J-5
COLE headed right away to his room after he left Jenny. Nahilot niya ang kanyang sintido. Hindi niya maiwasang makaramdam ng frustration dahil sa inaasal ni Jenny sa kanya. Nakalimutan ba nitong halos eleven years na ang tanda niya rito. Wala itong respeto sa kanya at tinatrato siyang parang kaedad lang nito. Though he admitted, hindi halata sa pisikal niyang itsura ang kanyang edad but the fact that he's staying on Don Miguel's hacienda ay mapipilitan siyang ibaba ang kanyang pride at habaan pa ang kanyang pasensiya. Sumasakit ang ulo niya. Ang akala pa naman niya ay magiging madali lang sa kanya itong trabahong ito. Mukhang nagkamali yata siya nang tanggapin niya ang offer ni Clayd. Ang kaibigan niya mismo ang nagpumilit na bumalik na siya sa trabaho para naman ma iba ang kanyang landas. Though half of himself, gusto niya ang lugar sa probinsya at saka alam naman niyang hindi siya magtatagal sa lugar na ito. Napaunat siya ng kanyang mga braso. Now, he missed his gym.
Lumapit siya sa kanyang closet at kumuha ng towel. Gusto niyang mag-jogging, para naman maalis ang kanyang stress. Muli siyang lumabas sa kanyang okyupadong kuwarto at lumabas ng bahay.
JENNY couldn't hide her pissed on Cole. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Inis niyang nasipa ang malaking bato at umikot sa likod ng kanilang mansyon. Napatigil siya nang makita ang anak nang isa sa kanilang mga trabahador na nanunungkit ng hilaw na mangga. Dali-dali siyang lumapit dito.
"Mirasol!" tawag niya. Ka-edad lang din niya ang dalaga.
"Señorita Jenny! Magandang umaga po," masiglang bati din naman nito sa kanya.
"Bakit hindi ka gumamit ng hagdan? Mangangalay ang leeg mo niyan," may himig na pag-aalala niyang ani.
"Ayos lang. Mas gusto ko naman ang ganito," anito.
"Teka," aniya pa at umikot sa kaliwang bahagi ng puno. Sinipat niya ng mabuti ang kurba ng puno at kung saan siya puwedeng umapak. Hinubad niya ang kanyang sandal at nagsimula nang umakyat sa puno.
"Señorita Jenny, sandali! Baka mahulog ka diyan!" nag-aalala nitong babala sa kanya.
"Dati pa naman natin itong ginagawa Mirasol. Mas madali tayong makakapitas kung aakyat ako," katwiran niya.
"Pero..."
"Akin na ang sungkit," utos niya pa nang makapuwesto na siya sa isa sa malaking sanga ng punong mangga. Napapailing naman na kinuha ni Mirasol ang sungkit upang ibigay sa kanya.
"Nakabestida pa kayo señorita. Paano 'pag may makakita sa inyo at mabusohan kayo."
"Hanggang tingin lang ang mga 'yan Mirasol," aniya kasabay ng paghagikhik. Sinuklian din naman siya nang pagtawa ni Mirasol.
Ipinagpatuloy na niya ang pagkuha ng mangga.
"What are you doing?"
"Iring ka!" bulalas niya at nahulog niya ang sungkit na hawak.
"Magandang umaga po," bati ni Mirasol sa lalaki.
Nakagat niya ang kanyang labi nang makita ang itsura ng lalaki. So. Damn. Hot. Bakat kung bakat. Tumikhim siya at inalis ang mga doon.
"Namimitas, bakit?" mapakla niyang sagot. Kumunot ang noo nito at napamaywang.
"You could be in danger. Paano kapag nahulog ka diyan? And look what you were wearing, is that a proper clothes for you to climb up there? Maari kang mabastos Jenny," talak nito.
Nakangiwi namang bumaling si Mirasol sa kanya.
Pinagpag niya ang kanyang mga kamay.
"Sasaluhin mo naman ako kapag nahulog ako, 'di ba?" nakangisi niyang ani.
"You're unbelievable. Get down! Right now!" Nakatiim na ang bagang nito at halatang hindi nagustuhan ang pagsagot-sagot niya rito. Inirapan niya si Cole at dahan-dahan na bumaba. Nang nasa huling sanga na siya'y biglang lumapit si Cole sa kanya at hinila ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse. Ngunit maagap ang lalaki sa pag-agapay sa kanya kaya diretso siya sa mga bisig nito.
"Don't you dare do that again!" anito at parang isang sako ng bigas siya kung buhatin nito.
"Teka! Ano ba!? Ibaba mo nga ako!" pagpupumiglas niya ngunit patuloy pa rin ito sa paglakad. Hanggang sa marating nila ang mansyon ay hindi pa ito nakuntento. Talagang dinala siya nito sa kanyang kuwarto at ibinagsak sa kanyang kama.
"Ano ba!?" pagwawala niya.
"Don't provoke my temper Jenny! Iniwan ka sa akin ni Don Miguel kaya kargo ko kapag may nangyaring masama sa iyo."
Napakurap siya.
"Iniwan!? Wait, nasaan ang Lolo Miguel ko?"
"Umalis siya kanina lang. He was having a business trip."
"Ano!? Teka, dapat kasama ako."
Tumayo siya at hinagilap ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang tinawagan ang kanyang Lolo Miguel. Ilang segundo lang ay may sumagot din naman agad sa kabilang linya.
"Apo," anito.
"Lolo, where are you!? Bakit mo ako iniwan sa lalaking 'to..." she paused.
"I mean, kay Doc. Lazarte. Dapat isinama ninyo ako."
Narinig naman niya ang pinong pagtawa ng matanda.
"Relax apo, babalik din naman ako after two days at saka kampante naman ako na maalagaan ka ni Cole. Be a good girl, okay? I'll hang up now."
Bigla nitong pinatay ang tawag nang hindi pa naman siya nakakapagrason. Inis niyang naitapon ang cellphone sa kanyang kama. Mataman niyang tinitigan ang lalaki na kanina pa nakapamaywang sa kanyang harapan.
"What!?" asik niya.
"Stay here until I come back," anito.
"Paano kung ayaw ko?"
"Come on, Kid. Hindi mo ako kilala. Try me."
Napalunok siya. Lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Napabuga siya ng hangin at ibinagsak ang katawan sa kanyang kama kalaunan ay tumihaya.
"Try me," bulong niya sa kawalan. Biglang uminit ang kanyang mga tainga. Damn. That words suddenly arouse her. Kinilabutan siyang bigla at agad na iwinaksi sa kanyang utak iyon.
Bumukas naman ulit ang pinto ng kanyang kuwarto at iniluwa nito ang lalaki.
"Get dress. Sasamahan kita. We are going to meet your possible tutor."
"Wait? Two months ang vacation ko at kaya ko pumasa sa university na papasukan ko. Hindi ko kailangan ng tutor. Now if you'll excuse me." She rolled her eyes on him. Dumapa siya sa kanyang kama ngunit laking gulat niya nang hilahin ng lalaki ang kanyang paa.
"What the hell!?" gulat niyang ani.
"I told you, don't try my patients Jenny. Hindi kita tatratuhin ng ganito kung nirerespeto mo ako!"
Muli siyang binuhat nito at dinala sa kanyang banyo. Pinagpapalo niya ang balikat nito.
"Ibaba mo ako!" sigaw niya.
Ibinaba nga siya nito at halos mapatili siya nang buksan nito ang shower.
"Ugh! Ano bang problema mo!?"
"You! And your manner! Mas matanda ako sa iyo and yet you're treating me like the same age as yours. Now take this as a punishment!"
Tinalikuran na siya nito at iniwan na basang-basa. Nakagat niya ang kanyang labi. Malaki ang punto nito pero para sa kanya ay ayaw niya itong tratuhin na mas matanda sa kanya. Yes. His looks is far from his actual age but she's not comfortable. She sighs and finish showering.