J-19
WALA sa sarili niyang nilakad ang daan patungo sa bahay nila Mirasol. Doon nakita niya ang kaibigan na abala sa pagsasampay ng mga nilabhang damit. Napatigil ito nang makita siya.
"Señorita Jenny?"
Bakas sa mukha ni Mirasol ang matinding pag-aalala sa kanya. Niyakap niya ang kaibigan at umiyak ng matindi. Panay naman ang hagod ni Mirasol sa kanyang likuran.
Nang mahimasmasan ay pinatuloy siya ni Mirasol sa bahay nito at tumambay sa maliit nilang beranda. Binigyan din siya ng tubig ni Mirasol.
"May nangyari po ba?"
Humikbi siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri saka tumingin sa kawalan.
"Bakit mo minahal ang nobyo mo Mirasol?"
"Kasi mabait siya sa akin at saka pinakita niya na malinis ang kanyang intensyon, at higit sa lahat, mahal niya ako señorita."
Nakagat niya ang kanyang labi.
"Paano kung siya lang ang may gusto sa iyo at hindi mo kayang suklian ang pagmamahal niya?"
Huminga naman ito ng malalim.
"Mahirap po iyan señorita Jenny, dahil kapag ganoon ang sitwasyon? Ayaw ko siyang masaktan at ayaw kong ipilit niya ang sarili niya sa akin dahil hindi ko naman kayang suklian ang pagmamahal niya. Ayaw kong makulong siya sa akin. Gusto ko kapag minahal niya ako, mamahalin ko rin siya. Pero alam ko señorita, sabi ng inay, matututunan mo rin daw mahalin iyong tao lalo na kapag matiyaga siya at totoo ang pagmamahal niya para sa iyo."
"Mahirap iyon Mirasol," aniya at tinuyo ang magkabila niyang pisngi.
"Ibang tao pa rin ba ang pinag-uusapan natin o kayo na po señorita?"
Napatingin siya kay Mirasol.
"May gusto kayo kay Doc. Lazarte?"
Mapakla siyang ngumiti at tumango. Muli niyang ibinaling ang mga mata sa malawak na taniman ng kanilang hacienda.
"Alam niya ba?"
Umiling siya.
"Can I stay here for today?"
Ngumiti naman si Mirasol at tumango sa kanya. She felt relieved. Wala siyang ibang matatakbuhan ngayon kundi si Mirasol lang dahil kung tatakbo siya sa kanyang Lolo Miguel, baka'y magalit pa ito lalo na't nakagawa siya ng isang bagay na hindi dapat.
COLE frustratedly rub his forehead. Sinisisi niya ang sarili niya. May nangyari sa kanilang dalawa ni Jenny at kasalanan niya iyon.
Umupo siya sa kanyang kama at tinawagan ang kaibigan.
"What? I'm busy," sagot ni Clayd sa kabilang linya.
"I'm done," walang buhay niyang sabi.
"Done of what?"
"I think you need to come to my wedding," aniya at bumuntong-hininga.
"Wedding!? You what!? Why!? Wala ka namang babaeng pinakilala sa akin? Or maybe? f**k!? Don't tell me you're marrying a man!? That's f*****g gross Cole!"
He rolled his eyes.
"Your thoughts are exaggerated."
"Jerk! Sino ba ang hindi masu-surprise sa sinabi mo? Are you hearing yourself? Magpapakasal ka? Kanino?"
"Sa apo ni Don Miguel," sagot niya.
Narinig naman niyang parang may nabasag sa kabilang linya.
"What the hell!?" bulalas nito.
"I made a mistake Clayd. May nangyari sa amin ni Jenny. Nagalaw ko siya, damn!"
"Wait? Nagalaw mo? Are you serious? Tell me if it is a joke Cole because I am going to laugh hardly!"
"No Clayd, I'm not joking," sagot niya.
"You're insane Cole, she's just nineteen!"
"I know at kasalanan ko. Kakausapin ko pa si Don Miguel tungkol dito."
Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan.
"Where's Jenny?"
"She ran away. Ayaw niyang sabihin ko kay Don Miguel ang tungkol sa nangyari sa amin kagabi but my conscience is killing me Clayd. Paano kung nabuntis ko si Jenny? Ayaw kong bigyan siya ng kahihiyan. It is all my fault, lasing ako kagabi at hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanya."
"Paano kung hindi mabuntis si Jenny? Anong gagawin mo?"
"Pananagutan ko pa rin siya Clayd. I need to," sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
"Are you sure about that? Ikukulong mo ang sarili mo sa taong hindi mo naman mahal? Mahirao iyan Cole."
"Alam ko, siguro gagawa na lang ako ng paraan na maayos namin ni Jenny ito kapag nasa tamang edad na siya, na hindi niya na kailangan pa ng magulang para magdesisyon para sa sarili niya."
"I'm so proud of you man. Ikaw ang bahala basta tumawag ka lang at balitaan mo ako."
"Okay," aniya at ibinaba na ang tawag nito.
Muli niyang nahilot ang kanyang noo at sintido. Kargo niya si Jenny, kahit umayaw pa ito, pananagutan niya ito. Kahit pa sabihing napipilitan lamang siya pero iyon ang tamang gawin dahil iyon ang nararapat.
Tumayo siya at lumabas ng kanyang kuwarto. Tinungo niya agad ang office ni Don Miguel.
Nang umabot siya sa pinto ay agad siyang kumatok.
"Come in," anang Don Miguel.
Nang makita siya'y agad nitong ibinaba ang binabasang newspaper.
"Cole? Do you need something?"
"I just want to talk to you Don Miguel, about Jenny."
Sumeryoso ang mukha nito.
"Maupo ka."
He sat in front of Don Miguel.
"Anong tungkol sa apo ko?"
"I'm going to marry her," diretso niyang sabi.
"Why?" ani at hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito.
"I have too Don Miguel because I made a mistake."
"You made a mistake by sleeping with my grandchild?"
Natigilan siya.
"Paano ninyo nalaman?"
"I saw Jenny and you last night Cole. Nakita ko kayo pero wala akong ginawa dahil alam ko, mabuti kang tao. At napatunayan ko iyon ngayon dahil hindi ka nag-atubiling hingin ang kamay ng apo ko kahit wala kang nararamdaman para sa kanya. I find it as a brave move, enough for me to entrust my grandchild to you."
"But Don Miguel, kasalanan ko ang nangyari," aniya. Umiling naman ang matanda at may kinuhang sobre. Ibinigay ito sa kanya.
"That's my last result Cole. Sinunod ko ang sinabi mo na sa labas ng bansa ako magpatingin ulit dahil ayaw kong maniwala sa iyo at tama ka, ganoon pa rin ang lumabas na resulta."
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Don Miguel..."
"Marry my grandchild, please? I am begging you Cole."
Lumapit ito sa kanya at akmang luluhod pero agad niya itong nilapitan at pinigilan.
"Kahit hindi niyo ako pakiusapan, gagawin ko pa rin ang tama Don Miguel."
Hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Please learn to love Jenny. Alam ko, matigas ang ulo ng batang iyon pero kaya niya Cole. Kaya niyang gampanan ang pagiging asawa sa iyo. I can't entrust her to another man. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko at panatag ako kapag ikaw ang mag-aalaga sa kanya."
"I will Don Miguel."
"Alam kong napipilitan ka lamang sa sitwasyong ito Cole pero wala na akong ibang paraan. Ang nangyari sa inyo ay isang malaking advantage para sa akin upang mangyari ang mga plano ko para sa apo ko."
"Don Miguel, hindi ako magsisinungaling sa iyo. Aaminin ko, I am in the situation where I can choose what to do. I can run away if I want to do it but I am choosing to stay. I promise, I will take care of Jenny."
Niyakap siya ng matanda at doon ay narinig niya ang mahina nitong paghikbi.
Alam niya sa sarili niya na hindi magiging madali itong papasukin niya pero sa sitwasyon niya ngayon, hindi siya dapat tumakbo. Hindi niya dapat takbuhan ang responsibilidad na iniwan sa kanya ni Don Miguel. Now, si Jenny na lang ang problema niya. Alam niyang hindi ito papayag sa decision ni Don Miguel. So by hook, or by crook, gagawin niya ang lahat ma-isa katuparan lang ang huling hiling ni Don Miguel.