Chapter 2

1348 Words
DAHLIA Kanina pa ako paikot-ikot na parang lumpia dito sa ibabaw ng kama ko ngunit hindi ko pa rin alam kung saan ako maghahanap ng the one! Eh kung sagutin ko na lamang kaya yung nakilala ko sa dating sites? Tapos pauwiin ko dito sa Philippines? Blue eyes pa naman yun at sobrang guwapo! Kaya lang baka ka-kailanganin ko ng dictionary hindi pa naman ako ganun ka-fluent mag-english. Bakit naman yung iba kinaya nila? Maloloka na talaga ako sa pag-iisip. Napasilip ako sa phone ko at nakita kong nagvi-video call na naman sa GC ang mga besties ko. Wala ba silang ginagawa sa kanila? Sinagot ko ang video call. Nakaka-inggit na eksena na naman ang bumungad sa akin. Si Lanie katabi niya si George na tulog pa din. Si Trish naman katabing kumakain ng breakfast si Leo na asawa niya. At si Flora buhat niya ang anak nila ni Flin na nagluluto ng pancake at naka-topless pa. “Nanadya kayo ano?” may inis kong tanong sa kanila. Ako ito lang naman, natutulog ng mag-isa at gumisiging mag-isa yakap si motmot ang baboy kong stuffed toy. “Ngayon mo na ipakilala sa amin ang jowa mo.” wika ni Trish na ako na naman ang napansin. “Oo nga! Antagal pa ng birthday mo excited na kami!” nakangising sabi ni Flora. “Naku, ayusin mo Dahlia. Kapag niloloko mo lang kami lagot ka sa amin. Sisipain ka namin sa GC natin.” Nagtawanan ang tatlong babaeng walang ibang bukambibig kundi ang pagkakaroon ko ng jowa. “I need to go, may usapan nga pala kami ngayon ng boyfriend ko. Mamaya na lang okay? Enjoy muna kayong tatlo diyan. Babye!” Kaagad kong pinatay ang video call at napilitan akong tumayo. Operation hanap jojowain ang goal ko ngayong araw kaya need ko mag-shopping ng mga damit. May naisip na akong paraan kung saan ako makakahanap ng jowa! Kaagad akong nagpunta sa mall upang bumili ng sexy black dress. Nagpa-ayos din ako ng buhok ko at nagpabago ng manicure at pedicure. Pagkatapos ay kumain ako sa restaurant bago ako umuwi sa condo. Nagbabad ako sa bath tub na may mabangong scented oil at bubbles habang nagse-search ng exclusive club na para lang sa mga mayayaman. At nang makakita ako ng Magandang club ay nagbanlaw na ako. After an hour ready na akong umalis sa condo. Bitbit ang purse at susi ng aking kotse ay bumaba na ako. After fifteen minutes narating ko din ang Moonlight club sa rooftop ng isang high class hotel. Sa pagkaka-alam ko iisa lang ang may-ari ng hotel at ng club. For sure mayayaman lang ang kayang magpunta dito. Kaya mayaman? Check! Ang hahanapin ko na lang ay guwapo, mabango at mestizo. Kaya ko bang lumandi? Sinuyod ko ang tingin ko sa aking sarili dahil sa reflection ko sa malaking elevator. Maganda, sexy at mayaman naman ako kaya bahala na! Pagbukas pa lamang ng elevator sa rooftop dinig ko na ang malakas na tugtog. Malawak ang place, occupied niya ang buong rooftop. Bukod doon maaga pa ako nakarating kaya kakaunti pa lamang ang tao. Hinila ko pababa ang skirt ko dahil umaangat na ito sa aking hita. First time kong nagsuot ng ganito ka-sexy at nagawa ko pang mag crop top. Kaya medyo naiilang ako. Ngunit hindi ako puwedeng magpahalata. Kailangan kong maging confident ano man ang suot ko dahil hindi na ako ang dating si Dalyang mahinhin at palaging binubully dahil sa pagkamahiyain. Ako na ngayon si Dahlia, ang babaeng kailangang lumandi para magkajowa! Shit! Hindi nga ako nagkamali ng pinuntahan. Kung sa kaguwapuhan lang ay umuulan ng guwapo sa loob ng club! Akala siguro ng mga besties ko hindi ko kayang gawin ang bagay na ito! Puwes! Papatunayan ko sa kanila na kaya kong lumandi at magkajowa! “Hi.” Napatingin ako sa lalaking unang bumati sa akin. May dala siyang isang bote ng alak at ngumiti din ako sa kanya. Ayoko sa may balbas! Nagpatuloy ako sa pagpasok sa club at may iilan na ding ini-enjoy ang music sa gitna ng dance floor. Hindi ito ang unang beses na magpunta ako sa club dahil noong dalaga pa kami ng mga kaibigan ko ay nagpupunta na kami dito. Ngunit ladies drink lang ang kaya kong inumin dahil ayokong magaya sa kanila na kapag lasing na ay tumatawag na ng uwak at nawawala na ng poise. Ngayon kasi na may asawa na silang tatlo. Madalang na lang kaming lumabas na magkakasama lalo na noong nanganak si Flora. Kaya minsan kung magkakasama man kami kakain lang kami sa labas or isa sa tatlo ang meet up naming apat. Naging abala din kasi ako sa business ko. Kaya madalas din akong hindi nakakasama sa kanila. Naupo ako sa bartender counter at umorder ako ng ladie’s drink. Maya-maya pa ay may tumabi na sa akin na lalaki. “Alone?” tanong niya sabay ngiti. Muntik nang malaglag ang t-back ko sa ganda ng smile niya. Pwede siyang maging modelo ng toothpaste. Malapad ang balikat at nanununtok ang biceps! Mayaman, pogi at mabango? Check! “Yes, I’m alone.” Nakangiting sagot ko. “Here’s your order Miss.” Wika ng bartender sabay abot sa akin ng lady marmalade drinks. Kaagad ko itong sinipsip. “I’m Charles, and you are?” “Dahlia, nice meeting you.” Nakangiting pakilala ko sa kanya. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan pa niya ito na parang gentleman. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi ko na pala kailangan na lumandi dahil meron na agad nakakuha ng atensyon ko. “Single?” Tumango ako sa kanya at sumimsim ulit ng alak. “Good, but…how can you still be single? Sa ganda mong yan?” “Wala sa ganda yan. Actually, no boyfriend since birth—” “Really? Ang swerte ko pala kung ako ang magiging una sa buhay mo.” Nakangiting sabi niya. Nang maubos ko ang inorder kong drinks ay hinayaan ko siyang mag-order ng alak para sa akin. Sabi niya maliit lang daw ang alcohol content at kakayanin ko pa daw umuwi. Napasarap kami ng kuwentuhan hangang nauwi sa tawanan. He’s cool…at may humor din siya kausap. Nag-enjoy ako sa paninitig niya sa akin—este! Sa paninitig ko sa guwapo niyang mukha. “Let’s dance.” Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako. Nasa Sistema ko na din ang alak na ininom ko kaya medyo may lakas na ako ng loob na magpahila sa kanya sa dance floor. Yumakap ako sa kanyang leeg at yumakap naman siya sa aking beywang. Gumiling ako sa harapan niya na akala mo’y sanay na sanay sumayaw. “Yeah baby…that’s my girl…” nakangiting sabi niya sa akin. Kaya lalo pa akong ginanahan na sumayaw. Pinaikot pa niya ako at muling hinapit ang aking beywang. We had so much fun! Uminom kami at sumayaw hangang sa hindi ko na namalayan na lasing na lasing na pala ako. “Ihahatid na kita.” Bulong niya sa tenga ko. “I-I want more!” malakas na sagot ko sa kanya. Kinabig niya ang likod ko at parang umiikot na ang paningin ko. Pero parang gusto ko pa! “You want more? Malapit lang dito ang condo ko. Maraming drinks doon. You want doon muna tayo mag-stay? Ihahatid na lamang kita pauwi.” Alok niya sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil wala na ako sa aking sarili. Tumango na lamang ako sa kanya. Namalayan ko na lamang akay na niya ako palabas ng club. Nakasubsob ako sa kanyang dibdib habang naka-alalay naman ang kanyang kamay sa likuran ko. “I-I want to dan-ce more…” sambit ko. Inangat niya ang baba ko. “Yes baby, magdamag tayong magsasayaw sa condo ko hangang mapagod ka.” Narinig kong sagot niya dahil nakapikit na ako. Nahihilo na ako at wala na akong control sa sarili kong katawan. Hangang sa naramdaman ko na lamang ang pag-upo niya sa akin sa loob ng kotse. At narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto. Napasarap ako ng sandal hangang sa tuluyan na akong nakatulog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD