Chapter 10

4133 Words
“I take joy in doing your will my God, for your law is written in my heart.” – Psalm 40:8 NLT ** Chapter 10 Deanne As soon as I went into my room, I charged my phone beside my bed. I sat on the edge and a little ghast checked it. Sandamakmak ang laman ng inbok ko. Halos kalahati ng mga bagong text ay galing kay Dylan. Sa dami ay hinayaan ko munang huwag basahin dahil iyon ‘yung nasa party pa ako ni Carl. Marami rin akong missed calls. Kaya halos masaid ang battery ng phone ko. Ilang beses akong tinawagan ni Dylan. Ang nag iisang number na hindi nakarehistro ay ang kanina lang na tawag ni Yale. This is his number. I stared at it like as if it’s going to speak to me. I smirked then registered his number. “Yale M.” –ang pangalan niya sa akin. Tinitigan ko ulit iyon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niyang hingin ang number ko sa harap ni Dad. Hindi lang malakas ang loob niya. Matapang pa. Iyong mga manliligaw ko noon ay halos magkandautal utal kapag kinausap ni Dad. Si Yale hindi ko alam kung saan humuhugot ng tapang. He is . . . new. He is . . . something. Maybe it’s in their blood. Matatapang. Gaya na lang ng pakikisapi ng ama niya sa Blue Rose. Baka ganoon nga. After he left, sunud sunod na pumasok sa study room ni Dad sina Uncle. Agad niyang pinatawag ulit si Dylan para sa meeting na gagawin. Humabol ako roon at tahimik na nakinig. Naroon din si Nick at Dean. Pero ang ibang mga pinsan ko ay mas piniling tumambay muna sa Theater room kasama sina Mommy. Dumating din si Dylan. I caught him glaring at me like as if may kasalanan ako rito. Humalukipkip ako at inirapan siya. “It’s not okay na nagugustuhan ng Montevista’ng ‘to si Deanne. Kuya Johann, hindi ba dapat ay pagsabihan mo agad ang binatang ‘yon na layuan ang anak mo? Lumabas sa imbestigasyon ninyo na kaanib ang ama niya sa gang ni Napoleon Salviejo. Paano si Ruth?” “Ruth is mine, Uncle.” We all looked at my brother who is sitting on the edge of table and displaying an evil look on his face. I smirked after I felt his huge possessiveness over his girl. Hindi niya pipigilan ang sariling i-express ang nararamdaman kay Ruth kahit pa kay Uncle Reynald. “Nahihirapan ka pa rin sa anak ko, hijo.” Uncle Matteo said. Nick chuckled. Iyon ang tanging naging ingay sa study room matapos siyang tingnan nang masama ni Dylan. Minasahe ni Uncle Matt ang kanyang panga at umiling. “My daughter is in chaos situation. Ofcourse, ayokong mapunta siya sa Yale na ‘yan. Unang impression ko pa lang sa kanya, halatang may tinatago. It’s either he wants two women or he doesn’t like Ruth that much to marry. But knowing na walang kaalam alam ng anak ko rito, mas lalo akong nanggagalaiti sa Lolo niya.” “Leave Ruth to me, Uncle. Ako pong bahala sa kanya. Hindi siya malalapitan ng Yale na ‘yan,” “Besides, mukhang wala pong balak pakasalan ni Yale si Ruth.” I suddenly voiced out. Tinaasan ako ng kilay ng kambal ko. “Alam kong maganda ka, Deanne. Pero hindi pahuhuli r’yan si Ruth,” I tilted my head. I stared at him with paints of seriousness all over my face. Anong tingin nito sa akin? Nagbubuhat ng sariling bangko? “Narinig ko silang pinag uusapan si Ruth mo, brother. Inuwi niya ako sa mansyon niya, remember?” His mocking face turned into worry. My gosh. His reaction of everything towards Ruth is so obvious. Para bang hangin na kanyang hinihingahan ito sa kanya. “Ano’ng pinaplano nila kay Ruth?” Tumuwid ako ng upo. I felt his anger now. “Tinutulak siya ng pamilya niyang pakasalan ang nag iisang apo ni Napoleon. Ang sabi ng Mama niya, nakahanda na raw ang lahat at si Yale na lang ang hinihintay nila. They’re only waiting for his decision.” Dylan stood up and cursed. “Kung gano’n, si Yale lang ang pumipigil na mangyari ang plano nila. We can also conclude that Napoleon is aware of that.” Uncle Reynald said. I nodded. “Dahil hindi naman sila papayag na may ibang tao pang makapasok sa grupo nila. After all, anak ng kaibigan niya si Yale. Panganay pa. He could be his favorite man for his granddaughter.” “Marami silang pagkakataong lapitan si Ruth. Lalo pa, mag isa lang siya sa tinutuluyang apartment sa Valenzuela. Hindi naman maaasahan ang Papa niyang si Jake na bantayan ang anak.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Nick. “What about Geneva? Hindi ba nilang pwedeng samahan si Ruth sa bahay?” Nick shook his head. “Kay Jake pa rin ‘yun nakatira.” “I’ll send my men to Ruth.” Galing kay Uncle Matteo na hindi na maipinta sa kadiliman ang mukha. Mabigat na bumuntong hininga si Dylan. Tulad ni Uncle, hindi na rin mapinta ang mukha nito. “That’s not enough, Uncle. Kailangan ko na siyang makuha.” Uncle Matteo stood up and confront him. Napanulok ako sa kaba. “How? By forcing her? Threatening her?” “Ginagawa ko naman ang lahat para mapapayag siyang maging kami. Galit lang siya ngayon. Baka hindi niya lang makalimutan ang naging trato ko sa kanya noon. Pero Uncle, balang araw . . . matatanggap din niya ako.” “It’s not enough, hijo. It’s not enough.” Pinagmasdan siya ni Uncle bago bumuntong hininga. “Alam kong nahihirapan ka rin dahil sa pangako ko kay Denise. But will you be considerate to her feelings? Nawalan siya ng ina, ng pamilya at ang tanging kamag anak na kukupkupin siya ay walang kakayahang alagaan siya. Nararamdaman ko ang nararamdaman ni Ruth. Being alone is not easy. You have to measure first your wants and your choice to get her. You can’t blame her if she stumbles away from you. That’s expected. But I will blame you if she gets hurt because of you . . . again. I am depending on your promises, Dylan. But again, forcing and threatening her are not good for me. My daughter has feelings, too. And I loved her as my own child.” Hindi nakapagsalita si Dylan sa sinabi ni Unlce Matteo. Pero hindi ko rin nakita sa kanyang nabahag ang kanyang buntot. Tumitig pa siya kay Uncle na para bang alam niya ang ginagawa niya. Dad rose from his swivel chair and stood in between Dylan and Uncle Matteo. Sumandal si Uncle Reynald sa upuan at may ngisi sa labi silang pinanood. Si Nick na nakatayo malapit sa pinto ay namulsa at hindi rin kumikibo. Dean sighed heavily and watched the whole scene. Magkasunod na tiningnan ni Dad ang pinsan at anak. “Whatever you have in mind Dylan, fix it. Fix . . . it. Matteo, Ruth is going to be ours again. We’re doing everything to get her back and safe. Kailangan mong magtiwala sa anak ko.” “I am trusting your son, Johann. Pero ibang usapan ang feelings ng anak ko. Ikaw, kinukonsidera mo palagi ang feelings ng anak mo, gano’n din ako kay Ruth. Kaming mag asawa ay hindi uupo lang sa isang tabi habang nasasaktan ang anak namin. Whatever the f*****g plan that we have, it will always affect my daughter. So, be careful.” “We . . . are careful. Looking at it now, Ruth became independent. She pays for her studies, pays for her rent and other necessities. I am so proud of her but . . . please also consider that Dylan is protecting her biological mother’s last request. She doesn’t want her to know about Napoleon. He is doing everything to avoid that truth.” “It has other option, Johann. That option is something for your son to discover. Sabi mo nga, fix it. Well, my dear nephew, fix your feelings.” Tumayo si Uncle Reynald. Tinapik niya sa balikat si Uncle Matteo at hinila nang maupo. Dad glared at him. And I could say na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Binalingan niya si Dylan at ganoon din ang ginawa. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanila. “I think it’s time to help you.” Dylan scoffed. “How? By asking Ruth to marry me?” Inis kong pinanood ang pagtawa niya. Alam kong napipikon na siya samga nangyayari at natanggap niyang sermon. Naiintindihan ko rin si Uncle Matteo. Gusto lang niyang protektahang hindi masaktan si Ruth. At may kailangan pang itagong pangako. Pero tao lang din ang kambal ko. Nap-pressure. Na f-frustrate. Nasasaktan. Nalilito. Kaso, hindi mo rin pwedeng ipagduldulan sa kanya kung ano ang mali. What he needs right now is help. I sighed. Kinabahan ako nang tingnan ni Dad at hinintay ang sasabihin ko. Lumapit na rin sa amin si Nick at interisadong nakinig sa akin. “Hindi ko kakausapin si Ruthie tungkol d’yan. Pero . . . pwede kong ilayo sa kanya . . . si Yale.” “What?” I didn’t say that to shock him or them or whatnot. I just told them what I have to do to spare Ruth from Yale. Or from the whole Montevista. I gulped and shifted on my feet. Biglang dumadagundong ang dibdib ko. kanina lang, sobra akong sigurado na magagawa ko ito. Pero ngayon, para akong napasubo at hindi na makatakbo. But what’s wrong with it? Yale is interested towards me. Dinig ko ring pinipilit siyang ipakasal ng pamilya niya kay Ruth. What if, just, what if I can take him away from Ruth? Edi may pag asa na si Dylan. Nabawasan ang iisipin niya. But I caught my father’s reaction. And I couldn’t give a proper word for it. So, I shrugged my shoulders and crossed my arms on my chest. “I’d been in their mansion. I saw and heard them. Plus, Yale is even willing to marry me. I can have an access in his home. Pwede akong makakuha ng impormasyon tungkol sa Blue Rose.” “Are you listening to yourself, Deanne?” Bahagyang namilog ang mata ko sa pagkakatanong ni Dad. I don’t know if he’s serious or mad right now. “Y-Yes po, Dad. I think, pwede kong paikutin sa kamay ko si Yale. Gagamitin ko ang pagkagusto niya sa akin-“ I stopped when Dylan barked a laughter. Hinilamos niya ang mukha sa palad. Binalingan ako at tinuro. “Stop being childish, D. Nailigtas ka lang niya sa party na ‘yon pero hindi ibig sabihin ay gustong gusto ka na niya. You can use him but he can also do the same to you! Malapit ka kay Ruth. He can get you and get her at the same time!” “Oh no, brother. Alam ko ang nakita, narinig at naramdaman sa bahay na ‘yon. Hindi ikaw ang nakakatanggap ng titig niya at aware ako kung anong ibig sabihin no’n!” “At ano, ha? Mahal ka? O baka iniisip mo lang ‘yan kasi hiwalay na kayo ni Grey?” “Walang kinalaman si Grey sa desisyon kong ‘to! Open you mind, Dylan. Kaya kitang tulungan para hindi maging Montevista si Ruth!” “What exactly are you going to do?!” “Ako ang magpapakasal sa kanya!” I shouted through my lungs that it even hurt my throat. I gave him my anger like he never receives before! Pero nang mahimasmasan ako, pumikit ako at humingang mabuti. I cleansed my head and the burning anger in my throat. “I understand you, okay? If it’s not fine with you then I will not impose again. But think about it. I can.” Pinagmasdan niya rin ako. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. If he’s hurt, I feel it. If he’s happy, I feel it. If he’s mad, I feel it. When he falls in love, I feel it too. Sa tingin ba niya ay mali ang sinabi ko? He f*****g knows that what I had said can help him, too. He can feel my anguish to help him. Though, alam ko ring hindi magandang pakinggan ang naisip kong ideya, mayroon pa ba siyang ibang naiisip na mukhang maganda sa pandinig? Natahimik silang lahat. Kahit si Dad. Si Nick ay lumabas ng study. Bumalik ako sa pag upo at humalukipkip habang inaalu ang inis sa paninigaw sa akin ng kambal ko. Nag usap usap sina Uncle at Dad pero hindi na sumali si Dylan. Later on, he glared at me and walked out, too. Inirapan ko rin ang pintong nilabasan niya. The meeting ended at around eleven in the evening. Umuwi na sina Uncle at mga pinsan ko. Umakyat na rin ako kwarto para makapaghinga. When I checked my phone, I saw one missed call and two text messages. They were all from Yale. Two hours ago pa. Yale M: Hi Yale M: Already sleeping? Ngumisi ako. Makakasagot kaya ang tulog na? Humiga ako at nagtipa ng sagot. Wait, ang alam nga pala niya nito ay nagpapahinga ako. Ako: Why? Nakauwi ka na? Surprisingly, after nearly one minute, he replied. Yale M: Yes, kanina pa. What are you doing? Can’t sleep? Ako: Nakahiga. Nawala ang antok ko Nakakaramdam ako ng kakaiba. Kaninang pinag uusapan namin si Yale at ang pakay nito kay Ruth. Tapos ngayon ay nakikipag text na ako sa kanya. Kuha ko ang gusto niyang ipaalam sa akin. I’m not that young to be oblivious of his intention. And that thing is my key against him and to help my brother. Tiningnan ko ang phone nang mag ring ito. Tila may bumundol sa dibdib ko nang makitang tumatawag siya ulit. Lumunok ako at tumikhim bago sinagot iyon. “Hello?” mahina kong salita. “Hi . . . nakakaistorbo ba ako?” Yale’s voice on the phone is much lower than in person. It’s raspy and it feels like he’s whispering. Pero hindi naman maingay sa background niya. “Ahm, hindi. Hindi naman. Nakahiga lang ako. Nagpapaantok.” “Uh . . .” “Ikaw? Bakit gising ka pa?” He blew his breath. Sa tingin ko’y tumawa o ngumisi. “May tinitingnan akong files. Then, I remember to text you.” I nodded unconsciously. Ano kayang files ‘yan? Kay Ruth? Sa Blue Rose? “What files? Women . . .?” He chuckled. May narinig akong tunog na babasagin. “Documents from work, love.” Ngumiwi ako. “Ahh. Gabing gabi na, ah. Bakit ‘di ka na lang magpahinga r’yan? Workaholic ka ba?” “I can’t sleep.” Kumunot ang noo ko. Tumagilid ako at niyakap ang unan ko. “Bakit naman?” “I’m still thinking of you.” Shit. Hindi ako agad nakasagot. Kinagat ko ang labi bago naibalik ang tamang pag iisip. “Bakit mo ‘ko iniisip?” “I dunno. Hindi ka maalis sa isip ko.” “Tsk. Baka iniisip mo lang ‘yung nangyari sa kanina. Natatakot ka kay Dad at mga Uncle ko? Ang gagwapo, ‘no?” While waiting for his response, I just felt him smile over the phone. “To be honest, I’m thinking a lot of how will I get your father’s approval to court you . . .” there was a short silence and he continued, “I really want to court you in a proper way.” I winced. Not because I didn’t like it. But because here is what I am talking about. I could get a way to Yale Montevista. I can make him away from Ruth! Kumakalabog ang dibdib ko. Bumubuhos ang ideya sa isipan ko. Hindi biro ang pagpapakasal. Kung sakali man, I know Dad can do something for our separation. I know he can. Will Dylan agree about it? How about Mom? What about his Mama and brothers? “Gan’yan ka rin ba sa ibabang babae? ‘Yung nagpapaalam ka bago manligaw?” Siguro naman, nagpaalam din siya kay Napoleon Salviejo tungkol kay Ruth. Kaso baka ‘yung pinuno mismo ang nag udyok sa kanyang pakasalan ang apo niya. “Ito ang unang beses na aakyat ako ng ligaw.” Tumaas ang kilay ko. “Paano ka nagkaka-girlfriend noon?” “It wasn’t formal, then. We didn’t go in a traditional way. They just became my girlfriend.” “Ahh.” “I don’t know if it’s wrong to say this, but I didn’t really like them. I just like the pleasure they gave me,” “That’s not fair. Baka nagustuhan ka rin nila pero hindi kayo pareho ng perspective. If they gave you something pleasurable, you also gave them back. It’s not that you don’t like them. You did.” Tila may pumitik sa utak ko at napapikit ako. “I’m sorry. I didn’t know that.” “’Wag ka sa akin mag sorry. Hindi naman ako ‘yung girlfriend mo no’n.” “I may not be able to tell them I am sorry, at least you know that I am sorry now. You knew how it feels and I don’t have any idea.” “Now you learn something from me, huh!” “And I’m willing to learn more . . .” I chuckled. “Ginawa mo pa akong taga disiplina sa ‘yo.” “Why not? If we get married, I will always listen to you.” Napanganga ako. Para bang naipit ang boses ko sa lalamunan. “Yale, para paraan ka.” He manly chuckled. “Because I know what I want and that is you.” Hindi ko malaman kung magsasalubong ba ang mga kilay ko o kukunot ang noo ko. Dumidiin ang ulo ko sa unan at para akong sira na gulung gulo sa sasabihin. “G-Ganito ka ba talaga manligaw? Mabilis sa salita?” “I haven’t even started courting you. Hindi pa ako pinapayagan ni Sir Johann.” “Pero paano ‘pag nalaman ni Dad na tinatawagan mo ‘ko? Hindi ba parang ligaw na rin ‘to?” “Pwede na ba?” “E, ano ‘tong ginagawa natin?” “Nag uusap. Gusto kong marinig ulit ang boses mo.” “Ano’ng meron sa boses ko? Ni hindi nga maganda ‘yung una nating pagkikita,” “You’re calming me. Even if you are not aware of it.” I chewed my lower lip. “Ganu’n din ba sa ‘yo ang mga ex mo?” “No. I have them under my rules but you have power over me, Deanne. You . . . are different from them. You . . . are only one for me.” “No other women?” “No.” “Do you really want to . . . marry me?” “Yes,” “Paano kung mahirapan kang um-oo ako? Itutuloy mo pa ba?” “I’m willing to wait.” “Hindi ka ba nag iisip na pwede pa akong makipagbalikan sa ex ko? Sariwa pa ang breakup namin, Yale. Alam mo naman ‘yun, ‘di ba?” And why am I even asking him that? Why, Deanne de Silva? Mahalaga ba ngayon ang feelings ng lalaking ‘to? Nagkamali ako. Hindi ko dapat tinanong ito sa kanya. “I will help you to move on. He’s just your ex now. I’m your present man. There’s no way I will let him to get you again. This is . . . mine.” Unwantedly, I gulped and I felt my skin shiver. His voice, his tone and his words made a way to disturb my senses. My hands, my forehead and neck got sweats. My heart, my blood and my mind got boggled. Why is it, then? This is getting me confused. He sighed. “I will never hurt you, love. Please trust me,” Pumikit ako. Hinilot ko ang sintido at bumuntong hininga rin. “The way you speak, parang tayo ang magkakatuluyan. Siguradong sigurado ka na ba, ha?” “I never wanted someone the way I want you. This is my first time. And I want it to be the last.” “You’re not sure yet.” He smirked. “I’ll fight. If it’s you.” Pinuno ko ng hangin ang baga ko. I did it silently when I can’t answer him anymore. The more I speak, the more he’s being intense. Intense in a sense na hindi ko magawang resbakan. Hindi ko sigurado kung nagpapakilig lang ba ‘to o seryoso na. he threw heavy words. Some even I never receive before. He is something nice to look forward to. But also, scary to meet his view and wants. Like, once he said it, he’ll get it. “Uhm, gabi na, Yale. Matutulog na ‘ko. Saka, ibabalik ko nga pala ‘yung damit mo. Ipadala ko na lang sa office mo, okay ba?” “Puntahan ko na lang d’yan.” “Ha? ‘Wag na. Maabala ka pa. Ipapadala ko. Kunin ko kay Dylan ang address,” He sighed. “Okay. Ano’ng gagawin mo bukas?” “Ako? Uhh . . . may schedule ako bukas sa derma ko.” “Sinong kasama mo? Si Yandrei at Dulce? or your Mom?” Natawa ako nang banggitin niya ang dalawa kong pinsan. “Ako lang. Hindi sila available.” “I’m available.” “May work ka.” hindi mo ‘ko maiisahan d’yan. He chuckled. “I’ll accompany you.” “Sa derma?” “Yup.” “Boring dun!” “I don’t care. Makikita naman kita.” “Bahala ka. Edi bukas ko na lang dadalhin ‘yung damit mo.” “Pwede kitang sunduin?” “Hindi pwede. May driver ako at bantay. Magkita na lang tayo sa derma clinic.” “Okay. I’ll see you. please send me the details and time.” “Okay. Bye na.” “Good night, love.” “Night.” As soon as I tapped the red button, I sighed heavily. “We talked! Oh my! I can’t believe this.” Bumangon ako at hinanap ang damit ni Yale sa laundry basket. Baka ‘di pa nalalabhan. Pinangako ko pa namang isosoli. Pero naabutan kong walang laman ang basket. Puntahan ko na lang sa labahan at baka nakasampay na. Natigilan ako sa puno ng hagdanan nang makitang umiinom mag isa si Dylan sa sala. Bumuntong hininga ako at dahan dahan nang bumaba. Kumunot ang noo niya habang kumukuha ng yelo sa bucket at nilagay sa kanyang baso. He looked tired. Sad. Alone. Tila may tumusok sa dibdib ko pagkakita sa kambal ko. “Dapat nagpapahinga ka.” he said. Ngumuso ako. Mamaya ko na lang ichecheck ‘yung damit ni Yale. Pagkababa ay dumeretso ako sa kanya at naupo sa tabi niya. “Matutulog na ako. Ikaw? Hindi ka uuwi sa Penthouse?” He tsked. “Mas gusto kong pumunta sa Valenzuela.” Humalukipkip ako. Tiningnan ko ang baso niya sa babasagin naming lamesita. “Kakausap ko lang kay Yale ngayon,” Agad siyang natigilan sa pagdampot sa baso at binalingan ako. “What the f**k?” Umirap ako. “I can do it. Malalayo ko siya kay Ruth.” “Then what about Dad and Mom? Sa tingin mo hahayaan ka nilang mapunta sa lalaking ‘yon? Iba sila. Laking gang ‘yan.” “I have power over him. Pwede ko siyang i-manipulate. Ikontrol.” “O kung saktan ka? Gusto mong makapatay ako?” “Look, if I have him under my control, sa tingin mo may magagawa siya laban sa akin? Mag iingat ako. Dad taught me to fight. Hindi ko hahayaang maimpluwensyahan niya. And I’m going to do this not just for Ruth. Sa ‘yo rin. Kailangan mong maipakita kay Uncle Matt na kaya mong protektahan si Ruthie. Kung wala si Yale sa landas ninyong dalawa, mas lalo siyang mailalayo sa gang na ‘yon. Hindi mapapahamak si Ruth.” Dylan’s face softened. It saddened me that he’s doing the protection all by himself. He almost almost dedicated his life to secure Ruth from her ancestor. I know he love her but him being too proud makes him suffer. At ayokong masira siya sa pamilya dahil sa pagsosolo niya. I held on his arm. “Let me help you. Mahalaga kayo sa akin ni Ruth. Kung hindi ko gagamitin ang alas ngayon, baka pagsisihin natin sa huli.” “This is my own battle, D.” “And I’m helping you. I’m not leaving you on this. Mapupunta sa ‘yo si Ruth. I promise.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD