J-18
HE MOANS and groans while making himself tuck in. Sa sobrang sakit ng ulo niya, parang sasabog na ito. Mariin siyang napapikit at piniga ang pagitan ng kanyang mga kilay. Dahan-dahan siyang dumilat at agad bote ng alak ang agad niyang nakita.
"Oh, s**t!" he exclaimed.
Naparami yata ang inom niya. Bumangon siya at ganoon na lang ang pagtataka niya dahil nakahubad siya. Agad niyang nahila ang kumot upang takpan ang sarili.
"What the hell!?" gulat niyang bulalas.
Nakumyos niya ang kanyang mga buhok. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari kagabi. The last thing he remembered, kasama niya si Jenny. Inalalayan siya nito and then...
"f**k! What happened next?" tanong niya sa sarili.
Dali-dali siyang kumilos at naligo sa banyo. Baka sakaling ma refresh ang kanyang utak at maalala niya ang nangyari kagabi.
MATAPOS niyang maligo at makapagbihis ay agad siyang lumabas ng kanyang kuwarto at tinungo ang kusina. Masakit pa rin ang kanyang ulo. Talagang naparami yata ang inom niya kagabi.
"Good morning po Doc.," bati ng katulong.
"Ahm, have you seen Jenny?" tanong niya.
"Ang señorita po? Nasa manggahan po, kasama si Mirasol."
Tumango lamang siya.
"Kape po?" alok nito.
"Yes, please."
"Manang Lupe, can I ask something?" aniya at umupo sa silya.
"Ano po iyon?"
"Si Jenny po ba naghatid sa akin kagabi sa kuwarto ko?"
"Nako Doc., hindi ko po nakita e. Tulog na po yata kami nang umuwi kayo. Bakit po? Hindi niyo ba natanong ang Señorita Jenny?"
"N-no," sagot niya. Inilapag nito ang kape sa kanyang harapan.
"Yaya! May bagoong ka ba diyan?"
It's Jenny and she's with Mirasol. He looked at her. Jenny just smiled at him.
"Good morning Jenny, Mirasol," bati niya ngunit kay Jenny lamang siya nakatingin.
"Morning," bati nito pabalik sa kanyan. Mirasol just nod at him.
"Heto ang bagoong mo señorita," ani Manang Lupe.
"Salamat yaya. Come on Mirasol," Jenny said.
They sat in front of him while having their bagoong and mangga. He took a sip on his coffee while staring at them. He was so suspicious. Alam niyang hindi siya nagkamali kagabi. Hinatid siya ni Jenny sa kuwarto niya, matapos siya nitong sunduin sa kotse. He even remembered that it was raining last night. Ang hindi niya lang maalala ay kung ano ang sumunod doon. He don't want to conclude in advance but it was also possible that they did something. Dahil kung wala, hindi sana siya nakahubad kanina. Kilala niya ang sarili. Malasing man siya ng todo ngunit hindi niya habit ang maghubad kapag nalalasing. Lalo na kapag matutulog na. He always wore pajama's at night kaya impossible talaga na ganoon siya ka hubad baro.
"Jenny, can I talk you in private?" seryoso niyang wika.
"May lakad ako, may pupuntahan kami ni Mirasol after this. Can you save it for later?"
He clenched his jaw.
"Okay," sang-ayon niya na lamang.
Hinayaan niya na lamang ito pero hindi ibig sabihin na maiiwasan siya nito. Not him.
KANINA pa nangangasim si Mirasol sa kinakain nilang mangga pero siya, wala siyang malasahan na asim sa kinakain niya. Iniisip niya ang sinabi ni Cole. Gusto siya nitong makausap. Is it because what they did last night? Naalala kaya nito ang nangyari kagabi? Gusto niyang mag-break down. Wala na si Cole sa kanilang harapan pero tense na tense pa rin ang kanyang pakiramdam.
Sunod-sunod niyang na-isubo ang hilaw na mangga. Nagdudumilat namang napatitig si Mirasol sa kanya dahil sa gulat.
"Hindi maasim?" nakangiwi nitong tanong sa kanya. Umiling lang siya.
"Mirasol? Anong feeling ng first time?" bigla niyang natanong. Nailuwa naman nito ang kinakain dahil sa pagkabigla.
"First po saan señorita?" anito na kunwari'y hindi na-gets ang ibig niyang sabihin.
"First time," ulit niya pa. Tumikhim naman ito at biglang namula ang magkabilang pisngi.
"Señorita Jenny talaga, wala pa po kami sa ganyang level."
Seryoso niyang tinitigan si Mirasol.
"Hindi nga?"
"Totoo po! Pero hindi naman po ako ganoon ka inosente pagdating sa ganyang bagay. Nakuwento lang din ito sa akin ng mga kaibigan ko sa school. Sabi nila, sa una daw, masakit tapos no'n masarap na daw."
Napangiwi siya. Ganoon na ganoon ang pakiramdam niya kagabi.
"Bakit señorita? Nasubukan niyo na po ba?"
Bigla siyang namutla. Hindi niya inaasahan iyon.
"Ako? Ha-ha! Never," agad niyang tanggi.
Tinawanan lang din naman siya ni Mirasol at hindi na nangulit pa. Honestly, nahihiya siyang magkuwento kay Mirasol sa ganitong bagay. Ayaw niyang isipin nito na easy girl siya, madaling i-kama ganoon. Nagmahal lang naman siya kaya siya bumigay. Iniisip din niyang mag-open up sa kanyang Ate Grace pero hindi niya matuloy-tuloy. Ano na lang ang sasabihin nito? Paniguradong sermon ang aabutin niya, lalo pa siguro kapag nalaman nito hindi naman niya nobyo si Cole at biyudo pa ito. That could be the end of her life.
"Señorita Jenny, saan po ba ang lakad natin?" tanong pa ni Mirasol sa kanya. Natauhan siya.
"Lakad? I forgot Mirasol. Next time na lang natin puntahan," sagot niya.
Yes. It was just an alibi. Mabuti na lang at hindi umusisa si Mirasol habang nasa harapan nila si Cole kanina.
"Dito ka na rin mag-breakfast, Mirasol," paanyaya niya. Ngumiti lang din naman ito at tumango.
Tumayo siya at tinungo ang kanyang kuwarto ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Cole sa loob habang nakaupo sa kanyang kama. May dala itong kumot.
Seryoso siya nitong tinitigan. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Napaatras siya at napapikit. Huli niyang narinig ay ang pag-lock ng kanyang pinto. Napadilat siya. Nakasandal sa tabi niya si Cole habang naka-ekis ang mga braso.
"Tell me the truth Jenny. No more lies, no more alibi's because I am not that stupid to take it."
Umalis siya sa tabi nito.
"Wala naman akong dapit sabihin. Bakit ba?"
"Look Jenny, this is not the time to play truth or dare. Tell me what we did last night?"
Napalunok siya. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o magsisinungaling.
"Aren't you gonna say something? Or do you want me to explain that bedsheet?"
Nilingon niya ang bedsheet na nasa ibabaw ng kanyang kama.
"It's just a bedsheet," sagot niya at akmang lalabas ng kuwarto ngunit mabilis na humarang si Cole sa kanyang harapan.
Nataranta siya. Ayaw niya nang ganito o mas tamang sabihin na ayaw niyang marinig mula mismo sa bibig nito na isa lang pagkakamali ang nangyari sa kanila kagabi. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Ayaw niyang ma-reject dahil sa simula't sapul naman talaga'y wala naman talaga silang mutual na understanding ni Cole. It's a one sided love story!
"Hindi lang iyon basta bedsheet Jenny. May naiwang mantsa ng dugo sa tela. Tell me the truth!? Ginalaw ba kita kagabi, huh!?" pigil na pagtataas ng boses nito.
Napalunok siyang muli at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"H-hindi..." mahinang sagot niya.
"For Pete's sake Jenny! Kilala ko ang sarili ko, hindi ko habit ang maghubad tuwing nalalasing. Tell me? Did I make love to you last night?" Nagsusumamo na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Umiwas siya sa mga titig nito. Nanginginig na ang kanyang mga tuhod at kabadong-kabado siya.
"Jenny," tawag nito sa kanya.
Mariin siyang napapikit. Wala nang atrasan ito.
"Oo..." mahina niyang sagot.
"f**k!" mura nito.
"Bakit hindi mo ako pinigilan? I was drunk last night Jenny. You should've push me when I started to touch you. You can even seek some help when I do that. Wala ako sa sa sarili ko Jenny. Alam mo ba kung anong ginawa natin? Ang ginawa ko sa iyo? It's against on your will!"
He frustratedly brush his hair using his fingers.
"Don Miguel must know this. Kailangan kitang panagutan," anito pa.
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. He was forced to be with her. Hindi man nito sinabi ng harapan ngunit kitang-kita niya ang pagsisisi nito dahil sa nagawa nila kagabi. Gusto nang tumulo ng mga luha niya pero pinigilan niya ito.
"Don't blame yourself. It's my fault in the first place. Ginusto ko ang nangyari, so why bother? Are you that worried? Come on Cole. Hindi ako ganoon ka desperate. Call it as a one night stand. You're not obligated to do such thing dahil hindi mo naman ako girlfriend at mas lalong hindi mo ako pinilit. And don't you dare tell it to my grandfather."
Gulat ang mukha nito dahil sa kanyang sinabi.
"Are you insane?" mangha nitong ani.
Hindi siya sumagot at marahan itong itinulak. Lumabas siya ng kuwarto at nagtatakbong lumabas ng bahay saka tinungo ang ilog.
Hapong-hapo siya nang makarating at doon ay agad niyang ibinuhos lahat ng luha niya.
"Bakit ba kasi nagustuhan mo pa siya Jenny? Sa ikli ng panahon na pinagsamahan ninyong dalawa, bakit nahulog agad ang loob mo sa kanya? Bakit!?" tanong niya sa sarili.
Umiyak siya nang umiyak. Sobrang sakit ng dibdib niya. Mukhang ngayon, naiintindihan niya na ang kanyang Ate Grace. Hindi nga hinahanap ang isang pag-ibig, kusa itong dumarating na para bang isang kidlat. At kasing sakit din ng tinik ng rosas kapag ikaw ay nasaktan. Sa una lang maganda, sa una lang.