Chapter 12

5000 Words
“The LORD is faithful to all his promises and loving toward all he has made.” – Psalm 145:13b NIV ** Chapter 12 Deanne Hindi ko mapigilang ngumiti nang sa paglagpas ko palang sa bukana ng kusina ay naaamoy ko ang masarap na niluto ni Mom. Nilagay ko angmga kamay sa likod ko. Maliwanag sa kusina. Nakatayo siya sa harap ng kalan at hinahalo ang laman ng kaserola. Si Ate Mersing na kanangkamay ni Mom sa pagluluto ay nasa tabi niya hawak ang isang bowl na pinaglilipatan ng sabaw na iyon. Ang bango. Mom cooked. Lumapit akosa counterisland kung saan nakalatag ang ibang pagkain. May apat na putahe ang naka-ready. Hindi ko alam kung anong paborito ni Yale. Hindi ko tinanong. Dahil biglaan at gahol sa oras, madadaling lutuin angnagawa ni Mommy at cornsoup. Angsabi ni Dad ay um-order na lang parahindi mapagod si Mommy. But she insisted to cook. Since Yale is coming here to court me. She glared at him. Hindi na nakapalag si Dad. “Nagugutom na ‘ko.” I am drooling. Makita ko lang angluto ni Mom, nasasabik na ang tiyan ko. They looked atme. Pinagmasdan ni Mommy ang suot kong plain white dress na hanggang taas ng tuhod ang haba. Nilugay ko ang buhok ko na kinulot ang dulo nito. I put on a light makeup. At nag-spray ng paborito kong pabango. Medyo natagalan ako sa pagpili ng damit kanina. Hindiko alam kung anong isusuot mamaya pagdating ni Yale. Mom told me to wear something simple. I just need to be myself. Then, this plainwhite color shone in my eyes. Its simpleness sparkled. Tanda ko, I also prepared when Grey came here to court me. Actually, hindi ako masyadong nahirapan noon. Alam ko ang gagawin at kahit sobra akong nae-excite sa panliligaw niya, hindi ako nangarag nang sobra. It was smooth then. Tonight, I have to do somethingnice for Yale. Kailangan kong i-execute nang maayos ang plano ko. Hindi ito real ligaw naexcited ako. Nag ayos ako dahil kailangan ko siyang ma-impress. Something simple is good to hear. Kung mag-o-overdress ako, baka mawalan siya ng gana. I mean, baka ma-disappoint or what. At ituloy pa niya ang pagpapakasal kay Ruth. Aba, hindi ako dapat magkamali! I have points to fulfill. Binaba ni Ate Mersing ang clear bowl sa tabi ng iba pang putahe. Busy sila masyado sa paghahanda sa gabing ito. Binaba ni Mom ang sandok at kinalas ang tali ng apron. “I called Dylan, hija. Hahabol daw siya rito para makasabay nating maghapunan.” “Hindi niya po pupuntahan si Ruth ngayon?” Ngumiti si Mom at umiling. Lumapit siya sa counter island at pinasadahan ng tingin ang mga pagkain. “He wants to see kung pa’no umakyat ng ligaw itong si Mr. Montevista. Wala naman daw niligawan iyon dati.” Kumunot angnoo ko. “Ni research niya po si Yale?” Mom chuckled. “Your brother only wants to see you safe. Ganu’n lang ‘yon magsalita pero gusto kalang niyang bantayan. Alam niya ang tinataya mo, Deanne.” My lipsparted a little after I heard that from her. Knowing my brother who thinks he’s responsible for all the things happening in the family, hindina ako magtataka kung sabuyan niya ng masasamang salita si Yale. But he needs to be calm. Dahilpara rin ito kay Ruth. Kung alam niya kung ano’ng tinataya ko, alam ko rin ang kung ano ang tinataya niya. She looked back again at me. I saw her worried eyes and it sliced my heart. Alam kong nag aalala na siya kay Dylan ngayon. Tapos ay dumagdag pa ako. I may not know kung paano sila nag-uusap ni Dad kapag sila lang pero hindi ko maiwasang isiping ang bigat din ng nararamdaman ni Mommy. I reached her hand and squeezed it. Mom smiled again even if it looked sad. “It’ll be fine, Mom. Don’t worry.” There was a misty fluid in her eyes that she shut off when she sighed. “Everything’s ready. Ano’ng oras darating si Mr. Montevista, hija?” Mom’s trying to make everything’s okay. She is trying her best to cover up all her worries. Oh, Mom. I’m so sorry. Sa oras na matapos ang lahat nang ito ay babawi ako sa iyo at kay Dad. Tiningnan ko ang wall clock sa kusina. It’s quarter to eight. “Ite-text ko po. Baka nasa byahe na rin po ‘yun.” Nagkasundo kaming alas-otso siya pumunta. So, we can have time to prepare. “Alright. Mersing pakilabas angmga bagong plato.” “’Yung bago po ang gagamitin, Ma’am?” Binalingan ko si Mommy. She nodded then rushed to the fridge and looked what we have inside. “Hindi naman siguro kayo iinom ‘di ba, Deanne?” “No, Mom. But I’m not sure though. Kung magkayayaan . . .” Dahil may kadalasan ang bisita rito ng mga pinsan ko, sinisigurado ni Mommy na palaging may mahuhugot sa fridge. Kaya madalang kong makita na aalog-alog ang double-door fridge namin. Well, pare-pareho halos ang estado ng fridge sa bahay pati kina Auntie Kristina at Auntie Jahcia. Kahitsaang bahayn nila kami pumunta, walang namomoroblema sa makakain. “May beer in can naman dito.” Mom nodded then closed the fridge and looked at me. She sighed. “Pero baka mag-worry ang Dad mo kapag uminom kayo. Ito ang unang tapak niya sa bahay natin tapos iinom pa kayo? Mas mabuting mag juice na lang or ice cream. Ano pa kaya ang pwedeng ialok sa binatang ‘yon?” Kumalansing angmga pinggan na nilabas ni Mersing sa cabinet. Ngumiti ako. “Mom this is enough. You worry too much.” Hinawakan niya ang noo at bahagyang umiling. “Are you sure?” “Yes, Mom. Thank you.” She sighed and helped Ate Mersing wiping the plates. Those what we called special plates. I smirked. “Okay.” In the kitchen, the food is ready. The plates and other utensils are being prepared. Kahit ako ay handang handa na rin sa pagbisita ni Yale. Dad will see him too for formality. Kahit na hindiniya nagustuhang aakyat na ngayong gabi ng ligaw si Yale sa akin. Pero kung hindi ko pa ito sisimulan, kailan pa? Ready naman ako. Nagmamadali akong bumalik sa taas nang makita ang oras. I went to my night table where I left the letter I wrote for Yale. Isang beses kong pinasadahan ang sinulat ko. I smiled, then. I folded the paper and put it inside a white square envelop. Umupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang ballpen at sinulat sa labas ng sobre ang pangalan niya. Yale. I glided my thumb to his short name. Tuyo na agad ang itim na tinta. Ngumiti ako. Unti unting bumibilis ang t***k ng puso ko. I kept on biting my lower lip as I stared at his name on the white envelope. I hope this kind of gesture touch anywhere of his body. Maa-appreciate kaya ang ganitong gift? Ugong mula sa dumating na sasakyan ang nagpalingon sa akin bintana. Agad akong tumayo. Hinawi ko ang kurtina at sumilip. My lips parted a little after I saw his familiar black Ford car. Kapapasok pa lang ng sasakyan niya. Sinarado ng guard anggate namin at nakita kong kinausap ito ng isang tauhan ni Dad. Lumapit ako sa salamin at pinasadahan ulit ang ayos. Nilagay ko ang sobre sa harap na bulsa ng suot kong damit. I leaned on the mirror and checked out my face. Walang dumi o ano. Nag spray ako ulit ng pabango ko. tumikhim ako at tiningnan ang likod. Making sure na maayos ang itsura ko. Dapat ay presentable ako sa harap niya. Nginitian ko ang sarili sa salamin. “Everything’s ready.” Bulong ko. Kinatok ako ni Ate Mersing sa kwarto. Agad akong lumabas. Nakangiti siya at inayos ang haba ng damit ko. Habang sinasarado ko ang pinto ngkwarto ko ay inabala ni Mersing ang suot ko at pilit tinatago ang tuhod ko kahit hindi na naman hahaba iyon. I chuckled. Conservative at overprotective nga pala si Ate Mersing sa amin ni Dulce. “Dapat nagsuot ka ng cardigan, Ma’am. Kita ang legs mo rito. Tapos labas din ang braso. Hindi ka ba nilalamig?” Daig pa niya si Mom. “It’s okay, ate Mersing. Nasa bahay naman ako,” at saka okay lang din kung suotin ko ito sa labas. Hindi naman revealing itong suot ko. Sunod naman niyang inayos ang buhok ko. “Nasa baba na ang manliligaw mo.” Tumango ako pero kinakabahan din. Biglang natigilan si ate Mersing. “Ang daming bitbit na bulaklak!” “Talaga? Nagpapa impress ‘yun.” Biro ko. Ngumiti siya at isang beses pa akong tiningnan. “Pero hindi mangiti ang Daddy mo pagpasok niya. Baka maagang mapauwi ‘yon.” Tila nag hang ang ngisi ko sa labi sa sinabi ni ate Mersing. Kaya agad kong tinungo ang hagdanan para makita sila. Tinawag ako ni ate Mersing pero hindi ko siya nilingon. Tumayo ako sa puno ng engrande naming hagdanan. Halos hindi ako nakagalaw nang makita ko sa baba sina Dad, Mom at Yale. Unang kita ko pa lang sa nakasimangot na mukha ni Dad ay nag alala na ako. Si Mom ay nakangiti kay Yale at mukhang okay naman sa kanya ang bisita namin. Mabuti at nakaabrisiete siya kay Dad. Kahit papaano ay sumusunod kay Mom. I noticed that Mom is already holding a bouquet of colorful flowers. Yale looked so formal to them. Kulang na lang ay bumungisngis ako nang makita ang suot niya. Nagpalit naman siya ng damit. Pero may coat pa. Her inner shirt is white which he partnered with black coat and pants. Hindi nawawala ang silver niyang kwintas na tila nagha highlight sa kanyang postura. At tama si ate Mersing. Naghanda siya. Ang dami niyang dalang bulaklak. Habang nag-uusap sila, humugot ako ng hangin pampalakas ngloob. This is it. The game is on. Lumunok ako bago hinakbang ang paa sa unang baitang pababa. And as if on cue, they all looked up at stairs. Si Yale ang huling lumingon sa taas at deretso sa mata ko. Hinarap niya ang sarili pagkakita niya sa aking bumababa sa hagdanan. Tumambol nang napakaingay ang puso ko. Halos . . . manlambot ang mga tuhod ko habang bumababa. Humawak ako sa barindilya. I met his eyes and I almost wanted to run back into my room. No one talks. They just . . . watched me slowly walking down the stairs. And if I meet his eyes once again, baka tumiklop na ang tuhod ko at gumulong pa ako pababa. Shit. It feels like we are in a good war. What a weapon from him, huh? But I couldn’t stop the wildness of my heart. Para bang ito ang unang beses na may umakyat ng ligaw sa akin. Ah. S’yempre, iba ang plano ko rito. Nagpapaligaw ako dahil may iba nga pala akong balak sa kanya. Sinalubong ako ni Yale sa pagbaba ko. Mabigat na bumuntong hininga si Dad at sinundan ito ng tingin. I cleared my throat again after I stopped in front of him. “Hi,” Pati boses ko ay kamuntik pang maggaralgal! Tinitigan niya ako bago ngumiti nang kaunti. “Hi,” Is he nervous? Halos hindi ko narinig ang sagot niya. Nagtagal ang titig niya sa akin hanggang sa ako na ang unang nagbaba ng tingin sa bulaklak na dala niya. He chuckled and gave the red roses to me. “Thanks. Akala ko hindi mo ibibigay.” “Ang ganda mo. Hindi ako nakapagsalita.” Pagkabigay niya ng malaking bouquet, tinitigan na naman niya ako. I looked down and touch the roses. Ang gaganda. Ngayon pa lang, kahit hawak ko pa ang bouquet ay nag-i-imagine na ako kung saang vase ko ito ilalagay. Bagay ito sa room ko. Sa tabi ng bintana ko. “Para kanino ‘yan?” tanong ko sa hawak pa niyang bulaklak na katulad nang kay Mom. Hindi niya iyon tiningnan pero sumagot pa rin. “For Dulce. Pero sabi ng Mom mo, wala siya rito.” “Ah. Na kina Yandrei. Mag-o-overnight sila ro’n kasama si Dean.” “I see.” Sinubukan ko siyang tingnan ulit. Bakit ba titig natitig siya sa akin? “May dumi ba ako sa mukha? May muta kaya?” I even checked kung meron nga. Pero pagtingin ko sa dulo ng daliri ko, wala naman. Pati kabilang mata, wala. Are you joking, Deanne?! He twisted his lips like as if stopping himself to laugh or smirk. “Ang ganda mo.” Straight to the point, ha. “Ah. Salamat po.” biro ko na parang nasabihan nang mas nakakatanda sa akin. Then, we both smiled at each other. Kinuha ko ang bulaklak na para kay Dulce. “Ako na ang magbibigay nito sa kanya.” He nodded and shyly massaged his nape. “Thank you, love.” Namilog ang mata ko nang tawagin na naman niya ako no’n. Kungsaan dinig na dinig nina Dad at Mom. Tiningnan ko si Yale at pinanlakihan ng mata. My gosh. Pakipigilan naman ‘yang bibig mo, Yale. Napapikit na lang ako nangtumikhim nang malakas si Dad. ‘Yung tipong nagpaparinig na ‘nadinig namin ‘yon’. “I brought something for you, Sir.” Nilapitan ni Yale si Dad. Mula sa nakaipit na itim na kahon sa bandang kili kili niya ay pinakita niya iyon kay Dad at binigay. Dad’s brow’s arched. Binasa niya ang nakasulat sa box at tinanggap iyon. Lumapit ako. I almost bit my lip and consciously feels this moment. “Dom Perignon? Vintage. Nice.” Dad looked . . . I don’t know. Pleased? But Yale gulped while looking at him. “I don’t mean to offend you Sir for coming here in short notice. I . . . really want to get to know your daughter and court her. I want your approval,” “But you can’t wait and came here tonight.” Nagkatinginan kami ni Mom. “I . . . admit it, Sir. I really can’t wait to see Deanne again.” Pinanliitan ako ng mata ni Mom. Lumunok ako at uminit angpisngi ko. “Gusto mo talaga ang anak ko, Mr. Montevista?” “Hindi lang po gusto, Sir.” Hindi inatrasan ni Yale ang malamig na titig na binibigay sa kanya ni Dad. May ilang sandaling katahimikan ang dumaan sa aming apat bago hinili ni Mom ang braso ni Dad at niyaya na sa hapag. I’m not sure kung ang sagot na iyon ba ni Yale ay nakatulong, nakaganda o nagpalagapak sa kanya kay Dad. Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ang ibig niyang sabihin ay gusto niya rin akong pakasalan. Tulad no’ng sinabi niya sa mansion nila kay Dad. Hindi lang gusto ako. Ofcourse, gusto ring pakasalan. Dad didn’t talk again. Para bangmay malalim na itong iniisip. Tinabihan ko si Yale sa mesa. Kami ni Mom ay nasa magkabilang side ni Dad. “Malapit na raw si Dylan. Pinapauna na niya tayong kumain,” Mom announced. Tumango ako. Kinuha ni Yale ang mga bulaklak sa akin at nilapag sa upuang bakante sa tabi niya. Nagpasalamat ako at nagsimula nang sumandok ngpagkain. As usual, nilagyan ni Dad ng kanin si Mom sa plato niya. Palaging inuuna ni Dad ang plato ni Mommy at hindi na iyon bago sapaningin ko. Nilingon pa ni Mom si Yale at nginitian. “Hindi kami nakapaghanda masyado. Pero sana ay magustuhan mo ang nakahain,” I couldn’t help but smiled at how kind my mother is. Hindi agad nakasagot si Yale. Nagtaka ako at binalingan siya sa tabi ko. Pinagmasdan ko siya. Bahagyang nakabukas ang labi niya. Nakatingin naman sa mga pagkain pero parang namamangha o hindi makapili. Siniko ko siya para magising. “Okay ka lang?” He then cleared his throat and looked at my mother. A very genuine smile shown from his face. “I, uh, appreciate all of these, Ma’am Aaliyah. Sana ay ayos lang po kung maubos ko itong lahat.” Mommy chuckled. “Walang problema, hijo. Sige lang.” Ngumiti ako. “Kain na. ‘Wag kang mahiya.” Udyok ko pa. Dad cleared his throat again but didn’t say any. But Mom and I are exchanging secret glances and winks. The dinner is fine. It’s quiet and a bit formal. Kapag nagsasalita si Dad, agad nakaalerto si Yale. Lahat ng pagkaing ialok ko kay Yale ay tinatanggap niya. Sanay na akong makita sina Dylan at Dean na mala-dragon kung kumain. Kahit mgapinsan kong lalaki ay ganun din. Akala ko, magiging shy type si Yale sa hapag. Hindi pala. Nag-enjoy siya sa pagkain at tinikman niyalahat ng putahe. I smiled secretly. Malakas din pala siyang kumain. “Masarap ba?” I asked. He swallowed what’s in his mouth and nodded. I giggled. “Ipagbabalot kita bago ka umuwi mamaya.” Biro ko lang naman. Pero tumango pa rin siya. Kaya medyo nagulat ako. “I will take out the chicken curry. It’s so good.” “Okay. Noted ‘yan.” “Am I late?” Lumipad angmga mata namin sa pagpasok ni Dylan sa dining area. Nakataas pa ang dalawang kamay niya nang magtanong. Agad na tumayo si Yale. Umirap ako at sinandal ang likod sa upuan. Yale shakehands with him. “Good evening, Dylan.” I saw how playful Dylan’s face. Halos ngumisi pa nga. “Good evening, Mr. Montevista. Or Yale?” “Just Yale.” He grinned and glanced at me. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Mukhang masama ang tama mo sa kambal ko, ha.” “Dylan. Nasa harap tayo ng pagkain.” “Mom,” Nilapitan ni Dylan si Mom at hinalikan sa pisngi. Dad only nodded at him and pointed his chair beside Mom. Hinila niya iyon. Umupo at ngumiti saamin. Yale sat again beside me. “First name basis tayo since nililigawan mo ang kambal ko. By the way, is your land still available to purchase? I’m kind of interested now.” Kamuntik akong ngumisi. Uminom ako ng tubig para hindi mahalata. Mom held Dylan’s arm. “Stop talking about business, please. Hindi ‘yan ang pinunta ni Yale rito.” “But Mom-“ “Sundin mo ang Mommy mo, Dylan.” Dad interrupted him. Dylan sighed. Nagkibit ng balikat tapos ay nagsimula nang kumain. Lumabas si ate Mersing at pinagsalin siya ng juice at tubig. He looked tired. Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Kahit na sobrang mapang asar ng lalaking ‘to, kitako samata niyang may iba itong iniisip. Ano? Naiinggit kaya siya? Mukha siyang bitter kay Yale. Pagpasok pa lang niya. Baka gusto niya ring nandito si Ruth at kasalo nina Dad at Mom. Gusto niya ring ipaghanda si Ruth tulad nang ginawa ni Mom kay Yale. Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang mag desert na, niyaya ko si Yale sa sala. Pero ang lakas ng boses ni Dylan. Parang nananadya. Kaya bitbit ang tasa naming may mango ice cream, dinala ko si Yale sa tabi ng pool. Isang beses kong nilingon ang mga tauhan niyang nasa labas ng sasakyan. There are four of them. Tapos ay nasa paligid din ang mga tauhan ni Dad. Mas marami kaysa sa dala niya. But that’s understanble. Alangan namang magdala siya ng isang batalyon. Manliligaw siya at hindimananakot. I scoffed. Magkatabi kaming nakaupo sa bakal na bench satabi ng malaki naming pool. “You’re probably annoyed with Dylan.” Tumitig ako sa tubig. Suprisingly, I found peace while staring at it and sitting here with him. Tila kumikinang ang tubig sa amin at tumatama sa mga balat namin. Though, nariyan lang sa loob ng mansyon ng pamilya ko at nasa paligid naman ang mga bodyguard ko, I still felt the solitude inhere. Under the night sky. Beneath the stars and moon. “No’ng mga baby pa kayo, sakit ba siya sa ulo ng parents mo? Mahirap siguro siyang alagaan.” I smirked. “Sabi ni Mom hindi naman. Mag isa nga lang siya nu’ng pinanganak niya kami.” “Nasa’n ang Dad mo?” Binaba ko ang tasa gilid ko. Nagde kuatro ako at humalukipkip. Tiningnan ko lang ang pool namin. “Hindi sila magkasama nu’ng magbuntis siya amin ni Dylan. I think, may misunderstanding sila that time. Hindi alam ni Dad na buntis siya.” “They broke up?” Tumango ako. “Mom left Dad.” “Pa’no niya kayo nakilala?” “Noong nagkasakit si Dylan. Kinailangan ng blood transfusion. But since rare ang blood type niya, pinuntahan ni Mom si Dad. From then, hindi na kami iniwan ni Dad.” “Your Mom is a Superwoman. Hindi yata madaling magbuntis at kambal pa. I can’t imagine her kind face being hurt while taking care of you. Siguro, iniisip din niya ang gastuhin mag isa.” Umiling ako. Binalingan ko siya. “I think, wala namang balak na itago kami ni Mom kay Dad habang panahon. She never stops loving him. He’s her one great love. Pero ang sabi niya, nagkamali siya noon kaya hindi si Dad ang una niyang naging boyfriend. Kinailangan niyang matuto sa mahirap na paraan.” Yale’s head tilted alittle. Tilamay naisip at ngumiti nang kaunti. “Lahat naman yata ay dumadaan sa mahirap na paraan.” He looked at me and stared. I gulped when I noticed how his eyes looked a little intense. “Yes, lahat may struggles. It’s up to you kung paano mo haharapin.” “You can’t have all nice things in the world.” “We really can’t have nice things in here. But you can add nice things in it.” “And fight for it. Until your last breath.” His low voice gets lower. Iyong tipong halos sumasabay nalang sa hangin ang pagkakasalita niya. Nakatingin siya sa akin. Lumunok ako nang maramdaman ang pagpirme ng mata niya sa mukha ko. What’s the matter? Bakit ganito ang hatid ni Yale sa akin? It’s not as if hindi pa ako natitigan ng lalaki. Some were malicious. Some were attracted. Gusto kong isiksik sa isipan na pareho ang ginagawa ni Yale sa akin. Dahil sinabi naman niya ang pakay sa panliligaw niya. Tumahimik anggabi. Angdilim ay hindi nagbabago. Sobrang tahimik namin. Pati ang paglunok ko ay maririnig ko. Inabot ni Yale ang kamay ko. Umihip nangmalakas ang hangin kaya napahaplos ako sa braso ko. Binitawan niya ang kamay ko at hinubad ang suot na coat. Binuka niya iyon at pinatong sa mga balikat ko. “Thanks,” I murmured. I couldn’t look up at him. He’s too close. Too close . . . and through his expensive coat, I smelled his scent. His manly scent that I remember from his room. From his bed. From his pillow case. Dumagundong ang dibdib ko. This is too much to handle. His heat is here through his coat. It felt like he’s enveloping me subtly. Through silent screams of his scent. His long thighs parted wide. Pati ang size ng sapatos ay mahaba. Nag bend siya nang kaunti at pinatong ang mga siko sa tuhod. I get the glimpse of his broad back. Malapad ang balikat pero kumikitid pababa sa baywang. Medyo fit sa katawan niya ang inner shirt niya. It’s giving the idea of how good looking his body is. Bigla niya akong nilingon. Napaubo ako nang kaunti dahil nahuli niya akongnakatitig sa likod niya. Nagtaas ako ng noo at tumingin sa mansyon. I heard him chuckle. Pinigilan ko ang sariling tingnan siya. Bwisit. “You are allowed to stare at me, love.” “’Wag mo ‘kong tawagin nang gan’yan. Hindi pa kita sinasagot.” His waist twisted a little when he tried to capture my eyes. “I’m practicing. Call me love, too.” Umirap ako. “Timang.” Tumawa siya. Inabot niya ang mukha ko para makatingin sa kanya. “Ang dali mong mainis,” “Kasalanan mo. Ang lakas mong makaasar.” Mas kinatuwa pa niya ‘yan. Lumapad ang ngiti, e. “You’re beautiful.” Hinawi ko ang kamayniyang hindi inalis sa pisngi ko. “Ilang babae na kaya nasabihan mo niyan?” “None.” “Tsk. Bola.” He grinned like as if he finds me funny. “They’re pretty but you’re beautiful. Ikaw lang sinabihan ko nang gan’yan. I don’t talk too much.” Ngumuso ako. Bumaba angmata ko sa silver necklace na suot niya. Tinuro ko iyon sa kanya. “Walang pendant? Initial kaya?” biro ko. Umiling siya. “Chain lang.” “Binili mo?” “Nope.” “Bigay?” “Not exactly. Kinuha ko sa gamit ni Papa.” “Ah. Hindi mo hiningi, a. Kinuha talaga.” Natawa ako pero siya, hindi. “He died before I was able to ask this from him.” “Oh . . . sorry. I didn’t mean to-“ “No, you didn’t. Ngayon mo lang nalaman.” Naiwan sa ere ang sana’y sagot ko. My lips just parted and when I realized I couldn’t answer that anymore, I closed it. Alamkong matagal nang patay si Fidel Montevista. Tinitigan niya ako. Umiwas ako ngtingin sa takot nabaka mahuli niya ang umiikot sa isip ko. Balang-araw kaya, sasabihin niya rin sa akin ang tungkol sa gang sa kinabibilangan niya? Magiging open kaya siya kung mag-level up ang relasyon namin? Kung. Iyon ay kung. Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman. Kaya what’s the point? Bumuntong-hininga ako at tumingin ulit sa pool. “Deanne,” “Mm?” “I want to . . . kiss you,” Kumurap kurap ako matapos iyong marinig. I looked at him. He looked down at my lips. Unconsciously, I licked it. Mas tumitig pa siya roon matapos ko iyong basain. “Uh, ano,” Ano? Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Hindi ko naman ito pinaghandaan. Is it okay? Ofcourse not. “Kung ayaw mo, irerespeto ko. Kaya kong maghintay.” “Para sa halik?” “Sa ‘yo.” Buong katawan ko ang nanigas pagkarinig n’yon. Kaya ko nabang humalik ng iba? Para sa akin, wala lang kung halikan niya ako ngayon. It’s still part of my plan. Hindi naman pwedeng maging kami at magpakasal nang walang kiss. Pero kapag narito ka na pala sa puntong hihingi niya sa ‘yo ang parte ko, umaatras angdila ko at nawawala ang isip ko. Hindi ako handa. Hindi ko masyadong naisip ang ganito. Though, it’s just a kiss. So, what’s the matter, then? Pinatong ko ang kamay balikat niya. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo. Kabadong kabado ang dibdib ko. Hindi ko ito dapat palagpasin. Dapat siya sa akin mapunta. Hindi siya kay Ruth. Ako dapat ang pagtuunan niya ng pansin at hindi ang mahal na mahal ni Dylan. Lakas-loob ko siyang tinitigan. Nilapit ko ang mukha at tinapat ang labi sa tainga. “Kiss me.” I felt him stiffened. Really? No’ng una, akala ko ay aayaw siya. Gulat ang mata at parang malabong sundin niya ang inuutos ko. But he snaked his arm on my waist. He focused his eyes on my lips and leaned over until our faces leveled . . . “Deanne!!” Literal akong napatalon sa inuupan dahil sa malakas na sigaw ni Dylan. Tumalon yata pati puso ko. Binalingan ko siya. Everything’s went so fast. Sinugod niya si Yale at inundayan ng suntok sa panga! “Dylan!” Bumagsak siya malapit sa edge ng pool. Hawak ang panga at bahagyanggulat din sa pagsugod ngkapatid ko. Dylan looked so furious. Mabilis ang paghinga na parang kay layo nang tinakbo. Hinawakan ko siya sa braso nang duruin niya si Yale sa sahig. “Ayos ka rin, ha? Unang gabi mo sa panliligaw, manghahalik ka na!” Nakita niya kami? Damn. But I have to pull this off. Bakit nanugod pa siya?! “Stop it. ‘Wag kang gumawa ng gulo-“ “Ikaw! Nagpapaligaw ka nga pero agad kang magpapahalik?! Ano ka, easy to get?” “Ano?” If he’s mad, he’s starting to boil up my blood! Dumating din si Dad. Magkasalubong ang kilay. Tiningnan niya si Yale sa likod ko. Mom went to us, too. Nilapitan niya si Yale. Dylan gets more furious. “I saw him kissing Deanne, Dad!” “No, we didn’t.” diin kong sabi. “Oh? So, about to kiss. In the first day of courting! Wow.” Umigting ang panga ni Dad. Nalaglag ang panga ko. Nilapitan ni Dad si Yale at kinuwelyuhan. “Johann!” “Dad!” Walangnagawa si Yale. Namumula ang panga niya pero kalmado pa rin ang mata niya. He didn’t even flinch after Dad gripped on his shirt. Nagtakbuhan angmga tauhan ni Yale papunta sa amin. But my father’s men hold them up. Napatakip na lang ako ng bibig. “Maayos kitang pinapasok sa pamamahay ko, Mr. Montevista. Tapos ganito ang gagawin mo,” Pinigilan ni Mom sa braso si Dad. But my father . . . nobody can’t stop him now. Nilayo ako ni Dylan. Hinila niya rin ako sa braso. Matalim ko siyang nilingon. Pinanlakihan niya ako ngmata. “I can explain, Sir.” “Explain? How? That you like my daughter? Explain!” Pumikit ako sasigaw ni Dad. We didn’t even kiss. Pero parang lagpas pa sa halikan ang nahuli nila sa amin. Was this . . . “Bitiwan monga. Pa’no siya magpapaliwanag kung tinatakot mo.” Mom said. Walang salitang binitawan niDad angdamit ni Yale. Then, Yale, bravely looked at him. “I’m sincere withher, Sir. Inaako kopo ang kasalanan. ‘Wag niyong pagalitan si Deanne. Ako po angmay kasalanan. Gustung-gusto ko siyang . . . hagkan.” Dylan muttered a curse. Uminit angpisngi ko. Si Dad ay akma siyang susugurin pero tinulak siya niMom sadibdib. Yale gulped. With a messy shirt and hair, like a trained soldier, he told my parents; “Gusto ko na pong . . . hingin angkamay ng anak ninyo paramaging asawa ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD