J-4

1255 Words
J-4 SABAY na silang bumaba sa hagdan ng kanyang Lolo Miguel. Naka-angkla ang kanang kamay niya sa braso ng matanda habang patungo sila sa kusina. "Good morning again, Don Miguel," salubong na bati ni Cole sa kanila. "Good morning, ijo," balik na bati ng matanda sa lalaki. "Good morning Jenny," baling naman nito sa kanya. Tumango lang siya pero nakayuko ang kanyang ulo. Hindi siya tumingin sa lalaki. Alam niya kasing nagkukunwari lang ito sa harap ng kanyang Lolo Miguel. "Let's eat," wika ng kanyang Lolo Miguel. Bumitiw siya sa pagkaka-angkla sa braso nito at umupo na sa kanyang puwesto. Kaharap niya sa mesa ang lalaki at nasa pagitan naman nila ang kanyang Lolo Miguel. She felt so anxious. Paano kaya kung sabihin niya sa kanyang Lolo Miguel na itong lalaking 'to ang bumastos sa kanya. Pero paano naman kung baliktarin din siya nito? Inis niyang na-tusok sa hotdog ang hawak niyang tinidor. At dahil sa ginawa niyang iyon ay nagulat ang mga ito. "Apo, ayaw mo ba sa almusal natin ngayon?" tanong sa kanya ni Don Miguel kaya agad naman siyang napailing. "Hindi naman po sa ganoon Lolo, pasensiya na po." Nang bumaling siya ng tingin sa lalaki ay nakakunot ang noo nito. Wala sa sarili niyang inirapan ito at sumubo ng pagkain. "How's your first day Cole? Do you find it comfortable?" biglang wika ng kanyang Lolo Miguel. "It's good Don Miguel and I so love the ambiance here. Napaka-refreshing ng lugar. Matagal na rin akong hindi nakapagbakasyon dahil sa hectic ng schedule ko sa hospital. Ibang-ibang ito sa city." Payak naman na tumawa ang matanda. "Mabuti naman kung ganoon. Makakapagpahinga ka rito and you can stay as long as you wanted." Gusto niyang mapangiwi sa sinabi ng kanyang Lolo Miguel. Staying for too long? That's not good to hear. "Yes Don Miguel, and in fact, I am very glad that you chose me to be your personal doctor. Anyways, lulubusin ko na ang pansamantalang pananatili ko rito. Can I borrow Jenny to tour me around here in your hacienda? No'ng unang beses ko kasi na pumunta rito, naligaw ho ako." Napaubo siya sa kanyang narinig. "Me?" naituro niya pa ang kanyang sarili. Cole evily smile at her. "Yes," sagot pa ng lalaki sa kanya. Napalunok siya. "Wait Lolo, I am very, very, very busy right now and I can't—" "Of course Jenny can tour you around. Masisingit mo naman iyan sa schedule mo 'di ba apo?" baling sa kanya ng matanda. Natameme siya. Bumuntong-hininga siya kasabay nang pagbagsak ng kanyang mga balikat. "Fine," simple sagot niya lang ngunit hindi niya maitago ang gigil niya dahil sa higpit ng hawak niya sa kubyertos. "Thanks Don Miguel," anang lalaki sa matanda. Umikot ang mata niya at bigla siyang tumayo. "Busog na po ako. Excuse me po," aniya at humalik sa kanyang Lolo Miguel bago tuluyang umalis sa harapan nila. Tinungo niya ang kusina at kinuha sa ilalim ng lababo ang dalawang pares ng bota. "Yaya Lupe, pahiram nga po ng alampay niyo," baling niya sa kusinera nila. "Po, eh señorita nakakahiya po," alanganin nitong ani. "Yaya naman po, hindi naman ako mapili sa gamit, ayaw ko kasing gumamit ng payong." "May lakad kayo?" "May itu-tour akong manyakis—esti iyong bisita ni Lolo." Humagalpak naman ito ng tawa. Mukhang alam na nitong ayaw niya sa bisita ng kanyang Lolo. "Sandali lang, kukunin ko lang sa kuwarto ko." Tumango lang siya. Ilang sandali lang ay bumalik din naman ito at ibinigay sa kanyang ang alampay na kanyang kailangan. Bumalik siya sa dining area pero wala na roon ang kanyang Lolo Miguel, maging ang lalaki. Dumiretso siya sa sala. Nakita niya ang lalaki na nagkakape kasama ang kanyang Lolo Miguel. Agad na tumaas ang kanyang kilay at initsa nang walang abiso ang isang pares ng bota sa lalaki. Mabuti na lang at nasalo nito ang initsa niya. Hindi naman nag-react ang kanyang Lolo Miguel. Konti pa nga itong tumawa. "Gusto mo gumala, 'di ba? Game!" puno ng sarkasmo niyang ani at isinuot ang bota niya. Inayos niya rin ang alampay at inirolyo sa kanyang ulo upang huwag siyang mainitan kapag tumudo na ang sikat ng araw mamaya. "Right now?" alanganin pang tanong ni Cole sa kanya. "Busy ako. Ngayon lang ang free time ko at ayaw kong sinasayang ang oras ko mister." Tinalikuran niya ang mga ito. Umuna siya sa paglabas ng bahay. Nakapamaywang siya habang hinihintay ang lalaki. Nang lumabas na ito'y suot na nito ang Rayban sunglass at suot na rin nito ang bota na bigay niya. Alright! He's a bit yummy but it wouldn't change the fact that they are not okay with each other. "You really mean it kid," anang lalaki nang makaharap siya nito. Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Alin?" Kumunot ang noo nito. "Disrespect me again and I will discipline you in my own way," babala nito at umuna na sa paglakad. Sandali siyang natigilan. Mukhang napuno na ito sa kanya dahil napakaseryoso ng babala nito. Igting ang kanyang panga at sumunod dito. Ngunut bigla itong huminto sa paglakad at humarap sa kanya. "Lead the way." Nakasimangot lang ang mukha niya at nagpatiuna sa paglakad. Nakabuntot naman sa kanya ang lalaki. "Sa nakikita mo ngayon, hayon iyong taniman ng mga mais, marami rin kami iba't ibang prutas, may mga baka rin kaming pang-export at nasa unahan lang din ang kuwadra ng mga kabayo na ibenibenta rin sa mercado. May ilog din na malapit dito kung gusto mong mag-swimming at—" Napatigil siya dahil parang hindi naman nakikinig ang lalaki sa kanya kaya agad siyang bumaling dito. Ganoon na lang ang gulat niya nang malaman na isang dangkal lang pala ang layo nila sa isa't isa kaya naman hindi sinasadyang tumama ang ilong niya sa matigas nitong katawan. "Aw," mahinang daing niya at agad din namang napaatras. Yumuko ang lalaki upang makita ang mukha niya. "Tell me kid, bakit ikaw ang galit sa ating dalawa? When the fact is, kasalanan mo naman kung bakit nangyari iyon dahil sa kapabayaan mo, 'di ba?" Naningkit ang kanyang mga mata. Uminit yata ang tainga niya dahil sa sinabi nito. "Alam mo ikaw!? Kung hindi ka lang bisita ni Lolo Miguel, hindi kita pag-aaksayahan ng oras! At mas lalong hindi ko aakuin na kasalanan ko ang nangyari!" galit niyang ani. Inis niyang tinalikuran ito ngunit napatigil din naman siya sa paghakbang nang hilahin nito ang laylayan ng kanyang bestida. Namilog ang kanyang mga mata at agad na humarap sa lalaki. Tinapik niya ang kamay nito pero ayaw pa rin nitong bumitaw. "Bastos!" singhal na niya. "Oh really? I really wanna know kung alam mo ba talaga ang pagkakaiba ng pambabastos at nang hindi sinasadyang pambabastos." Napalunok siya. Bigla naman nitong itinaas ang kanyang laylayan kaya dali-dali niya itong pinigilan. "Tama na!" she said anxiously. "Now kid, that was totally a perverted move. Do you see now the difference? It was a face to face demo. Alam mong bastos ang ginagawa ko that's why you were now calling me a pervert but how about when the strong wind came then suddenly your dress pulls up unintentionally then I saw your panty accidentally. Do you still want to call me a pervert?" Natameme siya. Malaki ang punto nito. Hindi nga naman talaga nito sinasadya. Inalis nito ang kamay sa kanyang bestida. "Fine! It's my fault! Happy!?" pagsuko niya. Kumikit-balikat lamang ito at tinalikuran siya. Bumalik ito sa mansyon. Inis niya na lamang na naipadyak ang kanyang mga paa sa lupa dahil sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD