Chapter 3

1246 Words
DALHIA Namumungay at ina-antok pa ang mga mata ko nang dumilat ako. Maliwanag na siwang sa nililipad na itim na kurtina ang bumungad sa akin. Nakaramdam ako ng lamig kaya hinila ko ang makapal na kumot upang itakip sa hubad kong katawan. Ngunit nang gumalaw ako ay napangiwi ako dahil pakiramdam ko namamaga ang perlas ko at parang mapupunit ang mga nerves ng katawan ko sa tuwing umuunat ako. Napatigil ako at inalala ang mga nangyari kagabi. Napahawak ako sa aking ulo na ngayon ay masakit na rin. Anong nangyari sa akin kagabi? Inilibot ko ang aking paningin at nasa ibang kuwarto na pala ako kaya napalikwas ako ng bangon upang hanapin ang mga damit at gamit ko. Ngunit wala akong makita kahit isang piraso ng damit ko! Jusko! Nasaan ako?! Pinilit kong bumangon at ibinaba ko ang paa ko sa sahig at nagulat ako nang bumukas ang pinto. Pareho kaming natigalgal sa isa’t-isa dahil hindi ko siya nakikilala. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Pamilyar sa akin ang kanyang mukha pero hindi ko talaga siya kilala. Nakasuot siya ng bath robe at may dalang tray ng pagkain at isang baso ng tubig. “Gising ka na pala.” His baritone voice lingers in my ears. Parang narinig ko na ito ngunit maski yun ay hindi ko maalala. Ang pagkakaalam ko si Charles ang kasama ko kagabi at ang bumiyak sa akin ngunit bakit—” “W-who the hell are you? Nasaan si Charles?” tanong ko sa kanya nang maalala ko si Charles. Pumasok siya sa loob ng kuwarto at ni-locked niya ang pinto. Kinabahan ako sa ginawa niya kaya mahigpit akong napahawak sa kumot na nakatakip sa aking katawan at nagmamasid din ako sa paligid kung anong puwede kong magamit kapag may ginawa siya sa aking masama. “Si Charles? Yung lalaking kasama mo kagabi? Do you expect na siya ang pumitas ng bulaklak mo? Walang ibang gagawa noon kundi ako lang Dahlia. And from now on your mine.” Nalaglag ang panga ko sa pagtatapat niya sa akin. “What? Ikaw ang gumalaw sa akin kagabi? At ikaw rin ang nagdala sa akin dito?” ulit ko sa sinabi niya. Lumapit siya sa akin kaya napaliyad ako. Dahil isang dangkal na lamang ang layo ng mukha naming dalawa. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ako ang lang at walang iba, Dahlia. Every inch of you is all mine.” Bumaba ang tingin niya sa aking labi at ibinaling ko ang aking mukha upang iwasan ang tangka niyang paghalik sa akin. “At sino ka naman para angkinin ako? Ni hindi nga kita kila—” “Ang bilis mo naman akong nakalimutan. Twenty years lang ang nakalipas pero hindi mo na ako maalala? Ganun ba katindi ang galit mo sa akin?” nakangising tanong niya sa akin. Kinilabutan ako sa pangiti niya. Pilit kong inalala ang kanyang mukha hangang sa— “Ikaw?” hindi makapaniwalang tanong ko nang maalala ko siya ng tuluyan. “Wala nang iba, kaya huwag mo nang bangitin ang pangalan ng lalaking yun sa harapan ko or else baka hindi kita palakarin ng isang lingo.” “Walang hiya ka!” Napatayo siya at mabilis ko siyang sinugod at pinaghahampas sa dibdib. “Walang hiya ka! Akong ginawa mo sa akin!?” igting ang panga na singhal ko sa kanya. “You raped me!” patuloy na sigaw ko sabay hampas ng malakas sa kanya ngunit mabilis niyang nahawakan ang magkabilang kamay ko. Kaya tuluyang nalaglag ang kumot sa katawan ko at tumambad sa kanya ang hubad kong katawan. Nakita ko ang paglunok niya at kinagat niya ang ibabang labi kaya namula ito. “Rape? Sarap na sarap ka kagabi tapos kakasuhan mo ako ng rape? I have evidence at sinend ko pa yun sa phone mo para may copy ka.” nakangising sabi niya sa akin. Malakas ko siyang sinampal sa pisngi at napabaling ang kanyang mukha. “Nasaan ang damit ko? Nasaan ang mga gamit ko? Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari kagabi dahil lasing lang ako. At ayaw na kitang makita pa, dahil sagad sa buto ko ang galit ko para sayo!” Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Nakita na rin naman niya ang lahat sa akin kaya para saan pa na itago ko ang aking katawan. Kaagad kong hinila ang nakasabit na bath robe at nagmadali akong sinuot ito. Ngunit bubuksan ko pa lamang ang pinto ay hinila na niya ang braso ko at napangiwi ako nang humampas ang likod ko sa pader dahil sa malakas niyang pagsandal sa akin. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kanina? You’re mine, Dahlia! Lahat ng ito ay akin pati ang kaluluwa mo ay akin din! At hindi ka puwedeng umalis sa islang ito hanga’t hindi ko sinasabi at hindi mo ako nagugustuhan naiintindihan mo?!” Singhal niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa batok ko at tinangal ko ito. “Magustuhan? Ang kapal ng mukha mo! Kahit ikaw na lamang ang natitirang lalaki sa mundo hinding-hindi kita papatulan! You’re a murderer! Like your father! Nakalimutan mo na ba kung paano pinatay ng yung papa ang itay ko?! Nakalimutan mo na ba kung paano niya ito lagutan ng hininga?!” “That’s an accident! Hindi sinadya ni papa ang nangyari kay Tito Rudy! At anong kinalaman ko doon? Hindi ako ang bumaril sa kanya kundi si Dad pero bakit pati sa akin galit ka?” Nag-init ang sulok ng aking mga mata nang maalala ang nangyari. Twenty years na rin ang nakalipas ngunit sariwa pa sa isip ko ang pagkamatay ni Itay na pilit kong kinalimutan dahil yun ang pinakamasakit na alaala ko noong kabataan ko. Pagkatapos mamatay ni Itay sa kamay ng kanyang papa ay pinili naming umalis sa hacienda nila ni Inay upang magpakalayo-layo dahil sa pagbabanta ng kanyang angkan. Nang dahil sa tsismiss na may relasyon si inay kay Sir Faustino na kanyang ama nag-away sila ni Itay at kitang-kita ko kung paano niya ito binaril. Doon nagsimula ang galit ko sa kanilang pamilya. Ngunit bago mangyari yun ay matalik kaming magkaibigan ni Eros. Kaya ngayon na nakita ko siyang muli ay bumangon ang galit na matagal ko nang inilibing sa loob ng puso ko. “Sinadya man niya o hindi. Siya pa rin ang pumatay sa tatay ko. Kayong buong pamilya ang nagpahirap sa amin. Kaya hinding-hindi kita mapapatawad. Kayong mga Monticarlos. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!” may paninindigan kong sigaw sa kanya. Malakas ko siyang itinulak at binuksan kong muli ang pinto ngunit muli din niya akong hinila. At napasigaw ako nang parang papel niya akong hinagis sa malambot na kama. “Puwes hinding-hindi ka aalis sa isla na ito hanga’t hindi mo ako napapatawad. Kaya ngayon pa lamang ayusin mo na ang utak mo dahil hindi kita paalisin dito. Kahit magtangka ka pang tumakas ay hindi mo magagawa nang hindi ko nalalaman. Alam mo ang pinagmulan kong angkan dahlia. Alam mo ang kaya kong gawin. Kaya ngayon pa lamang binabalaan na kita. Sundin mo lahat ng utos ko at magkakasundo tayong dalawa.” Seryosong sambit niya. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako. Naiwan akong nagbabagsakan ang luha. Ni sa hinagad hindi ko inakalang ganito ang hahantungan ng lahat. Ang pagkakaibigan naming dalawa ay nabaon sa galit. At kahit kailan hindi ko siya mapapatawad. Silang lahat na umapi sa aking pamilya at ang pamilyang pumatay sa aking ama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD