J-20
"SEÑORITA Jenny!" Humahangos na lumapit si Mirasol sa kanya. Nataranta naman siya.
"Bakit?"
"Ang Don Miguel po nasa labas at hinahanap kayo."
Biglang umiral sa kanya ang matinding kaba. Agad siyang bumaba sa kama ni Mirasol at lumabas ng bahay. Ang Lolo Miguel nga ay naroon sa may trangkahan at kausap nito ang mga magulang ni Mirasol.
Hahakbang na sana siya ngunit agad din naman siyang napahinto nang makita si Cole, na nakatayo sa likuran ng kanyang Lolo Miguel. Napaatras siya.
"Apo? Hapon na, hindi ka pa ba uuwi?" anang kanyang Lolo Miguel. Napalunok siya.
"I want to sleep over here," sagot niya.
"You need to go home Jenny," ani Cole at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay ngunit agad din naman niya itong binawi. Muli ay humawak si Cole sa kanya at hinigpitan pa ito.
"Let me go," mahinang wika niya.
"Why Jenny? Are you going to make a scene here?"
Natameme siya.
"Salamat po sa pagdalaw ninyo Don Miguel," anang Tatay ni Mirasol.
Ngumiti lang ang kanyang Lolo Miguel at pumasok na sa sasakyan. Sumunod silang dalawa ni Cole.
Nang umabot sila sa bahay ay ayaw pa ring bitiwan ni Cole ang kanyang kamay. Kanina niya pa ito binabawi pero ayaw nitong patinag.
Tinungo nila ang office ng kanyang Lolo Miguel.
"Apo, anong gusto mong kulay para sa reception ng kasal mo?"
Laglag ang kanyang panga.
"Did you tell him?" galit niyang baling kay Cole.
"No, but I saw you and Cole, entering in his room," ang kanyang Lolo Miguel ang sumagot sa kanya.
Muling nalaglag ang kanyang panga. Hindi siya makapaniwalang nakita ng Lolo Miguel niya iyon. Nakagat niya ang kanyang labi.
"Ayaw kong magpakasal sa kanya," agad na deklara niya.
"Ako ang magdedesisyon para sa sitwasyong ito Jenny. Nasa poder kita at kahit nasa legal na ang iyong edad, may karapatan pa rin akong gawin ang gusto ko para sa iyo. You'll marry Cole and that's final."
Agad na tumulo ang kanyang mga luha.
"Hindi ako magpapakasal sa kanya at kahit pilitin niyo pa ako, hinding-hindi ako papayag Lolo!"
Tinabig niya ang kamay ni Cole at lumabas sa office ng kanyang Lolo Miguel. Diretso siya sa kanyang kuwarto.
She can't marry Cole. Hindi siya nito mahal at hindi niya ipipilit ang kanyang sarili. Ayaw niya kahit pa sabihing may gusto siya dito, hindi pa rin tama na hawakan siya nito sa leeg.
"Jenny!" Ang kanyang Lolo Miguel.
Pikit-mata niyang binuksan ang pinto at nang magdilat siya ang galit na mukha ng Lolo Miguel niya ang bumulaga sa kanya.
"Lolo Miguel please, I am begging you. Don't do this to me. Si C-cole? Alam mong hindi niya ako mahal Lolo. Ang nangyari kagabi? Wala lang iyon Lolo, please." Lumuhod na siya sa harapan nito habang hawak niya ang isang kamay ni Don Miguel.
"Apo..." Napatingala siya. Lumuhod ang kanyang Lolo Miguel at niyakap siya.
"Ang tanging hiling ko lamang ay makita kang i-kasal sa lalaking mahal mo Jenny. Wala akong pakialam kahit hindi ka mahal ni Cole ngayon. Alam kong balang araw ay mamahalin ka rin niya ngunit apo, intindihin mo sana ako. Gusto mo bang mapahiya ang Lolo Miguel mo? Ang nag-iisang apo ni Don Miguel ay nabuntis lang nang kung sinong lalaki? Ayaw mo naman iyon, 'di ba?"
Tumango-tango siya. Pinahiran naman ng kanyang Lolo Miguel ang kanyang magkabilang pisngi.
"Kahit para sa akin lang apo. Kahit para sa aking lang..."
"Lolo, ayaw ko rin namang masira ang pangalan ninyo pero ayaw kong ikulong si Cole sa ganito. Hindi niya ako mahal Lolo at hindi tama ito," umiiyak niyang ani.
"Jenny, apo..."
Laking gulat niya nang biglang mag-collapse ang kanyang Lolo Miguel. Natulala siyang saglit.
"Lolo!?" Pilit niyang ginigising si Don Miguel ngunit ayaw nitong gumising.
"Yaya! Tulong! Cole!" agad na sigaw niya.
"Lolo Miguel! Can you hear me!? Lolo, wake up! Cole! Yaya! Tulong!"
Nagtatakbo namang lumapit si Cole sa kanya at maging ito ay nagulat dahil sa biglaang pag-collapse ni Don Miguel.
"Cole help me! Ang Lolo Miguel ko!" humahagulhol na niyang ani.
"Don Miguel!? Can you hear me!?"
Cole check his pulse, his breathing. Nang hindi ito makuntento ay binuhat nito ang kanyang Lolo Miguel at dinala sa kuwarto nito. Kompleto sa gamit ang kanyang Lolo Miguel kaya naman naging madali para kay Cole ang maasikaso ito ng mabilis.
Nasa isang sulok siya nang kuwarto at sobrang nerbyos niya dahil sa nakikita. Ngayon lang nag-collapse ang kanyang Lolo Miguel at matinding takot ang agad na lumukob sa kanya. Panay naman ang hagod ni Manang Lupe sa kanyang likuran at maging ito ay umiiyak na rin habang napapadasal.
"Y-yaya," garalgal na boses niyang sambit.
"Manalig ka señorita, magiging maayos din si Don Miguel."
"Cole?"
Bumaling sa kanya si Cole at huminga ng malalim.
"He's okay now," imporma nito.
Sa sobrang galak niya ay agad siyang lumapit sa kama at hinawakan ang kamay ng kanyang Lolo Miguel. Hinagkan niya ito at paulit-ulit na nagpasalamat sa Diyos dahil naging maayos agad ang kanyang Lolo Miguel.
"Kukuha lang ako ng maiinom Doc.," ani Manang Lupe.
Nang makalabas si Manang Lupe ay agad niyang inusisa si Cole.
"Anong nangyari? Bakit biglang nag-collapse ang Lolo Miguel ko?"
"I'm not in the position to tell you the truth Jenny."
Umawang ang kanyang bibig. Wala siyang maintindihan.
"Bakit? Doktor ka ni Lolo Miguel, nasa position ka para sabihin sa akin kung ano ang dahilan kung bakit nag-collapse siya kanina."
Bumuntong-hininga ito at napisil ang sariling batok. Lumapit ito sa gilid ng kama ng kanyang Lolo Miguel at may kinuhang sobre sa drawer. Ibinigay ito sa kanya at nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang tanggapin niya ito. Punong-puno siya ng takot. Ayaw niyang buksan at usisahin kung ano ang laman ng envelope ngunit hindi naman siya mapapanatag kung hindi niya malalaman ang totoo.
Umupo naman si Cole sa tabi niya. Huminga siya ng malalim at binuksan niya ang sobre. Agad niyang nabasa ang nakasulat sa papel. Mga medical records ng kanyang Lolo Miguel.
"Brain tumor," utas niya at muling napaluha. Bumaling siya kay Cole, humihingi ng tulong ang kanyang mga mata. Ngunit umiling ito at niyakap siya.
"H-hindi..."
Hinagod ni Cole ang kanyang likuran.
"I'm sorry Jenny, I was too late to help your grandfather. Malala na ang tumor na tumubo sa utak ni Don Miguel no'ng mga panahong kinuha niya ako bilang personal na doktor niya. We tried many test but it was too late, even his medicine can't relieved his headaches. Kaya palaging wala ang Lolo Miguel mo dahil ayaw niyang makita mong may dinaramdam siya. I'm sorry Jenny if we couldn't tell you the truth. Ayaw na ayaw ng Lolo Miguel mo ang mag-alala ka," paliwanag ni Cole sa kanya.
"No!" daing niya at humagulhol ng matindi.
"And now..."
Tumingin siya kay Cole.
"Hindi ko alam kung kakayanin niya pang tumagal."
Mas lalo siyang nanlumo dahil sa kanyang narinig. Walang ampat sa pagtulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang tanggapin, hindi niya kakayanin. Kaya pala ganoon na lang ang pilit nitong ipakasal siya kay Cole dahil may taning na pala ang buhay nito. Ayaw nito na maiwanan siyang mag-isa kaya kahit walang pag-ibig si Cole para sa kanya ay sumugal ang kanyang Lolo Miguel. Ginamit nito ang nangyari sa kanilang dalawa ni Cole para may dahilan ito para may mag-alaga sa kanya kung sakaling mawala man ito sa buhay niya.
Kumalas siya kay Cole at huminga ng malalim. Bumaling siya kay Cole at pikit-mata niyang sinabi ang mga katagang...
"Let's do it," aniya.
"Jenny, this is not the time to do it."
Umiling siya.
"Gusto niyang makita akong i-kasal sa iyo at gagawin natin iyon. Please? Gusto kong tuparin ang hiling ng Lolo ko."
Tumango si Cole sa kanya. Tumayo ito at lumabas ng kuwarto ng kanyang Lolo Miguel. Tumayo siya at umupo sa tabi ng kanyang Lolo Miguel.
"Lolo, hang in there please. Please Lolo Miguel I am begging you. Please..."
Namamaga na ang mga mata niya sa kaka-iyak. Sobrang sakit na makita ang kanyang Lolo Miguel na ganito.
"Señorita Jenny? Magpahinga na muna po kayo. Kanina pa kayo umiiyak. Baka kayo naman ang magkasakit niyan," anang Manang Lupe.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha at tumango kay Manang Lupe.
"Tawagin niyo po ako kapag nagising ang Lolo Miguel."
Tumango ito. Nang makalabas siya'y nakita niyang nasa sala si Cole at may kausap ito sa cell phone.
"Yes attorney, I want the marriage contract certificate to be deliver as soon as possible. I badly need it. Yes, thank you." Ibinaba na nito ang cell phone at may tinawagan ulit.
"Hilda, yes, it's me Dr. Lazarte. I need a favor please. It's really urgent. Buy Jenny a white gown or a white dress, and please request also a priest, yes, it's for the wedding. Okay, I'll call you when I need them right away." Muli nitong ibinaba ang cell phone.
He is fixing everything. Napansin naman siya nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Jenny, is it okay for you if we set up the wedding here?"
Tumingin siya kay Cole at tumango.
"Kung pu-puwede, ayaw ko nang may iba pa tayong bisita. Sapat na sa akin na ang mga trabahador lang ang maging witness ng kasal natin," aniya.
Lumapit si Cole sa kanya.
"I know this is difficult for you but for the sake of your grandfather, we must do it."
Mapakla siyang napangiti.
"Salamat," aniya at tinalikuran na ito. Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kanyang kuwarto. Muling bumagsak ang kanyang mga luha.
Masakit na makita si Cole na napipilitan ngunit mas masakit para sa kanya na makita ang kanyang Lolo Miguel sa ganoong kalagayan.
Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at niyakap ang kanyang mga tuhod. She keeps on praying, telling God to give his Lolo Miguel a time to see her wearing a white dress. To see her marrying someone. Someone who doesn't love her back.