“Though you have made me see troubles, many and bitter, you will restore my life again; from the depths of the earth you will again bring me up. You will increase my honor and comfort me once again.” – Psalm 71:20-21 NIV
**
Chapter 6
Deanne
I went inside my favorite hair salon. Pagkakita sa akin ng Korean hairstylist at may ari ng salon ay agad siyang ngumiti at sinalubong ako. I smiled back at her. Tinuro niya sa akin ang bakanteng upuan at tinawag ang kanyang dalawang staff para maasikaso agad ako.
I usually trim here and some treatment for my frizzy hair. But as I was looking at their big posters, sinabi kong gusto kong magpakulay ng buhok. She checked first the condition of my hair. Then, they started.
I also asked to paint my nails. I chose deep red and it brought new look on my fingers. I spent almost fifteen thousand pesos and I got out satisfied. I liked the ash gray color, too. It’s the type of color that I never tried before. I liked it. It brought something new on my face.
Oh, there’s so much fun going to the boutique alone. I bought a white turtle neck body hugging sexy dress. Na may butas sa magkabilang tagiliran. It also revealing a little bit of my hips. Long sleeves and looked fine. Ang butas sa tagiliran ang nagha highlight sa balat ko at kurba.
“It looks so sexy on you, dear.” Puna ng lalaking nagtahi ng damit.
I scanned myself on the life size mirror. Well, it fits perfectly.
“I’ll get this.” Tipid kong sagot.
Patakas akong umalis ng mansyon. Pero kailangan ko pa ring magsama ng bodyguard para hindi naman mag alala sina Dad at Mom. Dahil ipapahanap nila ako agad kapag hindi ako nagdala niyon. Ayaw ko lang makita nila ang itsura ko ngayon.
I guess, it’s a new chapter for showing in this club and wearing something rebellious for me. I know Mom would scold me if ever she sees this dress. Sinantabi ko iyon para makapag party ngayon. Besides I’m so excited for this night.
The birthday bash is already started when I arrived. It’s Carl’s 30th birthday. Carl is my school mate in College. Medyo nagulat ako dahil inimbitahan niya akong pumunta. He and his friends were kind of popular back then. Sila iyong mga crush ng bayan kung ituring. But we were never that close. Kaibigan niya rin ang isang naging manliligaw ko noon sa school.
“Deanne de Silva!”
Halos mapangiwi ako nang makarating sa pwesto nila. The venue is jampacked. Sa lakas ng boses ni Carl ay naglingunan ang mga taong naroon malapit sa kanya sa akin.
“Hi! Happy birthday.” Nakipagbeso ako sa kanya pero hinatak niya ako at niyakap.
Tinaas niya ang basong iniinuman. Inakabayan niya ako. “Guys and especially girls, let me introduce to you Deanne de Silva. Ang kambal ng kinababaliwan ninyong si Dylan de Silva.”
Binalingan ko siya. Tumawa ako. “What the f**k?”
Carl laughed and looked down at me. Natigilan pa siya na tila ngayon lang niya napansin ang itsura ko at suot. Umatras siya at hinaguran ng tingin ang katawan ko.
“What the f**k? You’re so gorgeous. Kaya pala pilit nila akong niyaya kang pumunta. You’re breathtakingly sexy, Deanne!”
I smirked at him and didn’t say any. Inabutan niya ako inumin. Tapos ay isa isang pinakilala sa kanyang mga kaibigan. Pinaupo niya ako sa kanilang private table. Hindi naman iyon puno ng tao kaya medyo nawala ang kaba ko. This place has different vibe from Peyton. Medyo maliit nga lang ito kaysa roon at walang second floor.
Sumimsim si Carl sa kanyang maliit na baso. Tumabi sa akin at pinasadahan ulit ako ng tingin.
“Saan ka nagwo work ngayon?”
I licked my lips and tasted the liquor he gave to me. Binalingan ko ang isang sexy at matangkad na babaeng tumabi sa kanya. Panay ang sulyap niya sa akin.
“In my dad’s company.”
“WCC?”
I nodded and smiled a bit. Nagde kuatro ako at tiningnan ang mga taong nagsasayaw sa hindi mahulugang karayom sa gitna. May mga bilog na mesa pa rin sa gitna ng club. Kahit nasaan kang pwesto ay pwede kang sumayaw. May malaking LCD monitor sa likod ng mga DJ. The music is so loud, too. Kaya pasigaw kaming nag uusap ni Carl.
“Damn. Hindi basta basta ang company ng dad mo, ah. May ibang kilalang developer ang threaten sa inyo. Ano bang sikreto?”
I chuckled and shook my head. “Hard work?”
Tinuro niya ako at ngumuso. “Dedication, passion and oozingly appealing owner like your brother. Ang hirap nang gan’yang kakumpitensya, ‘no!”
“Hindi naman kailangang may itsura. Nagkataon lang. Namamana, e.”
We both laughed. Sa paglipas pa ng ilang minuto ay naging panatag na ako sa mga kasama at lugar na ito. Maraming pinakilala sa akin na kaibigan si Carl. Some were from famous family name and businesses. Men flocked in our table. Nakikipag unahan na makausap ako. Hindi ko alam kung paano sila kakausapin nang maayos lahat.
“Tara sayaw tayo,” aya ni Carl.
Siya ang may birthday pero ako pa ang binibigyan niya ang espesyal napag aasikaso ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya. Iniwan namin ang mga lalaking kausap ko at lumapit sa mesang malapit sa harapan ng DJ. I heard Carl said na kaibigan niya rin ang naroong tao. It is filled with happy and drunk people. Madilim at may malilikot na ilaw para mas lalong ganahang sumayaw ang mga tao.
We finished one full song. Then, Carl gave me a drink. He leaned on my ear; “Pampagana!”
Swayed by the music, vibe and loud ambiance, I nodded and drunk that glass. I winced after the taste hit me. Tiningnan ko ‘yung baso at si Carl.
“What’s this?”
He laughed. “Blow Job! How is it?”
I almost gave him sour face after learning the name of the drink. Pinagtawanan niya ako at kinuha ang baso sa akin. Nagsayaw kami ulit. Different people came to dance with us. I must say, may kakaibang hatak talaga ang apelyidong nakakabit sa pangalan ko. Just learning that I am Johann de Silva’s daughter, siguro ay nagiging diamante ako sa mata ng mga taong naririto.
Habang nagsasayaw ay may tumapik sa balikat ni Carl. Binalingan niya ako at tinuro ang mesa sa likod. Tumango at binalewala ang paglayas niya. I danced. Danced. And danced. Everything’s now is appealing to me. The scent, the sound, the skinship from others and even the place. I am getting into my moves and swayed my body like I never did before. I feel so free like a bird in the sky. I feel like spreading my wings. Gasp by gasp and I let myself dive into the fantasy of my own.
Nagpapalit palit ng dilim ang ilaw. Lumalahok ang bawat kulay sa harot ng paghagod nito sa amin.
Beads of sweat started to annoy me. Unti unti na rin akong naiinitan sa suot na turtle neck na damit. I wiped my neck and put all my hair on the left side of my shoulder. I am still dancing when I felt a warm hand on my waist, on my bare skin. Sumasayaw ang may ari ng kamay na iyon sa likod. I felt his body and his movement. Hinayaan ko dahil parang aalis din naman ito kapag hindi pinansin.
“Hi, gorgeous . . .” he whispered in my ear.
He sounded foreigner. I danced and didn’t bother his presence. He danced with me, too.
Hanggang sa nagpalit ng kanta ay hindi umaalis ang banyagang ito sa likod ko. He is whispering compliments in my ear.
“Where’s your boyfriend, hm? A girl like you shouldn’t be left alone here,”
I smirked. “My boyfriend?”
“Ah huh,”
“He cheated on me.”
“Ow. That sucks.”
“Yeah. He f*****g cheats on me! Wooh!” I put my hands up and danced with the beat of the DJ’s song.
Every beat now feels like a drug . . .
Tumawa ang lalaking banyaga sa likuran ko. Hinaplos niya ang kamay sa tiyan ko. Mas lalo kong ginalaw ang katawan para swabeng mawala ang hawak niya sa akin. I stepped forward but he snaked in his arms around my waist and grinded his crotch behind me. Doon ako naestatwa. Nainis ako. Dagli kong kinalas ang braso niya sa baywang ko at hinarap siya at tinulak.
“You, bastard!” I hissed.
Tinaas niya ang dalawang kamay. Lumayo sa akin. “Sorry. I thought . . .”
“f*****g leave me alone or I’ll make your life a living hell?”
Tila gusto kong durugin ang kamay niya. Kaladkarin siya at pagsasampalin sa tindi ng galit na naramdaman ko. I started to heaved violently and even if he didn’t look harm for me, nag aapoy pa rin sa galit ang dibdib ko.
Umalis na lang hindi sumasagot sa akin ang mestisong lalaking iyon. I sighed heavily and combed my hair. It’s irritates me now. Umalis na lang ako roon at bumalik sa mesa ni Carl. I pushed different people just make a way out. Pagbalik ko roon sa mesa ay naabutan kong may ka-makeout-an si Carl. Tumayo na lang ako sa gilid at kumuha ng bagong inumin. Ininom ko ulit iyong drinks na binigay sa akin kanina ni Carl.
While drinking alone, everyone is having fun. May kanya kanyang business. Walang nagmumukmok sa isang tabi. Maliban siguro sa akin.
I refused several men na gustong makipag sayaw. Some are obviously wanting to flirt. I came here to party not to get another man.
Nagtawanan ang isang grupo ng mga babae sa tabi ko. Binalingan ko sila. Naabutan kong ang isang babaeng nakatingin sa akin.
“Hmp! Party girl lang ang isang ‘yan.” I heard her said.
Sumimsim ako sa baso.
“Enjoy siyang pagkaguluhan ng boys.” her friend said.
I sighed and looked around the place. Bigla ko tuloy na-miss sa Peyton.
At the end of the night, umuwi akong satisfied sa party’ng dinaluhan. And Carl invited me again. Um-oo ako.
Mom stared at me quietly. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Kumikirot ang ulo ko at parang ayokong pumasok sa trabaho. Then, Mom is here. Na kung titigan ako ay para bang nag iba ako ng anyo.
Tinabi ko ang pistel sa loob fridge. “Ang sakit ng ulo ko, Mom. Iidlip lang po ako sandali.”
Bumuntong hininga si Mommy. Kinuha niya ang basong ininuman ko at siyang naghugas nito sa sink.
“Sige. Mabuti pa nga. Magpahinga ka at para bumuti ang katawan mo.”
“Thanks, Mom.”
Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone. Magmula nang mag cool off kami, hindi na talaga nag text sa akin si Grey. Not that I am expecting his words but maybe he wants to check on me like some human friend. Pero wala. It’s either wala siyang pakielam sa akin o busy siya.
My teeth gritted at the thought of him and his other woman. I wanted to ask Dylan to beat him up but I immediately reprimanded myself. Binaba ko ang cellphone sa kama at dumapa. Sinubsob ko ang mukha sa unan hanggang sa tuluyang umatras ang luhang gustong kumawala sa mata ko. Tinapangan ko ang galit sa kanya.
Pinalipas ko ang halos kinse minutos at saka ako tumihaya ulit. Tumitig ako sa kisame. Walang espesyal sa kisame ng kwarto pero naroon ang mata ko nang matagal. Inisip ko si Grey. Ang lahat ng pinagdaan namin sa loob ng walong taon. We fought. We made up. But it didn’t give me this kind of isolated feelings. Na para ba akong manyikang iniwan sa tokador at pinagpalit sa iba. Tinago para hindi makita ang ginagawa niyang paglalaro sa iba. Ikukulong para may pang reserba?
Humugot ako ang hangin. Umiinit ulit ang mukha ko. Kasabay ang paghapdi ng dibdib ko.
“No! No!”
Bumangon ako at tinapik ang dibdib ko.
“No. No,” ilang ulit kong sambit para sa sarili.
Pinalo palo ko na ang dibdib ko para hindi tumuloy ang hikbi ko. I shook my head and bit my lower lip.
“Ayokong umiyak. Ayoko!”
Humugot ako ng hangin at pumikit. Pero bumalong pa rin ang luha sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha at binagsak ang katawan sa kama. Hinayaan kong kumawala ang gustong lumaya.
Ilang minuto akong ganoon. Huminto lang ako nang mapagod at makatulog ulit.
Napaginipan kong nasa isang tila beach ako. Napapaligiran ako ng tubig dagat at nilalaro ng paa ko ang tubig sa shore. I was wearing a floral dress. May bangka sa malayong gilid ko pero walang tao. Tumingala ako sa asul na langit. Then, someone grabbed my waist and my dream faded . . . nagising na ako.
Natulala ako. Hindi na ako umiyak pero ayokong gumalaw.
I don’t know. I opened my phone and login to my private f*******: account. Nang makapasok naman ako ay pinanood ko lang ang newsfeed ko. Nag logout ulit ako dahil nate-tempt akong buksan ang profile ni Grey. Ayokong mauwi ang sarili na in-stalk ang account niya. Kaya pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko.
Hapon nang puntahan ko ang address ng bahay ni Marc. Nagbabakasali lang ako kung nandito siya. Pinaparada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. tabing eskenita kasi ang bahay niya kaya lalakarin ang papunta mismo roon.
Hinarap ko ang tatlong bodyguard ko. “Ako na lang ang pupunta. D’yan lang kayo.”
“Okay po, Ma’am.” Sagot ng leader nila.
Gusto ko lang naman makausap si Marc. Alam kong tapat siyang kaibigan ni Grey at mapagkakatiwalaan. Sa tuwing may tampuhan kami ay siya ang nagbabati sa aming dalawa.
Pagliko ko sa eskenitang iyon, nadatnan kong may mga tao sa labas. Sa kitid ng daanan ay nakaharang na nga sila. Maingay ang grupo ng mga lalaki. Namilog ang mata ko nang mapagtanto na nakatapat iyong grupo sa pinto ng bahay ni Marc. At isa sa kanila si Grey! Kumakalabog ang dibdib ko!
Nagtago ako sa pader. May mesang nakalatag sa labas. Nag iinuman sila. Nagtatawan. Mukhang may sine celebrate sila.
I gulped. Tulad pa rin ng dati. Si Marc ang takbuhan ni Grey kapag nagkakaproblema kami. Nilakasan ko ang loob at dahan dahang sumilip sa kanila. The moment my eyes landed on them, may binabang sanggol si Grey sa bisig ni Marc. Takot si Marc na hawakan iyong maliit na nilalang pero hindi mapigil ang ngisi.
Binatukan siya ni Grey. “Ayusin mo! Baka mahulog ang anak ko.”
Ang lakas lakas ng mga tawanan nila. Tila mga hari.
Pinagmasdan ko si Marc. Si Grey. At lahat ng kanilang mga kaibigan sa eskenitang iyon. Puro sila mga lalaki. At ewan ko kung narito rin ang babaeng ina ng nilalang na ‘yan. Nanginig ang ngipin ko. Sa huling beses na tiningnan ko sila, nag init lang ang mga mata ko.
Bumalik ako sa sasakyan. My teeth gritted. “Umalis na tayo.”
“Yes, Ma’am.”
Tumitig ako sa labas ng bintana. His coldness has reasons now. It looked like I finally completed the puzzle in my mind. Even Marc and all of his bandmates—knew about it. His bandmates knew that he is cheating on me.
I was silent until we arrived home. Nasa labas si Mommy at nakita ang pagdating ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at bumati. Damn. Ang hirap ngumiti pero nagawa ko.
Mom smiled back at me. “Okay ka na?”
Suddenly, after I heard my mother’s soft voice, hot tears filled my eyes. I gulped.
“M-medyo masakit pa po ulo ko.”
Inabot ni Mommy ang mukha ko at hinaplos. “Kumain ka na. Sasabihin ko sa daddy mo’ng maaga ka natulog.”
“Thanks, Mom.” I uttered.
I went back into the room and lie on my waiting bed. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay lumandas na naman. When will these disgusting tears stop? I don’t know.
Kinagabihan, naghanda akong pumunta sa party’ng sinasabi ni Carl. I readied myself. Nagsuot ako ng satin backless dress in champagne color. To disguise a little, I wore a wig. Hanggang balikat ko ang tabas at itim ang kulay. A killer heels and red lipstick to complete it all.
Mahigpit ang security ng mansyon kaya hindi ako basta bastang makakatakas. Puno pa ng CCTV camera. Kaya nagsama ako ng bodyguard para payapang makaalis.
Pagdating ko sa venue ng party, ngumisi ako. Isang abandonadong gusali ang lugar na nilagyan ng mga ilaw at binuhay ng malalakas na tugtugin. I went inside. Mukhang haunted house ang labas pero hindi naman nakakatakot sa loob. Marami rami ring tao na nagsasayawan at masayang nag uusap. This is almost a Halloween party minus the costumes.
Again, Carl shouted my name. Panibagong babae na naman ang kahalikan niya ngayon. Pero namukhaan ko na ang mga kaibigan niya.
“Wow! You’re always gorgeous.” Pinasadahan niya ako ng tingin. Tila may kislap pa akong namataan doon.
“Well, thanks.” Sabi ko nang nanatawa at irap sa kanya.
He offered a bottle of drinks. “We’ll party all night long!”
I bonded with Carl and his friends. Halong babae at lalaki. Pinakilala pa ako ulit ni Carl sa mga wala no’ng huling party niya.
“I like you dress, huh. You really are fashion icon.”
Nginitian ko lang ang babaeng pumuri sa itsura ko. Labas na labas ang likod ko. Mula sa babaeng kahalikan kanina ni Carl, tumabi ito sa akin at hinawakan ako sa baywang. Pinihit niya ako para makita ang ilang taong sinasabi niya sa akin ang pangalan at trabaho.
He chuckled. “You know what? Usap usapan ka na ngayon umpukan ng mga socialite. Biruin mong ang isang kilalang De Silva ay sumasama na sa grupo naming mag party. I mean, hindi naman ‘to ofcourse naiiba sa ginagawa ninyo pero iba kasi ang grupo mo minsan.”
“I’m always with my cousins.”
He nodded. “Kaya nga. Sobrang exclusive niyo sa Peyton. Para kayong mga prinsipe at prinsesa kung tingnan namin.”
Na-amused ako sa sinabi niya. “Talaga? Well, we’re just being ourselves. We didn’t—”
“No big deal. We love to talk about you, guys. Tinitig isa nga namin kayo sa mga kakilala namin. Kahit 'yung sinabi niyong ampon lang, maganda rin' yon, ah.”
“Huh?”
“It’ll be more fun kung pati mga pinsan mo pumunta rin dito. Can you invite them the next time, Deanne?”
Ngumuso ako. “Maybe. Kung pumayag.”
“Sure ‘yon. Mahilig din naman kayo sa ganito.”
Tinitigan ko si Carl. Sumayaw na siya at lumingid ng tingin sa mga naroon. Pinagkibit balikat ko ang pumasok sa isip at naki party. Drinks are available everywhere. Kahit saan ka lumingon, may daraan sa ‘yong alak. Foods are available too.
Hindi na ako tumanggi nang ayain na akong sumayaw ni Carl. Everything is getting wild. Mayroong sumigaw at parang gusto kong kumawala habang sumasayaw. Hinapit ako ni Carl sa baywang. Ngumiti siya sa akin bago nilubog ang mukha sa leeg ko. I chuckled at first. But when he landed his lips on my skin, I pushed him. He chuckled again and just dance. Parang wala lang sa kanya ang nagawa o baka lasing na ito.
I wasn’t able to think right at that time when I was so into the loud music and with this people. Ang mga nag uusap sa paligid ko ay tipong nagsasaya lang at walang pakielam sa mundo. This is my purpose, too. To forget and be happy . . . even in temporary time.
Hinila ni Carl ang braso ko. “Drinks, Deanne.” He whispered in my ear.
I smiled. Kinuha ko ang boteng binigay niya sa akin at uminom doon. “My gosh. I like it here!” sigaw ko.
“Wooh!”
“Yeah!”
“This is so f*****g fun!”
Uminom ako ulit sa nguso ng bote at sumabay sa agos ng paligid. The mood is engaging. It makes my heart beat faster. I couldn’t stop myself. I couldn’t . . .
Tinaas ko ang mga kamay ko. Nasarapan ako nang maramdaman ang lamig sa ere. I swayed my body and sweats dance along with me.
“C’mon, Deanne,” Carl sensual voice.
Dinilat ko ang mga mata ko. Napahawak ako sa sintido nang umikot ang paningin ko. Kumurap kurap ako. I tried to steady my view. But everyone is moving. Mas lalo akong nahilo. Then, they started to float in my eyes. Their soul extracted from their bodies . . . and the earth move under my feet . . .
“What the hell . . .?” I uttered.
Inabot ko ang katabi para magpatulong. Inalis niya ang kamay ko sa kanyang balikat.
I shook my head. I opened my eyes and everybody is now spinning around . . .
“C’mon, Deanne. You’re tipsy, honey.”
Kumapit ako sa sinumang taong humila sa akin sa gitna ng mga taong iyon. Now, I am feeling drowsy. I imagining my comfortable bed, my air-con, the fruity scent of my pillow and all the things that my Mommy did in my room just to make it clean and smell fresh. I smiled. “Mom,”
My Mommy Aaliyah’s beautiful and kind smile flashed in my eyes. She’s so beautiful. I saw her old photos. I loved her long and silky hair, a model-like body shape and even her pretty smile.
Carl chuckled. “Grabe ka naman. Mommy mo talaga ang hinahanap mo? Pangalan ko ang tawagin mo kapag dinala kita sa langit.”
We’re walking. Umiikot pa rin ang paligid ko. Bumibigat ang talukap ng mata ko. Am I drunk already? Nakailang bote ba ako?
I couldn’t pass out. Pero halos nakahiga na ang ulo ko sa dibdib ni Carl habang inaalalayan niya akong maglakad. Dinaanan namin ang entrance door. Binangon ko ang ulo at tinuro iyon sa kanya.
“My bodyguard . . .”
Binaba niya ang kamay ko at nilayo sa entrance door.
“Oo na. Pinainom ko ang mga bodyguard mo. Hayaan mo silang magsaya rin dito. Ang mabuti pa, umakyat tayo sa taas para sa private party natin,”
I heard muffled sound but my eyes are closing.
“Lucky night, Carl?” a man said.
“Ako pa ba?” and he laughed. “Buong magdamag ‘to sa akin!”
Naaninag ko ang isang lumang hagdanan. Doon ang tungo namin. I wanted to protest but I was too sleepy and groggy now. I wanted to sleep . . . take me home, please . . .
“Dylan,” I murmured my twin’s name.
Tinungtong ko ang paa sa unang baitang. Umakyat kami at nawawalan na ako ng lakas. I wanted to go home . . . for real.