“The righteous cry out, and the LORD hears them; he delivers them from all their troubles.” – Psalm 34:17 NIV
**
Chapter 9
Deanne
I hugged my pillow tighter. Pakiramdam ko ay may naghihintay sa aking kalaban sa tuwing lumuluwag ang yakap ko. I clutched the cotton. I buried my nose and smelled the case. Hindi ko na mabalik ang antok ko. Did I ever sleep, then? Pagod ang katawan ko, pero ang utak ko ay buhay na buhay.
Umaalingawngaw ang boses ni Yale sa isipan ko. Parang sirang plaka. I kept on lingering about the word ‘marry’ and I couldn’t separate it from him. Naging mukha niya ang meaning ng salitang iyon sa akin.
Dad didn’t answer him yesterday. Hindi rin kumibo ang dalawa kong kapatid ko. Hindi rin ako nagsalita pero noong sulyapan ko si Yale bago kami umalis, nakita ko ang tapang at determinasyon sa kanyang mata. His lips parted a little while sending me away through his meaningful eyes. I walked and he stared. He sighed that sounds like a nervous one. When I finally looked away, I knew that he was still staring at me. Maybe on my legs or on my back but definitely—at me until we were separated by their huge gate.
Why I keep on remembering those eyes? It never leaves me. His eyes were haunting me . . .
I waited for another night to forget about it but it didn’t work. I’ll definitely add more days until I erase him at all.
I heard his family talking about the gang and especially Ruth. Yale is planning to marry her. But he bluntly announced that he intended to marry me, too?
Ofcourse it’s impossible to marry two women. Unless, he marries one legally and marries another one but falsify it. Kung gano’n, saan ako roon?
Bumuntong hininga ako. Inalis ko ang unan na yakap at tumihaya. Magtatanghali na at nandito pa rin ako sa kwarto ko. I skipped breakfast and pretended that I am still sleeping. Pero gusto ko lang mapag isa. At mag isip. Where in this world will I put myself in?
Ang sagot ay nasa ilalim pa ng utak ko. Lumilinaw . . . tapos ay lumalabo. Paano ang gagawin ko ngayon?
One thing is for sure, I made a clear pathway to be in Montevista’s lair.
Pumikit ako. Inaalala ko ang pakiramdam sa balat ng kama niya at damit. Naalala ko ang amoy. Ang lamig at init sa ilalim ng paa ko. Unconsciously, I bit my lower lip and replayed the memories all over my head when someone knocked on my door!
“Sino ‘yan?”
“Mommy.”
I gulped. Agad akong bumangon at pinagbuksan ng pinto si Mommy. Bumulaga sa paningin ko ang natatangi niyang ganda at matamis na ngiti sa labi. I combed my hair and shakily smiled at her, too.
“Good morning, hija. Did I wake you up?”
Umatras ako para papasukin siya. “Hindi po. I’m sorry,”
“Why are you sorry?”
I twitched my lips and shyly looked at her. Her kindness is guilt to me.
I cleared the rocks in my throat. “For what I did the other night. I-I . . . went to a party and got drunk and . . .”
Ang alaalang iyon ay ayaw ko nang ibalik at pakaisipin. Pero sa maling ginawa ko, dapat lang na bigyan ako ng parusa at pagalitan ng magulang ko. Dad didn’t do it. He spared me from his wrath. Ang sabi niya ay wala akong kasalanan. Kaso . . . pinili ko ‘yon, e. Ginawa kong pampamanhid ang libreng pagpapakasaya nang malaya at . . . nagwawala.
Mom slowly lifted her lips from side to side. Sinarado niya ang pinto. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila para umupo sa gilid ng kama ko. She combed my hair like she used to be. Now, my ash gray hair color is a blunt evidence of my rebellion towards myself.
Ngayon ko lang naisip, na ang ginawa kong pagtakip sa sakit ay naging parusa pala sa parents ko. How ungrateful I was. May pamilya akong masasandalan pero mas pinili kong namnamin ang sakit mag isa.
“I’m sorry, Mommy. I’m sorry.” I whispered through the cuts in my heart.
Ngumiti siya ulit. But her eyes get misty. It killed me now that she’s hurting but still smiling. I reached for her hand and kissed it.
“Ang mahalaga ay ligtas ka. Buo kang nakauwi sa akin, anak.”
Pinisil pisil ko ang kamay niya sa kandungan ko. This hand means so much to me. Her hard work and love are the ones that forever tattooed in my whole being.
“I never wanted to cause you pain. You and Dad, are the best for me.”
She leaned forward and lifted up and face. “You will never be the cause of it. But to some people who hurts you, it will take a lot of effort to earn my forgiveness. Hurting my children are like hurting me in flesh. We raised you well. Deanne, we’re always here for you.”
“I know, Mom. Pero nagkamali po ako. Akala ko . . . tama ang ginagawa ko pero kinapahamak ko lang.”
Mula nang umuwi ako galing sa mansyon ng mga Montevista, wala akong natanggap na hate o galit sa pamilya ko. Tumawag pa sina Uncle Reynald at Uncle Matteo para i-check kung nasa mabuti ba akong kalagayan. Alam kong kinausap sila ni Dad. May gagawin na silang hakbang sa ginawa sa akin ni Carl.
No one beats the support of a family. Having them in midst of this tragic condition is the best way to solve the chaos in my head.
They treat me like a toddler again. But I knew I can create a plan like a real adult and execute it well.
She sighed and squeezed my palm. “Matagal na ba kayong nagkahiwalay ni Grey?”
No’ng una ako ay para akong namanhid. Hindi ko magalaw ang labi para sumagot. Ayokong pag usapan si Grey at ang nalaman ko. Pero ayokong magkaroon ng kuro kuro ang pamilya ko tungkol sa kanya.
Umiling ako. Bumuntong hininga at tiningnan siya. “Ilang araw pa lang, Mommy. I . . . I texted him and he replied.”
“Sinubukan mong lumimot sa pagpunta sa party ng Carl na ‘yon,”
I almost closed my eyes as soon as I felt the familiar ache the words that my mother gave to me. Ito iyong gusto kong ilibing sa limot. Dahil nang malaman kong nakabuntis si Grey nang iba, patalim ang hinagis niya sa likod ko.
His lies hurt me so.
“Mom . . .” I tried to stop her.
“Matagal ko na itong napapansin. Hindi na pumupunta rito si Grey. Kahit imbitahin, palagi siyang may ginagawa. Anak, kung mahal ka talaga niya, mamahalin niya rin kami. Pero kung nahihiya siya dahil . . . he should think of you first before himself. Natatakot lang akong sabihin sa ‘yo dahil alam kong mahal mo siya. Your Dad is aware. Ang gusto namin sa ‘yo manggaling ito.”
I stared at her. “Mom . . .”
Tiningnan niya ako.
Lumunok ako. “May . . . nabuntis si Grey.”
Her lips parted. Dahan dahang tumuwid sa pagkakaupo si Mommy.
I felt the pinch of pain in my chest and tried to ignore it. But no. I couldn’t ignore this anymore. I will let this hurt fly from me.
Nanubig ang mga mata ko at lakas loob na tiningnan ang mata ni Mommy.
“Nakita ko sila sa ospital kung saan nanganak ‘yung babae. May anak na siya sa iba.”
At first, my hands shook. This is pain. The betrayal he gave me. After the loyalty I gave him. The f*****g legacy of our eight years burns into ashes when he looked at another girl.
“Akala ko . . . akala ko makakapaghintay siya.”
My mother’s silence became my time to cry it out. Humiga ako sa kanyang kandungan. Tinakpan ko ang mukha dahil hindi ko na kayang pigilan ang pag apaw ng luha sa mga mata ko. Sinuklay ni Mommy ang buhok ko. Hinayaan niya ako hanggang sa kusang maampat ang hilam sa mata ko.
Hindi naman na solve no’n talaga ang sakit pero gumaan ang loob ko. Masakit pa rin. Pero nabawasan. Hindi nagsalita si Mommy. alam kong naiintindihan na niya ako ngayon. Iyon pa lang ay ayos na ako. Dahil may isang nakakaintindi sa akin, okay na ako.
Hinanda ni Mommy ang susuotin ko habang naliligo ako. A simple denim pants and white longsleeves ang nakalatag sa kama paglabas ko. Nagsusuklay ako nang iplanong alisin ang kulay ng buhok ko. Ngayon ay naaalibadbaran ako. Bakit kaya ang tingin ko no’ng isang araw ay okay lang ito? Tapos ngayon, nakakainis na. Though, mag-f-fade rin naman ito kalaunan.
Mom even cooked food for me. Nasa hapag kaming lahat. Siya ang personal na naglagay ng pagkain sa plato ko. Naabutan ko ang ngiti ni Dad habang pinagmamasdan si Mom.
Dulce pouted. “Gusto ko rin po ng chicken, Mommy!”
Natigilan si Mommy nang magsalita ang bunso namin. She looked like as if she was starstruck after Dulce spoke. Then, Dad barked a laughter. Bumaling sa kanya ni Mom at saka sumimangot. Inabot ko ang manok at nilagyan ang plato ng kapatid ko.
“O ayan. Selos ka pa, e.” I chuckled at her.
Dulce giggled. Nagbibiro lang siya. Niyakap niya ako sa braso at siniksik ang mukha roon.
“I love you, ate D!”
“I love you, too. Kain na.”
Binagsak ni Dean ang kanyang kubyertos sa pinggan. Napaawang ang labi ko nang makita ang ginawa nito. Wala si Dylan kaya hindi ito nabatukan.
Dean tsked. “Ang girls talaga ang lalambot at madaling magselos,”
“They only get jealous to the one that they loved.” Dad took his cup while looking at his son.
“I know, Dad. Kaya nga nag iingat ako sa mga babae. Look at Dulce, nagselos pa sa ginagawa ni Mom kay ate. E, alam niya kung bakit.”
May pang iinis na nilabas ni Dulce ang dila kay Dean. Dean only tsked her again.
“Selos ka lang din, ‘no! Gusto mong asikasuhin ka rin ni Mommy.”
“Hindi kaya.”
“Bleh! Bleh!”
Maingay na nilapag ni Dad ang tasa. Napalingon ako sa kanya. Bumuntong hininga at saka tiningnan si Mom.
“Habang lumalaki ang mga bata, mas lalo silang nagiging isip bata. Saan ba tayo nagkamali, Misis ko?”
Mom shily giggled. “Ikaw madalas dumisiplina at hindi ako.”
Umiling si Dad at ngumiti. Tumayo si Mom at nilagyan ng pagkain ang mga pinggan nina Dulce at Dean. But Dean received a hug from Mom. He smirked after that.
Then Dad grinned. “I hope you don’t put too much jealousy for your woman, son.”
Natigilan si Dean. “No, Dad. I won’t do that.”
“Don’t eat your words. It’s going to be a-hell-lots of effort to get her.”
Kumunot ang noo ko. Naiwan ang mata ko sa kapatid ko. He opened his lips like as if he was going to answer but chose to close it again. Then, sighed.
This day is set to be my rest day. My parents banned me from going to work and let Dylan talk to anyone in HR Department. But my sleep is halted after the arrival of my cousins. Sinugod ako sa kwarto nina Yandrei at Dulce at dinala sa garden ni Mommy. They brought pizzas. They all cleared their schedule just to see me. Na-touch ako sa effort na ginawa nilang lahat.
Yandrei held on my arm and leaned in. “Naghiwalay na pala kayo ni Kuya Grey.”
“Sinong nakipaghiwalay sa inyo?” seryosong tanong ni Nick.
“A-Ako.”
Ako ang nag text na mag cool off kami.
Nick nodded. “Niloko ka ba? Gusto mo gantihan natin?”
“Stop it, Nick. Naririnig ka nina Red.”
Red chuckled. “Sasamahan ko pa sila, ate D. Gan’yan din ang gagawin namin ni Cam kung masaktan si ate Ruth sa lalaki.”
I rolled up my eyes. Kung gano’n, humanda si Dylan sa inyo.
Tumawa si Anton at tinapik si Nick sa balikat. Humalukipkip ako.
“Guluhin natin sa bar na kinakantahan niya, Kuya Nick.”
My jaw dropped. Halos mapatampal ako sa noo ko.
“Oo ba. Sama ka, Dean?”
“S’yempre.”
Tumayo si Yandrei at pumagitna sa mga lalaking nag uusap. “Hep hep hep! Ang o-OA niyo, ha. Walang sinabi si ate na niloko siya ni Kuya Grey. Saka, ang tagal tagal na nilang dalawa. Baka naman mutual decision ‘yon. Basag-ulo agad ang gusto, e.”
I sighed. Dulce looked at me and then to Yandrei.
“’Wag niyo na lang pag usapan si Kuya Grey kaya.”
Umiling ako. “I’m okay, guys. Subukan niyong mambugbog at ako bubugbog sa inyong lahat!”
In an effort to warn them, I only received an annoyed reaction and chuckled from the boys.
“Gustung gustong mambugbog, ah? Bakit? Ganyan siguro ginagawa niyo sa mga girls niyo,” Yandrei amused at them, too.
“Ibang klaseng pambubugbog ginagawa namin sa babae. Nagrereklamo sila sa . . . sarap.”
Inirapan ko si Anton. Ibang klase sa kayabangan ang mokong na ito.
“Sasaktan din namin ang mananakit sa ‘yo, Yan. Kaya hindi lang kami ganito sa ibang girls. Sa inyo rin.” Kuya Nick said.
Namaywang si Yandrei. “Pero hindi lahat ng problema nasasagot ng pananakit, Kuya.”
“Sus. Hindi ka pa kasi nai-in love. Try mo.”
“Ang panget mo ka-bonding.”
“What?”
Hinila na lang ni Dulce si Yandrei paupo ulit.
“’Wag ka na ngang magpaliwanag sa mga ‘yan. Hindi ka nila naiintindihan. Mga sanggano kasi.”
“Wow. Ang nagsalita ang isip-bata.”
Tiningnan nang masama ni Dulce si Dean. “Ate, oh.”
Tumawa silang lahat. Sinuntok ni Dulce sa braso si Dean. Napamura sa sakit si Dean.
“’Yung Carl Flores na lang ang bugbugin natin.” Red suggested.
Nick looked at him and nodded. Red took out his phone and looked at it.
Bumuntong hininga ako at tumayo na. Natahimik silang lahat at isa isa kong tiningnan.
“Walang gaganti sa kahit kanino. Walang bubugbugin, okay? Ayoko nang gan’yan.”
Then, Nick moved forward. “Paano si Yale Montevista?”
Pagkasambit pa lang sa pangalan na iyon ay natigilan na ako. Nick didn’t know what happened yesterday. Or maybe he knew already. But hearing it from him feels like he is still clueless.
“What about him, Nick?”
“Balita ko, gusto kang ligawan.”
“At pakasalan.” Dagdag ni Dean habang hinahaplos ang brasong masakit.
Namaywang ako. Nagkibit ako ng balikat. “What do you want me to do with him? Tinulungan niya ako sa party. Pagkatapos . . .”
Nauwi ako sa pagkalito sa sasabihin. Tinaasan ako ng kilay ni Nick at ngumisi pa. Humalukipkip ako.
“Malamang alam mo na, Nick. Bakit nagtatanong ka pa?”
“Iba pa rin kapag sa ‘yo nanggaling. May pagka bitter kasi si Dylan kaya ang hirap paniwalaan. Ikaw ba? Ano’ng plano mo sa kanya?”
I winced.
“Who’s that, ate?”
Hindi ko matingnan sina Dulce at Yandrei. They are both curious about Yale. Bwisit ‘tong si Nick. Ang sarap lagyan ng tape ang bibig.
“Alas yata ‘yon. I think.”
As much as I wanted to glare at my cousin, alam kong tama siya at pareho kami ng nararamdaman.
Nilibang ko sina Dulce, Yandrei, Cam, Anton at Red para lumayo sa pinag uusapan namin. Kung nakalapit lang talaga sa akin itong si Nick, sisipain ko sa binti para tumahimik. Mabuti na lang ay hindi na nag usisa pa ang mga bata kong pinsan. I still wanted to protect their innocence.
We talked about Carl. The boys are serious. Mukhang may pinaplanong hindi na pinaalam sa amin. Kung anuman ‘yon, panigurado akong malalaman ni Dad at Dylan at hindi nila ikapapahamak. They played basketball. May maliit kaming court sa bakuran ng mansyon. Habang kaming mga babae ay nanonood ng movie sa aming theater room.
Kinagabihan, no’ng halos gamit na gamit ang oras ko ay dumating sina Uncle Reynald, Auntie Kristina, Uncle Matteo at Auntie Jahcia. Hindi ako binitawan ni Auntie Kristina at panay ang hawak sa kamay ko. Mas lalo nilang napapagaan ang nararamdaman ko.
At nang sabay sabay kaming maghapunan, napuno ang mansyon ng biruan, tawanan, asaran at kahit pikunang mababaw. Hindi na nga ako halos makakain kakatawa. Nakangiti ako bawat subo ng kanin o inom ng tubig.
I could feel my mother’s eyes in the middle of it.
“Kagabi nga ay iniisip ko kung sino ang unang magkakaapo sa atin nina Matteo. Sa determinasyon ngayon ni Dylan, hindi ako magtataka kung si Kuya Johann ang mauna,”
Ngumisi ako sa sinabi ni Uncle Reynald. Ngumiti si Dad at Mom. Sa tingin ko ay aware rin silang baka ganon nga ang mangyayari. Si Dylan lang naman ang sobrang atat ngayong magpakasal sila ni Ruth. Iyon ay kung magtagumpay siya.
“Bakit ikaw, Reynald? Sigurado ka bang walang kinalolokohan ‘yang si Nick at Anton? ‘Wag kang pakampante.” Asar ni Uncle Matteo.
Binalingan ni Auntie Kristina si Nick na nabilaukan yata. I grinned at him.
“Uncle naman? Ba’t napunta sa akin? Bachelor pa ako,” apila ni Anton.
Tinuro siya ni Uncle Reynald. “Panay ang tambay ninyo ni Dean sa Peyton. Baka mamaya,”
“Nag iingat ako.”
Kaming mga babae ang halos suminghap sa sagot ni Anton. Napatakip pa ng bibig si Auntie Kristina tapos ay tinampal sa balikat ang asawa. Natatawa namang nilingon ni Uncle Matteo si Uncle Reynald. Si Dad ay umiling na lang at nagpatuloy sa pagkain.
Binato ng tissue ni Yandrei ang kapatid. “Kapalmuks talaga neto.”
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Yandrei? Kaka internet mo, kung anu anong lumalabas sa bibig mo. dapat sa ‘yo pagbawalang mag cellphone.”
“Lagot ka naman kay Dad! Nye!”
I chuckled as I watched them like some kids fighting. Hindi tulad nina Red at Cam, itong dalawa ay mas tahimik at pangisi ngisi lang sa upuan. Hindi siguro sumasakit ang ulo nina Auntie Jahcia sa mga anak niya. Kahit si Ruth ay alam kong mahinhin at masunurin sa kanila. Pero sabi ni Nick, nasa loob lang daw ang kulo nina Red. Pinagkibit ko lang ng balikat.
Pangiti ngiti ako nang mahuli ko ulit ang titig sa akin ni Mommy. Mas lalo akong ngumiti sa kanya.
Pumasok sa dining ang guard namin at lumapit kay Dad. May sinabi ito na nagpawala sa ngiti ni Dad. Tiningnan niya ako sandali. Tapos ay nag excuse para lumabas. Sinundan siya ng tingin ni Mom. Kumunot ang noo ko.
Walang masyadong nakapansin, pero sinundan din ng tingin ni Uncle Reynald si Dad bago nag excuse at sumunod din. Nang mawala sila ay saka unti unting tumahimik ang mesa namin. Nagkatinginan ang bawat isa at nakiramdam sa nangyayari.
Si Nick ang huling nakaramdam sa katahimikan. Ngumunguya pa ito bago nagtanong.
“May dumaan bang anghel?”
Nagpunas ng bibig si Uncle Matteo at tumayo na rin. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa mawala. Nagsalubong na ang mga kilay ko.
“I have no idea.”
Para malaman, lumabas na rin si Nick, Anton, Dean, Red at Cam sa labas. Nabakante ang mga umupan sa mesa at hindi na rin kami makakain. Tumayo na rin ako at sumunod.
Pagdating ko sa sala, nakabukas ang double door namin. Nasa labas silang lahat. I saw my cousins. Tila may tinatanaw sa may gate. Lumapit ako roon. Tinapik ko si Dean.
“Ano’ng meron?”
Binalingan ako ng kapatid ko. Sumunod na rin ang iba at nagtanong. Kumunot ang noo ko nang makita ang seryosong mukha ni Dean. Nawala na ang biro sa hangin. Kaya kinalabog ang dibdib ko.
“Dumating si Yale Montevista, ate.” sagot nito.
Umawang ang labi ko. pumunta ako sa harap nila at tinanaw sina Dad, Uncle Reynald, Uncle Matteo at Nick na nakikipag usap sa gate. Maliit na pinto ang bukas at ang sinasabi niyang si Yale ay nasa labas.
Hinila ako sa siko ni Dean. “’Wag ka nang magpakita, ate. Ayaw ni Dad.”
“Ayaw ni Dad? E, kahapon naman . . .”
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagsilingunan sina Uncle sa gawi namin. I gulped. Nakita ko ang mga binti ni Yale sa labas. Ang mga tauhan ni Dad ay bahagyang lumapit din sa gate na tila pinaalerto. Pero bakit? Maayos kaming naghiwalay kahapon tapos ngayon ay parang pinagbabawalan.
Pagkakita sa akin ni Uncle Reynald, minuwestra niya ang kamay na parang pinapapasok kami sa loob ng mansyon. Hinila ulit ako ni Dean. Binawi ko ang braso.
“Pero bakit? Okay naman kahapon,” sabi ko pa.
“Tara na sa loob, ate Deanne.” Kulit ni Dean sa akin.
Tiningnan ko siyang masama. “Tawagan mo na lang si Dylan at sabihin ang nangyayari rito. Bilis.”
“Eh!”
“Bilisan mo.” may diin kong ulit.
“Haysst! Pagalitan pa nga.”
Tinalikuran niya ako at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Tiningnan ko siya nang masama bago ulit binalingan ang gate namin. Si Dad ang nakikipag usap pero bakit matagal? Bumuntong hininga ako at lumapit na.
Umihip ang malamig na hangin sa sementadong daang tinatahak ko. Niyakap ko ang mga braso. Sinubukan kong silipin si Yale sa puwang na mayroon. Unti unti kong naririnig ang sinasabi ni Dad at sagot niya.
Nick looked back and saw me. Pinanlakihan niya ako ng mata.
“Pumasok ka sa loob, D.”
Sabay na bumaling sa amin sina Uncle Reynald at Uncle Matteo. Huminto sa pag uusap sina Dad at Yale at lumingon sa gawi ko. Napahilamos ng mukha si Nick.
Natahimik sila na tila wala nang magawa dahil lumapit ako. Kaya humakbang pa ako sa gate. Mabigat na bumuntong hininga ang dalawang Uncle ko bago ako binigyan ng espasyo. Nang hustong makalapit ako, sumilip na ako sa gate. Nasa labas si Dad, kaharap si Yale. Yale shifted on his feet after he saw me and then . . . smiled a little.
I gulped and licked my lips. “Oh, Mr. Montevista. Napadaan ka . . .?” bitin kong tanong dahil hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko.
Tinitigan ako ni Yale.
Bumuntong hininga si Dad at tinuro siya. “Hinahanap ka niya, hija. May gusto raw siyang ibalik. Ang sabi ko ay nagpapahinga ka na.”
I looked at my father. Humakbang ako at lumabas na rin ng gate. Iisang sasakyan lang naman ang dala ni Yale pero ang kanyang dalawang tauhan ay nasa baba rin ng sasakyan niya. Kumunot ang noo ko. Galing ba siyang trabaho? Siguro. Pero gabi na. Ah, baka overtime. Deanne naman.
Nakuha ko agad ang ibig sabihin ni Dad. “Bumaba ako kasi nauhaw ako,”
Yale is staring at me. Tulad no’ng huli ko siyang nakita. Ginugulo ng mata niya ang utak ko.
“Uh, ano nga palang isosoli mo?”
Bahagya akong lumingon sa gate dahil narinig ko ang hagikgikan nina Yandrei at Dulce. Ngumisi ako.
Inabot sa akin ni Yale ang bitbit na paper bag. Tinanggap ko at sinilip ang laman. My lips parted after I saw my clutch bag and inside there is my freaking phone and wallet!
“Nakalimutan kong ibalik sa ‘yo kahapon. Hindi rin nasama ni Vilma nang ibalik ang damit mo.”
“Uh, oo nga. Nakalimutan ko. Maghapon kasi akong nagpahinga. Salamat.”
That’s very kind of him to do this. Kung maalala ko, pwede kong ipatawag kay Dylan.
I sighed and smiled at him. “Thank you, Mr. Montevista.”
His lips parted while staring at me. Pakiramdam ko ay hindi niya nakikita sina Dad at mga Uncle ko habang tinititigan niya ako. Sa tagal niyang tumitig, nahihiya na akong tingnan siya kaya napakamot ako ng batok.
“Can I have your number?” Yale asked.
Nauna pang suminghap sa akin sina Yandrei at Dulce. Ilang sandali pa, nakita kong lumitaw ang mga ulo nila sa gate sabay ‘hello’ kay Yale.
Yale smiled back. “Hi. I’m Yale Montevista.”
Dinig din ang pagsaway sa kanila ni Nick.
“Ang kukulit.” Nick muttered behind our gate.
I bit my lower lip. Nakipagkamay pa si Yale sa kina Yandrei at Dulce.
“Yandrei.”
“Dulce po. Ate ko ‘yan.” Turo sa akin.
Tiningnan ako ni Yale. “Oh, I see. Another ‘D’.”
Yandrei and Dulce giggled. Then, Dad stepped in.
“Sige na, hijo. Baka gabihin ka sa daan.”
Humigpit ang hawak ko sa tali ng paper bag. Yale understand my father but he went to me and asked my number again.
Sinulyapan ko muna si Dad bago muling hinarap si Yale. I tried to lighten the scene.
“Hawak mo na phone ko. Hindi mo pa nakuha?” biro ko sa kanya.
“I wanted to ask you personally. Baka kasi i-block mo ‘ko kapag bigla na lang kitang tinawagan.”
Nagsalubong ang kilay ko nang bumungisngis na naman sina Yandrei sa likod ko.
“Uh. Hindi naman. Ano, uhm . . .”
Gusto kong lingunin si Dad sa tabi namin pero hindi ko na kaya.
“Akin na phone mo,”
Pagkalahad ko ng kamay sa kanya, agad niyang dinukot ang phone sa bulsa ng suot na slacks. Nakaitim na slacks ito at itim na longsleeves polo na nirolyo hanggang siko. Binuksan niya ang cellphone at binigay sa akin. I just simply type my number and gave it back.
Tumunog ang phone ko sa loob ng paper bag na hawak ko.
“Is it okay to text you later?” kunot noo niyang tanong.
“Hm, ikaw . . .”
Damn my cheeks. Dad cleared his throat and pushed me.
“Thank you, Mr. Montevista. Kailangan nang magpahinga ni Deanne.”
Tinulak ako ni Dad sa gate namin.
Panandaliang naiwan ang mata sa akin ni Yale bago niya sinagot si Dad.
“I understand, Sir. Thank you for your time. Deanne,”
I nodded at him. Hinawakan na rin ako ni Nick sa braso at hinila papasok sa loob.
“Thank you rin, Yale. Ingat ka.”
He smiled. “I will.” Namulsa siya at hinintay akong makapasok sa loob.
Binaba ni Dad ang ulo ko. Para akong batang hinihila at tinutulak nila papasok sa gate. At nakikitang lahat iyon ni Yale. Hindi ba nila nahahalatang nanonood iyon sa amin?
Hindi pwedeng mag iba ang tingin niya sa pamilya namin. Baka makahalata ang mga Montevista at madamay pa sina Dylan at Ruth dito.