Chapter 7

1231 Words
DAHLIA Bathrobe lang ang suot ko nang lumabas ako sa banyo. Nadatnan ko ang hinanda niyang damit sa ibabaw ng kama. Nang lapitan ko ito at tignan napakunot ang noo ko. Dahil imbis na damit pambabae. White long sleeve at isang boxer short ang napatong dito. Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Maski siya ay bihis na din ng puting t-shirt at itim na jogging pants. Nadatnan pa niya akong binubusisi ang itim na boxer short sa kamay ko. “Malinis yan, yan muna pansamantala ang suotin mo.” wika niya sa akin. “Pero—paano naman ang panloob ko?” tanong ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsuyod niya ng tingin mula sa paa ko pa-akyat sa aking katawan. Pakiramdam ko tagusan siya kung tumingin sa akin. “You mean…underwear? Wala naman ibang makakita niyan kundi ako. At isa pa—nakita ko na naman yan kaya huwag ka nang mag-alala pa. Lumabas ka na lang pagkatapos mong magbihis naghanda ako ng dinner.” Awang ang labi kong napatingin sa kanya. Hindi ko magawang magalit dahil totoo naman na wala na akong dapat na itago pa sa kanya. At patuloy pa rin niya pa rin na ipinapa-mukha sa akin na nakuha na niya ako ng ganun lang. I don’t have choice kundi maging sunod-sunuran sa kanya dito sa isla. Hangang sa makalaya ako sa kanya. Hindi ko alam kung hahantong ang ginagawa kong ito ngunit inihanda ko na rin ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang kabuohan ko sa harapan ng salamin. Nagkasya naman sa akin ang long-sleeve polo niya at pati na rin ang boxer short niya ngunit hindi ako comfortable dahil sa exposed kong hita. Pakiramdam ko may mali sa suot ko. Sandali ko lang sinuklay ang buhok ko pagkatapos ay lumabas na ako. Humanga ako sa ganda ng loob ng yate niya. Paglabas ko sa cabin ay nadatnan ko siyang nakatingin sa dagat. Itulak ko kaya ito nang makaganti ako?! Nahimasmasan ako sa masama kong balak nang bigla siyang lumingon. Kagaya kanina sinuyod niya ulit ako ng kanyang tingin. Lumapit siya sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay. “Let’s eat.” may ngiti sa labi niyang sambit. Hindi na siya nagsusungit. Ibig sabihin kapag sinusunod ko siya hindi siya nagiging halimaw! Nakakapa ko na ang pag-uugali niya! Saka ko pa lamang napansin ang hinanda niyang pagkain sa dinning set up. May isang bote ng red wine sa bucket na puno ng ice. May pasta at steak pa may mga slices din ng fruits. “Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?” tanong ko sa kanya. Inalalayan niya akong maupo sa malambot na chair. “Of course. Your special that’s why I did this for you.” nakangiting sambit niya. Nakaramdam ako ng gutom dahil naamoy ko din ang masarap na aroma ng niluto niya. Kinuha niya ang plato ko at hiniwa niya ng bite size ang karne pagkatapos ay ibinalik niya ulit ito sa harapan ko. “Thank you.” turan ko sa kanya. Habang kumakain kami panaka-naka din ang sulyap niya sa akin kaya naiilang ako. “Bakit? May dumi baa ko sa mukha?” usisa ko sa kanya dahil hindi ko na matiis na tanungin siya. Dinampot niya ang baso ng wine at sumimsim siya ng redwine pagkalapat niya sa mesa ay muli siyang tumingin sa akin. “Mas maganda ka pala sa malapitan. Lalo na kapag wala kang makapal na make-up. Hindi mo ba itatanong sa akin kung paanong ako ang nakasama mo noong gabing yun at hindi yung Charles na yun?” Suminghap ako at ibinaba ko ang tinidor na hawak ko. “Sige sabihin mo…makikinig ako.” Seryosong sagot ko sa kanya. “I found you, two years ago…nang magsimula akong hawakan ang business namin ipinahanap kita. Ilang taon din ang ginugol ko para mahanap ka. I was desperate to find you. Simula nang mangyari ang trahedyang yun at magka-isip ako. Ipinangako ko sa sarili kong hahanapin kitang muli. Kung kailangan kong humingi ng tawad sa pagkamatay ni Tatay Ador. Handa kong gawin, mapatawad mo lamang ako, Dahlia. Nang mahanap kitang muli bawat kilos mo ay inalam ko. Wala akong lakas ng loob na humarap sayo. Kaya noong magkaroon ng pagkakataon na muntik ka nang tangayin ng lalaking yun. Hindi na ako nagdalawang isip pang utusin ang mga tauhan kong kunin ka sa kanila at dalhin ka sa hotel ko. Ngunit dahil sa takot…na umalis kang muli ay nagdesisyon akong dalhin ka dito sa isla pagkatapos ng nangyari sa ating dalawa.” pagtatapat niya sa akin. Napakuyom ako sa aking kamao na nakapatong sa aking hita. Hindi ko inasahan namatagal na pala niyang alam kung saan ako nakatira. “W-Why? Bakit? Bakit hinanap mo pa rin ako?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi may mas malalim pa siyang dahilan kaya ipinahanap niya ako at dinala sa islang ito. “I want you…” Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya. “Hindi ko ma-intindihan puwede bang derecho—” “I want you in life. I want you to be my wife” Putol niya sa sasabihin ko. Napigil ko ang aking paghinga nang sabihin niya yun. Ibig sabihin hindi talaga siya nagbibiro kung kanina lang gusto niya akong maging boyfriend ko siya. Ngayon ay nagbago na, ang gusto na niya ay maging asawa. “That’s ridiculous, alam mo ang trahedya nangyari sa ating pamilya ngunit gusto mo pa rin akong maging asawa mo? Eros, nagbabago ang lahat…mga bata pa tayo noon nang maglaro tayo ng kasal-kasalan sa hacienda. Tapos ngayon gusto mong totohanin natin yun?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at tumayo mula sa upuan. Nagpunta siya sa railing ng yate at pinagmasdan ang malawak na dagat. “Sa maniwala ka at hindi. Yun lang ang pangarap ko para sa aking sarili.” Nilingon niya ako at may pagsuyo niya akong tinignan. “Dahlia…let’s make it right this time. Please…just give me a chance.” sambit niya. Hindi ko mahanap sa ang dapat kong isagot sa kanya. Ang plano ko lang naman ay sakyan siya nang sa ganun ay ibalik niya ako sa suidad. Ngunit bakit pakiramdam ko tunay ang lahat ng mga sinabi niya? Pakiramdam ko totoo siya sa nararamdaman niya sa akin. At natatakot rin ako dahil parang naniniwala na ako sa mga sinasabi niya. Ngunit mababago ba nito ang katotohanan? Tumayo ako at humarap sa kanya. Naghinang ang aming mga mata. Parang kapwa kami nangungusap sa isa’t-isa. “Eros—” Tinawid niya ang layo ng pagitan naming dalawa at nagulat ako nang hapitin niya ang aking beywang. Napahawak ako sa kanyang dibdib. “Please…I’m begging you…” mahinang sambit niya. Nahihirapan na rin akong magdesisyon pa. Yumuko ako ngunit inangat niya ang aking baba habang ang isa niyang kamay ay nakapaikot pa rin sa likuran ko. Nagtama ang mata naming dalawa. “I promise to take care of you…” sambit niyang muli habang hindi hiniwalay ang tingin sa akin. Para akong nahi-hypnotize sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Napapikit ako nang hawakan niya ang aking pisngi. “I can’t take it anymore, Dahlia…” narinig kong bulong niya sa akin. Mapungay ang matang dumilat ako at napatingin ako sa naka-awang niyang labi. “Can I kiss you?” Sasagot pa lamang ako ngunit mabilis na niyang binihag ang aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD