DALHIA Hindi ko alam kung anong hangin ang dumampi sa katawan ko nang magtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa marahas at may pananabik niyang halik. Ginalugad niya ang aking bibig at sinipsip ang aking dila. Parang kuryenteng unti-unting gumapang sa bawat himay-may ng aking katawan ang kilabot na dulot ng ginagawa niya. Kilabot na kumikiliti sa aking kaibuturan na parang gusto ko na ring abutin na hindi ko maipaliwanag. Namalayan ko na lamang na-ihiga na niya ako sa malambot na sofa nang hindi naghihiwalay ang aming labi. Hindi ko alam kung kailan pa ako natutong humalik ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sariling parang gutom at nakikipag-espadahan sa kanyang dila na nasa loob ng bibig ko. Nagsimulang gumapang at pumisil ang malaki niyang kamay sa aking hita. Habang nasa