“Wait on the LORD; be of good courage, and He shall strengthen your heart wait, I say, on the LORD!” – Psalm 27:14 NIV
**
Chapter 11
Deanne
I slowly glided the brush of my lip tint on my lower lip. I do it on slow motion like as if every particles of the product costs a million and should be used in most delicate way. Then, I yanked away the brush and damped my upper lip to my lower lip. It looks like stamped and now there were twinning. I stared at the mirror and looked at my own reflection.
I wore my white thin longsleeves polo and slide the sleeves up to my elbow. Binuksan ko ang ilang butones sa tapat ng dibdib. My white spaghetti strap sando is slightly visible but it’s fine. I tucked in the front hem inside my black short shorts.
I thank my Mom and the gym for giving me long, smooth and toned legs. My hair was made up in a messy bun and some loose tendrils were giving me the vibes of a dramatic vines. I have no makeup. Maliban sa kulay ng labi. My brows are thick enough and shaped.
Ngumisi ako sa harap ng salamin. “Let’s see kung paano ka maakit sa akin, Yale.”
I think it’s the perfect time to start my mission. And that’s to use my power over him. The thing that he is talking about last night.
I couldn’t say that this is bold move for me. Wala pa nga akong masyadong ayos ngayon. But showing some skin feels like good enough to entice him under my hands. I can remove my polo but maybe later. May kailangan akong gawin ngayong araw. Kailangan kong magmukhang hindi interisado sa kanya para hindi niya mahalatang may pinaplano ako.
I took the chains of my sling bag with me and opened the door. Paglabas ko, dinaanan ko muna ang gym room at sumilip kung napatay ko ang ilaw. Nang makitang patay naman ay saka ako bumaba at hinanap si Mom sa garden. Magkasama sila roon ni Dad. It’s one PM. Nakaupo si Dad at nagbabasa ng libro. Habang si Mommy ay may inaayos na paso. I smiled at how peaceful and contented my parents are.
“I’m going to the derma, Mom, Dad.”
I kissed my father’s cheek. Hindi ko maalis ang ngiti sa kabi. Tinanggal ni Dad ang kanyang salamin sa mata at nilingon ako.
“Are you alone, hija?”
“I’m with the driver and bodyguard, Dad. Busy sina Yandrei and Dulce.”
Nilapitan ko si Mom at ganu’n din ang ginawa ko. She stopped from her work and worriedly looked at me. Agad kong hinawakan ang kamay niyang may hawak na maliit na pala.
“It’s okay, Mommy. May kasama naman po ako.”
“Teka, tawagin ko si Dean.”
“’Wag na po. Kaya ko. Saka . . .” tiningnan ko si Dad na hindi inaalis ang mata sa akin. Napalunok ako. “Magkikita po kami ni Yale. Gusto niya po akong samahan sa derma.”
The best thing to do right now is to be honest. Pero napatayo si Dad at markado sa kanyang mukha ang gulat at hindi pag sang ayon.
“Hindi ka rin nalalayo sa ugali ng kambal mo. Pareho kayong nagtatrabaho mag isa.”
Suddenly, natakot ako sa salita at boses ni Dad. Tiningnan ko si Mommy para humingi ng tulong. Pinagmamasdan niya rin ako at alam kong nag aalala rin siya.
So, I sighed. Nilakasan ko ang loob ko. “Hindi ko po ilalayo ang mga bodyguard ko, Dad. Kung gusto niyo po ay tumawag kayo sa kanila habang magkasama kami ni Yale. Saka po, nasa loob ng mall ang clinic. Maraming makakakita,”
“Hindi mo ‘ko naiintindihan, hija. Delikado ang Yale na ‘yan. Hindi natin lubos na kilala ‘yan.”
“Then let me get to know him. This is my way of helping my brother.”
Nagsalubong ang kilay ni Dad. “Ano’ng sabi ni Dylan?”
“We talked again last night po. I told him why I am doing this. Gusto ko pong makita rin ni Uncle Matteo na kayang panindigan ni Dylan ang pinangako niya sa kanila. I can help, Daddy. Please let me . . .”
Umiinit ang puso ko. Determinasyon at pagmamahal ko sa pamilya ang tanging sangkap ang nandito sa puso ko. Lakas loob kong tinitigan ang mga magulang ko. Lalo na kay Dad. Hindi siya madaling pakiusapan sa ganitong kalagayan. Naiintindihan ko ang sitwasyon at ganap sa pamilya namin. Pero umaasa akong naiintindihan din nila ang gusto ko.
Inalis niya ang titig sa akin. Bumuntong hininga at binaling sa malayo ang mata. It still evident through his sighs that he isn’t happy with my decision. With this volunteer help I am willing to do. But then, he looked at me again and gave me the loving stare I always admire from him.
“Promise me, that you’ll take care of yourself. Hindi ka makikipagkita sa lalaking ‘yon nang walang kasamang bodyguard. Kapag nalaman kong umaalis kayong dalawa lang, ititigil mo ‘to, Deanne.”
Even if he has many more conditions, I wouldn’t retract and defy my father.
Lumapit ako ulit kay Dad at yumakap. I rested my right cheek on his broad chest. “I promise, Dad. It’ll be fine.”
He made a surrender sigh and kissed the top of my hair. Tinapik niya ako sa likod.
“Then, that’s our deal. I don’t want you to get hurt, sweetheart.”
I smiled closed my eyes. “I love you, Daddy.”
He kissed my head again. “I love you, too. Be safe.”
“I will.”
If there’s one thing that I will always like to attain, for the peace of mind of my parents, is to go home safe. That’ll be my top priority. For them to see that I enter the door of our mansion. No matter what the situations are, I am still at home.
Nang mabawasan ang tauhan ni Dad dahil sa nangyari sa party ni Carl, nagpadagdag siya ng tao sa bahay at tiniyak na mas bihasa at trained ang mga ito. Ayaw na niyang maulit ang ginawang panlalason sa tatlong bodyguard. Ang pangyayaring iyon ay naging hudyat para mas paigtingin pa ang security namin.
Pinuntahan nina Dad at Mom ang burol nila. Lahat ng gastuhin ay sinagot ni Dad sa burol at pagpapalibing. Kasalukuyan pa ring nakakulong si Carl. May mga ebidensya raw na lumabas na siya ang naglason sa tatlo at ang rason ay para masolo ako. Nagpositibo rin siya sa drug test.
Sumakay ako sa aming puting Fortuner. Apat na bodyguard na ang kasama ko. A bit crowded but I wouldn’t complain. Okay na ‘to kaysa pagbawalan.
Yale’s clothes are sitting beside me. Pinalagay ko na rito kaninang umaga sa sasakyan para hindi ko makalimutan. Bumabyahe na kami nang silipin ang cellphone ko. There’s a text from him.
Yale M:
I’m already here
“Ang aga naman nito,” nag type ako ng reply.
Ako:
Bakit ang aga mo? Papunta pa lang ako
“Nag half day siguro sa office.”
Nag ring ang cellphone ng bodyguard ko na nakaupo sa harap. Si Dad ang kausap niya.
“Wala naman po, Sir Johann. Clear po ang harap at likuran namin,”
Lumingon ako sa likod. Wala kaming kasunod. Then, my phone beeped. I saw him again.
Yale M:
Okay. Hihintayin kita
Kahit hindi ko mapirme ang kamay na may hawak ng phone dahil sa pag andar ng sasakyan at kahit mahilo ako sa pagtitig sa text sa kanya sa screen, hindi ako maka move on sa mga salitang iyon. Bakit . . . parang kakaiba? Bakit parang may ibang ipakahulugan sa akin? O baka ako lang ang nag iisip nito?
I didn’t reply.
Nagpapark na kami sa basement ng mall nang tumunog ang phone ko. I checked it and saw his name.
Yale M:
Finally
Tinabi ko ang cellphone sa bag. Tumingin ako sa labas. Bumukas ang pinto ng isang itim na Ford malapit sa pinagpa-parking-an namin. Yale and two of his men went out. Namulsa si Yale sa suot na itim na pantalon at tinitigan ang sasakyan namin. I’ve noticed. He’s always into black clothes. Ngayon ay itim na pantalon at polo shirt ang suot niya. His silver necklace and wrist watch ang tangi niyang accessories. Hindi siya palangiti kaya namumukhang matigas nang tingnan ang panga niya.
Umiling ako bago bumaba ng sasakyan. Nilapitan niya kami. Nagsibabaan din ang apat kong bodyguard. Nang makita niya iyon ay bumagal ang lakad niya at kumunot ang noo.
“Hi.” Unang bati ko sa kanya. Nakagawian ko nang bumeso sa mga kaibigan ko at ilang kakilala kapag nakikipagkita.
Inumang ko ang mukha kay Yale. I intended the cheeks to cheeks. But his lips landed on the corner of my lips!
He . . . almost touch my lips!
Nagulat ako pero imbes na ipakita sa kanya ang kaba at mangha ko ay tumawa pa ako. Tinawanan ko ang awkward naming cheeks to cheeks greetings.
“Uh . . . ‘yung damit mo nga pala.”
Nang tumalikod ako para kunin ang damit niya, namilog ang mata ko at saglit na kinalma ang sarili. Kumakalabog pala ang dibdib ko. Gumilid ang bodyguard at hinayaan akong kunin ang pakay sa loob ng sasakyan. Pagharap ko kay Yale, nahuli ko siyang tinitingnan ang mga kasama ako.
Ano? May reklamo kaya? Na baka ginagawa akong bata ng parents ko.
“Ito na. Thank you pala rito.”
“Pwede mo namang hindi isoli.” Kinuha niya iyon. Tiningnan sandali at nag angat ng tingin sa akin.
I smiled. “Ganu’n ba? Kaso hindi ako nagtatago ng gamit ng ibang lalaki, e.”
He arched his brow. “Sa boyfriend?”
“Oo, syempre. Hindi naman maiiwasan ‘yun.”
He nodded. “Edi dapat tinabi mo na ‘to sa ‘yo.”
My lips firmly closed as I making my lips smile wider.
“Ah. Sige. Next time. Tayo na.”
I caught him smirked. Tapos ay pumunta sa Ford niya at iniwan doon ang damit. He also talked to his men. Nagsitanguan ang mga ito sa kanya. At pagpihit pabalik sa amin, mag isa lang siyang lumapit. Naglakad na ako papasok sa Mall. Tinanong ko siya.
“Ikaw lang?”
He nodded and reached for my hand. I looked down at it. He held it tightly and naturally. Kung makahawak siya sa kamay ko ay para bang matagal na naming ginagawa ito.
“Yes,”
Kumunot ang noo ko sa magkahawak naming kamay. Alam kong nakikita rin ito ng mga kasunod kong bodyguard.
“You are holding my hand,”
Binalingan niya ako. Tapos binaba sa mga kamay namin. Tinaas niya iyon sa gitna namin.
“Hindi mo gusto?”
Pinanliitan ko siya ng mata. “Nanliligaw ka pa lang, ‘di ba?”
Ngumisi siya at binitawan ako. He bit his lower lip.
“Sorry. Akala ko . . . tayo na.”
“Tayo na . . . kako sa derma. Hindi pa tayo. Sus.”
Binilisan ko ang lakad ng mga paa ko dahil sa naramdamang pag iinit ng mga pisngi. I heard his laugh and he equaled my speed. Hinawakan niya ako sa siko.
“Love,”
Huminto ako at binalingan siya. “What?”
His lips were parted. Hindi niya hinihiwalay ang mata sa akin. He sighed and bit his lower lip and gosh I stared at it . . . binasa pa niya iyon na parang nang aakit.
He tilted his head. Bumaba ang paningin niya sa binti ko. Tapos ay lumingon sa paligid.
“’tong shorts mo masyadong maiksi.”
Ngumisi ako at humalukipkip. Nakatingin pa rin siya sa paligid. Kaya hindi ko alam kung inaalala ba niya ang shorts ko o ang ibang tao.
“So?”
Pumikit siya at hinilot ang noo. Hindi pa rin niya ako tinitingnan.
I chuckled at his reaction. Affected sa shorts ko? Wow. My power.
Pagpasok namin sa loob ng clinic ay agad akong inasikaso. My schedule ako kaya hindi kailangang maghintay. Sumama rin sa loob si Yale. Umupo siya sa bench na malapit sa pinto. Hindi na siya ulit umimik matapos niyang sabihing ang iksi ng shorts ko. Like, duh?
I focused on my facial treatment. Bahala na siya riyan mag isa. No’ng humiga na ako at tutukan ng ilaw, puwesto ang gagawa ng treatment sa ulunan ko at nag umpisa na. Palingon lingon siya kay Yale. At sa huli, hindi na nakatiis.
“Siya po ba boyfriend niyo, Ma’am Deanne?”
Nakatanaw lang ako sa puting kisame. “Hindi. Manliligaw pa lang ‘yan.”
Bumungisngis ang babae. Alam kong naririnig din kami ni Yale.
“Buti napapayag niyong i-chaperon kayo rito sa clinic,”
Ngumiti ako. “Hindi ko siya niyaya, a.”
Tumawa siya at binalingan ulit si Yale. “Ang pogi, Ma’am. Bagay kayo.”
Ngumuso ako. Nilingon ko si Yale. Nakatayo na pala siya. Nakapamulsa at tahimik kaming pinapanood. Para bang tinitingnan niyang maigi kung tama ang ginagawa nito sa akin. Balewala sa kanyang kung pag usapan namin siya.
Tumikhim ako at umayos ako ng higa. Pumikit ako at dinama ang lamig sa mukha ko.
“Talaga?”
“Oo, Ma’am. Kailan niyo balak sagutin?”
Mukhang makchismis pa ito sa akin.
“Secret.”
“Ayy si Ma’am pa suspense.”
Ngumiti na lang ako at tumahimik. Buti na lang hindi na nasundan ang pagtatanong niya tungkol kay Yale. Dahil matanggal man ang stress sa mukha ko ay mas nadadagdagan sa pressure ng tanong niya. Nag change topic siya at iyon na lang ang pinag usapan namin.
Halos isang oras din ang inabot ng treatment.
“Balik kayo sa last session niyo, Ma’am.”
“Oh, sure.”
“Thank you, Ma’am!”
Paglabas ko ay sumunod sa akin si Yale. Nilingon ko siya at kinuha ang bag ko sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo. Hindi siya bagay tingnan dito sa derma. Ang dark ng aura niya tapos hawak pa ang sling bag ko. Nagmumukha siyang bodyguard ko sa katahimikan at pagsunod sa ginagawa ko.
Well, unang beses pa lang naman ito. Sa susunod shopping naman. O kaya pumunta sa salon. Tapos sa Peyton. Pinanood niya ako roon, 'di ba? Siya kaya yun? Usisain ko mamaya.
“Deanne?”
Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Nang makilala si Jillian ay agad ko siyang nginitian. Hindi siya nag iisa. As always. Kasama niya si Sol at Cherry. Mga anak ng mga businessman na kakilala ni Dad at Dylan.
“Jill,”
We’re not very close. Nagbabatian kami kapag nagsasalubong. Nakikita ko rin sila sa Peyton. They are very active sa events at party. At kilalang may mga boyfriend na sikat at mayaman sa bansa.
“Dito ka pala nagpapa facial?” Jill asked.
“Ah, yes. Matagal na.”
Tumaas ang kilay niya. Lumipat ang mata nito kay Yale. Lumapit ako at nakipagbeso sa kanilang tatlo.
“Sino siya?” usisa ni Sol sa akin.
Hinawakan ni Cherry ang braso ko. Bilog na bilog ang mata nito.
“I know him. Montevista, right?”
I tilted my head at her exaggerated tone. “Hm, yes. This is Yale Montevista.”
Lumapit si Yale at nakipagkamay sa tatlo. I smiled. Isa isa niyang kinamayan ang mga ito. Cherry didn’t leave her eyes to him. Si Sol ay pinasadahan siya ng tingin sa katawan. Si Jill, mukhang suplada.
“Nice to meet you.”
“Are you the owner of The Paradise Hotel? Jill, doon tayo nag check in last week.”
Tiningnan ko si Jill. Bumuntong hininga ito at tumango. Tapos ay binalingan ako.
“Anyway, nice to see you here, Deanne. Kakalipat ko lang dito sa clinic. Hindi ko kasi nagustuhan ang treatment sa dati kong doctor,”
Sol chuckled. “Hindi maganda ang lips ni Jill du’n.”
“Huy, Sol. Shut up ka nga.”
Hindi naman tinago ni Cherry ang ginawang pagsiko kay Sol. Nilingon siya ni Jill at inirapan. Out of curiosity, napatingin ako sa labi ni Jill. Medyo kumapal nga at mapula pa.
Tumawa si Cherry. Tiningnan kami ni Yale.
“Dinner tayo minsan, ha? I can’t believe makikita ko si Mr Montevista rito. With Deanne pa. By the way, kamusta na ang SnapDragons? Balita ko, may nag offer na raw na bagong record label, ha? True ba? I heard it from Dawn.”
I gasped and my lips parted. Agad na bumukas ang labi ko pero walang maibigay na sagot. Like, really? Sa kanya ko lang nalaman ‘yan.
“Uh, hm.” Tumango tango ako.
Tumawa si Jill. “Your boyfriend has a potential naman, Deanne. I’m sure sisikat siya.”
“Well, he’s really a good singer.”
He really is.
Sol smiled. “’Wag muna kayong magpakasal, ha? Baka maraming fans niya ang tumalikod. Alam mo naman sa showbiz. Kailangan single ang guy.”
I gulped and didn’t answer.
“Hindi naman siguro ganoon ang gagawin ni Deanne. Hahayaan niya ang boyfriend na gumawa ng pangalan sa industriya. Para walang masabi ng parents niya sa kanya,”
“Sabagay. Kapag nagkapangalan ang SnapDragons, hindi na siya maliit sa mata ng angkan ni Deanne. May boyfriend siyang sikat!”
“Everybody will envy you, Deanne. So great!”
Hinawakan ko ang chains ng bag ko. My feet want to turn around. But my lips want to snap at them and tell not to talk about my life.
Umikot ang kamay ni Yale sa baywang ko. I stunned and looked at it. Tumigil din sa pagsasalita sina Jill. Their attention flew to him.
“Excuse me, I need my girl.”
“Yale . . .”
He looked down at me and smiled. “She’s single.”
I knew that the three were shocked. Through their loud gasps and abruptly questions.
“Wala na kayo nu’ng boyfriend mong vocalist?”
“Kailan pa?”
Hindi natinag ang ngiti sa labi ni Yale. Pero sa mga mata niya, nakita kong hindi na siya natutuwang kausap ko sila.
Then, he looked at them. Hinapit pa niya ako at damang dama kong ang kamay niya sa akin.
“I want to date her. Excuse me. We’re done here.”
Hinapit ako ni Yale sa baywang at paalis sa clinic. Bagsak ang mga panga nina Jill habang pinapanood kaming palabas. Kahit ako ay hindi makapagsalita.
Malalaki ang hakbang ni Yale. Sa bilis niya ay para na akong nagja jogging. Ang apat kong kasama ay kasing bilis din niyang maglakad. Napatingin ako sa isa na naalerto sa paghila sa akin ni Yale. Tumabi ito sa kanya.
“Sir, saan po kayo pupunta?”
He also looked at me. Nagtatanong na tingin pero kahit ako ay walang maisagot.
Yale act like as if they are his men, too. Tinuro niya ang escalator.
“Saan ba tayo?” tanong ko. wala na kami sa mata nina Jill.
“Manonood ng sine.”
“Huh?”
Then, he looked at my bodyguard. “’Wag ninyong hayaang may lumapit na iba kay Deanne. Tell me asap kung may nakatingin sa kanya.”
“Yes, Sir.”
Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa palitan nila ng usap. Hindi siya bothered sa kanila. Okay. Kaya siguro hindi na niya pinasama ang kanyang bodyguard dahil mayroon naman ako.
“Anong gusto mong panoorin?”
Nanigas ako nang halos dumikit ang labi niya sa tainga ko. “Ha? Kahit ano. Ito na lang,” turo ko sa poster ng kilalang artista.
Tumango siya at bumili ng ticket para sa aming lahat. He also bought popcorns and drinks.
Nang nasa loob na kami ng sinehan, napahawak ako sa pisngi. Magkatabi kami ni Yale. Nasa likod naman ang apat na kasama ko. Ano ba ‘to? Kalalabas ko lang ng derma tapos deretso sinehan? Imbes na ako magyaya kay Yala dahil inaakit ko nga siya, ako ang nadadala niya. Pambihira ‘yan.
Napapikit ako. Pinaglaruan ko ang popcorn sa kandungan ko. Hindi ko alam kung tungkol saan ang movie na ‘to. Hindi ako makapag focus.
“Are you okay?”
Nilingon ko si Yale. Tumango ako. Bumuntong hininga siya at nilapit ang bibig sa tainga ko.
“You’re lying.”
Napatda ako. Nang maintindihan iyon ay tumuwid ako ng upo at sumubo ng popcorn. Nilingon ko siya at lumapit din.
“Hindi mo naman sinabing magsisine tayo. Hindi ako ready!”
He smirked. “You need distractions.”
“Para saan?”
He leaned over. “To forget your ex.”
Natigilan ako. I chewed the popcorn. Nahirapan akong lumunok habang ninamnam ang sinabi niya.
“Hindi mo kailangang gawin ‘to,” I sincerely answered.
“Kailangan. Dahil gusto kong ako lang ang nasa isip mo.”
Sa dilim at liwanag mula projector, tinitigan ko si Yale. Inalok ko sa kanya ang popcorn. Kumuha siya at sinubo iyon. Nakatingin siya sa screen pero parang mata lang ang gamit at ang isip ay nasa iba.
May kaunting bilis ang dapat sana ay normal na t***k ng puso ko. Hindi ba dapat ay ako ang kumilala sa kanya? Well, I could able to know him right now. Iyong ginawa niya kanina. Sa pagsabing single ako kina Jill. I could say na ayaw niyang nadidikit sa iba ang nagugustuhan niya. That's surely understandable because he wants to court me.
And marry me.
But he is also reading me. Nang hindi ko napapansin. Do I need distractions? Ni hindi ko iyon naisip kanina. Gusto kong layasan ang tatlong iyon nang hindi nagiging bastos tingnan. And in a snap convo, he made me out off of their sights!
When I say that he is new and something, he really is. Some guy would only joke with them, be quiet or push me away because for everyone else I'm still Grey's girl. But for him, I'm his girl.
Right. This is trully a nice way and the easiest way to control him. Through me. I'm right on this. So sure of this plan.
“Punta ka sa bahay mamaya?”
Agad niya akong binalingan. There’s a little shock on his face.
“Mamaya?”
Tumango ako at ngumiti. “Oo. Ayoko kasing magpaligaw sa labas. Bilin din ‘yun ni Mommy ko. ‘Wag magpaligaw sa kalsada.”
Tinitigan niya ako ilang sandali. Tila inaarok ang gusto kong ipasabi. Pero obvious naman na. Pinapaakyat ko na siya.
“How about your Dad? Baka isipin niyang sinusuway ko siya. Ayokong ma-disappoint ko si Sir Johann.”
“Pumunta ka. Ako’ng bahala sa ‘yo.”
Hindi na niya naitago ang ngisi sa labi. Siguro, nagtatalo ang isip nito. Susundin ba niya ako o ang daddy ko. Pero aliw na aliw siya sa mga sinasabi ko. Oh, no. Hindi ko sinusuway ang Dad ko. Sinusunod ko lang ang plano ko sa ‘yo, Yale.
“Pupunta ako. Kakausapin ko ang Dad mo.”
Tumango ako at sumubo ng popcorn. Nanood na lang ako pero wala rin doon ang diwa ko. Kumakalabog ang dibdib ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Umayos din siya ng upo at tumitig sa palabas. Sumandal siya sa upuan. Nagdikit ang mga braso namin pero walang lumingon sa aming dalawa.
Kinain namin ang popcorn hanggang sa matapos ang palabas na wala akong naintindihan.