“May He grant your heart’s desires and make all your plans succeed.” – Psalm 20:4
**
Chapter 1
Deanne
Dawn tried my bag on her forearm and looked herself at the life size mirror here in a coffee shop around Caloocan. No’ng una ay ayaw niyang sumama pero kalaunan ay napapayag ko rin. Sabado naman at walang trabaho kaya nagyaya akong lumabas sandali. Hindi ko matagalan ang kambal ko sa mansyon. Besides, may meeting sila roon. Some of my men cousins are already involved in my twin’s selfish plan.
Napamaywang si Dawn. She pouted her lips while checking the appearance of my LV bag on her.
“How much is this, D?”
Pumangulambaba ako. “Hindi ko alam. Niregalo sa akin ‘yan ng pinsan ko.”
Nagkibit ng mga balikat si Dawn. Mag aalas singko na pero kami lang ang customer sa coffee shop. Ang nag iisang babaeng staff ay tahimik na naglilinis sa counter. Paminsan minsang sumusulyap sa amin.
“The perks of having rich family . . .” Dawn murmured.
Tumaas ang dalawang kilay ko habang pinapanood siyang minomodel ang bag ko. I tilted my head and smirked. “The perks of having loving family, you say, Dawn?” palit ko sa sinabi niya.
Bumuntong hininga siya at saka pumihit pabalik sa upuan niya. I sipped in my cup. Binalik niya sa tabi ko ang bag ko. Binaba ko naman iyon sa bakanteng upuan sa tabi ko. She sighed again and sipped in her chocolate frappe. I combed my hair backward and crossed my arms on my chest. My cleavage showed a little.
“Rich and loving.” She tsked. “Almost perfect. Wala naman yatang pangit sa pamilya niyo, e. Sa business very successful kayo. Sa genes, walang tapon. Sa pera, walang problema. Tell me, nagkakaproblema pa ba kayo? Pati yata sa lovelife ay pinagpala rin.”
Mas lalo akong ngumisi. “Panlabas lang ang nakikita mo.”
“Ayon naman ang palaging nakikita ng tao. So, kung ano ang nakikita, iyon ang ia-assume. Kapag may bago kang gamit, kakasweldo lang. Kapag nagpapaganda, brokenhearted. Kapag pumupunta sa mamahaling resto, mayaman.” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Kapag nagsuot ng maiksing shorts, malandi na. Kapag hindi palangiti, masama na ang ugali.” Bumuntong hininga ako. “Dawn, there’s so many things that the world still didn’t know. Mahirap magbigay ng opinyon lalo na kung panlabas lang ang nakikita. Normal na tao lang din kami. Nagkakaproblema rin. Hindi lang namin siguro pinipiling i-broadcast sa madla.”
Tumingin sa kisame si Dawn at sumimsim sa kanyang straw. “Yeah. Coming from the woman who possess of many wisdoms. You could be the daughter of Socrates or Aesop. Anyway, ayaw mo bang subukang i-text ‘yung lalaki kahapon? Mukhang hot, a.”
She specifically changed our topic and her mood. Medyo nasasanay na ako sa pagiging sarcastic ni Dawn. Feeling ko naman ay bahagi na ito ng attitude niya at sanay na siya sa ganoong pakikipag usap sa mga tao.
“What about that guy?” tanong ko habang nakatingin sa kanya.
But sometimes, her eyes showing different from her words. Kaya tinititigan ko siya.
“That guy? C’mon, Deanne. Kahit likod lang ang nakita ko, nai-imagine kong sobrang gwapo no’n! Kung nalaman ko lang pangalan niya, na-search ko na ‘yan sa internet.”
I sighed and looked outside the glasswall. Sa tabing kalsada ay nagkakaroon na ng pag build up ng mga sasakyan. Dumadarami rin ang dumadaan na tao. Then, Yale Montevista’s face flashed in my mind . . .
“Where’s the tissue?”
“Tinapon ko.” mabilis kong sagot.
“What?! Seriously?” mangha niyang tanong.
Tumango ako. Why the hell would I keep his phone number? Sa tingin ba niya ay seseryosohin ko ‘yon? At punung puno ng pagkabigo sa mukha ni Dawn.
“Bakit?!?”
Nagkamot ako ng ulo at pagod siyang hinarap. “Anong bakit? Isn’t obvious na jerk ang lalaking ‘yon? He was just flirting with me. May kasama siyang babae tapos ay patago akong binigyan ng contact details niya? That’s the move of a jerk guy, Dawn. And I have a boyfriend. I don’t cheat.”
She laughed and looked outside the glasswall. Malakas na tawa na tila painsulto na ang dating sa akin kaya tinikom ko ang labi ko. I sipped in my cup.
“Magte text ka lang naman. Ano’ng masaman ro’n? It will just like meeting a new friend. And it doesn’t mean you are cheating Grey. Ang layo naman ang view mo,”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Obviously, hindi pakikipagkaibigan ang pakay ng lalaking ‘yon. Kahit tanungin mo pa sina Claudine at Jovy. He wants something. At please, ‘wag kang magpabulag dahil lang sa gwapo siya. Yes, gwapo nga. Pero committed na ako sa iba. Anuman ang pakay no’n, hindi rin ako interisado. I’m perfectly fine with what I have right now. I don’t need another friend or a man.”
Bumagsak ang panga ni Dawn. Lips parted and eyes froze at me. Para bang may matagal siyang hinahanap tapos nang makita ay nagulat pa siya.
“Napakaseryoso mo naman! Chill. I am just saying, hindi pa pagch-cheat ang gagawin mong pagtext do’n sa guy,”
“What’s my aim of texting him, then? Hindi lang natin nakikita pero pang cheat na ‘yon kay Grey. Just think of my boyfriend first bago mo ako udyukang i-text ang lalaking ‘yon.” I almost raised my voice.
Tumawa ulit si Dawn na para bang nag spill ako ng joke. Her laughter is awkward. Binalingan ko si Trixie sa counter. Kahit siya ay pinapanood na pala kami. She looked at me and smiled. I sighed and smiled back. I wanted to finish this topic with Dawn.
Binigyan pansin ni Dawn ang cup niya. Hindi na niya ako tiningnan ulit. For a full one-minute, dead silence reigned in the air. Nang humupa ang inis ko ay nakaramdam ako ng guilt for raising my voice. Isa sa mga ayaw kong iparamdam sa kahit kanino ay ang superiority complex from me. Kaya lang naman kami kinakatakutan at ginagalang ng mga tao ay dahil ang pamilyang De Silva ay mayaman at makapangyarihan. It was the name and money that made people humbly treated us. Hindi siguro lahat. Ang hindi nila nakikita ay simpleng tao lang din kami. Medyo complicated lang. Pero sino bang may gusto ng kumplikadong buhay?
Noong nag aaral pa ako, hirap na hirap akong makipag usap sa mga kaklase at teacher ko. I am maybe my father’s princess but I am not to other people. Ang una kasi nilang nakikita sa akin ay ang apelyido ko. Tapos ay gagawa na sila ng mga salita sa akin through it. Kaya kahit hindi ako magsalita, may opinyon na ang iba sa akin.
Well, I brushed them off in my life. Hindi naman talaga mahalaga ang sasabihin ng mga tao, hindi ba? So, I shrugged my shoulder and went on my life.
College years nang makilala at naging kaibigan ko si Dawn. She was nice and very quiet. Hindi pa niya kilala ang angkan ko kaya naging casual ito sa akin. Nakakapunta ako sa bahay niya kapag may project kami. Palagi akong may driver at sasakyan noon. No’ng una ay hindi niya pansin ang mga bodyguard ko. Parang okay lang. Since nasa malaking university kami nag aaral at may iba ring estudyante na may bodyguard o kaya ay nanny. But after she finally discovered who are my parents and our company, para siyang nahiya bigla. Nagbago ang pakikitungo niya sa akin.
That time, nalungkot ako. Mas gusto ko kasi ‘yung dating Dawn na kaibigan ko. ‘Pag nag uusap kami ay parang walang bukas. Nagtatawanan nang malakas at sabay kinikilig sa mga crush namin.
Nang matanggal sa bangkong pinagtatrabahuan ang father niya, agad kong pinakausap kay Dad na bigyan ito ng work sa amin. Pinagbigyan ako ni Dad at natanggap sa kumpanya ang father ni Dawn. After two years, ay nalaman kong nag-resign ito at lumipat sa ibang kumpanya. Since then, nakita kong umangat ang buhay nina Dawn. I am happy for her. Nakabili na sila ng sariling sasakyan. Nabibili na niya ang mga gamit na gusto. Hanggang sa makapagtapos at nakakuha ng magandang career si Dawn.
A year, after our college, nilapitan niya ako dahil nagkaroon sila ng problema sa pera. Hindi ako nagtanong kung anong nanyari. Agad ko siyang pinahiram ng pera. After that, parang bumalik na naman sa ayos ang financial status niya. Though, I think, she already forgot about that money. Pinagkibit ko na lang ng balikat. She’s still my best friend. Ang nagtagal na kaibigan ko.
My father always reminds me to carefully choose my friends. Ang biro pa niya, gayahin ko rin ang pagiging mapili ni Mom sa pakikipag boyfriend noon. Ang tanda ko, may kasabay si Dad nang ligawan si Mom pero hindi siya ang sinagot. I didn’t know why. But Mom said, what she did was wrong. Her perspective was different, then. Pero hindi naman niya minahal si Dad dahil sa De Silva ito. She just loved him. Period.
Dad said it’s okay to fail. Na hindi malunok ni Dylan. Ang taas ng tingin sa sarili, e. Pero ramdam ko kung ganno ka-sincere ang kambal ko kay Ruth. Like Mom’s failure years ago? I guess.
“Sorry. I didn’t mean to shout on you,” maliit na boses kong sabi kay Dawn.
Mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin. Kumunot ang noo. “You didn’t. Hindi naman ako nasaktan. Sus.” She said a bit . . . flat.
Natahimik ulit kami. Siya ang sumunod na bumasag sa katahimikan.
“Mag shopping kaya tayo?” bigla niyang ayang excited.
Nagkasundo kaming pumuntang mall sa Quezon City. While browsing in the department store, siniko ako ni Dawn.
“May tugtog mamaya sina Grey, ‘di ba?”
Tumango ako. “Oo.”
“Punta tayo. Boring sa bahay. And I’m sure hindi ka rin makakatagal sa inyo.”
“Sige.” Payag ko.
Umalis si Dawn para tingnan ang nasa kabilang damit. I yanked my phone out from my LV bag and called Grey. Ring lang nang ring hanggang operator ang narinig ko. I checked the time. Nagpa-practice kaya sila? Ganito na naman si Grey kapag busy.
Ako:
Punta kami ni Dawn mamaya. Busy?
Buong araw siyang walang paramdam. Kahapon naman ay isang beses ko lang nakatext. He even neglected to call me back.
Maraming nabili si Dawn. Isa lang ang akin. after that, we went to a restaurant for dinner. Kumain muna ako bago lagyan ng alak ang tiyan ko mamaya. For the nth time, I checked my phone again. Wala pa ring reply si Grey. I sighed heavily.
Pini-picture-an ni Dawn ang kalalapag lang na pagkain. I took my utensils and waited for her to finish that compulsory picture taking. I bit my lower and absentmindedly stared at the plate. Masarap ang putahe pero na kay Grey ang isip ko. Bakit sobrang dalang niyang mag-text sa akin? Nagkaproblema kaya sa banda? Ang huling pag uusap namin ay may nagpaplanong umalis sa kanila. Wala na siyang nasabi sa akin ulit. Ayaw niya ring kasing umalis iyon.
Napaigtad na lang ako nang biglang pumapalakpak si Dawn.
“Okay, let’s eat!”
Tumango ako sa kanya. Hindi pa dumadapo ang utensils ko sa karne ay may lumapit na waiter sa amin.
“Excuse me, Ma’am. May nagpapaabot po,” tukoy niya sa isang mamahaling bote ng wine. At sa akin siya nakatingin.
Dawn softly gasped. “Ows. Kanino galing?” siyang tanong sa waiter.
Nginitian ako ng waiter. Nilapag niya ang wine sa gitna namin kasabay ang dalawang bagong wine glass. Wala akong balak na uminom niyan at saka, “Sinong nagpapaabot?” tanong ko.
Gumilid ang waiter. Tinuro niya sa akin ang mesang nasa sulok. Hinabol ko ang dereksyong tinuturo niya sa akin.
“Siya po, Ma’am.”
My eyes darted at the tall and very attractive man who is sitting alone on that table. I literally froze at the moment I found Yale Montevista’s icy eyes. Tinaas niya sa akin ang hawak na wine glass at tinanguan ako.
“Oh my . . . siya ‘yung kahapon, ‘di ba?” Dawn asked.
Kahit kumakalabog ang dibdib ko pagkakita sa Montevista’ng ito ay nangalit ang panga ko’t ngipin.
“Hindi kaya tinamaan ‘yan sa ‘yo, D? Coincidence lang kayang nandito rin siya? Pa’nong narito siya at tayo?”
Nakipagtitigan sa akin si Yale Montevista. I gave him cold stares but he smirked at me. As soon as that smirk finished, tiningnan ko ang wine bottle na pinabigay niya. May nakadikit doong dilaw na sticky note.
‘Remember me?’
Tumaas ang kilay ko. Binalingan ko siya ulit. Nakatitig pa rin siya sa akin habang sumisimsim sa hawak na baso.
What is this? Kilala ko kung sino siya. Miyembro ito ng Blue Rose Gang at sa pagkakaalam ko ay planong ipakasal kay Ruth. So, what is this?
Kumuyom ang kamao ko. Pinanlamigan ako. Si Dawn ay kinuha ang bote at binasa ang note roon.
“Siya nga! I can’t believe this. Hindi ka nakalimutan?”
He’s making a move. Obviously. Ewan ko kung hindi ito sinasadya. Ahm, well. Pwede ko bang i-assume na sinundan niya ako? Walang alam si Dawn sa pagkatao ng Montevista’ng ito. At kung ano ang madilim na background nito.
Gumasgas ang paa ng upuan ko. inagaw ko kay Dawn ang wine bottle. Napaawang ang labi niya at kumurap kurap. Pumihit ako papunta sa pwesto ni Yale Montevista.
“Huy, Deanne!”
Binalewala ko ang tawag ni Dawn. I passed some vacant tables and went to him. Umangat ang ulo ni Yale pagkakita niyang patungo ako sa kanya. I gave him zero reaction and stared back. Binaba niya ang baso sa mesa. Tumayo sa gilid ng mesa at nginitian ako. Kita sa mukha niyang natuwa siya sa paglapit ko sa kanya.
“Hi. I’m Yale Montevista-“
He offered his hand for a handshake. Nilagay ko roon ang bote ng wine. Kumunot ang noo niya at niyuko ang bote sa kamay niya.
I sighed heavily and crossed my arms on my nervous chest.
He looked at me again with curiosity written on his face. “What’s the matter? Hindi mo gusto ‘to? Pwede kong palitan, miss . . .?”
“Stop.”
“Miss Stop?”
I scoffed at his attempt to make a funny remark on me.
“Stop following me. I’m not interested to know you or anything.”
He chuckled. Dahan dahan niyang nilapag ang bote sa kanyang mesa. I could even blink five times dahil sa bagal niyang pagkilos. Parang bawat galaw ay diniditalye. Then, he slowly looked back at me again.
“I’m not following you, miss.”
“Then, why are you here? Nakita kita sa BGC kahapon. And you even left your contact details!” sabi ko sa anyong na-offend.
I stood still. I watched him. He massaged his jaw and didn’t say any. I think, I saw him smile or smirk. Pero dahil minamasahe niya ang panga at pagalaw galaw ang labi ay hindi mawari. I got a chance to see his hands and nails. They are clean. Though the back of his fingers has visible hair, he looked fresh. I mean, clean. Pati ang leeg ay malinis tingnan. May tattoo kaya ito? Siguro. Wait. Gang member ito pero businessman din.
My gosh. Ang judgmental ko. Think better, Deanne!
Kailangan kong tumingila sa kanya. Ang mukha ko hanggang dibdib niya lang. Sa malapitan, ang laki niya. Matatangkad din ang kapatid ko at mga pinsang lalaki pero . . . naninibago ako sa Yale na ‘to. And I am feeling a little scared because of this. What? Because of his height? No. Ofcourse not.
He is just . . . too . . . dark and masculine. Para bang kapag lumapit sa kanya ay magkukulay red and ulo niya bilang alert na delikado siyang tao. And your inner self would tell you not to step nearer to him. It’s dangerous.
He scoffed once and looked again. “Nauna akong dumating dito, miss. Hindi kaya, ikaw ang stalker ko?”
My jaw dropped and all the words in my head vanished.
“Excuse me? Ako?” tinuro ko pa ang sarili.
Sunod niyang minasahe ang batok at ngumisi. “Sorry. I didn’t mean to accuse. I’m just making a conversation with you. I want to know you name. I’m Yale Montevista.”
I cleared my throat. “Okay, Mr. Montevista. Pero hindi ako interisadong makipagkilala sa ‘yo. And don’t worry. Tinapon ko ang tissue’ng sinadya mong iwan kagabi. I have a boyfriend. So, whatever your motive is, stop it. I’m not game on it.”
I turned my back.
“How are you sure about my motive? I just wanted to know your name.”
Umirap ako sa hangin at humarap ulit sa kanya. I didn’t want to steal a scene kaya binabaan ko ang boses ko. pero alam kong nakamasid sa aming dalawa ang mga waiter na nagse serve sa ibang customer.
I gave him sarcastic smile. “You’re not the only one who could do this. Don’t make a fool of me. Alam ko ang kaha mo. Hindi ako pinanganak kahapon.”
He laughed. Namulsa at pinakatitigan ako. “Ngayon lang ako nakakilala nang ganitong babae. Wala pa akong ginagawa ay binabara na ‘ko. Now, I envy your boyfriend. Is there any chance for me, love?”
“None.”
He pouted his lips a little. “You’re not married yet. I still can do something,”
My lips parted unbelievably. Walanghiya rin palang lalaki ito. Walang respeto sa taong may karelasyon na. Umiling na ako at tuluyan nang tumalikod. Ayoko nang gan’yang sagutan. Parang mauubos ang dugo ko sa kanya!
Bumalik ako sa mesa namin ni Dawn. Nakangiti siya at akmang kakausapin ako pero umayos ito ng upo. She even cleared her throat.
Natigilan ako nang nilapag ulit sa mesa namin ang bote ng wine. Nakahawak sa sandalan ng upuan ko si Yale at bahagyang nakayuko para mag level ang paningin namin. I couldn’t move nor breathe properly. Masyado siyang malapit sa mukha ko.
But I glared at him. “Step back.”
Tinuro niya ang bote. “Take it with you, love. Iuwi mo sa bahay at inumin. Think of me.” He finished it with a wink and left our table.
With my shaking hands, I took my glass of water and drank half of it. Dawn suspiciously stared at me. Pinandilatan ko siya ng mata.
“Don’t.” I warned her.
Binalingan niya si Yale. Bumabalik na yata sa mesa niya.
“Tinitingnan ka pa rin, Deanne. My gosh. He’s . . . super-hot.”
Her words felt like a venom. “Stop giving him wrong signals! Baka akalain niya, gusto mong makipag communicate sa kanya. ‘Wag mong tingnan!” may diin kong udyok.
Nagkibit ng mga balikat si Dawn at binawi ang tingin kay Yale.
“Hindi mo siya gusto? Sayang,”
Inis ko siyang tiningnan. “Edi sa ‘yo na. Walang aagaw.”
Tumawa si Dawn at isang beses pang sinulyapan si Yale.
“Dawn.”
“He won’t stop staring at you, D. Ano’ng ginawa mo sa pobreng lalaking ‘yan?”
Naintindihan ko ang tunog curiosity sa boses ni Dawn. Kahit ako man ay naaakit ulit na lingunin si Yale. Pinatigas ko ang mukha para hindi iyon magawa. I finished my food like some robot and ate even if I don’t feel like hungry anymore. Lalo na’t ramdam kong may isang pares ng mata ang ayaw humiwalay sa akin. I just ignored him. Ang bulong ni Dawn ay mag isa lang daw talaga ito sa mesa niya.
“Kung ayaw mo, akin na lang.” sabay kuha ni dawn sa bote ng wine.
Tumayo ako at iiwan na sana sa mesa pero nanghinayang si Dawn. Siya ang nag uwi no’n. Sana ay nakita ni Yale ‘yan.
Maraming nang tao sa bar kung saan may tugtog ang SnapDragons pagdating namin. Malakas ang hampas ang drums. Umaalingawngaw ang electric guitar at dinig na dinig ang halos magasgas na lalamunan ni Grey sa pagkanta.
“Kakaiba yata ang kanta ngayon nina Grey, ah. Ano? Metal-rock na?”
Hindi ko pinansin ang komento ni Dawn. Tumayo kami sa gilid at pinanood sina Grey sa stage. Malikot ang ilaw sa paligid at mausok dala ng sigarilyo at usok sa stage. I saw girls flocking at the front. Some are waving their hands to Grey. Humarap si Grey. Sinampa ang kanang paa sa speaker sa harap. Hinawakan niya ang isang kamay na umaabot sa kanya. Nagtititili ang babae sa tuwa.
Naka black v neck shirt si Grey at faded na jeans. Ang suot nitong sneakers ay iyong dati pa rin niyang suot. Pawis na pawis na ito at magulo ang buhok. Well, sadya niyang ginugulo ang buhok dahil style niya iyon. Pati ang paghawak ng microphone ay style niyang halos makipaghalikan na roon. Sa tuwing kumakanta siya, nakadikit talaga ang labi niya roon. And sang like as if it’s their last song.
I admired him for being so dedicated to his talent. For eight years of being her girlfriend, nakita ko ang tagos sa puso niyang pagmamahal sa musika. Tinapos niya ang kursong Engineering pero mas pinili niyang gumawa ng career sa music industry. Nakapag release na naman sila ng album. But he wanted more. Hindi pa sila nakakapag concert at sa tingin ko ay iyon ang hinihintay ni Grey.
“Tara, lapit tayo.” Hinila ko si Dawn papunta sa backstage.
Nakita na ako ni Marc. ‘Yung isa pa nilang guitarista. Nginitian niya ako. Lilipat kami sa backstage dahil hindi ko matagalan ang usok ng sigarilyo.
May isang babaeng patakbong umakyat sa stage at niyakap sa baywang si Grey. Napailing na lang ako. Sanay na naman ako sa mga ganitong eksena.
Binaba ni Grey ang mic. Hinila ng babae ang mukha niya at siniil ito ng halik sa labi.
Huminto ako sa paghakbang at pinanood silang dalawa sa stage.