wala tayong relasyon at hindi mo ako pag-aari—ambisyoso ka!” singhal ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya at gumalaw ang kanyang panga. Hindi ako natatakot sa kanya at kapag sinaktan niya ako ay lalaban ako! Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang itulak niya ako sa kama at mabilis siyang pumaibabaw sa akin. Hawak niya ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking ulo. “Hindi na ako ang dating Eros, Dahlia! Malaki na ang ipinagbago ko. Kaya huwag mong uubusin ang pasensya ko! Dahil kapag ginalit mo pa ako ulit. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Nauunawaan mo?” banta niya sa akin. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Ngunit binitawan niya din ang kamay ko at umalis sa ibabaw ko. “Kung ayaw mong kumain. Eh di magutom ka.” Sambit niya bago siya muling umalis at sinara ang pinto. Mabilis akong bumangon at kinalampag ko ang pinto. “Eros! Bumalik ka dito! Pakawalan mo ako! Ano ba talagang kailangan mo sa akin! Bumalik ka dito! Halimaw ka!” patuloy na pagwawala ko pero hindi na siya bumalik pa. Napasalampak ako sa sahig. Anong gagawin ko? Paano ako makakaalis dito sa walang hiyang lalaking yun? Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. Kung patuloy ba akong magmamatigas patuloy din siyang magagalit sa akin? Ngunit hindi ko kaya…hindi ko kayang hindi magalit sa kanya! Lalo pat kamukhang-kamukha siya ng kanyang ama! Lumipas ang maghapon ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Lalo lamang sumakit ang tiyan ko at nahihilo na rin ako at nanginginig dahil sa gutom. Sinubukan kong matulog ngunit naka-idlip lang ako at nagising din dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Naubos ko na nga ang isang pitsil ng tubig dito sa ibabaw ng mesa. Lubog na ang araw nang bumukas muli ang pinto. “Sabayan mo akong mag-dinner.” Aya niya sa akin. Nanunuyot na ang lalamunan ko. Kung magmamatigas pa ako ay sarili ko lang din ang pahihirapan ko. “S-sabihin mo? May balak ka bang patayin ako?” nakayukong tanong ko sa kanya. Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakasandal lang siya sa gilid ng pinto at naka-crossed ang kamay. “Patayin? At bakit ko naman gagawin yun?” nakataas ang kilay na tanong niya. Mukha namang wala sa itsura niya ang nagsisinungaling. “Kung wala bakit kailangan mong gawin sa akin ito? Paano moa ko nahanap? Paano moa ko nakilala? At bakit ginugulo moa ko ngayon? May nagawa ba ako sayo kaya ka nagkakaganyan? May galit ka ba sa akin—” “Stop this nonsense—” “Kung wala bakit hindi mo na lang ako palayain?!” singhal ko. Nagbagsakan ang pinipigilan kong luha. “Malalaman mo rin. But for now. Itigil mo yang pagiging sensitive mo. Dahil hindi ako madadala sa pag-iyak mo. Kapag hindi mo ako sinabayan na kumain ngayong gabi. Hindi na rin kita aayain na kumain bukas.” Mabigat ang loob na tumayo ako sa kinauupuan ko. Nagbago ang expresyon ng kanyang mukha at lumapit ako sa kanya. “I’m hungry.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kuwarto. Bumaba kami sa mataas na hagdan at pagkatapos ay lumabas kami. Napakalawak ng bahay na pinagdalhan niya sa akin. Magtataka pa ba ako? Eh, isa ang pamilya nila sa pinakamayan sa aming probinsya. Paglabas namin ay dinala niya ako sa gilid ng dalampasigan. Kalmado ang dagat at hindi rin malakas ang hangin. May mesa at malaking ilaw akong nakita sa gilid ng dalampasigan at may dalang upuan. “Diyan tayo kakain?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Yes.” Nagpalinga-linga ako sa paligid at may natatanaw akong mga bangka at isang yate sa may pampang. “Kung nag-iisip kang tumakas huwag mong gagawin. Kahit wala kang nakikitang tao sa paligid dahil pinaalis ko ang mga tauhan ko kapag may ginawa ka. Magsisilabasan ang mga yun para ibalik ka dito.” wika niya sa akin. Pinaghila niya ako ng upuan at pagkatapos ay naupo na siya sa tapat ko. Tahimik kaming kumain dahil naamoy ko ang masarap na luto at gutom na gutom na talaga ako. Pinapanuod lang niya akong kumain na tila naaliw sa akin habang sumisimsim ng wine. “Okay ka na ba? Masakit pa ba ang katawan mo?” tanong niya sa akin nang matapos akong kumain. Umiling ako sa kanya dahil wala na akong nararamdaman na sakit ng katawan. “Good, mamayang gabi tabi tayong matutulog.” “Ano?! At bakit? Huwag mong sabihin may balak ka na namang gaha—” “Stop saying that! I never forced you to have s*x with me. Napilitan ako dahil inakit mo ako!” singhal niya sa akin. Hindi naman talaga siya ang nasa isip ko noong gabing yun kundi si Charles. Ngunit baka magalit siya ulit kapag binangit ko ang pangalan nito. “Kahit pa, hindi na natin yun puwedeng ulitin. Wala akong nararamdaman para sa’yo kundi galit kaya—” “Wala akong gagawin sayo. Magtatabi lang tayong matulog. Ipinapaalala ko lang sayo na papayag akong umalis ka sa isla kapag wala ka nang galit sa akin at ipapakilala mo na akong boyfriend mo.” Awang ang labi ko sa sinabi niya. “Ikaw? Boyfriend ko? Nagpapatawa ka ba? Oo, nakuha mo na ako. Pero hindi ako papayag na maging girlfriend mo!” singhal ko sa kanya. Kung hindi lang siya si Eros Monticarlos. Baka sakali pang pumayag ako dahil baka siya na ang sagot sa problema ko. Pero hindi! He’s, my enemy! “Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mong makulong dito sa isla habang buhay.” sagot niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD