“Teach me to do Your will, for You are my God; let Your good Spirit lead me on level ground.” – Psalm 143:10 NASB
**
Chapter 7
Deanne
The room is so spacious but it has minimal furniture and other things. I am here in a wide bed with clean white sheets and covered with white comforter. My chest thudded so loud. I’m breathing fast. Lips partly opened and bit shaking. I couldn’t hear anything other than the rapid beating of my heart. I pulled the comforter to shield my body.
Where am I?
Nilingon ko ang nakasaradong pintong salamin sa kanan ko. Tumatagos ang liwanag sa tumatabing na puting kurtina galing sa labas. There must be a balcony out there and my room doesn’t have balcony. Just a wide window. Of all the terror movies I’ve watched, this particular day has scared me the most.
The after effect of being drunk last night and the reality.
This is not my room. We don’t have this kind of guest room either. I’m not in our mansion.
Kung gano’n . . .
Napapikit ako. Images of naked body flashed in my head. Heavy breathing, whispering and laughing, it felt like someone was having fun. Kisses, sweats and sticky feelings lingered like they were stolen from my memory. I pushed someone’s sweaty chest. I was denied of my rights. Then, sensual laughter followed.
Mabilis kong minulat ang mga mata ko. I looked down at myself. Iba na ang suot kong damit. Ramdam kong wala na sa balat ko ang silicon bra sa loob ng puting T-shirt na ito. I stupidly peek inside the shirt and confirmed it. There, I noticed that my hands are shaking nonstop.
Saan ako napunta kagabi? I was dancing. With Carl. Then . . .
“No . . .”
Pilit kong inarok ang mga huling alaala ko bago nahilo. Tanda akong nahilo ako. Unti unting inantok. Hinawakan ako ni Carl at sinabing iaakyat sa taas.
“Damn, him.”
Did he . . .
Inalis ko ang comforter sa ibabaw ko. Tinungo ko ang pinto pero dagli kong hinawakan ang sintido ko nang umalon ang paningin ko. Sa pagpikit ko ay umiikot na naman ang pakiramdam ko. And the need to throw up filled my senses. Binakuran ko ng palad ang bibig at tumingin sa paligid. Where’s the bathroom? I saw another door on my left and ran. Bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang malaking espasyo ng banyo. I immediately noticed the bathtub but I ran to the sink and throw up.
Tila ako sinasakal sa leeg habang nilalabas ang galit ng tiyan ko. Pero pagkatapos kong sumuka ay naramdaman ko ang tulong niyon kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. I washed my mouth and clean the sink. Pinasadahan ko ang madilim na banyo. Hindi ko nagawang buksan ang ilaw kaya ang liwanag galing sa labas ang tanging umaaninag para makita ko ang loob. Humahangos ako ng hininga. Pinunasan ko ang labi gamit ang kuwelyo ng suot ko. It just so fast and tears welled up in my eyes. Unti unting kumalat sa isip ko ang maaaring nangyari sa akin sa pagpa party at pagkalasing kagabi.
Fuck you, Carl!!
The violent reaction in me stayed inside me. As much as I wanted to get furious, fear crept in my blood. Naisip ko sina Dad and Mom. My twin. My siblings. Paano nila tatanggapin ang nangyari sa akin? They will sue Carl. Damn him. He will be in jail. I’m so sure of that. Hindi niya matatakasan itong ginawa niya sa akin. Ako mismo ang magpapakulong sa kanya!
Lumabas ako ng banyo at hinanap ang gamit ko. sa nanginginig na katawan, hinila ko ang comforter para makita ang nasa kama. Wala roon ang gamit ko o kahit ang cellphone ko. Binitawan ko ang comforter sa sahig at inapakan para tawirin ang kabilang side ng kama. Sa night table, hinila ko ang unang drawer. Papel, ballpen at isang silver watch lang ang nakita ko roon.
Tinitigan ko ang relos. Rumehistro sa utak ko ang mamahaling brand na ‘yon. Pinasadahan ko ulit ang kwartong nabungaran ko. Iniwan kong nakabuyangyang ang drawer at lumapit sa nakasaradong pinto ng balkonahe. Hinawi ko ang kurtina. Sumilip ako. Ang pang umagang araw ay pinapakain ang mga puno at halaman.
Hinawakan ko ang knob at pinihit pabukas. The nature’s sound filled my ear like some solitude music. May boses ng babae akong naririnig. Hinakbang ko ang walang sapin na paa sa mainit na sahig at humawak sa batong barindilya. Nasa tabi ng mahabang swimming pool ang babaeng nagsasalita. May hawak itong mahabang panglinis ng pool at may kausap pang isang lalaki. Binatilyo sa tingin ko.
“Sunod mong linisin ang mga sasakyan ni Ser.”
Binalingan siya ng binatilyo at ngumisi.
“Ang aga aga puro ka utos, ate Vee.”
Tumigil ang babae sa paghuli sa tuyong dahon sa tubig.
“Pinagbilin ‘yon kagabi pag uwi niya, ‘di ba? Naku ikaw bata ka. Kapag nadatnan ng bisita na gano’n ang saskayan ni Ser, lagot ka. Isusumbong kita.”
“Oo na. Nanakot ka pa. Hmp!”
Umalis ang kausap niyang binatilyo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala ito.
“Ayy! Gising na si Ma’am!”
Binalik ko ang tingin sa babae. Nakatingala ito sa akin. Agad siyang umalis sa tabi ng pool at binaba ang hawak na panlinis. Nang ialis niya ang tingin sa akin, nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay.
Kahit na walang makitang iba, hinaguran ko pa rin ng tingin ang malaking bakuran ng bahay na ito. If this is Carl’s home, did he bring me here to avoid my parent’s wrath? But then, he could even lie. He could tell them that we were together. That I even allowed him.
“f**k. Dammit.” I muttered.
If he thinks I will play with him, he should think better. Dahil hinding hindi ako papayag na manipulahin niya!
I went back inside and targeted the door. Ang tumakbo sa isip ko ay sugurin ang hayup na si Carl. Maisip ko pa lang ang mukha niya ay kumukuyom na ang kamao ko. I opened the door and stepped outside. I am a little mesmerized after learning that it has wide carpeted hallway. Nakabukas pa ang mga lamp sa bawat tungkod sa pader. It looked like as if I am in a five-star hotel. Ganito ang vibe ng bahay. It smells of success, wealth and a bit of mystery.
Nakayapak kong tinakbo ang puno ng hagdanan. Tumayo ako roon at nilingon ang pinanggalingang kwarto. I came from left wing. This house has something. I gasped and walked down the carpeted stairs.
“Ayy! Good morning po, Ma’am.”
The lady is stunned after she saw me running down.
“Nasa’n si Carl?!”
Hindi ko na naitago pa ang galit ko. Namilog ang mga mata ng babae. Pagbaba ko, mas lalo kong nakita ang gulat sa mukha niya. The lady is small and a bit chubby. Halos hanggang dibdib ko lang din. She stared at me like as if I turned into wild Dragon.
“Sino po ulit, Ma’am?”
“Si Carl! Nasaan ang hayup na ‘yan?!”
Gumagawa ng ingay ang sigaw ko. Kaya patakbong sumugod sa amin ang isang matandang babae. Binalingan ko siya nang galit at wala na akong pakielam kahit matakot sila sa akin. Hinanap ko rin sa kanya si Carl.
Pumasok pa ang isang naka-uniform na lalaki galing sa entrance door. I am making a scene here in their house.
“Ano’ng nangyayari, Vilma?” tanong ng bagong dating na lalaki.
My jaw clenched. Mas malakas ang poot ng dibdib ko kaysa sa hilong ulo ko. If it takes of me to faint just to have a war with Carl—I will! Hinding hindi ko siya aatrasan!
Lahat sila ay mangha habang tinitingnan akong tila nababaliw.
“Ilabas niyo ang hayup niyong amo! Carl!!” I shouted his f*****g name.
Napahawak sa kanyang dibdib ang tinawag nilang si Vilma. Binalingan nito ang matandang babae na mahinahong lumalapit sa akin.
“Sino bang Carl ang hinahanap mo, hija?”
My chest pounded violently. At siguro, sa tindi ng galit na nararadaman ko ay naiiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili sa paglabo ng mga mata ko. Nanginig ang labi ko habang tinitingnan ang matandang babae sa harapan ko.
“S-Si Carl,”
Kung pwede lang gumising na hindi ito ang naratnan ko, babalik ako sa pagtulog. Kahit na hindi na ako magising basta ‘wag lang ito.
“Walang Carl na nakatira rito sa mansyon. Baka nananaginip ka lang.”
“Wala si Carl . . .?”
May paninimbang ang kamay niya akong hinawakan sa braso ko. Suminghap ako at agad na nilayo ang sarili sa kanya.
They all looked surprise at my reaction.
“Don’t touch me!” I burst out and cried loudly.
Hindi ko kilala ang mga taong ‘to. Sino ba kayo at bakit ako narito?
“Tawagin mo na si Ser!” sabi ni Vilma sa lalaki.
Tumango at mabilis na umalis ang lalaki. Lumabas ito ulit. Namilog ang mata ko at tinungo rin ang pintuang iyon. Pero agad akong hinawakan nina Vilma at pinigilan.
“Bitawan niyo nga ako!” protesta ko at hila sa braso ko.
“Ikuha mo siya ng tubig, Vee.” Utos ng matanda.
Natigilan ako. “No! Are you going to make me drunk again, huh? No!”
“Sundin mo ‘ko, Vilma.”
Sumunod naman ang babae. Pinagmasdan ko ang matandang ito. Hindi siya natinag sa sigaw ko at galit. Mahinahon pa rin siya kahit halos magwala na ako sa harapan niya.
“Sino ba kayo? Sinong nagdala sa akin dito?”
Iilang imahe mula sa party kagabi lang ang naalala ko. Wala akong alaala kung paano ako nakalabas sa lumang building na iyon at nauwi rito.
“Wala kang maalala marahil. Nandito ka sa mansyon ng mga Montevista. Halos wala kang malay nang iuwi ka rito ni Sir Yale kagabi.”
Tumigil ako sa paghila sa braso ko. “Y-Yale?”
“Ito po na ang tubig, Madam. Ayy! ‘Buti nandito na kayo, Ser Yale. Umiiyak po si Ma’am . . .”
Everything became slow when they all looked at him after he arrived. Takot, kaba at lito ang sunud sunod kong naramdaman pagkakita kay Yale. He’s here, too. Nakasuot ng itim na pantalon at itim na v neck shirt. Madilim ang mata niya akong hinaguran ng tingin bago hinawakan sa siko ko. Hindi ako nakapalag. Para bang iyon ang naging signal ko para huminahon. Nagbara ang lalamunan ko.
“Kagigising lang din po niya, Ser.” Dagdag ni Vee.
Hindi ko inalis ang titig kay Yale. Hinahampas sa sakit ang dibdib ko ngayon. Bumuntong hininga siya at tinitigan ang mukha ko. Walang hiya niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko. He licked his lips and nodded once.
“You’re pale. Vee, pakihanda na ang almusal namin.”
“Masusunod po, Ser.”
“Iaakyat na lang namin sa kwarto mo, Sir Yale?” tanong ng matandang babae.
Nilingon ito ni Yale at tumango. He then carefully tugged my elbow and turned to the stairs.
Sumunod ang katawan ko at isip sa kanya. Ilang beses akong lumunok ng laway at tila umurong ang dila ko sa mga bala ng tanong. Hindi ako nakapagsalita habang inaalalayan niya ako sa pag akyat.
Tinahak namin ang malapad na hallway. Yale’s hand is warm on my skin. Tiningnan ko ang mahahaba niyang daliri na nakapaikot sa braso ko. Ang sabi ko, kaya niyang lamunin ang kamay ko at ngayon, kaya rin niyang baliin nang walang hirap ang braso ko.
Wala ako kay Carl. Kundi nasa bahay ni Yale Montevista. Anak ng isang miyembro ng Blue Rose gang.
Why it feels like, Yale is more dangerous than Carl? Where Carl could have done wrong towards me.
Binuksan ni Yale ang pinto ng kwarto at pinauna ako sa pagpasok. I heard him closed the door. I turned around and confronted him. Pero tinaas niya ang kamay para patigilin agad ako sa pagsasalita.
“You look tired. Kumain ka muna bago magsalita.”
“Paano ako napunta rito sa bahay mo?”
I didn’t listen so he heaved out sigh.
“Inuwi kita.”
“Paano nga?! Kagabi, may kasama ako. Si Carl. At hinahanap ko siya.”
Pumikit siya at minasahe ang bridge ng kanyang matangos na ilong.
“Wala siya rito. Dinala ko sa police station. Puntahan mo sa kulungan.”
That stunned me. Umalis siya sa harapan ko. Tinungo niya ang kurtina sa balkonahe at hinawi iyon para pumasok ang hangin. Pinanood ko siya. Pinulot niya rin ang comforter sa sahig at binalik sa kama.
“A-Ano’ng nangyari kagabi . . .?”
I couldn’t hide the fear in my chest. Kung nasa pulisya na si Carl, kung gano’n ay alam niya ang nangyari.
He sighed again and looked back at me.
“Natagpuan kitang walang malay.”
The image of me in that scene immerged in my mind like some disgusting look. Then, my hands automatically fell on my throat. Shaking. Tense. Scared.
“D-Did he . . .”
Pinagmasdan ako ni Yale. Ilang saglit pa ay umigting ang panga niya at namaywang na galit sa akin.
“You really can’t remember anything. You were not just drunk. He drugged you.”
Namilog ang mga mata ko. “Then, h-he . . .”
Tinitigan niya ako ulit. “f**k, no. You were still—at least covered with that f*****g little dress of yours when I found you.”
“He didn’t do it with me?”
“You rather want it, huh?”
Tumakbo ako sa banyo at nagkulong doon. Binuhay ko ang ilaw at hinarap ang sarili sa salamin. I checked myself on the mirror. Wala na ang suot kong piluka. Pero may kaunti pang eyeshadow. My lipstick is now faded after I cleaned my mouth.
Hinawakan ko ang mukha ko, ang dibdib ko at pababa pa sa ilang parte ng katawan ko. marahil nga ay hilung hilo pa ako kanina kaya hindi ko mapakiramdam nang maayos ang sarili. I put my hand on my middle part. Ang suot kong shorts na itim ang nagtago sa pang ibaba ko. This is a boxer shorts!
Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin. Pang lalaki rin ang suot kong t shirt!
Si Yale kaya ang may ari nitong mga suot ko?
I looked down at myself again. I pulled the garter and peek inside. Suot ko pa rin ang lacey panties mula kagabi. Tila ako nabuhayan ulit pagkakita no’n.
Then, slowly, I pulled the garter of my panties and even if I am so scared right now, I wanted to know. for my peace of mind.
If ever Carl violated me, I could confirm with myself. I could see if I . . .
Bunuka ko ang mga binti. Tiningnan ko ang ilalim ng underwear ko. It is clean. Agad ko iyong binitawan at kumapit sa gilid sa sink. I cried once again. But this time, a relaxed form of tears. I sobbed again and let out all the panic and anxiousness that almost killed me awhile ago.
Mabibilis na katok ang sunod kong narinig sa labas.
“Deanne? What’s happening in there?”
Tiningnan ko ang pintong kinakalampag ni Yale. Tumawa ako at umiyak ulit.
“Open the door, love.”
Pero kahit walang nangyari, may kasalanan pa rin sa akin si Carl.
Sinusian na ni Yale ang pinto ng banyo. Hinintay ko na buksan niya iyon. He’s still a stranger but learning the fact that I am still whole, I just couldn’t avoid him right now. He unlocked the door and walked briskly to haul me into his arms. Mahigpit at nag aalalang yakap ang natanggap ko sa kanya.
For a moment, I didn’t do anything. Maybe, after the last night, this is what I needed. A simple and full of concern arms.
Nilabas ako ni Yale sa banyo at pinaupo sa gilid ng kama. Tiningnan ko siya.
“Inuwi mo na dapat ako sa bahay namin.” Mahinahon kong sabi.
Niluhod niya ang kanang tuhod at tiningnan ako.
“I will. Only if you are safe.”
Am I safe with you?
“I am safe in my own house.”
He sighed and narrowed his eyes on me.
“Your bodyguards . . . are found dead.”
“Ano?!”
Napatayo ako pero hinuli ni Yale ang dalawang kamay ko. Yumuko siya. Hinila niya ako paupo. Umupo ako ulit at pinanlamigan.
“Nilason silang tatlo. Walang nabuhay ni isa.”
My lips parted. “Oh, God . . .”
He looked up again. Tinitigan ko rin siya. May mga bodyguard ako dahil sa kanya. Dahil sa paglapit niya sa akin. Dylan heightened my security to protect me against this man. But he found them dead and I am in his big house and telling me everything. He basically rescued me from Carl. What if . . . he planned this all?
Shit.
He held my hand. I dropped it immediately. Nag iwas akong tingnan ang mata niya. Dalawang katok ang narinig namin sa pinto. Pumasok si Vee na may dalang breakfast tray ng pagkain.
“Breakfast niyo po, Ser, Ma’am.”
He sighed and stood up. Sinuksok niya ang mga kamay sa bulsa.
“Eat first. I’ll just call your brother to fetch you.” umalis siya at lumabas.
Nilapag ni Vee ang dala sa ibabaw ng kama. Bumaling siya sa akin. Dinama ko ulit ang sarili at nilingon ang kwarto.
“Sinong nagbihis sa akin?”
Tumayo ng tuwid si Vee at nagtaas ng kanang kamay na tila sumasagot sa recitation.
“Ako po, Ma’am.”
“Inutos ba ni Yale?”
“Opo, Ma’am. E, baka raw po kayo sipunin sabi ni Ser Yale.”
Uhm, well, backless iyon.
“Nasa’n ‘yung silicon bra ko?”
“’Yung nakatakip sa dibdib niyo, Ma’am? Nariyan lang po sa gilid ng kama ko nilagay. Kaso . . .”
Tinulungan niya akong hanapin iyon. Pero ‘yung backless kong damit at wig na lang nakita ko. Nagkamot ng ulo si Vee.
“Hindi po kaya natabi ni Ser? Siya lang naman po ang pumupunta rito habang tulog kayo, Ma’am. Itatanong ko po.”
“’Wag na! Baka na misplace lang.”
“Naku, ang laki laki pa naman nitong mansyon, saan kaya napunta ‘yong bra niyo? Wala namang nagsusuot sa amin nang gano’n.”
Napahilamos na lang ako ng mukha matapos marinig iyon. Baka natapon? Hayaan ko na nga lang. Hihiramin ko na lang itong damit ni Yale. Mukhang siya naman ang may ari.
“Nabisita niyo po ba ang cabinet ni Ser, Ma’am? Baka napunta ro’n,”
“Bakit ko naman titingnan doon? E, dito nawala.”
Vee smiled quirky at me. “Nasa kwarto po kayo ni Ser, Ma’am. Dito niya kayo pinatulog.”
Nagsalubong ang kilay ko. Inabot ko ang baso ng juice at sumimsim. “Saan siya natulog?”
“Sa tapat na kwarto lang po. Sabi po ng Mama niya ay magpalit kayong dalawa pero ayaw yata ni Ser Yale. Mas kumportable raw kayo sa kama niya.”
Natigilan ako. “Nandito ang Mama niya?”
I didn’t know that.
Vee nodded and combed her short hair. “Sa ibaba po ang kwarto ni Madam Rosalinda. Nakita niya po kayong buhat buhat ni Ser pagbaba ng sasakyan. Wala raw po kayong malay. Kauuwi lang pala ngayon ng dalawa pa niyang kapatid na lalaki.”
I tilted my head. She talked too much but I couldn’t stop her from telling me about the Montevistas.
Kumain ako habang inaayos ni Vee ang kwarto. Hindi masyadong magulo pero siguro ay gusto niya ring makipagkwentuhan sa akin. Mas bumuti rin ang pakiramdam ko nang malagyan ng pagkain sa sikmura.
“Have you seen my bag? Kailangan ko kasing tumawag sa phone ko.”
“Ayy wala po kaming kinukuha Ma’am, ha.”
I chuckled. Naubos ko ang pagkain pero hindi pa bumabalik si Yale. Itong breakfast niya ay malamig na.
“Baka napansin mo lang,”
“Wala po akong nakitang bag kagabi. Itatanong ko po kay Ser.”
“Sige. Sabihin mo, malamig na rin ang pagkain niya.”
“Makakarating, Ma’am!”
Vee happily went out of the room. Naiwan ako roong mag isang nang ilang minuto. Pumasok ako ulit sa banyo at naghilamos. Ginamit ang suklay na manipis na nasa banyo para sa buhol buhol kong buhok. Now, I want my old hair. Papakulay ako ulit at sumpa itong ayos sa akin. para ba akong nahimasmasan pagkatapos nang nangyari sa akin kagabi.
And I want the full details. Nakakaramdam akong may kinalaman ang Montevista’ng ito sa nangyari sa kanila.
I licked my lip. Why would he kill them, then? Tapos ay niligtas ako? Ano’ng plano niya sa amin?
It will go down sa Lolo ni Ruth. Ang gang.
Nang hindi na bumalik si Vee ay nagdesisyon akong lumabas ng kwarto. I felt okay now. Pati sa itsura. Makapal ang tela ng damit ni Yale kaya hindi naaaninag na wala akong bra.
Bumaba ako sa hagdan. Walang katao tao. Nasaan si Yale? May study room din kaya rito?
I roamed the first floor. May mga pintuan akong nakita. Marahil isa sa mga iyon ang sa Mama niya.
Napalingon ako sa likuran nang makarinig nang may nabasag. Binalikan ko ang nadaanang makitid na pasilyo. Sumilip ako roon. Sa dulo ay tumatagos ang liwanag. Madilim ang pasilyo. Sa tingin ko ay kusina ang tungo ng daang iyon. Baka nandoon si Vee kaya pinuntahan ko.
May nabasag na naman ulit. Tumigil ako at nakinig sa mga boses. Boses ng babae ang una kong narinig.
“Kailan mo titigilan ang babaeng ‘yan ha, Yale?”
“Mama, kumalma ka.”
Kumunot ang noo ko. Hindi iyon kay Yale. Ibang boses ng lalaki.
“Tingnan mo ang ginagawa ng Kuya ninyo. Imbes na pagtuunan ng pansin ang apo ni Napoleon, mas gusto pa niyang bumuntot sa ibabang babae. At ngayon, madadamay ka pa sa gulo ng De Silva’ng ‘yan!”
“Ayaw mo nang magpakasal sa apo ni Don Leon, Kuya?”
“Leonard.”
That’s Yale’s voice. Mababa at kalmado ang tono niya.
“Nakahanda na ang lahat, Yale. Ang pagkilos mo na lang ang hinihintay namin.”
That must be his mother. She’s mad. I tiptoed and went nearer the commotion. Dinikit ko ang pisngi sa pader at hindi gumawa ng ingay.
“Kung ayaw ni Kuya Yale, edi ako na lang.”
“Back off, Rock!”
“O sige nga, kung balak mo pang ituloy, bakit nag uwi ka ng babae rito? Ngayon ka lang nag uwi ng babae, Kuya. Kung hindi ako nagkakamali, ‘yan din ang babaeng palagi mong kinukwento sa amin. May gusto ka na d’yan.”
“Rock! Tumigil ka sabi!”
“Sorry, Mama.”
“Itutuloy mo ang kasal, Yale. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging asawa mo ang nag iisang apo ni Napoleon. At tatantanan mo na ang babaeng De Silva na ‘yan! Itigil mo ‘yang kabaliwan mo!”