J-21
NAALIMPUNGATAN si Jenny nang maramdaman niyang parang umaangat siya sa ere. Mariin niyang na-ipikit ang kanyang mga mata at dahan-dahan na dumilat. It was Cole, carrying her. Ibinaba siya nito sa kanyang kama.
"C-cole..."
"Don Miguel is fine. Nagising siya kanina at muling nakatulog."
"Gusto ko siyang makita." Umiling ito.
"Hindi sa ganitong ayos Jenny. Ayaw niyang makita kang ganito. You need to eat Jenny. Hindi makakabuti sa iyo ang ganito."
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Kaya ko ang sarili ko," aniya.
"Padadalhan kita ng pagkain. Please eat it."
She just nod at him. Lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inayos ang kanyang buhok na nagulo.
"Señorita?" Ang kanyang Yaya Lupe.
"Tuloy po," sagot niya.
"Kumain ka muna señorita, kanina pa kayo walang kinakain e." Tipid siyang ngumiti dito.
"Dinalhan din kita ng vitamins saka salabat. Alam ko kasing masakit na iyang lalamunan mo dahil sa kaka-iyak."
"Ang Lolo Miguel? Nagising daw po siya kanina. Kumain na ho ba?"
"Oo, huwag kang mag-alala, malakas si Don Miguel, kakayanin niya pa."
Hindi siya kumibo.
"Salamat po dito."
Lumabas na ito sa kanyang kuwarto. Huminga siya ng malalim at nagsimula nang kumain. Kailangan niyang alagaan ang sarili niya. Ayaw ng kanyang Lolo Miguel na makita siyang mahina kaya kailangan maging malakas siya para dito. Kailangan sulitin niya ang mga bawat araw na kasama niya pa ito dahil ayaw niyang magsisi sa bandang huli.
NANG matapos siya sa pagkain ay siya na rin ang nagbaba ng kanyang pinagkainan para ihatid sa kusina. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kuwarto ng kanyang Lolo Miguel. Natutulog na nga ito. Nang bumaling siya sa sofa ay nakita niyang nakatulog na rin si Cole dahil sa pagbabantay.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kabinet at kumuha ng kumot. Lumapit siya kay Cole at kinumutan ito pagkatapos ay lumapit siya sa kanyang Lolo Miguel para hagkan ang noo nito.
"You're everything I had Lolo Miguel and I am going to make sure that you'll be happy until your last breath."
Agad naman niyang pinahiran ang mga luhang akmang tutulo sa kanyang mga pisngi. Nang masiguro niyang maayos at mahimbing na ang mga tulog nito'y lumabas din naman siya agad ng kuwarto.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising. Diretso agad siya sa kuwarto ng kanyang Lolo Miguel ngunit wala ito doon. Agad siyang nataranta at hinanap ito.
"Lolo Miguel?" sambit niya nang makita ang ito sa beranda, nagkakape, kasama si Cole.
Tumayo si Cole at nilapitan siya.
"Hindi niya alam na sinabi ko sa iyo Jenny. Please, act like you don't know anything," bulong sa kanya ni Cole.
Napalunok siya at agad na pinakalma ang kanyang sarili kahit na ang totoo'y gusto niya nang umiyak at yakapin ng husto ang kanyang Lolo Miguel.
"O-okay," sagot niya.
"Apo, come and join us," masiglang wika ng kanyang Lolo Miguel sa kanya.
She wanted to break down but she couldn't do that. Nanghina ang kanyang mga tuhod at muntik na siyang mabuwal. Mabuting na lamang at maagap si Cole sa kanyang tabi. Inalalayan siya nito hanggang sa maupo siya sa tabi ng kanyang Lolo Miguel.
"I'm so happy you finally made up your mind Jenny," ani Don Miguel. Napalunok siya.
"Y-yes Lolo," aniya at muntik na siyang pumiyok.
Lihim niyang nakuyom ang kanyang mga kamao. Hirap na hirap siyang magpanggap na maayo sa harapan nito.
"Actually Don Miguel, sa kapilya gaganapin ang kasal naming dalawa ni Jenny. Nakausap ko na rin si Hilda para sa paghahanda ng kasal namin," paliwanag ni Cole at sinulyapan siya.
"Good to hear that. Anyway apo, pasensiya ka na at nahimatay ako kahapon. Napagod lang siguro ako ng husto."
Sa paglunok niya'y pakiramdam niya'y may nakabara sa kanyang lalamunan.
"Nag-aalala ako ng husto sa inyo Lolo Miguel, but Cole said you're totally..." mapait siyang ngumiti. "...fine," tuloy niya.
"I hope both of you will understand each other," nakangiti nitong ani.
Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit. Agad na nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha.
"I'll go ahead Lolo Miguel," aniya nang walang lingon-lingon.
Nang makatatlong dipa na siya'y doon na siya naiyak ng husto.
"I want the wedding to be set as soon as possible Cole. My time is running out and I don't know if I can make it longer. Baka sa susunod na araw ay hindi na ako magising. Please, make my dream come true," narinig niyang wika ng kanyang Lolo Miguel.
Natakpan niya ang kanyang bibig dahil pilit na kumakawala ang malakas niyang paghikbi. Diretso siya agad sa kusina at uminom ng tubig. Nakita siya ni Manang Lupe sa ganoon ayos ngunit hinayaan lamang siya nito. Alam niyang labis siyang naintindihan ni Manang Lupe, maging ang iba pang mga kasambahay nila.
Umiyak siya nang umiyak hanggang sa wala na siyang mai-luha pa. Sobrang sakit na makitang nagkukunwaring maayos ang kanyang Lolo Miguel.
Napatigil siya nang makarinig ng mga yabag at patungo ito sa kusina. Agad siyang nagtago sa pantry at doon muling nilunod ang kanyang sarili sa ka-iiyak.
Suminghot siya at kinuha ang cell phone sa kanyang bulsa. She dialed Gabby's number, her tutor. Ilang ring kang ay agad din namang may sumagot sa kabilang linya.
"Ms. Jenny, good morning! I'm on my way now. Do you need anything? Perhaps, some textbooks?"
She cleared her throat.
"Ms. Gabby, I'm sorry but can we cancel our class today? I'm not really feeling well," aniya at halata naman sa kanyang boses na namamalat na't namamaos na rin.
"Oh? Sure thing Ms. Jenny. Get well soon. Huwag mo munang isipin ang mga activities natin. Health is important."
"Thank you," aniya at pinatay na ang tawag.
Suminghot siyang muli at tinuyo ang kanyang mga pisngi. Sige pa rin kasi sa pagtulo ang kanyang mga luha. Ayaw mawaksi sa utak niya ang masayang mukha ng kanyang Lolo Miguel. Masaya na may kasamang lungkot.
"Oh God," she mumbled and cried silently.
Napatigil naman siya sa paghikbi nang biglang bumukas ang pinto ng pantry. Akmang haharap na sana siya ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang may biglang yumakap mula sa kanyang likuran. Mahigpit na pumulupot sa maliit niyang baywang ang matigas nitong mga braso. She felt so comfortable. Naistatwa naman siyang lalo nang isiniksik nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg.
"Cry all you want Jenny. I'm here," Cole whispered and she breaks down.
Tinakpan niya ang kanyang mga bibig upang huwag mapahagulhol ng malakas. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Matinding pagluluksa dahil may taning na ang kanyang Lolo Miguel at ang pagkabigo niya sa pag-ibig.
Yes, she already accepted the truth and willingly accepted her fate. She doesn't belong to Cole, nor Cole doesn't deserve someone like her. Hindi niya kailanman mapapantayan ang pag-ibig nitong wagas para sa yumao nitong asawa. Ngunit masaya siya, oo, dahil naranasan niyang umibig at magmahal ng ganito. Naranasan niya ring mabigo ng unang beses. Akala niya naintindihan niya na lahat pero mali siya, maling-mali dahil hindi lahat ng kuwento patungkol sa pag-ibig ay pare-pareho. May ibang pinalad at hindi siya iyon dahil kabilang siya sa mga naging sawi sa pag-ibig.
Cole gently hugged her so tight.
"I'm sorry," bulong nitong muli sa kanya. Umiling siya at muli ay pinahiran ang kanyang mga luha.
"Nandito na ito. Salamat at hindi mo itinago sa akin ang totoo, at least kahit pa-paano'y unti-unti ko nang matatanggap ang katotohanang mawawala na nga ang Lolo Miguel ko, any time, soon."
Nahihirapan siyang sambitin ang mga iyon pero pinipilit niyang magpakatatag.
Humarap siya kay Cole.
"Don't hesitate to open up with me Jenny. You need that in order for you to heal. I am not telling you this as a friend. I am commanding you to do it as your doctor."
Tipid lamang siyang tumango. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang isang salitang binigkas nito. 'Kaibigan', hanggang doon lang sila.
"Excuse me," paalam niya at umunang lumabas ng pantry. Diretso siya agad patungo sa kanyang kuwarto.