J-3

735 Words
J-3 ILANG oras ang nagdaan ay tumigil din naman siya sa kanyang ginagawa at sandaling napatitig sa kawalan. Aminin man niya o hindi. Mataas talaga ang s*x appeal ng lalaking iyon sa kanya. At kung ilalarawan niya ang pagiging perpekto nitong nilalang, kulang ang salitang guwapo. Nakagat niya ang kanyang labi. Mukhang mabilis na dininig ni Lord ang panalangin niya na sana'y magka-boyfriend din naman siya. At sa palagay niya'y ito na nga ang moment na iyon, but she's doubting her clever idea. May kakaiba sa lalaki at hindi alam kung paano niyo ito ipapaliwanag. She suddenly felt so anxious because the way he stares her? It was really uncomfortable. Na isipan na niyang bumaba sa kabayo at ipinabalik ito sa taga pangasiwa ng kuwadra. Bumalik siya ulit sa kanilang mansyon, ngunit bigla siyang natisod sa kung anong matigas na bagay. Muntik pa siyang ma-out balance dahil do'n pero may braso na umagapay sa kanyang baywang kaya hindi siya tuluyang bumagsak. Sandali pa siyang natigilan at nang tumingala siya'y halos manigas ang kanyang mga tuhod. Ang lalaki pala ang umalalay sa kanya. Agad siyang umatras. "Clumsy." Napalunok siya. "So-sorry, excuse me" aniya lamang at tumalikod na. "Nice. So you really forgotten what you did to me?" Natigilan siya at muli itong hinarap. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang pormado niyang mga kilay. "Pardon me? You must be mistaken Mr. Lazarte. Ito pa lang ang unang beses na nagkakilala tayo," paglilinaw niya. He smirked. "Oh. So you never kicked someone's balls before?" Muli siyang natigilan at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang maalala niya ang ginawa no'ng isang araw sa party ng kanyang Ninang Emilda. "Oh god," mahinang bulalas niya at agad na napatalikod. Nasapo niya ang kanyang noo. It can't be him. "I assumed, you remember me now huh?" "No," agad niyang sagot ngunit hindi naman siya makatingin sa lalaki. Nanigas ang kanyang leeg nang bigla siyang kabigin nito at marahang hinawakan ang magkabila niyang balikat. Napatingala pa siya ng bahagya dahil sa katangkararan nito. Hanggang balikat lang siya sa lalaki kung magsusukatan silang dalawa sa height. Napalunok siya. Walang espasyo sa pagitan ng mga katawan nilang dalawa at dahil doon ay damang-dama niya kung gaano ka firm ang tiyan nito. Napayuko siya. Ang laki ng kasalanan niya dahil sa pagtuhod niya sa lalaki pero naalala niyang kasalanan din naman nito kaya itinulak niya ito. "Kasalanan mo naman iyon! Bastos ka kasi!" aniya. "Wow, watch your language kiddo." Agad niyang tinalikuran ito ngunit hinila siya nito ulit. "Baliw ka na ba!?" mariing wika niya. "Knowing that my balls is at risk? I'll be crazy." Napalunok niya. Bumalik sa kanya ang kaba. "Kasalanan ko ba kung ka kulay ng palda mo ang tela sa mesa?" Natameme siya. "S-still, binastos mo ako," giit niya. He smirks. "I want to inform you young lady. I almost lost this precious thing but then it was just almost, so be grateful. Okay?" Tinapik-tapik pa nito ang magkabila niyang balikat. Binitiwan siya nito at umalis sa kanyang harapan. "Ugh!" gigil na gigil niyang ungol. She was surprised to hear that and she's really annoyed! Gigil na gigil niyang tinungo ang kanyang kuwarto. Papasok na siya nang bigla ulit siyang harangin ng kanyang Yaya Selly. "Señorita, mag-aalmusal na raw po kayo sa ibaba." Sumimangot agad ang kanyang mukha. "I don't like eating in front of the stranger po," aniya. "Why apo?" Agad siyang napalingon sa kanyang Lolo Miguel. "Sorry po," aniya at agad na napayuko. She heard him sighed. "Halika na apo, masarap ang almusal mo ngayon. Nagpaluto ako ng paborito mo." Tiningnan niya ang mga mata ng kanyang Lolo Miguel. It was a sincere invitation. Agad na lumambot ang puso niya. Nakagat niya ang kanyang labi at agad na lumapit sa kanyang Lolo Miguel upang ito'y yakapin. "Sorry po," aniya ulit. "It's okay. Alam kong hindi ka sanay na may iba tayong kasama rito sa bahay apo pero kailangan ni Lolo iyon. Ayaw mo bang makasama ako ng matagal?" "Lolo naman..." Payak itong tumawa. "Kung hindi mo siya gusto. Just stay away from him. Okay? But I'm sure magkakasundo rin kayo." Hindi na siya kumibo pa. Ewan niya na lang kung magkasundo pa silang dalawa no'ng lalaki. But she'll try to make it easy, ayaw niyang bigyan pa ng sakit ng ulo ang kanyang Lolo Miguel kaya kahit ayaw niya sa lalaking iyon. Makikisama siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD