J-22
TIME FLIES so fast. Ang akala ni Jenny ay the day after tomorrow pa ang kasal nilang dalawa ni Cole pero laking gulat niya na ngayong linggo na pala gaganapin ang pag-iisang dibdib nilang dalawa ni Cole. Masiyadong mabilis. Lingid pala sa kaalaman niya'y bago pa nagkamalay ang kanyang Lolo Miguel ay inayos na pala talaga ni Cole ang lahat. Ang narinig lang niya kasi nitong huli ay tatawag lang ito kay Hilda kapag kailangan na talaga pero sa tingin niya kasi ngayon ay mukhang mas pinadali ang lahat.
Nag-over time ang mga trabahador sa pag-aayos ng kapelya. Maging ang konting salo-salo na inihanda ay patapos na rin.
At walang kahit sino sa kanila ang nagtanong kung bakit bigla siyang ikakasal ng ganito kaaga.
Nasa kanyang silid lamang siya, nakahalukipkip habang nagmamasid sa mga trabahador nilang abala sa pag-aayos.
Nakapa niya ang sariling dibdib. Wala siyang makapang excitement, saya at kaba. All she felt right now is sadness.
Napalingon naman siya sa pinto nang biglang may kumatok. Hindi siya sumagot. Hindi naman naka-lock ang kanyang pinto kaya alam niyang pipihitin nito ang doorknob.
"Señorita Jenny?" Si Mirasol, may dalang puting damit at isang pares ng puting wedge. Ito marahil sa susuotin niya sa kanilang kasal ni Cole.
"Pakilagay na lang diyan sa kama ko Mirasol."
Hindi kumibo ang kaharap at sinunod lamang siya.
"Ahm, señorita Jenny?"
"Hmm?"
"Bakit biglaan po ang inyong pagpapakasal?"
"Alam mo Mirasol, ikaw pa lang ang unang nagtanong sa akin tungkol diyan," aniya nang nakangiti ngunit hindi naman abot sa kanyang mga mata.
Napakamot naman ito sa ulo.
"Eh kasi, ang bilis lang kasi at parang ayaw kong maniwala sa mga narinig ko sa ibaba. Kay Dr. Lazarte daw po kayo ikakasal kaya nagtataka ako kung bakit ganoon kabilis. No'ng isang araw lang ay nagkuwentuhan pa tayo tungkol sa kanya. Hindi mo nga nabanggit na naging nobyo mo si Dr. Lazarte."
Napangiti siya sa pagiging madaldal ni Mirasol.
"Ang Lolo Miguel ko ang may gusto nito Mirasol."
Namilog naman ang mga mata nito.
"Pero señorita, hindi ka ba galit? Dinidiktahan ni Don Miguel ang buhay mo. Hindi mo naman mahal si Dr. Lazarte, 'di ba?"
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Ayaw kong pag-usapan iyan Mirasol," pag-iwas niya.
"Salamat sa paghatid nito," dagdag niya.
Bubuka pa sana ang bibig nito kaya lang ay agad din naman nitong binawi at tumango lang din naman sa kanya.
Nang mawala ito'y pinagmasdan niyang maigi ang susuotin niyang damit.
Mas masaya sana ito suotin kung pareho ang nararamdaman niyang dalawa ni Cole. Lalo na kapag hind sa ganitong sitwasyon. Hinubad niya ang kanyang roba at isinuot na ang puting damit. Simple lang ito. Walang design pero angat pa rin ang ganda niya. Sunod niyang isinuot ay ang kanyang heels. Naglagay din siya ng konting make up, and even use the lipstick that Cole gave her.
"Apo? Are you done?" Ang kanyang Lolo Miguel.
"Bukas po iyan," aniya habang inaayos ang pagkakatali ng kanyang buhok.
Nang bumukas ang pinto at agad niyang pinasigla ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Nakaganda mo talaga apo," nakangiting wika nito.
"Mana po ako sa inyo Lolo Miguel," sagot niya at lumapit dito. Niyakap niya ito at kumalas din naman agad.
"I'm so sorry if I forced you apo," malungkot nitong ani.
"Hindi Lolo Miguel, alam niyo namang may gusto ako kay Cole, 'di ba? Maybe I'll just take this as an advantage."
Pilit niyang pinagsigla ang kanyang boses.
"Oh, right."
Bigla naman itong kumapit sa kanya at agad na sinapo ang noo nito.
"Lolo Miguel, bakit? May masakit ba sa inyo? Tatawagin ko si Cole," aniya. Pinipilit pa rin niyang magpanggap na walang alam kahit na ang totoo'y gusto niya nang umatungal sa harapan nito.
"I'm fine, apo."
Tumango siya.
"They're all set. Ikaw na lang ang hinihintay nila."
Ngumiti siya at inalalayan ito. Sabay na silang lumabas ng kuwarto. Naabutan naman nilang nasa ibaba pala ng hagdan si Cole at gusto man niyang itanggi ngunit guwapong-guwapo ito sa suot na puting tuxedo. He smiled at her but his happiness doesn't reached his eyes. She knows, maging ito ay nalulungkot din at napipilitan.
"I'll leave you two alone."
"Pero walang aalalay sa inyo Lolo Miguel," aniya.
"Ako na lang po señorita Jenny," presinta ni Manang Lupe.
Aangal pa sana siya pero bigla namang iniharang ni Cole ang braso nito sa kanya.
"Let them be," bulong nito.
Laglag ang kanyang mga balikat at hinayaan na lamang ang mga ito. Bigla namang lumapat sa kanang pisngi niya ang mga daliri ni Cole. She's crying again.
"Please let them see that we're a happy couple. Don't let them think that we're forced by your grandfather. Don't make him disappointed."
Napalunok siya at mariing napapikit. Kinalma niya ang kanyang sarili.
"O-okay," mahinang sagot niya.
Ini-angkla niya ang kanang kamay sa kaliwang braso nito at ang malungkot niyang mukha kanina'y napalitan ulit ng masaya.
Tinungo na nilang dalawa ni Cole ang kapilya. She remembered, ang kapilyang gaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib ni Cole ay ang kapilyang pinagdausan din ng kasal ng kanyang Lolo Miguel. Naalala niya pa noon, kinukulit niya lagi ang kanyang Lolo Miguel kung bakit may kapilya sila sa loob ng hacienda. Ang lagi lang nitong sagot ay gusto ng Lola Leonida niya ang palaging nagsisimba. Ngunit nang mamatay ito'y wala nang misang naganap pa sa kapilya.
"Hindi ko lubos ma-isip, dito rin pala ako ikakasal," aniya.
"It's your Lolo Miguel's wish," sagot naman ni Cole sa kanya.
Habang nag-lalakad patungo sa altar ay nakikita niyang masaya ang kanilang mga trabahador. Good thing, walang nagsabi sa kanila sa totoong dahilan ng kasalang ito. Nang dumapo ang tingin niya kay Mirasol ay malungkot ito. Alam niya, nagdududa pa rin sa kanya ang kaibigan.
Nginitian niya lamang si Mirasol.
"Bagay na bagay silang dalawa, 'di ba?" Narinig niyang sabi ng ilang sa kanilang mga trabahador. Gusto niyang matuwa pero hindi niya magawa. Mabigat ang kanyang loob.
Nang umabot sila sa altar ay agad din namang sinimulan ang seremonya. Nagpalitan silang dalawa ni Cole ng wedding vow, wedding ring at nagpirmahan ng marriage certificate.
"You may now kiss the bride,"announced ng Pari.
Napalunok siya at sinulyapan ang kanyang Lolo Miguel. Tuwang-tuwa ito sa nakikita.
"May I?" mahinang paalam ni Cole sa kanya. Tipid siyang tumango. Kinakabahan siya. Nasa tamang huwisyo si Cole ngayon kaya naman biglang umiral sa kanya ang matinding kaba. Iba pa rin talaga kapag nasa akto na at nasa tamang huwisyo pa.
Hinapit siya ni Cole sa baywang at diniinan nito ng marahan ang kanyang likod upang magdikit ang kanilang mga katawan. Naninigas ang kanyang leeg. Walang pag-aalinlangan namang inilapit ni Cole ang mukha nito at marahan siyang hinagkan. Hindi lang basta smack ang ginawa nito, it's torrid. Thank God she wore matte lipstick. It was a six second torrid kiss, bago nilubayan ni Cole ang kanyang mga labi.
Pakiramdam niya'y naubusan siya ng hininga. That feeling when you passionately kissed the man you love? It's a wonderful feeling.
Natauhan lamang siya nang mapalakpakan ang lahat. Hilaw siyang napangiti sa lahat at aminadong nanlalamig ang kanyang mga kamay.
"Are you okay? You look pale," baling sa kanya ni Cole.
"O-okay lang ako," hindi makatingin niyang sagot dito.
"Punta na po tayo sa garden, nandoon po ang salo-salo," anang Manang Lupe na kanina pa abala sa pag-asikaso ng mga naging bisita nilang mga trabahador sa hacienda.
Bigla namang lumapit si Mirasol sa kanila.
"Congratulations señorita Jenny!"
"Salamat."
Bumaling naman ito kay Cole.
"Nagulat po talaga ako Doc. Hindi ko akalaing may relasyon kayong dalawa ni señorita, ang sabi niya kasi sa akin e wala pa kayong balak mag-asawa ulit."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Mirasol kaya agad siyang bumitiw kay Cole at hinila si Mirasol palayo dito.
"Baliw ka na ba!? Bakit mo sinabi iyon?"
Napayuko naman ito.
"Alam ko kasing napipilitan lang kayo."
Pikit-mata siyang napabuga ng hangin. Nang magdilat siya'y agad niyang niyakap si Mirasol.
"Alam kong nag-aalala ka lang sa akin pero alam ko kung ano ang ginagawa ko Mirasol. Alam na alam ko kung ano itong pinasok ko kaya sana maintindihan mo ako at hayaan ako."
Kumalas siya dito.
"Sorry," anito. Umiling siya.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Sige na, kumain ka na doon."
Ngumiti ito at tumango. Niyakap siyang muli bago siya iwanan nito.
Nang bumalik siya kay Cole ay wala na masiyadong tao sa kapilya.
"Pasensiya ka na kanina kay Mirasol," panimula niya pa.
"It's okay."
"Ang Lolo Miguel ba nakita mo?"
"I think, sumunod siya sa iba doon sa garden," anito.
"Okay," aniya at tatalikod na sana ngunit bigla naman siyang pinigilan ni Cole.
"Hmm?"
May bigla itong isinuot sa kanya. Natigilan siya.
"It's our engagement ring."
Napakurap siya at tumikhim.
"Ang Lolo Miguel ba bumili nito? Maganda," aniya pa.
"I bought it."
Muli siyang natigilan at sinalubong ang mga titig nito.
"G-ganoon ba? Salamat."
Hindi ito kumibo.
"Excuse me," aniya at dali-daling umalis sa harapan nito. Sa lakas ng kabog ng dibdib niya'y para na siyang aatakihin.
It's so unexpected. Nang makalayo siya ng todo ay nakahinga siya ng maluwag.
Pinagmasdan niya ang dalawang singsing sa kanyang kaliwang kamay. It really looks good on her but sadly, she wore it at a wrong time.
Muli siyang lumakad para hanapin ang kanyang Lolo Miguel ngunit ganoon na lang ang pangamba niya nang makita si Manang Lupe. Umiiyak ito habang papalapit sa kanya.
"Señorita, ang Don Miguel..."
Agad siyang napatakbo pabalik ng bahay. Nang umabot siya'y hapong-hapo ang kanyang pakiramdam ngunit hindi niya ininda ang matinding hingal at pagod sa pagtakbo.
"Lolo Miguel!?" hinihingal niyang tawag dito.
"Lolo!" sigaw na niya.
Diretso siya agad sa kuwarto nito pero wala ito doon. Kung saan-saan na siya naghanap sa loob ng bahay hanggang sa marinig niya ang paboritong musika ng kanyang Lolo Miguel. Naroon ito sa library kaya agad siyang tumakbo sa pinakasulok.
"Lolo Miguel?"
Nakaupo ito habang nakaharap sa bintana. Mula sa bintana ay tanaw ang garden kung saan makikita ang mga trabahador nilang nagkakasiyahan sa isang munting salo-salo.
"Lolo?" muling niyang tawag at nang humarap siya dito'y yakap nito ang litrato ng kanyang Lola Leonida kasama ang maliit na sobre na may nakasulat na... 'Para sa pinakamamahal kong apo, Jenny'.
Doon na bumuhos ang matinding luha niya habang napapaluhod. Wala nang buhay ang kanyang Lolo Miguel.
"Ugh!" daing niya.
"Lolo, gumising ka, please! Hindi pa tapos ang kasal ko! Isasayaw mo pa ako, 'di ba!? Lolo, please!"
Walang ampat sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang tuluyang pagkawala ng kanyang Lolo Miguel.
"Ugh!" muling ungol niya at niyakap ito.
Hindi niya matanggap. Sa mismong araw pa ng kasal niya tuluyang namaalam ang kanyang Lolo Miguel.
"Lolo Miguel please!"
Gusto niyang magwala. Gusto niyang sumigaw at manisi pero wala na itong saysay. Hindi na muling mabubuhay pa ang kanyang Lolo Miguel.
"Jenny!?" Si Cole at bakas din sa boses nito ang matinding hingal.
Umiiyak siyang bumaling kay Cole at humagulhol. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Buong kuwarto ng silid-aklatan ay napuno ng matinding pagtatangis at pagluluksa niya. No words can describe how much hurt she was and how pain she feel right now. All she felt now was sorrow.