J-2

1371 Words
J-2 Tumayo siya at lumipat sa kanyang kama. She grab her phone and texted her ate Grace na safe silang nakabalik together with her Lolo Miguel. Grace was a close friend of her. Saksi rin siya kung ano ang pinagdaanan nito sa love life. And speaking of a love life, she envyed Grace for having such a loving man liked Max. Sometimes she wish, na sana makahanap din siya ng lalaking kayang maging faithful sa kanya kahit paglayuin man ng tadhana. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at napatitig sa kisame. "Damn this life, maganda naman ako, sexy, malaki naman boobs ko at saka matangkad din naman ako. Bakit kaya hanggang ngayon wala pa akong boyfriend?" aniya sa sarili. "It's because you're just only nineteen," wika ng isang boses. Agad siyang napabangon. "Ate Grace, kanina ka pa diyan?" "Not so long." Tumabi ito sa kanya. "Sakto nang makatanggap ako ng text mula sa iyo ay papunta na ako dito," anito pa. Tumango lamang siya. "Naistorbo ba kita?" Umiling siya. "What's wrong?" anito nang mapuna ang pagiging tahimik niya. "Si Lolo kasi..." "Iyon pa rin ba?" Ang tinutukoy nito ay ang pag-aaral niya sa ibang bansa. Tumango siya. "Hmm. Hindi ko rin naman masasabing payag ako sa desisyon ni Don Miguel pero siguro bilang tumatayong magulang mo, kapakanan mo rin ang iniisip niya." "Pero ayokong umalis ate Grace. Saka ayaw kong pag-usapan 'to. By the way? Bakit ka nga pala napadalaw?" pag-iiba niya ng usapan. "Well, balak namin magbakasyon ni Max. Mawawala ako ng one week. May gusto ka bang ipabili sa akin?" Ngumuso siya. "Pahingi nga ng lalaki ate." Marahan siya nitong nahampas sa balikat at malakas na tumawa. "Hindi hinihingi ang lalaki Jenny, kusang ibinibigay ni Lord. Saka ikaw bata ka, lalaki agad nasa utak mo. Ang bata mo pa para sa ganyan." "Hindi na ako bata ate. Legal age na ako ha." Muli itong tumawa. "Still, nasa adolescents stage ka pa rin. Nasa poder ka pa ng Lolo mo saka 'teen' ka pa." Mas lalong nalukot ang kanyang mukha. "Unfair," maktol niya. "Soon Jenny, hindi naman kasi minamadali ang lahat. So what now? What do you like me to buy you?" "Anything ate." "You sure? The last time you said 'anything' hindi mo nagustuhan ang binili ko," anito sabay hagikhik. "Ang sexy kasi ng bikini na bigay mo ate. Kita na kaluluwa ko doon 'no!" Muli itong tumawa. "You've got the body Jenny. Walang dapat ikahiya. So final na iyang anything thingy mo ha?" Tumango-tango siya pero this time ay nakangiti na siya. Grace hug her. "Still update me from your happenings. One week lang akong mawawala. Babalik din naman ako agad." "Nako ate, don't mind me." "That's my girl!" Yumakap siya rito. "Oh wait, may naalala ako. Some guy asked me last week about your Lolo's address. May dumaan ba dito na kulay pulang Estrada?" Agad naman siyang umiling. "Oh, my bad, baka naligaw na naman iyon at umuwi na lang. Anyway, take good care of yourself and Don Miguel. I love you Jenny." "I love you too ate Grace, kayo rin ni kuya Max, ingat kayo." Grace kissed her forehead. Kumalas na ito at tuluyan na ang lumabas ng kanyang kuwarto. Muli niyang na ibagsak ang katawan sa kanyang kama. She knows she'll be okay. JENNY suddenly woke up an unusual hour. She take a peek look on her wrist watch. As she expected, it was six o'clock in the morning and she heard some weird noise downstairs. She yawned and grab her robe. Gusto pa niyang matulog pero ayaw na bumalik ang antok niya. Bumangon na lamang siya at naligo. Pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Sandali pa siyang napatitig sa harap ng salamin. One of her lace in her left shoulder is keep on sliding on her bare skin. Inakyat niya ito pero bumaba pa rin nang ibaba niya rin ang kanyang braso. Hindi niya na lang ito pinansin. Ni hindi na nga niya itinali ang ribbon lace na nasa kanyang dibdib. Lumitaw tuloy ang ibabaw ng malulusog niyang dibdib. Pero wala siyang paki ro'n. Sanay naman na siyang hindi itinatali ang mga lace ng kanyang bestida. Pinagkaabalahan niya na lang ang kanyang buhok. She divided it on the center and tie it both side. Nagmukha tuloy siyang animated character sa itsura niya. Though she loves it. She put a little lip balm just to make sure her pinkish lips won't be look dry. Umikot pa siya sa kanyang kama para naman hanapin ang kanyang sandal and she's ready to go. Nang lumabas siya ng kuwarto ay agad niyang napuna na bago ang mga kurtina ng kanilang mga bintana. Ang katabi niya ring kuwarto ay nakabukas ang pinto. Labas-pasok ang mga katulong at para bang abala sa paglilinis. Maingay din sa ibaba, sa may kusina. Agad na kumunot ang kanyang noo at nang dumaan ang isang katulong sa harapan niya'y agad niya itong hinarang. "Anong mayro'n?" "May bisita po si Don Miguel, señorita Jenny," anito. "Sino?" usisa niya pa. "Hindi ko po kilala pero..." Napatigil pa ito at napahagikhik pa, para yatang kinikilig ito. "Yaya, paano mo ako masasagot kung para kang uuod na kikiti-kiti diyan." "Nako señorita, pasensiya na. Ang gandang lalaki lang kasi ng bisita ninyo. Bumalik tuloy ako sa pagkabata ko." Natawa siya sa sinabi nito. "Oh siya, hahayaan ko na po kayong magpantansya sa Adan na iyon. Pero bakit nililinisan ang kabilang kuwarto?" muli niyang usisa. "Hindi ko rin alam señorita, excuse me po." Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Why not ask her Lolo Miguel sa curiousity niya? Agad siyang bumaba sa hagdan at hinanap ang kanyang Lolo Miguel. "Lolo!" tawag niya. "Over here apo," narinig niyang sagot nito mula sa kanilang beranda. Agad din naman siyang lumakad palapit. Nang makita niya ang kanyang Lolo Miguel ay agad siyang lumapit at humalik sa pisngi nito. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang bisita ng kanyang Lolo Miguel. "Good morning grandpa," bati niya. "My lovely grandchild, good morning too. Oh by the way, I want to introduce to you. Doctor Cole Iane Lazarte, he is going to be my personal doctor and he'll be staying here to monitor my health condition. Alam mo naman ang Lolo mo, tumatanda na masiyado," wika ng matanda. Agad siyang napatitig sa lalaking kaharap niya. Wala sa sarili niyang naawang ang kanyang bibig at kalaunan ay lihim na nakagat ang kanyang ibabang labi. Her yaya is insanely telling the truth about this man. Adan nga! Napalunok siya. Hindi niya ipinahalatang apektado siya sa karismang taglay nito. "H-how long?" tanong niya ngunit sa lalaki pa rin nakatitig ang mga mata niya. Maging ito ay ayaw rin siyang lubayan ng tingin. At kung makatitig sa kanya ito ay para bang may nagawa siyang isang bagay na hindi nito nagustuhan. He even clench his jaw while maintaining his posture of looking cool. "Not so long apo. Hindi naman siya totally titira dito. Maybe he'll stay for two to three days then get back to Manila again, and so on and so on," sagot ng kanyang Lolo Miguel. "So it's you, finally, in flesh," anang lalaki at nakipagkamay sa kanya. Alanganin siyang makipag-handshake sa lalaki pero ginawa niya pa rin bilang respeto dahil bigla nitong kinuha ang kanyang kanang kamay. Upon handshaking, may kakaiba siyang napansin dito. Humigpit kasi ang kamay nito at para bang naiinis ito sa kanya. Hindi nga lang halata sa mukha nito dahil nakangiti naman pero ganoon ang nararamdaman niya. Weird. Binawi niya ang kanyang kamay nang makaramdam na siya ng sakit. "Excuse me po grandpa. Magho-horse back riding lang po ako," paalam niya. Tumango lang ang kanyang Lolo Miguel. Hindi naman umimik ang lalaki at mataman lang na nakatitig sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng kanyang mga mata at lumakad na. But honestly, she felt something strange. Iniisip niya rin kung saan nga ba niya ito nakita dahil parang familiar ang boses nito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig. Ngunit agad din naman niya itong iwinaksi sa kanyang utak at tinungo na ang kuwadra. Gaya nga ng nakagawian niya tuwing umaga ay pumipili siya sa isa sa mga alaga nilang kabayo at sinasakyan niya ito upang ma-test kung gaano ito kabilis tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD