Chapter 5

4424 Words
“I have set the LORD always before me. Because he is at my right hand, I will not be shaken.” – Psalm 16:8 NIV ** Chapter 5 Deanne I knew that it could be possible. But I never knew that it could happen . . . Two different last words but the second one hit my reality. It happens. His voice is mad. He’s frustrated and I can see it now through his reddened eyes. Kahit na may mga taong halos marinig ang sinasabi niya, wala siyang pakielam. He continued proposing that set up to me and I can’t stop his mouth. My fist clenched over my lap. My lips tightly pursed together. I didn’t like his view of our relationship. And it crestfallen me. He scoffed at me after he finally notices my silence. “Don’t give me that cold treatment, D.” he told me in a lower voice now. Nasa harapan na lang kami ngayon ng lugawan. Iniwan ko na lang sa mesa ang pagkain ko dahil hindi ko na maramdaman ang lasa no’n. Pati ang gutom ko ay wala na rin. Kasunod ang tatlo kong bodyguard. Grey looked back at them and sighed heavily. Humalukipkip ako at tumayo nang deretso. Ignoring every heavy breath that he is releasing towards the air. It polluted me. “Kaya mo bang tiisin ang gan’yang buhay? Ano? Gusto mong palaging may nakabuntot sa ‘yong bodyguard kahit personal ang lakad mo?” Matalim akong kumurap nang hindi siya tinitingnan sa gilid ko. “That’s their job.” “Hindi ka apektado? Pinagmumukha kang bata!” I angrily looked at him. “So what? Ako lang ba ang nakakaranas ng gan’yang treatment?” “Oo naman! Ikaw ang mapera rito, ‘di ba?” Namilog ang mga mata ko. He threw a sarcastic tone on me. Pinagmasdan ko siya. Why is he being like this to me? Okay. Siguro ay naninibago siya sa ganitong karami na nagbabantay sa akin pero hindi na ito bago kahit noon pa. Mayroon din namang time na pinapayagan ako ni Dad na walang bodguard. I may not be in favor of increasing the numbers but it serves its purpose. That is to protect me. For my security. Hindi ba iyon maintidihan ni Grey? It bothers him so much now? “Why is this bothering you now, Grey? What’s wrong with it?” He glanced twice at me. Para bang hindi niya ma-steady ang pagtingin sa akin pero sa pangatlong tingin ay tuluyan na siyang humarap sa akin. Bumuntong hininga at madiin na pinaglapat ang labi. “Nasa tamang edad ka na pero iniisip mo pa rin ang sasabihin ng pamilya mo kapag nagsama na tayo. Dapat nga after college ay humiwalay ka na sa parents mo. Kaya na nating buhayin ang isa’t isa!” Mapait akong tumawa. My lips parted unbelievably. “Did I ever say that I don’t want to be with you?” “Bakit hindi mo sagutin ang gusto ko ngayon? Bakit nananahimik ka? Iniisip mo ba ang nararamdaman ko? Binabalewala mo ang sinasabi ko dahil mahina ang kita ko sa pagbabanda.” “Woah, Grey. Teka. Hindi lang ako umimik, ang dami mo agad na akusasyon sa ‘kin?” “Ano pala ang gusto mong isipin ko sa hindi mo pagsagot? Hangin lang ako? Bato? O taong walang silbi sa babaeng tulad mo?” “Does it even matter to you if ever your words are too painful to me, huh?” Agad niyang iniwas ang mata sa akin. Pero hindi nawawala ang galit sa kanyang mukha. “You’re too fast to think of many conclusions towards me and you didn’t think if your proposal is good to me . . .” He scoffed. “Wala, e. Talagang hindi pa ako sapat para sa De Silva’ng tulad mo.” “Ang rason mo ang hindi sapat, Grey. At ‘wag mong ipagsangkalan ang apelyido ko sa akin. Dahil kahit kailan hindi naging issue sa amin ang status ng taong pipiliin naming makasama habangbuhay.” He looked back at me abruptly. A new wave of anger is written from his eyes. “Hindi sapat na nagmamahalan tayo? Ano bang gusto mo, ipa-billboard ko kung gaano kita kamahal kaya dapat lang na magsama na tayo, gano’n ba?” “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin!” “O baka gusto mong ipagpaalam pa kita sa Daddy at Mommy mo?” “Grey . . . ang pagsasamang gusto mo . . . ginagawa ng dalawang taong . . . n-nagpapakasal,” “Kasal? Gusto mong magpakasal muna tayo?” I stared at his face. Namilog ang mata niya. Tapos ay tumawa nang malakas. Na parang ang lahat ng pinagtalunan namin ay sadyang biro lang pala. Pumula ang mukha niya sa pagtawa. Binalingan siya ng tatlo kong bodyguard na alam kong kanina naririnig ang sigawan namin. But cold washed on face while watching Grey. I always wanted him to be happy but not like this. It isn’t funny to mock me. Yes. He mocked me because I finally mentioned about the wedding. Marriage. That’s what I want. To marry someone, I wanted to be with for the rest of my life. Like how my parents love each other. Like how Dylan wants Ruth. Like how it should be. But he found it funny. He made fun of my core reason. He made fun of me. Hinawakan niya ang tiyan kakatawa. Yumuko ako. Lumamig ang mukha ko. My anger has drained and now I felt being the center of the joke. Nilingon ako ni Grey habang nagpupunas ng luha sa gilid ng mata. “My ghad, D. Alam kong nanggaling ka sa respetadong pamilya pero hindi ko akalain na gan’yan ka mag isip. Anong taon na? Inaalala mo pala ang sasabihin ng ibang tao kaya ayaw mong magsama tayo. E, wala naman silang paki. Isip mo ‘yan, isip ko ‘to. Magsama man tayo, wala silang pakielam sa buhay nating dalawa. Tayo lang ang bahala sa kinabukasan natin.” Mabigat akong bumuntong hininga. Tinungo ko ang sasakyan namin. “Uuwi na ‘ko.” “Teka!” I am determined to leave. Agad akong pinagbuksan ng pinto ng bodyguard ko. Pinigilan ni Grey ang braso ko at agad ko ‘yong winasiwas. He looked surprised but I didn’t give a damn concern. I glared at him. “Uuwi na ‘ko.” mas madiin kong ulit. Nagtaas siya ng dalawang kamay bilang pagsuko. “Okay.” He turned to my bodyguard. “Ingatan niyo, ah.” Utos nito. Sumakay ako ng sasakyan. Tumingin ako sa harap hanggang sa magsisakayan din ang tatlo kong bantay. Kinatok ni Grey ang salamin ng bintana ko. Kinuyom ko ang kamao. Hindi ko iyon binuksan ko. Sunod niyang kinatok ang salamin ng bodyguard ko sa harapan. Binaba niya iyon at sumilip si Grey para tingnan ako. “D,” Matalim ko siyang nilingon. He sighed. “Pag isipan mo.” and he stood up and stepped back from our car. Tinaas na ang bintana at walang imik naming linisan si Grey. Am I not allowed to create my own fantasy? If the fantasy in real world is unreachable. At least my own is realistic. Why did he laugh my dream fantasy? When he shared to me his dream of becoming a famous band, I dreamt with him. When he shared his dream of writing song that will live in the history, I dreamt with him. When he dreams of performing in big venues—f**k--I dreamt with him and almost . . . almost made it into reality. Then why did he laugh my dream to be with him forever? What’s wrong with it? Gusto kong huminga. Bakit ganito ang nangyayari sa aming dalawa ni Grey? Sawa na siya? Bakit . . . ako . . . hindi pa naman. My table is full of paperwork. Majority of it is just sorting. But seeing my almost immaculately clean table irritated me. I asked for food delivery to serve as my lunch. Walang umistorbo sa akin dahil kita naman nilang marami akong ginagawa. If Grey wants me think about it, let him wait. Ang tanging hindi magbabago ay malalaman at malalaman ng parents ko ang inalok niya. At kahit hindi ko pa nasasabi ay alam ko na ang magiging reaksyon ni Dad. He wouldn’t approve it. But if I insist . . . I don’t know what will be his next reaction. Anger? Disappointment? Disgust? Though Grey was right. May ilan din akong mga kakilala na nagli-live in. Ang sabi pa, mas okay nga ‘yon dahil makikilala mo ang tao bago magdesisyong magpakasal. There’s a point but my heart just doesn’t want to agree. Mahal ko si Grey. Kahit simpleng kasal lang naman ay papayag ako dahil ang mahalaga ay siya. Pero nakakatawa iyon sa kanya. Ayaw pa niyang magpakasal. Diniinan ko ang hawak sa ballpen at masamang tinitigan ang papel na hawak. Hindi ba ako ang tipo ng babaeng pinapakasalan? Tama ba ang sinasabi ni Dawn na expensive akong babae? Baka gano’n kaya natatakot si Grey na maging asawa ako. Marami siyang gastos kung sa akin siya mapupunta. Wala nang halaga ang walong taon namin? Wala na ‘yon sa kanya? Gusto ko talagang huminga! The man that I made my world is now suffocating me. Why? Gusto kong kwentuhan si Dylan pero busy siya. Kung kay Nick naman ay baka tawagan niya sina Red at bugbugin si Grey. Kung kina Yandrei naman ay baka hindi nila ako maintindihan. Maybe I need others opinion, too. Tiningnan ko ang tissue’ng nilapag ni Trixie sa mesa ko. Hiningi ko sa kanya nang matapon ko ang kapeng iniinom. “Thanks.” Siya na ang nagpunas ng dumi sa mesa ko. Tiningnan niya ako at nginitian. “Pansin ko po, parang ang bigat bigat ng awra niyo ngayon, Ma’am Deanne. May pinoproblema po kayo?” Pabiro ang pagtatanong niya kaya ngumiti pa rin ako. “May tao bang walang problema?” She stopped and looked at me. “Oo nga ‘no. May kanya kanya tayong pasan sa buhay.” Natigilan ako roon. Napaisip. Tinitigan ko ang tasa ng kape ko. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay hindi naman siguro bago sa iba. Kung may sukatan man ang problema, kahit iba iba pa ang ugat no’n, problema pa rin. Medyo gumaan ang loob ko sa pakikipagkwentuhan kay Trixie. Naiiwan ako sa mesa kapag may customer na dumating tapos babalikan niya ako para kausapin. Sinabi ko sa kanyang sabihin sa boss niya na dumaan ako. Wala lang. Baka sabihin no’n nakakalimot ako. Kahit siya ang madalas kong hindi makita ngayon. On the way home, I tried to call Grey. Nagri ring ang phone niya pero hindi sinasagot. Ilang beses kong inulit pero nabwisit lang ako. Hindi na rin ako nag abalang i-text siya. Binuksan ko ang folder ng gallery ko sa cellphone. Doon sa videos. Nangiti ako nang panoorin ko ang video na kumakanta si Anton sa karaoke. ‘Yung kahit basag na basag ang boses ay todo birit pa rin. Pinagbabato siya ng tissue at chichirya ng mga pinsan kakatawa. “Maawa ka sa tainga namin, oy!” asar ni Dylan. “Kung broken hearted ka, ‘wag mo kaming idamay!” Dean shouted. Ako ay hindi na maintindihan ‘yung kanta. Tawa ako nang tawa kakakuha ng video. Nang makita ni Anton ang ginagawa ko, binaba niya ang microphone at akmang kukunin ang phone ko. Then my video ended like that. May mga sumunod pa akong recording na puro kalokohan naming magpipinsan. Nakakatawa karamihan. I really like capturing those great memories. No’ng una para pang inis pero may iba pa palang silbi ang pagre-record ng video sa kanila. I scrolled down and found videos with Grey. Nire-record ko ang paggigitara niya. Nasa sala kami ng bahay niya. Nagsusulat ito ng kanta. Pareho kaming nakaupo sa sofa. Pinusisyon ko ang camera sa lamesita sa harap namin. This was years ago. Tinaas niya ang isang kilay bago ngumiti. Kalaunan ay nagbago ang isip niyang i-record ang tinatapos niyang kanta. Kinurot niya ang pisngi ko. Masakit kaya tinampal ko ang kamay niya. “Bwisit ka.” angil ko. Mabilis niya akong hinalikan sa pisnging pinangigilan niya kurutin. “I love you!” Hinaplos ko ang pisnging kinurot at hinalikan niya. Kinindatan niya ako bago pinorma ang gitara sa mga hita niya. He strums it once and grinned at me. “Ang bilis mo pong mapikon.” “Masakit kaya ‘yung kurot mo!” “Weh? I-kiss ko ulit?” “Kiss mo mukha mo.” He pouted and twisted his lips. And stopped. “Hindi ko abot, e. Ikaw na lang mag kiss sa akin,” “Parang timang ‘to.” He chuckled and started to sing a song from his favorite band. “Siya na ang mayaman. Siya na ang may auto. Siya na. Siya na ang meron ng lahat ng bagay na wala ako . . .” Tumahimik ako at pinanood na kumanta si Grey. Hindi ko alam ‘yung kanta pero bagay sa boses niya. For the nth time, I got bitten by his talent and passion. “Pansamantalang unan sa tuwing ika’y nahihirapan. Pansamantalang panyo sa tuwing ika’y nasasaktan . . .” Binalingan niya ako nang patapos na siyang kumanta. Tumitig kami sa isa’t isa na na para bang wala nang ibang mas mahalaga pa sa mundo kundi kaming dalawa. I smiled at my old self and old Grey. We were like that before. Young and in love. Dumukwang siya at nilapatan ako ng halik sa labi. Ilang segundo iyong nakahinang. Tinulak ko siya dahil naalala kong nakarecord kami. Inabot niya ang phone ko at kinuha. He looked at me on the screen and smiled. “Mahal na mahal na mahal kita! Iaalay ko sa ‘yo ang lahat ng tagumpay ko sa buhay. Pakatandaan mo ‘yan, mahal ko.” Tumawa ako at paakbay kong inikot ang isang braso sa leeg niya. “Oo na!” Then he stopped the recording. I reminisced what were my feelings during that time. Kung totoong parang nakaapak sa ulap sa sobrang saya, ganoon nga ang naramdaman ko. Ang gaan gaan ng lahat sa amin ni Grey noon. ‘Yung tipong kahit sa turo turo lang kami mag date, okay lang. Nanonood kami ng sine sa mall. Kumakain sa fast food. Ngmemeryenda sa one buy one burger. Nagbabaksyon kahit may bantay ako, walang problema. Malapit pa nga si Grey sa kanila. All of things were fine back then. Masaya kami noon ni Grey. Okay naman lahat, e. Ano’ng nangyari ngayon? Sa akin ba? Ako ba ang nagbago? Paano nangyari? Siya ba ang nagbago? Sawa na? Ano’ng nangyari? My tears fell on my cheeks when I started to type a text to him. I sighed heavily and reread my message. Ako: Grey? Mag cool off muna tayo At tila nalukot ang dibdib ko nang mabilis siyang nag reply. Grey: Ok I wiped my cheek and put down my phone. Sa loob ng walong taon na naging boyfriend ko siya, ngayon lang ako umiyak nang ganito. Hindi naman ‘to breakup pero bakit masakit pa rin? Pumasok ako sa trabaho na parang okay ang lahat. I smiled at everyone I see. I joked and laughed then after that my smile faded and do my work again. I’m feeling the hurt again. Over and over again. Okay, sige. Magpababa lang kami ng init ng mga ulo. Baka kasama ito sa pagsubok sa relasyon naming dalawa. sige. Ganito muna tayo, Grey. Pasado alas tres nang tawagan ako ni Dylan. Pinapapunta niya ako sa office niya. “Ano’ng meron? Trabaho o personal?” He tsked. “Just come here.” I teased him. “Tungkol kay Ruth, ‘no? Suko ka na?” “No way. Bilisan mo.” sabay baba ng tawag. Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Aamba akong sasapakin iyon na parang iyon ang kambal ko. “Bwisit ka rin!” I brought my phone and favorite frappe with me. Kumain na kaya ang kambal ko? Parang hindi pa, e. Ang init agad ng ulo kausap. I knocked twice before I opened his office door. Nakaupo si Dylan sa gilid ng mesa niya. Binalingan niya ako. Nakahalukipkip siya at seryoso ang mukha. I arched my brow at him. Problema nito? Tinagilid niya ang ulo at tinasaan din ako ng kilay. Mas lalo kong tinaas ang kilay sa kanya. “What’s wrong?” I closed the door and walked inside. Hindi ko agad napansin ang taong nakaupo sa itim na couch niya roon sa tapat ng table niya. Pangkaraniwang doon umuupo ang mga bisita niya rito sa office. Well, hindi ko talaga masyadong napapansin ang mga taong umuupo roon kapag umaakyat ako rito. Dylan slightly pouted his lips and directed his eyes on the direction of his visitor. Tumayo ang matangkad na lalaki mula sa pagkakaupo sa couch. He sighed. Bumaling ako roon. What the . . . f**k? Yale Montevista is his visitor? Namilog ang mga mata ko. Buong lakas kong pinigilan ang sariling lingunin si Dylan. Yale will have a clue that we have been talking about him. Yale almost smiled at me. Namulsa siya. “Nice to see you again, Miss De Silva.” My lips parted. What is he doing here, huh? Itim na itim ang suot niyang corporate suit. Puti ang inner clothe niya. walang kurbata at bukas ang ilang butones malapit sa leeg. Tulad noon sa Peyton, may suot itong silver necklace. His jaw is very prominent with his staple stubble. He looked and smelled expensive from where I am standing. He’s watching me right now. Katulad no’ng ginawa niyang panonood sa pagsasayaw ko. “Mr Montevista.” I finally uttered. Damn. Wala akong masabi sa gulat. I am so relieved when Dylan cleared his throat. Pormal na akong tumayo nang maayos. “Mr Montevista personally visited us here. And . . . hmm, he personally wants to see you, too. Deanne.” Huh? Kunot noo kong binalingan ang kambal ko. “Really? Well, I’m . . . I’m . . . mm . . .” tinaas ko ang kanang kamay na tila niyaya ko si Dylan na magsalita para sa akin. s**t talaga. I shrugged my shoulders and found my shy word. “Flattered. I’m really flattered, Mr Montevista.” I looked back at Yale. I almost wanted to stab him after I caught him grinning in clandestineness. I guess he didn’t want to grin but I caught him. Natutuwa siyang nauutal ako sa kanya? Damn. Damn. Damn naman. “There’s nothing to be stuttered with, Miss De Silva,” Liar! Talagang gusto nitong bwisitin ako. Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Hindi ko gusto ang uri ng pagtingin niya sa akin. Hindi ko gusto ang presensya niya. Mas lalong hindi ko gusto ang oras na nilalaan niya para lang mapalapit sa akin. Gosh. Nagiging totoo talaga ang sinasabi ng imbestigasyon tungkol sa kanya. Humalukipkip din ako tulad ni Dylan. I composed myself and readied my bombs. “I’m not stuttering for you, Mr Montevista. I’m surprised na talagang dadayuhin mo pa ako rito sa opisina. Is that your strategy?” “Strategy for what?” kuryoso niyang tanong. Bahaw akong tumawa. He smirked. Yumuko siya at may kinuhang box sa mesa. “Actually, I came here to talk business with your twin brother. I bought land a few years. Sayang naman kung hindi mapapakinabangan.” “Oh, really?” tinaasan ko siya ng kilay. Dylan sighed heavily. “Deanne, it’s true. We just discussed it a while ago.” I gulped in nervousness. ‘Wag mong sabihing papayag siyang gawin iyon? At kapag nangyari nga, baka kung anong gawin ni Dylan sa lupa ni Yale. I mean, kalaban niya ito kay Ruth. Tatanggapin ba niya? “Ibebenta mo ang lupa sa amin?” Yale’s lips pouted a little. He shrugged his shoulders. “Undecided for now.” Lumapit siya at inabot ang box na hawak niya. Tinitigan ko iyon. Ang maliit na transparent na takip ay dumudungaw ang mango cake ni Tita Jam July at inaabot niya sa akin iyon! Nagsalubong ang mga kilay ko siyang tiningnan. “This is my peace offering.” Yale said. Hindi ko ‘to inaasahan! At sa harap pa ni Dylan? Tinitigan ko ang mata ni Yale. Deretso itong nakatingin sa akin. Nakikita ko ang kasiguruduhan at tapang sa mga matang iyon. At para hindi na humaba ang eksenang ito, tinanggap ko ang cake. Mamaya na ako magpapaliwanag sa kapatid ko kahit alam kong kayang ipaliwanag ito sa kanya ng mga magulang namin. “Thank you. Hindi ka na sana nag abala pa.” He smiled once again. “Hindi ‘yan abala, Miss De Silva.” At tinitigan na naman niya ako. Dumaan ang ilang segundong walang umiimik sa aming tatlo. Tahimik lang si Dylan kahit na lantaran akong tinititigan ni Yale. Then, after a while, Yale looked at my twin. “I’d like to have a talk with you again, Mr De Silva.” I think they’re back with business voices. Lumapit si Dylan. He offered first his hand. “We will send a letter to your secretary, Mr Montevista.” They shook their hands and I saw how tight Dylan’s hand. I almost bit my lower lip. “Aasahan ko ‘yan, Mr De Silva. I’ll go now.” He looked down at me again. “Miss De Silva,” Nag angat ako ng mata sa kanya. This should be expected but I am surprised once more. He offered his hand to me. I accepted it and shook his. His hand is warm, big, callous and tight. He literally swallowed mine. Ako ang unang nagbawi ng hawak at nagpasalamat sa cake na binigay niya. He glanced back at me before he went to the door. Pagkaalis ni Yale, pareho kaming hindi umimik ni Dylan pero binalingan ko siya. Tinasaan niya ako ng isang kilay at baba ng tingin sa cake. “Peace offering my ass.” He muttered and sat down on his swivel chair. Binaba ko cake sa mesa. He tsked and glared at me. “Alam ni Dad at Mom ang tungkol sa paglapit niya sa akin,” “Sinabi nga nila sa akin. So, while planning to Ruth, he is also eyeing you. f*****g bastard!” Humalukipkip ako sa harap ng mesa niya. “At bibilhin mo nga ang lupa niya? Ano’ng balak mong gawin do’n?” Mainit na ulo pa rin niya akong tiningnan. “Sementeryo niya!” Bitbit ang box ng cake, pasakay na ako para umuwi nang biglang dumating ang sasakyang pula ni Dawn. Her tires were screeching. I got worried and asked my bodyguard to know what happened. Nilapitan niya ang sasakyan pero humahangos na bumaba roon ang kaibigan ko. agad kong binigay sa katabi kong bodyguard ang cake at nagmamadaling sinalubong si Dawn. “Bakit, Dawn?!” Dawn is slightly unsteady. Pero namumula ang mukha niya. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at tiningnang mabuti. “Deanne . . . m-may kailangang malaman.” “Ha?” Her red lips shook. Pinipigilan niyang umiyak. Naghahabol siya ng hininga. “Deanne . . . may . . .” Kumunot ang noo ko. Sinabayan ng ingay ng dumating na sasakyan ang boses ni Dawn. No’ng una, akala ko ay nagkamali ako ng intindi. Hindi ako agad na naniwala. Isang beses pa niyang inulit. Natulala na lang ako. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. I didn’t reciprocate that. “I’m sorry, Deanne. Pinili kong itago sa ‘yo,” I don’t feel anything. I just . . . I just wanted to drive home and forget about it. Dahil hindi rumehistro ang binunyag sa akin ni Dawn. Kaya nang yayain niya akong pumunta sa pampublikong ospital na iyon, tumango lang ako. Kahit ramdam kong hindi ko dapat puntahan. Hawak ni Dawn ang kamay ko. Kinausap niya ang isang matandang doktor ng ospital para payagan kaming makapasok sa loob. Hindi ko alam kung anong sinabi niya. Dinig kong tapos nang tumanggap ng bisita pero pinayagan pa rin kaming pumasok. Nagtanong sa nurse station si Dawn kung saan ang ward na hinahanap. Tinuro iyon sa amin. Siya ang naunang naglakad. Some empty wheelchairs were on the white hallway. A voice from the speaker above filled the floor. “Ito na,” turo ni Dawn sa nakabukas na pinto ng maternity ward. Agad kong hinila ang braso sa kamay niya. Binalingan ako ni Dawn. Pinagmasdan niya ako. Ngayon ko lang naramdaman ang galit at inis sa kanya. “Sigurado ka ba? Paano kung nagkamali ka lang?” akusa ko. Dawn sighed. Hindi siya nainis sa inasal ko. “Sana nga nagkamali lang ako. Pero hindi, Deanne. Deserve mo na ‘tong malaman.” “Okay! Kapag nalaman nating nagkamali ka, pareho tayong malalagot nito!” I stayed optimistic. I mean, he couldn’t do this to me. Dawn scoffed. “Sige. Alamin nating pareho para patunayang ikaw ang mali. Tingnan mo sila sa loob.” Minuwestra ni Dawn ang nakabukas na pinto. Matapang akong lumapit doon at papasok. Sana. Pero agad akong natigilan nang makita ko si . . . Grey. Pinili kong magtago sa likod ng pinto at tinanaw siya mula rito. Grey is on his black round neck shirt and faded jeans. Nakasampay ang puting lampin sa kanyang kaliwang balikat. Banayad niyang hinahaplos ang ilong ng baby na hawak niya. Ngumiti siya. Inamoy niya ang pisngi ng sanggol at ngumiti na kita ang ngipin Sobrang saya niya ngayon d’yan. Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko sa mukha niya. Then, he sat down and talked to woman lying on the single white bed. Kahit naka side view, ngumiti ang babaeng tila maputla pa at pagod. Pinagmasdan siya ni Grey. Inabot ang mahabang buhok nito at yumuko. Maingat niya itong hinalikan sa labi. Sumagot ng halik ang babae at may ilang segundong sinaksak ang dibdib ko . . . Kumurap kurap ako. Sinubukan kong tingnan ang ibang pasyenteng naroon. Lahat ng kama ay okupado. Ang iba ay walang kasama pero karamihan na naroon ay lalaki ang katabi. Tulad ngayon ni Grey sa babaeng bagong panganak. Dawn sighed behind me. “I’m sorry, Deanne. Nakabuntis si Grey.” Mostly, I didn’t understand what she said. Pinanood ko lang si Grey at ang saya sa mata niya habang kasama ang kanyang mag ina. -- Lyrics used: "Pansamantala" - Callalily
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD