“But the plans of the LORD stand firm forever, the purposes of his heart through all generations.” – Psalms 33:11 NIV
**
Chapter 8
Deanne
Dahan dahan kong inangat ang palad sa malamig na pader. Slowly, in a very delicate manner, I turned around and tiptoed more until I was out of that dark narrow hallway. Mabilis na mabilis ang sipa ng puso ko. Without thinking anything, patakbo kong tinungo ang nakabukas na entrance door at lumabas.
This fear is making me blind and not letting me to think straight. Nakita ko ang malaki nilang gate na pagkataas taas. Tumakbo ako. Without letting anyone to stop me or what. Pero agad nila akong hinarangan. These men, who I think are Yale’s men, tugged me by halting my arms. Side by side. Nagpumiglas ako at halos sumigaw sa takot pero patuloy nila akong hinila palayo sa gate.
“Ano ba? Bitawan niyo ‘ko!” sinigawan ko ang lalaking humawak sa kanang braso ko. Mahigpit ang kamay niya. Matangkad ito at mukhang kaedaran lang ni Yale.
But they didn’t listen. Nagkagulo silang naroon sa labas ng bahay. I looked around, ang luntiang sahig, malakas na ihip ng hangin dala nang malawak na lupa at walang malapit na kabahayan, tahimik at preskong hardin, bantay sarado ang kanilang mansyon. Which, hindi na naman kaduda duda. Kaya ako na biglang lumabas ng bahay at tumatakbo pa, bigla silang naalarma.
May nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Isusumbong nila ako kay Yale at sa mga kapatid nito.
Damn s**t!
“Bumalik po kayo sa loob, Ma’am.” Someone behind me talked.
Hinanap ko ang pinanggalingang boses. My teeth gritted uncontrollably.
“I’m going home.”
“Hindi po kayo pwedeng lumabas nang walang permiso ni Sir Yale.”
“Ano ka hilo? Bakit ko hihintaying payagan niya ako? Hindi ako preso rito.”
“Wala naman pong nagsasabi niyan, Ma’am. Pero-“
“Huy, Dos! ‘Wag mong hawakan si Ma’am,”
Nang marinig ko ang nag aalalang boses ni Vee ay tila ako nakahinga nang maluwag. Patakbo itong lumapit sa akin at hinila ako sa mga pumipigil sa akin. Tumabi ako sa kanya. Hinawakan ko ang brasong nasaktan sa hawak nila. Para bang ang laki ng kasalanan ko nang pigilan nila akong lumabas ng gate.
Namaywang si Vee at pinagtuturo ang mga lalaki.
“Naku naku naku naku! Tinatakot niyo si Ma’am sa ginagawa niyo, ah. Lagot kayo kay Ser neto,”
Matalim kong tiningnan isa isa ang mga iyon. “Ayaw nila akong pauwiin.”
“Tumatakbo kayong lumabas ng mansyon, Ma’am. At wala pang sinasabi si Sir Yale na pwede na kayong umuwi,”
Inisang hakbang ko ang lalaking sumagot sa akin. “Why do I need your boss’s permission, ha?”
He sighed like as if nakakapagod akong kausap.
“Sumusunod lang po kami sa pinag uutos sa amin.”
I scoffed. “Kung hindi ako nagkakamali, security at protection ang trabaho ninyo at hindi pumigil na umalis ang isang tao. Ni hindi ako nakatira rito. Gusto kong umuwi sa amin. I’m not even connected to your boss!”
Hindi na siya nakapagsalita at nagyuko ng ulo. Naghahabol pa rin ng hangin ang dibdib ko habang pinapasadahan ko ang mga tauhang pinalibutan na ako.
“Gusto kong umuwi na—”
“Love.”
Inis kong binalingan si Yale. “What?!”
And just like that, para akong sinampal dahil sa masamang tabas ng dila ko. Ni hindi ko naisip kung bakit ako nag response sa tawag ni Yale. And that moment, na parang biglang dumating ang hari nila ay isa isang nagsikulasan ang mga tauhan niya. Na parang walang nangyaring gulo. At si Vee ay parang robot na dahan dahan akong nilingon at tiningala.
Maybe amused by my reply. Akalain nito may relasyon kami ng boss niya.
My lips are still parted because I am pissed. Nilapitan ako ni Yale. Inalis ko ang tingin sa kanya. “Bwisit.” Bulong ko.
“You don’t have to shout. Maririnig ka na ng mga kapitbahay ko.”
“Malayo ang neighbors mo.” humalukipkip ako at hindi pa rin siya tiningnan.
“How do you know? Tulog ka kagabi nang buhatin kita.”
I scoffed again. “Obvious na obvious naman. Hello? Puro puno ang nakikita ko. Kung may kapitbahay ka edi sana bubong ang mga ‘yan at hindi puno. Isa pa, sa bahay namin mo ako inuwi at hindi rito. Nakakahiya sa Mama mo.”
Siguro ay labas sa ilong ang sinabi ko sa huli. Dahil kung hindi niya ako dinala rito ay hindi ko malalaman ang plano nila kay Ruth. Gosh. Pinagbabalakan niyang pakasalan si Ruth at walang kaalam alam ang babae sa kanya. How conceited it is, huh? Ano, ipapapilit ni Napoleon Salviejo ang apo sa kanya? Just for power? Gosh. Just gosh. Eww.
Hindi ko matingnan dahil naiirita ako. Nakita ko ang paggalaw ni Vee at palipat lipat tingin nito sa amin.
Yale sighed heavily at ramdam kong nakatitig pa rin ito sa akin.
“I had a wild guess na baka magulat ang parents mo kapag nakita nila ang kalagayan mo kagabi.”
“So, hindi sila magugulat kapag nalaman nilang sa bahay ng lalaki ako natulog, gano’n? Mas pinalala mo pa nga.”
“Kilala naman ako ni Dylan.”
“Kaya nga! Hello? Ang babaero mo kaya.”
“Are you sure?”
Nakuha ko ang panghahamon niya sa pananalita. Agad ko siyang binalingan. He shifted his feet after I turned at him.
“You’re a playboy and a womanizer. Sinong hindi papansin sa ‘yo? Gwapo, mayaman, malaki ang kamay, mahahaba ang mga binti, magaling magsalita, matangos ang ilong, malalim tumingin, mapula ang labi . . .”
Dahan dahang umangat ang gilid ng labi ni Yale. Natauhan akong bigla sa mga sinabi ko at hindi ko na magawang tapusin ang sanay panlilibak ko sa kanya. Naging kabaliktaran yata ang nagawa ko!
I bit my lower lip and moved away from him. Naabutan ko pa ang paghagikgik ni Vee. I glared at her but I don’t think she got affected. Tinuro pa niya ako na parang batang nahuli sa tagu taguan.
“Dami niyo pa lang compliment kay Ser, Ma’am. Kayo ha . . .”
“I didn’t . . .”
“You didn’t what, love?”
“’Wag mo nga akong tawagin nang gan’yan. Kanina ka pa.”
Yale chuckled and looked at his scattered men. “You didn’t want to compliment me but you couldn’t stop yourself and it came from you naturally,”
Inirapan ko siya ulit. “Pwede ba?”
He looked back and pouted his lips a little. Umiling na lang ako. Bakit ko ba papatulan ang isang ‘to? Ako lang din ang mapapahiya, e.
“Ano’ng nangyari, Kuya?”
Kinalas ko ang paghalukipkip pagkarinig sa tumawag sa kanya. Hindi naman ito nilingon ni Yale at nagpatuloy sa paghagod ng tingin sa labas.
“Hi. I’m Leonard. You are?”
Tumaas ang kilay ko sa nagpakilalang Leonard. Hindi niya raw ako kilala. But then, I sighed and accepted his hand.
“Deanne de Silva.” I formally said.
He smirked. Hindi tulad ni Yale, malinis ang panga ni Leonard at mukhang mas madalas ngumiti kaysa sa kanya.
“De Silva. Wow.”
Hilaw ko siyang nginitian. Napansin ko sa likuran niya ang paglabas ng babaeng nakaupo sa wheelchair. Napaawang ang labi ko. Pumuputi na ang buhok niya. Mestiza at mukhang katamtaman ang kanyang tangkad. Her silvery hair is in tight French knot. There were visible wrinkles beside her eyes, below the eyes and around her lips. She’s pretty. Aristocratic aura circled her. Nakataas ang noo niya at hindi nakangiti.
Ang lalaking tulak tulak siya ang ngumiti sa akin.
Tinawag ng Ginang si Yale at nagtanong ulit.
“Rock.” Pakilala sa akin nu’ng nasa likod ng babae.
I smiled. “Deanne.”
Binalingan ako ng Ginang. Pinasadahan niya ako ng tingin. Ang paghagod niya ay biglang nagpakaba sa akin.
“Ayos ka lang ba, hija?”
I gulped. “Yes, Ma’am.”
Lumapit sa tabi ko si Yale at tumayo. “Papunta na rito ang kambal mo.”
Namilog ang mata ko siyang binalingan. He nodded once.
“Ganoon naman pala. Hindi mo kailangang matakot sa amin, hija. Deanne, ‘di ba?”
“Opo.”
She smiled. “Ako ang ina nilang tatlo. Rosalinda Montevista. Kinagagalak kitang makilala, Deanne.” She opened her arms.
Lumapit ako sa kanya. Nag aalangan akong hawakan siya dahil sa mga narinig kong sinabi nito kanina sa kusina. Ibang babae ito ngayon at kinakabahan akong magkamali sa harapan niya.
But then, yumuko ako at yumakap sa babae. Bineso niya ang magkabila kong pisngi na tila matagal na kaming magkakilala. Pagtayo ko nang tuwid ay humakbang ako palayo. Tumawa siya.
“Nasa mabuting mga kamay ka, hija. Inisip lang marahil ng anak ko ang kaligtasan mo kaya rito ka niya inuwi. May masakit ba sa ‘yo?”
Mabilis akong umiling. “Wala, Ma’am.”
Nakangiti pa rin ito sa akin. “Mabuti at nasa tamang oras itong si Yale para iligtas ka. Kung hindi . . . isang malaking kahihiyan iyon sa pamilya mo,”
“Mama.”
Binalingan nito si Yale. Napapanatili ang ngiti sa labi.
“Hindi ba’t tama naman, hijo?”
Tinitigan niya ang anak pagkatapos ng tanong na iyon. Yale stared back at her. Wala sa kanila ang nagsalita at tumataas ang kilabot sa balat ko.
Tinapik ni Leonard si Vee. Napaigtad si Vee at dali daling pumasok sa mansyon. I looked at Leonard. Naabutan ko siyang nakangisi sa akin.
“Paano kayo nagkakilala ng Kuya ko?”
“Uh, sa restaurant. Around BGC.” Doon ko siya unang nakita in person.
Tumango si Leonard. “Date?”
“Hindi. Nakita ko lang siya roon. Iba ang kasama niyang babae.”
“Ow.” Sabay baling nito sa Kuya niya.
“Nagpakilala si Kuya sa ‘yo?”
“Hindi naman. Sinulat niya ang number niya sa tissue at binaba sa mesa ko bago siya umalis.”
Tila nagulat ko ang Mama nila pagkasabi ko no’n. Lumaki ang mata nito at masamang tingin ang ginawad sa panganay niya. Napalunok ako at tiningnan si Yale. Parang walang balak itong kontrahin ang siniwalat ko.
I cleared my throat. “But we’re friends now,” sabay tawa kong hilaw.
Tiningnan nila akong lahat. Even Yale. Tinaasan pa niya ako ng kilay. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Rock chuckled. “This is new. Hindi nakikipagkaibigan si Kuya. Uhm, I mean, he’s meticulous all the time. Kahit girlfriend ay bilang lang sa daliri.”
“Uhh.” Maiksi kong tugon.
“Wala ka namang boyfriend, ‘di ba?” segunda ni Leonard.
“Hmm, w-wala na.”
Kumurap kurap ako. Saka ko lang naalala si Grey. At wala akong balak na bawiin ang sinabi. It felt new to produce answer like that. I licked my lips nervously. Tiningnan ko si Yale. Natigilan ako dahil sa matiim niyang titig sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin.
“Kabe-break pa lang? Ang bilis bilis pala ni Kuya kung gano’n.” sabad ni Rock.
Tumawa silang magkapatid. Maliban kay Yale at sa mama nila. Uminit ang mukha ko sa hiya. Minasahe ko ang batok at sanay makauwi na ako. Nahihirapan akong kausapin sila.
Nang tamaan ng sinag ng araw ay agad na nagpapasok sa loob ng mansyon si Mrs Montevista. Bumalik si Rock. Niyaya nila akong maupo roon sa nakahandang mesa at upuan sa hardin. Kumakain kami ng ice cream na tatlo. Si Yale ay ayaw. Busy sa pakikipag usap sa mga tauhan. Hindi naman siya lumalayo sa amin.
I sighed. “Suplado ba ‘yang Kuya niyo?”
Mahinang tumawa si Rock. Napansin ko, sa kanilang tatlo siya ang mas madaling kausapin. Si Leonard kapag nagsalita may ngising aso sa labi kaya hindi ko mapagkatiwalaan. Rock is the easiest to be with among the Montevista brothers.
“Hindi mo siya makakausap nang hindi nasusungitan. Parati kasing maraming iniisip. Alam mo na. Trabaho.”
Tinanguan ko ang ibig niyang sabihin. “Edi hindi siya palakaibigan? ‘Yung tipong makakasama mo sa mga party o salu salo?”
“Oh. Nagre relax din naman si Kuya. Kaya kung ang personality niya ang pinupunto mo, medyo cold siya. May kaibigan pero iilan lang. Nasa ibang bansa pa ang iba. Kaya medyo lonely.”
“Hindi nag g-girlfriend?”
“Nagka girlfriend. Matagal na yata ‘yung last.”
Tumaas ang kilay ko. “Wala siyang nagugustuhang bago?”
Binalingan ko si Yale. Nakapamaywang ito habang nakikinig sa sinasabi ng tauhan. Mukhang seryoso ang pinag uusapan. Bigla siyang lumingon sa akin. Kumunot ang noo ko. Bumuntong hininga ito at inalis din ang mata.
“Hindi ko alam, e.”
Leonard looked at Rock. Tiningnan ko na lang ang baso ng ice cream ko. Ofcourse, mag iingat silang mabanggit ang tungkol kay Ruth sa akin.
“Imposibleng wala.” Bulong ko.
Leonard laughed. “Kuya!”
“What?” inis na sagot ni Yale.
Tumaas ang kilay ko. Inis na siya agad. Tumawa pa si Rock dahil sa tono niya.
“Badtrip ka pala kay ate Deanne, e.”
Bigla akong napatingin kay Leonard. Pinagsasabi nito? “Huy.”
Sinipa ni Rock sa binti si Leonard. Nakita iyon ni Yale. Pumihit ito palapit sa amin.
“Bakit badtrip?” tanong ni Yale pero sa akin nakatingin.
Tinuro ko si Leonard at umiling. Nagpatuloy sa pang iinis itong kapatid niya.
“May babae ka raw.”
“Hindi gan’yan ang sinabi ko.”
“Imposibleng walang girlfriend.” Si Rock.
Yale stopped and sighed heavily. Tumutulo ang butil butil na pawis sa noo nito. “I’m single, Deanne.”
Inirapan ko siya. Binaba ko ang baso sa mesa at humalukipkip. “Hindi ko tinatanong.”
“Both single.”
Pinanliitan ko ng mata si Rock. Napakagaling pala nitong umarte. E, kanina tinutulak nila si Yale na magpakasal kay Ruth tapos kung makatukso akala mo naman . . . oh well, pagpapanggap ito. S’yempre, hindi nila ipaparating sa akin na ikakasal na itong Kuya nila sa iba. Bakit ko ba kinukontra ang pang aasar? Hinding hindi naman mangyayari. Tukso lang. Walang totoo. Walang seryoso.
I sighed. Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas. Tila ako nabuhayan at napatayo mula sa kinauupan ko.
Kinausap ng tauhan sa gate ang tao sa labas. Tapos ay lumapit kay Yale.
“Nasa labas po si Dylan de Silva, Sir.”
Agad akong lumapit sa kanila. “That’s brother! Open the gate!”
Nilingon ako ni Yale. Nakangiti ako. Mabigat siyang bumuntong hininga at saka tinanguan ang tauhan. Humakbang ako para sumunod pero agad hinawakan ni Yale ang braso ko.
“Bakit?”
“Hintayin mo na lang pumasok dito.”
Nalusaw ang ngiti ko. Pati ang excitement ko para makauwi ay nalusaw dahil sa pagpigil niya. Totoo yatang nakaka-badtrip ang isang ‘to.
Hinila ko ang braso at humalukipkip. Tumayo ako sa tabi niya at naghintay na papusukin si Dylan. Hindi matapos tapos ang mabigat niyang pagbuntong hininga.
I watched them opened the gate. Agad kong nakita ang madilim na mukha ng kambal ko. Hindi siya nag iisa! He’s with Dad and Dean!
“Dad,”
Upon seeing the cold face of my father, bumalik ang alaala ko nang nagdaang gabi. How I was so eager to get into the party. I sneaked out from our mansion. I do regret it. Iniisip ko pa lang na pinag alala ko sila ay ang laking konsensya no’n sa akin.
I waved my hand to them. Dylan saw me. Mas binilisan niya ang tungo sa akin.
“Dylan,”
Handa na ako sa sermon niya. Handa na akong mapagalitan. Pero nagulat ako nang hilahin ni Dylan at yakapin nang mahigpit. Halos hindi ako makakilos dahil sa yakap niya sa akin.
“Are you hurt?” puno ng pag aalala ang boses ng kapatid ko.
Hindi ko mapigilang mamangha. “H-hindi. Ayos lang ako,”
“Ate!” Dean’s voice.
Binitawan ko si Dylan at hinarap ang kapatid ko. “Dean,”
I also received a tight hug from my younger brother. Mas matangkad at malaki ang katawan ni Dylan pero magkasinghigpit ang yakap nila sa akin. At habang namamangha sa mga kapatid kong lalaki, bigla kong na-miss si Dulce.
“Nasaktan ka ba, ate?”
I smiled. Dylan and Dean has the same intense tone. Tinapik tapik ko siya sa likod.
“I’m fine.”
“Where’s your phone? I’m been calling you.” Galit pa ring salita ni Dylan.
“Uh . . .” binalingan ko si Yale. Yale moved forward and offered his hand to Dad.
I stiffened. Huminto si Dad at tiningnan si Yale. Hindi ngumingiti si Dad at talagang hindi nagdalawang isip si Yale na lapitan siya. Nakikita ang determinasyon sa kanya habang halata sa mukha ni Dad na hindi nito gusto ang nangyayari. What if, mabuko ang plano ni Dylan dahil sa pagtulong sa akin ni Yale? Hindi pwede. Matapang ang mga Montevista. Lalo na si Rosalinda. Kapag nalaman nilang balak pakasalan ni Dylan si Ruth, it can cause a huge fight.
“Dad!” agad kong lumapit sa kanilang dalawa. I know, sumunod ang dalawa pang Montevista at alam kong to the rescue sila sa kapatid nila. Dylan and Dean are silently watching. “Dad. I’m sorry po,”
Hindi niya ako tiningnan. Patuloy siyang nakipagtitigan kay Yale. Kinagat ko ang ibabang labi. I am getting tense. And the men surrounding us . . . oh my!
“My name is Yale Montevista, Sir.”
Tiningala ko si Yale. Like my father, hindi siya nag aalis ng tingin na para bang matira ang matibay ang lihim na labanan.
“You rescued my daughter?”
“Yes, Sir. I can explain everything. Nasa loob na rin ng kulungan si Carl Flores.”
“Bakit hindi mo inuwi sa bahay ko ang anak ko?”
“I’m worried about her safety, Sir. Iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlo niyang bodyguard.”
“My daughter is safe in my mansion, Mr. Montevista.”
“I know, Sir. But I am concern about her, too. Hindi ako makakatulog kakaisip sa kanya.”
“Makakatulog ka ba matapos mo siyang ibalik sa amin ngayon?”
“Probably not, Sir. She wants to get home that’s why I called Dylan. I know this is kind of selfish but if you allow me, I want to see her again.”
Tumaas ang kilay ni Dad. Nilingon niya ako. Binuka ko ang labi para magsalita pero para akong nawalan ng boses. Kinakabahan ako sa gustong patunguhin si Yale.
“Come here, Deanne.”
I smiled and excitedly hugged my father. He kissed my hair and tapped my shoulder. Bumitaw ako sa yakap, “I’m sorry-“
“Walang kasalanan. Pagbabayarin ko ang lalaking ‘yon, anak.”
Dad’s tone is like a promise. There was bloodshed and he will be going to make it no matter what happen. At lahat ng paghihirap ng loob ko kakaisip kung paano hihingi ng tawad sa magulang ko ay nalusaw matapos akong tapatan ng pagmamahal ng ama ko. I will never be a perfect daughter of Johann and Aaliyah but their love for me is in perfection.
Then, Dad looked at Yale again. Nakipagkamay na siya rito.
“Thank you for taking care my daughter, Mr. Montevista. One of these days, I’ll repay you.”
“If it’s alright Sir, I want to see your daughter again.”
Sa daming nanonood sa amin ngayon, gusto kong takpan ang bibig ni Yale at patigilan siya sa pagsasalita. Nang hindi nakikita ni Dad, pinalakihan ko siya ng mga mata. Pero nakita ako Dylan at Dean kaya tumigil din ako.
“Maybe we talk about it some other time.”
“Okay, Sir.”
“Uh, nasa loob po ang Mama nila, Dad.”
Kumunot ang noo ni Dad at binalingan si Dylan. I know that look. Lumapit si Dylan kay Yale.
“Can we talk to your mother, Mr Montevista?”
Yale, Leonard and Rock accompanied us inside their mansion. Wala akong naramdamang tension sa bawat kampo kaya’t naging maayos ang pakikipag usap ni Dad kay Rosalinda Montevista. Yale was quiet but he was throwing stares st me behind everybody’s knowledge. Parang may gusto pero hindi masabi sabi.
“We’re more than happy to help, Mr De Silva. Mabuti makakauwing ligtas ang dalaga mo.”
“Tatanawin naming mag asawang malaking utang na loob ang ginawa ni Yale kay Deanne.”
Nakangiting sinulyapan ni Mrs Montevista ang mga anak. “Ipinagmamalaki ko talaga ang mga anak ko. Kaya nga, pinipili kong maigi ang magugustuhan nilang babae. Ang sabi nila, mahirap ang magkaroon ng anak na babae. Pero mas mahirap sa akin ang anak na lalaki,”
Napasulyap na rin ako sa kanilang tatlo. Nakatayo sa likod ng ina sina Leonard at Rock. Si Yale ay nakatayo malapit sa hagdanan. Para kaming pinapanood mula sa malayo at ayaw makigulo. Hinahayaan niyang ang ina ang kumausap sa amin.
I stared at him. Nakahalukipkip at walang imik. Nahuli niya ang titig ko. Hindi ko inalis ang mata ko.
“Well, I loved my children. Whether boys or girls. Lahat sila hindi mahirap mahalin at alagaan.”
“Siguro ay mapili ka rin sa magugustuhan nila balang araw, ano? Lalo pa’t isa kayo sa ginagalang at tinitingalang pamilya sa ating bansa,”
Dad cleared his throat. “Hindi ako nangingielam pagdating sa personal na buhay ng mga anak ko, Mrs Montevista. Kung sinuman ang ipresenta nila sa amin ng asawa ko na gusto nilang makasama habangbuhay, maluwag kong tatanggapin. Ang tanging hiling ko lang, kailangan ay mahal din nila ang anak ko. May sinasabi man sa lipunan o wala. I don’t give a damn.”
Kumibot ang labi ni Yale. Pinanliitan niya ako ng mata. Nahatak ang atensyon ko nang hilahin ako patayo ni Dylan.
“Let’s go home.”
Sabay na kaming tumayo nina Dad. Nagpaalam ito sa babae at nagpasalamat ulit. Hindi ko na ulit narinig na nagsalita ang Mama nila.
“Ayy, Ma’am pretty girl,”
“Wait lang, Dylan.”
Iritadong binitawan ni Dylan ang kamay ko. Ngumiti ako pagkaharap kay Vee. Inabot niya sa akin ang isang paper bag at bumulong. Yumuko ako para marinig iyon.
“Nakita ko na po ‘yung bra niyo. Nandito na po pati ang damit.”
Tinanggap ko iyon at tumango. “Saan mo nakita?”
“Sa basurahan po. Siguro akala ni Ser Yale hindi bra ‘yun.”
“Uh, okay. Salamat, Vee.”
“You’re welcome, Ma’am pretty girl. Ingat po kayo sa pag uwi.”
I smiled more and touched her hand. “Call me Deanne.”
Hiniwakan niya ang pisngi na tila bahagyang namula.
“Ma’am Deanne. Pati name niyo po pretty rin.”
“Thank you, Vee.”
I bid my goodbye to Rosalinda Montevista. Tinanguan niya ako. Palabas ay katabi ko sina Dylan at Dean na parang mga bodyguard ko. Dad is quiet again. Ang mga dala nilang tauhan ay naghihintay din sa labas at nakaalerto sa mga tauhan ni Yale.
“Sir Johann.”
Agad na humarang sina Dylan at Dean sa akin. Tiningnan ko ang malalapad nilang likod. Hindi ko makita si Yale. Pero alam kong lumapit siya para kausapin si Dad.
“With all due respect, Sir. But I want to get your permission. I want to see your daughter again,”
Namilog ang mga mata ko. Iyon pa rin ang gusto niya?
“Why do you want to see her, Mr. Montevista?”
“I want to court her, Sir.”
I gasped. Nilingon ako ng dalawang kapatid ko. Si Dylan, tinaasan ako ng isang kilay. I did the same to him.
Hindi ko makita ang mukha ni Dad. Pero iniisip kong hindi niya iyon nagugustuhan.
“May boyfriend na si Deanne.”
Natigilan ako.
Yale cleared his throat. “Naghiwalay na raw po sila, Sir.”
“Sinong may sabi?”
“Si Deanne po.”
Dylan’s face tilted and his eyebrow arched up again. Hindi ko na siya pinatulan.
“Deanne,”
“Dad?”
“What do you want me to say about this?”
Napaawang ang labi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Dylan. Inabot ko siya ng kurot sa tagiliran niya.
“Aww!”
“Uhm, o-okay lang po, Dad.”
“Do you want him . . . to court you, hija?”
Bullet of sweats started to rise up from my skin. I gulped and gulped but didn’t say any words. And all of them are waiting for my answer.
Then, Dad confront Yale again.
“What is the intention of this courting, Mr Montevista? May I know?”
“I have the intention to marry her, Sir. If you’ll only allow us.”