DAHLIA
“Pumasok na tayo.” aya niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“Kaya kong maglakad mag-isa!” mataray na sagot ko sa kanya. Padabog ko siyang tinalikuran at pumasok ako sa loob ng malaking bahay. Umakyat ako pabalik sa aking kuwarto. Pagpasok ko ay nakasunod na siya kaagad kaya siya ng hinayaan kong magsara ng pinto.
“Kung matutulog ka dito sa sofa ka matulog. Ayaw kitang katabi—”
“Bakit naman ako matutulog sa sofa? Malawak naman ang bed.” Putol niya sa sasabihin ko. Nanlaki ang mata ko nang maghubad siya ng damit pang-itaas umisang hakbang ako at dumikit ang likod ko sa pader.
“A-Anong balak mo? Sabi mo matutulog lang tayo di-ba?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Oo, bakit? Mas gusto mo bang ulitin—”
“Shut-up! Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko kagabi. Kung hindi ako lasing hindi ako papaya na may mangyari sa atin, Eros!” singhal kong muli sa kanya.
“Alam mo? Naririndi na ako sa kakasigaw mo sa akin. Kung tutuusin kaya naman kitang angkinin muli kung gugustuhin ko. Pero hindi yun ang gagawin ko alam mo kung bakit?”
Nakangising lumapit siya sa akin. Dinampot ko ang suklay at itinutok ko sa kanya.
“Sige! Subukan mong lumapit sa akin halimaw ka!” singhal ko sa kanya.
Imbis na umatras ay aliw na aliw pa siya habang ginagalit ako. Nagawa pa niyang ayusin ang kanyang buhok at nakangising aso na tumitig sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa.
“Hihintayin ko ang araw na ikaw mismo ang magpaubaya sa akin.” Kagat labi niyang sabi nag-init ang aking pisngi at tinaasan ko siya ng kilay.
“Ako? Magpapaubaya sayo? Huh! Mangarap ka ng tirik ang mata!” Nanghahaba nguso na sabi ko sa kanya.
“I just remember, mata mo ang tumirik kagabi. Ipapaalala ko lang.” nakangising sabi niya bago niya ako tinalikuran.
“I-I hate you! I hate you Eros!” gigil na sigaw ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng banyo at lumingon siya sa akin.
“You can hate me for now and want me later.” pahabol pa niya bago siya pumasok sa kuwarto. Binato ko ang hawak kong suklay ngunit tumama lang ito sa pinto.
Kung gaano siya nakakatakot kapag nagagalit, nakakatakot din siya kapag tumatawa na parang demonyo. Kung puwede nga lang bumuka ang lupa magpapakain na ako. Kaysa patuloy niyang ipamukha sa akin kung paano niya ako pina-ungkol kagabi!
“Hindi ka pa matutulog?” mahinahon niyang tanong nandito kasi ako sa veranda upang magpahangin baka kasi sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kanya ay atakihin ako ng high blood.
“Wala kang paki-alam.” Nai-iritang sagot ko sa kanya.
“Okay, goodnight.” sambit niya. Hindi ko na siya nilingon pa. Maya-maya pa ay pumasok na rin ako. Nadatnan ko siyang natutulog na sa kama. Naka-awang pa ang kanyang labi. Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang aking mga mata sa nakalantad niyang dibdib pababa sa kanyang pandesal. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Gusto kong kaltukan ang sarili dahil nagawa ko pa siyang titigan. Eh ano naman ngayon kung maganda ang katawan niya? Eh ano naman ngayon kung bagong ahit siya? Mas guwapo naman sa kanya si Charles! Blue eyes pa! Palaisipan pa rin sa akin kung paano ako napunta kay Eros noong gabing yun at wala akong balak na itanong yun sa kanya!
Naupo ako sa sofa at sumandal ako. Maya-maya pa ay humihikab na ako kaya ipinatong ko na rin ang mga paa ko hangang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Napadilat ako at seryosong mukha ni Eros ang bumungad sa akin. Bago pa ako makapag-reklamo naibaba na niya ako sa kama.
“Sa susunod na sofa ka ulit matulog. Hindi na kita patutulugin. Naintindihan mo?” wika niya. Pagkatapos ay umusod ako sa kabilang dulo. Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Kaya naglagay ako ng unan ngunit tinangal niya yun sa halip ay hinila niya ang beywang ko at niyakap niya ako.
“Eros! Ano ba! Bitawan mo nga ako!”
Mas lalo niya akong hinapit sa kanyang katawan at niyakap pa niya ako ng kanyang matigas na braso.
“Please, stay like this.” sambit niya. Napatigil ako sa pagkakawag dahil hindi ko rin naman kayang makawala sa mahigpit niyang pagkakayakap.
“K-kahit anong gawin mo…hindi kita magugustuhan…Eros.”
“I’m tired, bukas na tayo mag-away.” sagot niya sa akin. Kahit ako ay napapagod na rin at sumasakit ang lalamunan sa kakasigaw sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang matulog na din. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin hangang sa tuluyan na kaming nakatulog.
Nang magising ako kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at sumilip sa veranda. Nakita ko siyang kaka-ahon lang sa dagat. Umakyat siya sa hagdan at lumapit sa table na may pagkain. Saka ko pa lamang napansin ang babaeng naglalagay ng iba pang pagkain sa table.
“Gising na ba siya?” narinig kong tanong niya. Nagtago ako sa kurtina.
“Hindi pa po Sir. Gigisingin ko na po ba?” tanong ng babae sa kanya.
“Huwag na, ako na lamang ang aakyat—”
Napunta sa itaas ang mga mata niya na ikinagulat ko kaya bigla akong napatago sa kurtina.
“Bumaba ka na dito sabayan mo akong magbreakfast.” Tawag niya sa akin. Umalis ako sa pinagtataguan ko at masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Malakas talaga ang pang-amoy ng halimaw na yun!
Kung i-discourage ko kaya siya? Para magbago ang isip niya na gawin akong girlfriend? Kailangan ko nang makabalik sa suidad baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko! Mukhang wala pa naman signal sa lugar na ito!
May naisip akong paraan. Bumaba ako nang magulo pa ang buhok ko. Sinadya ko talaga nang sa ganun ay magbago ang isip niya at mawalan siya ng gana na kausapin ako!
Pagkababa ko ay naupo ako sa harapan niya. Naka-suot na siya ng bath robe.
“May damit ka naman sa cabinet. Bakit yan parin ang suot mo?” kunot noo na tanong niya sa akin.
“Wala kang pake. Inirapan ko siya at inisang dampot ang sandwich sa plato at sinamuol ko sa bibig ko.
“Kung makasubo ka parang pinagod kita kagabi ah?”
Nang dahil sa sinabi niya ay nasamid ako. Napatingin kasi sa akin ang babaeng naglalagay ng kape sa ibabaw ng mesa.
Pinandilatan ko siya ng mata ngunit naiiling na ngumisi lang siya sa akin. Mabuti na lamang at nailuwa ko ang sinubo kong sandwich. Kung hindi baka natepok na ako dahil sa kanyang mukhang walang paki-alam kahit naluluha na ako sa pag-ubo.
Nang umalis ang babae ay binato ko siya ng isang pirasong grapes.
“Nanadya ka ba talaga, Eros?”
Bumalik ang tingin niya sa akin at humigop ng kape.
“Bakit ka naman mahihiya? May nangyari na naman sa atin. Saka isa pa. Ano pa bang iisipin ng ibang tao? Alam nilang lahat na sa iisang kuwarto tayo natutulog—”
“Sinong lahat?!” pasigaw kong tanong sa kanya.
May pinindot siyang maliit na remote at maya-maya pa ay narinig ko na ang mga bangkang de motor. Jet-ski at nagsulputan ang mga lalaki na parang kabute sa iba’t-ibang dereksyon at may nakasukbit na baril sa tagiliran.
Inilapit niya sa bibig niya ang maliit na remote.
“Siguraduhin niyong hindi siya tatakas sa isla.” Usal niya sabay tingin sa akin.
“Yes, boss!”
Gulat ko sa sagot nila na dinig ko din mula sa maliit na gadget na hawak niya.
“See? Isang hakbang mo pa lamang palayo sa isla na hindi ako kasama ay hindi mo na magagawa. Kaya ngayon pa lamang sumuko ka na Dahlia.”
Napatayo ako sa upuan ko at inilibot ko ang aking paningin.
“Baliw ka na…dapat sayo wala sa isla kundi nasa mental! Manigas ka Eros!”
Nagmamadali ko siyang tinalikuran at naiiyak na bumalik ako sa loob ng mansion. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Naupo ako sa gilid ng kama at isinubsob ko ang aking mukha sa aking tuhod.
Habang pinagpipilitan niya na patawarin ko siya. Lalo akong nagagalit sa aking sarili. May paninindigan akong tao. Ngunit pagdating sa kanya pakiramdam ko ang bilis kong sumuko at magpadala na lamang sa agos. Ngunit hanga’t kaya ko siyang tangihan ay gagawin ko! Dahil yun ang pinangako ko sa harap ng libingan ni Itay. Kahit kailan hindi ko sila patatawarin! Pati na rin si Eros!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang paisa-isang hakbang niya patungo sa akin ngunit hindi ako nag-angat ng tingin.
“Hija…”
Natigilana ko nang ibang boses ang narinig ko. Sa tingin ko yung matandang babae kanina ang pumasok sa kuwarto.
“Sabi ni Sir Eros, bumaba ka na daw. Kapag hindi ka daw bumaba siya ang aakyat—”
“Pakisabi po sa halimaw na yun wala akong paki-alam sa kanya.” Matapang na sagot ko.
“Hija, baka lalo lang magalit si Sir Eros sa’yo.” Paalala niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“K-kahit saktan pa niya ako…hinding-hindi niya ako mapapasunod sa lahat ng gusto niya.” Pahayag ko. Bumuntong hininga siya ngunit tumayo din at iniwan ako.