“For you created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb. I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.” – Psalm 139:13-14 NIV
**
Chapter 4
Deanne
Nag iisa ako sa opisina. Lunch time kaya lahat ng mga kasama ko sa HR ay bumaba na. Hindi pa ako nagugutom. Ayoko ring makipagkwentuhan muna sa iba. Nanatili ako sa mesa ko. Bukas ang computer ko. Tiningnan ko ang mga nag a-apply sa kumpanya. But sometimes I just stare at the monitor and did nothing. Bumabalik ang diwa ko sa Peyton. Sa dance floor kung saan ako sumayaw. At sa panonood sa akin ni Yale Montevista.
It’s so hard to bury his image. Hindi ko makalimutan ang mata niya. Ang paggalaw ng labi niya. The man is screaming of wealth--that’s very obvious. May nakilala na akong ibang tao na kapareho niya ng estado. Mayaman, maporma, gwapo. But something from him makes me think of him as new type of a successful businessman.
Ofcourse, I couldn’t generalize all the businessmen. In terms of look and attitude. My father is a freaking billionaire and he’s far different from Yale. But Yale is a son of a gang member. He probably inherited his father’s position in Blue Rose and that makes him a gang member, too. Despite having legit businesses, I couldn’t set a side the fact that he is using the money that came from dirty jobs.
Hindi niya mapapantayan si Dad para sa akin. Pero naninibago ako na makakilala ng tulad niya. Naniniwala akong may mga krimeng hindi nalulutas at may mga taong okay lang na konektado sa masamang organisasyon. But having met someone near with that, I am speechless. Simply mesmerized on that person.
I mean, how could he live such wrong doing of a lifestyle? How could he swallow the dirty background of his father?
One more thing, Yale is a threat to my twin brother. He’s not just some random guy that I met. He got a purpose to Ruth. So, he’s not ordinary man, too . . .
My phone beeped. I shook my head and took my phone.
Dawn:
Anong gamit mong perfume the last time we saw each other? Gusto ko nu’n. Bibili ako
I sighed.
Ako:
It’s Coco Chanel
Dawn:
Big thanks! Mwah!
Ako:
Welcome
Umiiling akong nilapag ang cellphone sa mesa. May bago kayang kinikita ngayon si Dawn? ‘Yung last time nagtanong siya sa akin kung ano’ng brand at shades ng lipstick ko, ang sabi niya ay may dini-date siya. Pero hindi ko na nakilala dahil hindi raw sila nag-work.
So, ngayon, it means, may new date siya? I smirked. Well, ikukwento naman niya kung may bago siyang dine-date. I just hope this time ay magseryoso na siya sa pakikipagrelasyon.
Hindi ako madalas na nangingielam sa personal life ng kaibigan ko. Pero minsan ay inuusisa ko siya. Nagbiro siyang may nagugustuhan pero bawal. Hindi naman daw married pero talagang bawal. Naalala ko si Dylan sa sinabi niyang ‘bawal.’ I didn’t dig more info. Baka may masagi ako sa feelings ni Dawn at masaktan ko pa.
At may age, I know now that having a serious relationship is not a joke. The adult me is saying to maintain what I have with Grey. Hindi rin naman ako nagkaka-interest sa ibang guy. I mean, I’m perfectly stable with him. May issues kami pero hindi naman nauubos iyon at parte na talaga sa relasyon. Ang importante ay nandyan pa rin kami sa bawat isa. Nagtitiis. Nakakaintindi.
Tumatanda na nga talaga ako. Hay . . .
Pagbukas ko pa lang sa pinto ng pastry shop ni Tita Jam July, nakatanaw agad ang matagal na niyang staff doon na si ate Cheryl. I smiled back at her and walked inside.
“Hi. Si Tita Jam?” humawak ako sa stainless na counter.
Bahagya pa siyang suminghap na tila nagulat. “Nagkasalisi kayo, Ma’am Deanne. Kaaalis lang po. Sinundo ni Sir Dale.”
I pouted my lips. “Sayang naman. Hindi ko sila naabutan,”
Tiningnan ko na lang ang laman ng estante nila. I scanned the cakes pero wala ‘yung paborito ko na flavor.
“May mango cake pang available?”
“Ayy. Wala na rin po, Ma’am. Kakaubos lang din.”
Hindi lang humaba ang nguso ko, lumaylay pa ang balikat ko. “Hm, pa-box na nu’ng triple chocolate cake niyo.”
“Sige po, Ma’am Deanne. Uh, gusto niyo po ba ng strawberry frappe?”
Somehow, it lightens me. I nodded. “Isa rin nu’n.”
“Ise-serve ko na lang po, Ma’am.”
Inabot ko sa kanya ang bayad ko. “Thank you.”
Naghanap ako nang mauupuan. Natigilan ako at hindi huminga. Ano ba namang kapalaran ‘to! Nandito at nakaupo si Yale sa bilog na table malapit sa gitna. Prente itong nakaupo at kumakain ng sliced na cake. Napakamalas ko yata ngayong araw. Nag angat siya ng mata sa akin. He arched his left brow at me.
I scoffed and looked away. Ang matindi pa, ang mesa sa tabi niya ang tanging bakante. Uupo ba ako ro’n sa tabi ng lalaking nakataas ang kilay sa akin ngayon?
Well, wala naman akong pagpipilian. Kaysa naman humarang ako rito sa cashier area.
I straighten my back and walked to the only vacant table. I pulled the chair and sat with my back as his view. I crossed my leg and put my bag on the clean table. Humalukipkip ako. Even if I don’t speak, my brain and heart are in full alert.
He cleared his throat with the intention to hear by anyone near to him.
“Well hello, stalker.” He said.
Natigilan ako. Tila nag akyatan ang dugo ko sa ulo ko. Hindi ko siya nilingon kahit na halatang ako ang pinaparinggan niya. At bakit ko siya lilingunin? Kung ako man ang pinapatamaan niya, mas lalong hindi ko siya papatulan.
Tinitigan ko ‘yung paso ng halaman sa harapan ko. Hindi naman ‘to mag aamok kahit titigan ko nang masama.
He chuckled behind my back. Chill rose up in me. I gulped and sighed heavily.
Sana bilisan ni ate Cheryl ang paggawa ng order nang makaalis na rin ako rito. Ayokong humaba ang oras na kasama ang Montevista’ng ‘to.
Pumunta si Yale sa harapan ko. I stunned at first at his very bold move. Hinila niya ang bakanteng upuan sa harapan ko at naupo roon.
The nerve!
Inusod pa niya ang bag ko sa gilid para may paglagyan ang kinakain niyang cake. Lumipat siya sa mesa ko nang hindi nagpapaalam?
I scoffed and gave him my cold look. “Hindi kaya ikaw ang sumusunod sa akin? Sa resto, sa Peyton at pati rito?”
“I came here first. I always arrived before you, Miss . . .”
“C’mon. I know you know my name.”
He stopped munching the cake in his mouth and stared at me. I saw how he moved down his eyes and glanced on my lips. He looked up again and grinned.
“I’m sure you know who I am too, Miss De Silva.”
I smirked. “Yes. I know who you are.”
He chuckled. Pinagpag niya ang mga kamay. “I do hope my information you read about me is decent. I don’t want you to have a wrong impression towards me.”
Decent?
I . . . almost . . . winced my face. Uh, baka hindi lahat ng tao ay may alam kung sino siya. Pero kung kilala niya kung sino ako, hindi siya dapat umasang disente ang info niya sa akin. First of all, plano niyang pakasalan si Ruth!
“I don’t really intent to have a conversation with you, Mr. Montevista-“
“Yale.”
Tinaas ko ang noo. “Whatever you’re planning about me-“
“Muk’a ba akong may pinaplano sa ‘yo, Miss De Silva?” he asked mockingly.
“And should I be glad that you don’t?”
Pinagmasdan niya ako. Hindi ako nagsalita at tinitigan siya. I reminded myself na ang lalaking ito ay walang alam sa pinaplano namin kay Ruth. So, I slowed down and cleared my throat. I should have restraint my mouth! Si Dylan ang mahihirapan kapag nagkaroon ng hinala ang Montevista’ng ito sa akin.
I licked my lips. “As I said, I don’t really intent to have a conversation and even befriend a womanizer like you. I know I am being judgmental but I have two clear eyes.”
“Is it about the date I was with in that resto?”
“I don’t care.” Irap ko.
Tumawa siya at sumandal sa upuan. “She’s only my friend, love. Walang namamagitan sa amin.”
Ngumising-aso ako. “I said, I don’t care. I don’t need your explanation. Pwede bang, umalis ka rito sa mesa ko. You’re invading my privacy.” Nasukol ako ng inis sa huli.
He smiled. A really big smile. Pinatong niya ang siko sa mesa at kinamot ang kanyang noo. Hindi ko maalis ang titig sa ganda ng ngiti niya. What the . . .
A man can show a soft side by smiling like this. He’s really one of a kind, huh? Well . . .
I could imagine him being a terror in the business meetings and him being a notorious gang member. But never even in my wildest dream to see him smiling like this. It’s such a shame not to show this to everyone around him.
Ano’ng klaseng tao kaya ang lalaking ‘to?
Binalik niya ang tingin sa akin.
He’s the embodiment of danger, Deanne. Don’t be deceived, girl.
“You’re really such a . . . different woman. You’re a breath of fresh air.”
Tila hangin na dumaan sa kanyang lalamunan ang pagkakasalita niya sa huli. My chest thudded like as if it’s a first sign of upcoming bullets. Nanginig ang kamay ko. Hindi ako palaaway na babae pero lumalaban ako sa tamang rason. May rason naman akong kalabanin ang taong ‘to pero kinakabahan ako nang husto.
He’s calm. I don’t lash out on calm people. Magmumukha akong timang niyan. But I also don’t want to be associated with him, too. Nick is right. Pakikipaglaro ang gusto ni Yale sa akin. Sa ilang beses naming pagkikita, hindi naman masasabing hindi sinasadya ‘yan. He’s up to something. At kahit sabihin kong may boyfriend ako, wala iyong silbi.
He wants to play and wants it do with me. I smirked. Ano kayang trip nito sa akin? Uh, well, well, well . . . my face can be seen in different articles. Nakita niya ako roon kaya interisado. Is my private life available to read on the news? I won’t like it but reporters are too hungry for the info about us. Plus, the fact that he could get a professional investigator for his self-satisfaction. That thing I couldn’t control.
“Here’s your order!”
Binaba ni ate Cheryl sa harapan ko ang frappe at box ng cake. Hindi tuminag si Yale sa pagtitig sa akin.
“Thank you, ate Cheryl.”
“And here’s yours, Sir Yale. Sana magustuhan ng family mo ang mango cake namin.”
“I hope so.” He said to her but still staring at me.
Tiningnan ko ang box ng cake niya. Siya ang huling nakakuha ng mango cake na gustung gusto ko? Pambihira.
Tumawa si ate Cheryl at magkabilaan kaming tiningnan.
“Magkakilala pala kayong dalawa?”
“No!”
“Yes.”
I couldn’t believe it. Hindi naman kami magkakilala tapos ay sasagot ito ng ‘yes’?
I looked up at ate Cheryl. Nanginig ang labi niya. Wala na ‘yung positibo niyang energy dahil sa kalituhan sa amin.
“Hindi ko siya kilala.”
“O-Okay . . .” alangan niyang sagot.
“Kung napaaga aga lang ako, ako sana ang nakakuha ng mango cake na ‘yan.” I said.
He grinned. “I’m sorry. I bought this for my mother.” he stood up and took the box with him. “By the way, nice to see you again, Miss De Silva. It’s fun talking to you.” and then walked out the shop.
Huminga ako nang malakas nang sa wakas ay wala na ang mataas niyang presensya. I left my lips parted and thought about the encounter with him. Binalingan ko si ate Cheryl.
“Kailan pa pumupunta rito ang lalaking ‘yun? Recent lang ‘no?”
Umiling si ate Cheryl. Namilog ang mga mata ko. Mukha siyang confident sa memory niya.
“Regular customer po namin si Sir Yale. Katunayan, mango cake rin po ang madalas niyang order-in. Hm, he usually ordered that flavor and eat here.”
“Ha? E, bakit ngayon ko lang yata ‘yon nakita?” walang kaabog abog kong tanong.
“Hindi lang po siguro nagtatagpo ang pagbisita ninyo rito, Ma’am Deanne. Pero dati na po talagang kumakain dito si Sir Yale.”
Tumaas ang kilay ko. “Mag isa?”
Ate Cheryl smiled and looked down. Then, looked at me.
“Opo. Pero para siyang palaging may hinihintay. Hindi ko po natanong kung may girlfriend.”
“Ay naku. Hindi ako interisado.”
Tumayo na ako at kinuha ang bag, cake at frappe ko.
“Saka maraming babae ‘yon for sure.” Dagdag ko pa.
Tumawa si ate Cheryl. Hinatid niya ako sa pinto at hinawakan iyon para sa akin. Pagkalabas ko ay nagsalita siya ulit.
“Ito ang unang beses na nakita kong tumawa si Sir Yale, Ma’am.”
I stopped and looked back at her. “Well, hindi ito ang unang beses sa akin.”
She pouted her lips and leaned on the glass door. “Kayo po pala ang nagpapatawa sa kanya, e. Nagmukha siyang batang tingnan kanina nu’ng magkausap kayo.”
I rolled up ang eyeballs. “O siya, siya. Sige na, ate Cheryl. Ba-bye!”
I knew it was impolite to snap at her but I couldn’t stop myself. Para kasing iba ang tunog ng boses ni ate Cheryl. Did Tita Jam July aware about Yale? Napapansin kaya niya ito kapag nasa shop? Alam kong super hands-on siya sa kanyang business at maalaga sa customers. Hindi ko lang sure kung napapag usapan ng mga Montejo ang mga Montevista. At kung may mga protocol din sila tulad namin.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong kinuwento kay Dad ang nangyari. That I encountered him again. That he unashamedly sat on my table and he knew my name.
Pumangalumbaba si Dad sa mesa. Si Mom ay nakatayo sa tabi niya at ako ay nakaupo mag isa sa couch dito sa study room ng mansyon namin.
“He’s clearly following you, hija.” Dad concluded.
Tumango ako. Mom held on his shoulder. I pondered at her worried reaction.
“Mom, uunahan ko na po kayo. Ligtas po ako. I mean, kaya kong lusutan ‘tong si Yale Montevista.” I said proudly.
I may be woman with a fragile look but don’t under estimate my blood.
Tiningala ni Dad si Mom. I saw how his impassive expression turned to soft. Hinawakan ni Dad ang kamay ni Mom sa balikat niya.
“It’ll be alright, Aaliyah.” He almost whispered.
Pumikit si Mom at bumuntong hininga. “Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Deanne ang sinusundan ni Yale. Nalilito ako. Hindi miyembro ng Blue Rose ang sinuman sa atin. Except the connection with Ruth. Narinig kong lahat ang plano ng anak mo pero hindi nasagi itong pagporma ni Yale sa anak natin.”
Dad sighed and gave all his attention to his wife.
“I know the kind of that man, sweetheart. Maaaring nasa plano pa rin nilang gawing Montevista si Ruth pero hindi iyon matatapos nang ganoon lang. A man like him is not contented with a wife. He probably eyeing our daughter to be one of his women.”
Namilog ang mata ko. Mom’s face is shocked, too.
“Johann!”
“Na hindi ko papayagan. Hindi rin ‘yan hahayaang mangyari si Dylan. May tiwala ako sa anak natin.”
Bumaling sa akin si Dad.
“Just try to avoid him all the time, Deanne. At ‘wag mong hayaang lumayo ang bodyguards mo sa ‘yo. Understand?”
As his authoritative tone stunned me, I immediately agreed to my father.
“C-Copy, Dad.” My voice lowered.
My senses and body are not set to avoid Yale Montevista. No questions needed. I just need to form distance—far distance from him.
Ako:
Nasaan ka ngayon?
Grey:
Bahay
Ako:
Pwede ba tayong kumain sa labas tonight?
Grey:
Sure. Sunduin kita sa office
Ako:
Okay
I feel light knowing that Grey and I are now okay. Though, may part sa akin na nagtatampo talaga dahil ako ang naunang nagyaya, binura ko na lang iyon para maging okay na ulit kami. We’ve been in a relationship for so long and it’s not a problem to me if I did the first move to reconcile.
Ang sabi ni Mom, nagkaroon siya ng kasalanan kay Dad. Kung pwede lang daw niya maibalik ang nakaraan ay ibabalik niya. Magiging totoo siya sa kanyang nararamdaman. Si Dad daw ang una niyang sasagutin at hinding hindi niya ito sasaktan. Dad could be her first and last boyfriend. Her one and only love. She would reach heaven and stars just to make everything right. But she also accepted the fact that it wouldn’t happen.
Naniniwala siyang kung ano ang nangyari noon, ang pagkakamali niya at karanasan ay may purpose.
As I reflected on my own life, nagpakatotoo din ako. Minahal ko ri Grey hindi dahil sa popularity niya sa mga kolehiyala at maangas na itsura. Kundi dahil nakita ko sa kanya ang determinasyon at lakas ng loob sa buhay. Maganda ang disposisyon niya sa future. At sa kabila ng mga bigatin niyang karibal noong nililigawan niya ako, hindi siya nagpatinag. He gave me one red rose every Friday and invited me to his gigs. Something different from regular dinings in an expensive restaurant from my other admirers. Grey is natural and extrovert. Masaya ako kapag kasama siya.
True enough, sinundo niya ako sa WCC building. Sumakay ako sa sasakyan niya. Pinasunod ko na lang ang tatlong bodyguards ko sa amin. Dinala kami ni Grey sa paborito niyang kainan ng lugaw. At bilang pagsunod sa utos ni Dad, nakaupo malapit sa mesa namin ang tatlo.
Grey glanced at them. “Ako lang naman ang kasama mo, bakit nandito pa rin sila?”
“Para kumain.”
“Tsk. Parang walang tiwala ang parents mo sa ‘kin. Hanggang ngayon ba naman?”
Tiningnan ko ang tasa ng lugaw ko na punung puno ng laman. “It’s Dad’s order. At hindi ito tungkol sa ‘yo. May problema kasi si Dylan . . .”
I didn’t want to tell him the whole story. I mean, not yet. Not in this public place. Dinig na dinig ko ang pinag uusapan ng kabilang mesa.
The place is hot and noisy. Malakas ang sound ng TV na ang palabas ay balita. Malakas din ang tawanan ng magbabarkada yata sa kabilang pwesto. Lahat ng kwento nila ay sumasabay sa boses ng news anchor.
“May death threat sa kambal mo?” Grey curiously asked.
Kumurap kurap ako, bago tumingin sa kanya. “Hindi naman exactly. But there’s a threat.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “E, ano? Kalaban sa negosyo? Malupit daw kasi ‘yang kambal mo pagdating sa pakikipag transaksyon. He’s narrow-minded. Kaya siguro may nagagalit sa inyo. Pati ikaw, damay. Tsk.”
I sighed. “Whatever it is, para sa proteksyon ko naman ang ginagawa ni Dad sa akin at kahit sa mga kapatid ko. Alam mo naman kung anong . . . status namin sa madla.” Hininaan ko ang boses sa huli.
As much as possible, I avoided to say a word na mayabang. Ayokong ma-misinterpret niya ako. Dahil lang sa ‘status’ na ibig kong sabihin.
Grey smirked. “Since Kinder yata ay may mga buntot na kayong bodyguard.”
Nilagay niya ang dugo sa lugaw niya at sumubo. I also ordered for my three bodyguard but Grey paid for it. I insisted that I pay but he didn’t let me. Tokwa at lugar lang naman sa akin. Sa kanya ay dugo, tokwa at karne. At softdrinks bilang panulak.
“It’s for security, Grey.” Mahina kong sagot.
Nakalimang subo siya ng lugaw bago niya ako tiningnan.
“Alam ko. Nu’ng magkakilala tayo, may bantay ka rin. Remember? Sinubukan kitang lapitan pero may humarang agad sa akin. Hindi lang strict ang parents mo, sobra pang makabantay. At habang dumadaan ang taon, mas lalong lumalala ang pagbabantay sa inyo.”
“Nagagalit ka ba dahil may mga bodyguard ako?”
Mapait siyang ngumisi. “Bakit ako magagalit? Wala naman akong karapatan, ‘di ba?”
“Grey, it’s my father’s order. Sumusunod lang ako.”
Kumalansing ang kutsara sa kanyang tasa. Pagod niyang sinandal ang likod sa plastic na upuan. But no one notices how disappointed he look right now. Except myself.
“You’re old enough. You’re freaking twenty-eight, Deanne. Mature ka na magdecide para sa sarili mo. Hindi ‘yang sunud sunuran ka pa rin sa parents mo. May trabaho ka at hindi pabigat. Kayang kaya mo nang tumayo sa sarili mong paa.”
“What do you mean? Yes, I’m old enough but my age doesn’t mean I have the right to defy my parents.”
“You’re not defying them. Just stand on your own.”
“For what?”
“For me!”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Grey sighed and quietly stared at me. For some seconds, tila sinisipa sa kaba ang dibdib ko.
“Move in with me. Kukuha ako ng apartment at sumama ka sa akin. O baka gusto mo pang magtanan tayo? I’m game.”