Prologue

3658 Words
“May integrity and honesty protect me, for I put my hope in you.” – Psalm 25:21 ** Prologue Deanne Tutulungan ko si Dylan. I kept my silence as I watched my twin brother pouring the bottle of whiskey into his short glass. Seryoso ang mukha. Hindi kumikibo. May malalim na iniisip. I sighed and checked my phone’s screen to see if Grey has replied to me. There’s none. Binalingan ko ulit ang kaawa awa kong kambal . . . ngumisi ako. Trouble is written all over his face. Not the thing that was easy to solve but it isn’t shallow also. Namomoroblema siya kay Ruth. Galit na galit ito sa kanya dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa harap ng maraming tao. He told everybody that Ruth was adopted by our Uncle Matteo at Auntie Jahcia. That was cruel, ofcourse. But we never really chose to tell her the right way. He didn’t mean to. Dahil kapag nagtanong si Ruth, masisira ang pangako sa kanyang Mama Denise. Mauungkat ang history sa tunay niyang pamilya. Dylan’s plan was to ask her to marry him. Easy for him to create that but not on her side. Paano niya mapapaniwala ang kanyang dahilan sa pagpapakasal? Tapos ay mukha pa siyang sanggano kung umasta. He won’t be able to protect her if he’s thinking and planning too much. Para bang wala nang mas mahalaga kundi ang makasal lang. “There’s so much to anticipate even after you make her agreed to you. Gentle si Ruth. Dominant ka. Paano ka niya pagkakatiwalaan, huh?” I chuckled a little. I want to impose to him that his plans are kind of selfish. He has to consider Ruth’s feelings. Hindi madaling alisin sa isipan niya na ‘pinahiya’ siya. Kahit pa sabihing papakasalan niya ito. In the first place, my twin is too aggressive and arrogant. Ewan ko kung bakit hindi niya makita ang mali niya. Baka nga talagang ‘love is blind’? Tse. “That’s why she really needs me as her husband! Madali siyang mapupunta sa gang na ‘yon kung wala siyang karamay sa pagpapasya. I am her help.” Humalukipkip ako. “Ayan ka na naman sa pagiging taas noo mo. Look, hindi mo ba kilala si Ruth? She loves her parents so dearly. At kung sabihin ni Uncle na ‘wag siyang pumunta roon, I know she wouldn’t do it. Ikaw ‘tong kabadong kabado para sa kanya. Relax. Hindi maaano si Ruth.” “Then, what? She will not ask for any protection from us. Ngayong malaya siya, kung sinu sino ang pwedeng lumapit sa kanya nang hindi natin nalalaman. Hindi ko papayagan ‘yan, D. Ako dapat ang pakasalan niya at hindi ang ibang lalaki.” “You’re too possessive. O baka obsession na? Hindi magandang mindset ‘yang umiikot sa ‘yo. Maghinay hinay ka nga at idaan mo sa mahinahong pag uusap. Si Ruth ‘yan, o. Si Ruth natin at hindi lang sa ‘yo.” Nilingon niya ako at umigting ang panga niya. Para bang isang malaking dagok sa pandinig niya ang sinabi ko. “You don’t know my feelings,” “Oh, don’t dare me like that, brother. I. Know. You. Ayaw mo lang tanggapin ang sinasabi ko. You’re being too proud of yourself. Subukan mo kayang bumaba at tingnan ang damages na ginawa mo sa kanya. Maybe you will realize more if you ever do it.” “Aayusin ko ang ginawa ko. I have plans for everything.” I tsked at his very idea. “Plans, huh? Pero kapag pumalag si Ruth, tameme ka. You can’t accept the fact that you can’t handle her. Hindi mo inaasahan ang magiging reaksyon niya.” “Naninibago lang siya. Gusto niya lang maging independent ngayon. Later on, she will realize that she needed me,” “Hindi mo sure.” Painom na siya sa baso niya pero binalingan niya ako at matalim na tiningnan. “You’re not helping me.” Nagkibit ako ng mga balikat. Kinalas ko ang paghalukipkip. “I am actually helping you, brother. In a way that you don’t understand. Hindi mo makita ang pinapaintindi ko sa ‘yo.” Kung mayroon mang haharangin, iyon ay ang mayabang niyang approach kay Ruthie. Gosh. Ni wala yatang ka-sweet-an sa balat itong kapatid ko. akala niya, kapag hindi na anak nina Uncle Matt si Ruth ay o-okay din ang lahat. Pero hindi ganoon ang nangyari. Dahil tumayong mag isa si Ruth. She has her own business at pinag aaral ang sarili. Hindi iyon inasahan ni Dylan. Siguro, ang gusto niya ay siya ang magpaaral sa kanya tapos ay g-girlfriend-in at saka aayaing magpakasal. What an easy way to clean up his mess. He sat on the opposite of my single stuffed black sofa and sipped on his glass. Padabog niyang binaba ang basong ininuman sa babasaging lamesita sa gitna namin. Both his elbows were piercing his knees. “You don’t understand that I care for her so f*****g much. Hindi ba nagtatagpo ang isipan nating dalawa? Why you can’t understand me?” Umiling ako. Wishing I could stab the truth in his hard head. Ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig sa kanya. Nagiging sarado ang isip sa ibang bagay. Mas gusto niya lang talagang makuha si Ruth tapos ay end of planning na siya. You know what? Nakukuha ko naman ang nararadaman ni Dylan kaya nga gusto ring ipaintindi sa kanya na may dapat isaalang alang sa gusto niyang mangyari. Pero sadyang napakatigas ng bungo nito at ayaw makinig. “Sa lahat ng tao, ikaw pa talaga ang hindi ako maintindihan. Deanne naman . . .” tunog disappointed niyang sabi. “You are stubborn and selfish. ‘Wag mong paikutin kay Ruth ang mundo mo, Dylan. If you really care for her, then, make her realize what you really feel. Make her understand. That’s the focal point of your plans. But the way I see it, paspasan ang gusto mo. Nilagpasan mo ang part na sana ay maintindihan ka niya kung bakit mo ‘to ginagawa. Dati na kayong parang aso’t pusa, ‘di ba?” “So, what’s your point? Amuhin ko siya? Ligawan? Lumuhod sa harapan niya like some stupid and corny stunt!” “Why not. Ano’ng masamang do’n?” He faked a chuckle. “Ma-pride ka kaya hindi mo magawa. ‘Yon ang problema sa ‘yo.” Nakakagil na siya sa inis! “Hindi ako magtataka kung mabwisit sa ‘yo si Ruth!” His mood drastically changed. He abruptly stood up and pointed his finger at me. His teeth gritting as he glared at me. “Imbes na tulungan mo ‘ko, mas lalo mong sinisira ang plano ko, Deanne. May problem ka ba kay Ruth? Ayaw mo siyang maging asawa ko?!” I copied him. Now, we’re like an opponent pointing guns at each other. “Ikaw ang may problema at hindi si Ruth! Hindi ako tutol kung maging kayo man. Kung hindi ko siya gusto para sa ‘yo, edi sana noon pa lang nadiskubre kong may gusto ko sa kanya ay inumpog ko na ‘yang ulo mo. Pero hindi, e. Sinusuportahan kita mula noon pa kaya ganito ang sinasabi ko sa ‘yo ngayon. Make her point out what you really want from her! ‘Wag mo siyang gawing manghuhula!” “I like her!” “Then f*****g do something about it!” “I am already showing that to her!” “No! You’re forcing her to look at you! Gago!” “What did you say-“ “Dylan! Deanne!” That’s the time for me to shut up and lower my anger. Sabay kaming nagbaba ng mga kamay ni Dylan pagkarinig sa boses ni Dad. We both looked at the door. Hindi ko rin narinig ang pagbukas ng pinto. Sa tindi ng pagkapikon ko sa kambal ko ay ni hindi ko naramdaman ang presensya ni Dad. I gulped and combed my hair. Nanatiling nakatayo si Dad sa nakasaradong pinto. Masama ang tingin sa aming dalawa at nakapamaywang. “Hindi ba kayo nahihiyang marinig ng Mommy niyo? O baka gusto niyo ng kutsilyo? Marami sa kusina.” Cold sweats washed on my forehead down to my face. I don’t want to disappoint Mom. I don’t want to disappoint anyone in our family. I don’t want to cause any trouble. “I’m sorry, daddy.” I said like as if my loud voice was now drowned in a deepest well. Dylan sighed heavily. Nag iwas siya ng tingin kay Dad at hindi humingi ng sorry. Nilingon ko siya at inirapan. “Kulang na lang magpatayan kayong dalawa. Wala na kayong respeto sa pamamahay ko!” Tila kinalabit ng gatilyo ang pagharap ni Dylan kay Dad. Tinuro pa niya ako kaya bumagsak ang panga ko. “Hindi ko makasundo si Deanne, Dad. Kinukontra niya ang plano ko kay Ruth.” Sumbong nito. I scoffed and looked at him. “Hindi kita kinukontra. Sinungaling ‘to . . .” “Ayaw mong pakasalan ko si Ruth,” “Wala akong sinabing gan’yan!” “Shut up you two.” Singhal ni Dad sa aming dalawa. Natahimik ulit kami ni Dylan. Umiling na lang ako sa sobrang kakitiran ng isip ng kambal ko. He’s so narrowed minded when it comes to Ruth. Kapag napagsasabihan ay mas lalong nagagalit o kaya ay napipikon. Wala na siyang ibang naririnig kundi ang boses lang nang gusto niyang marinig. Mga salitang gusto lang niyang marinig. ‘Pag ganito mas lalo niya akong binibwisit. Tahimik kaming tiningnan ni Dad. Mabigat siyang bumuntong hininga bago naupo sa kanyang swivel chair. His entire study room is a bit dim. I couldn’t look straight at my father because I would see his anger and disappointment towards us. Malaki ang respeto ko sa mga magulang ko. They are the best parents in the world. Kaya nagi-guilty ako kapag nadi-disappoint ko sila. Dad looked at us. “If everything’s not going well, Dylan, stop pursuing Ruth.” “No, Dad! Hindi ako papayag. Mas lalong lalayo sa atin si Ruth kapag hindi siya naging de Silva ulit. If she gains our name through marriage, she will have power, too. She needs me.” I scoffed and crossed my arms on my chest. “Tanungin mo siya kung gusto ka niyang maging asawa,” Mabigat akong nilingon ni Dylan. “The problem is you. Not her.” I added. Pati ba naman ang negosyo ni Ruth ay pinapakielaman niya. Dylan sighed angrily. I could feel fire from his sighs. Hinampas ni Dad mesa kaya naigtad ako at tayo nang deretso. “Nagkakapatong patong ang haharapin mo, Dylan. If you feel that she won’t like you, then it’s time for you stop pestering her.” may diing sabi ni Dad. Dylan argued. Pinanood ko siya kung paano niya pinaglaban ang plano kay Ruth at pati sa buong pamilya. He’s getting angry while arguing with our father. I watched his face. “Dad . . . I like her. she’s . . .” Maybe he was clouded with his own feelings but he was really in love with her! Tinaasan siya ng kilay ni Dad. “She’s what?” Dylan sighed heavily. Parang sundalong na-corner at nagbaba ng sandata habang nakatitig sa ama namin. “She’s . . . my happiness, Dad.” Dylan’s jaw clenched. My jaw dropped. Tinitigan ko siya kahit hindi ito nakatingin sa akin. Napagtanto ko, kanina pa kami nag aaway at nagbabatuhan ng mga masasakit na salita pero galit lang ang nakikita ko sa kanya. Ngayon, kung kailan nagbaba siya ng tono ay sakit at lungkot ang naramdaman ko sa kanya. Maghahagisan kami ng granada sa isa’t isa pero hindi ko ito makikita sa kanya. Kapag ang paksa ay si Ruth Kamila . . . lumalabas ang bagong damdamin at reaksyon kay Dylan. Mga salitang hindi pangkaraniwan sa kambal ko kung ipapaliwanag. Pinaglalaban niya si Ruth sa paraan niya. Sa paraang alam kong mali pero para sa kanya ay tama at may saysay. Gan’yan pala magmahal si Dylan. Pilit tinatakpan ang sakit ng katotohan. Takot siyang matalo sa laban. Yumuko ako at ngumisi. Dad didn’t say anything after his confession. Sa halip, ay nilabas nito ang isang brown envelop at nilapag. “Then, what are you going to do with the Montevista? They are powerful the same as Napoleon Salviejo, son.” Nilabas ni Dad ang lahat ng laman ng envelop na iyon. May mga papel at ilang xerox copies ng dokumento. Sa pinakaibabaw ay isang litrato ng lalaki. Hindi malinaw sa paningin ko ang mukha pero nakasuot ito ng itim na corporate suit at puting puti ang longsleeves polo na panloob nito. Walang kurbata. Ang ilang butones malapit sa leeg at harap ng dibdib ay nakabukas. Kahit hindi kita ay alam mong matipuno ang katawan ng lalaking ito. He has facial hair. Matangos ang ilong at mapula ang labi. His long lashes made his eyes pretty. I mean, para sa isang lalaking may itsura ay mas lalong naging kaakit akit sa kanya ang mahahabang pilikmata. The lines on his jaw was sharp as well as the shape of his sleepy eyes. Parang isang guhit lang ang mga mata niya sa ganitong kayo. The shot was stolen. Ang backdrop nito ay tila nasa restaurant. Nakapamulsa at may tinitingnan sa malayo . . . Kinuha ni Dad ang litratong tinititigan ko at tinaas paharap kay Dylan. Kumurap kurap ako at lumunok. “Yale Montevista is as dangerous like his deceased father. May kapangyarihan siya sa Blue Rose at may malaking kumpanya. He have chains of hotels all over southeast-Asia. He can go to Ruth and make friends with her. He can tell her about the Salviejos. Kaya kung hindi mo aayusin ang plano mo, t’yak kong wala ka nang pag-asa kay Ruth at mapapatay ka pa ni Matteo.” I gasped a little, “They will ask Ruth to marry that Yale, Dad? For the power of the gang?” “There is a possibility. Dahil tagapagmana ni Napoleon si Ruth. To maintain its connection, a Montevista should marry the powerful heir of Blue Rose.” “That’s not going to happen. Ruth will be my wife. My de Silva.” So, they were plans to maintain the position through the next generation. Montevista and Salviejo marriage. Tiningnan ko ulit ‘yung Yale Montevista sa litrato. Ito ang kalaban ni Dylan kay Ruth. Makapangyarihan tulad niya. At . . . may itsurang tulad niya. This Yale Montevista looked cold. Hindi ko masambit ang tamang salita. Pero sa litrato ay parang hindi marunong ngumiti. Para bang pasan ang mundo sa mga balikat. Kasing lupit kaya ng awra niya ang ugali nito? It really confused me how a man like him who has dirty background got a chance to have a legit business. Kakaiba rin talaga ang takbo ng mundo. Hindi mo masasabi kung sino ang matino at hindi. Binalingan ko ang kapatid ko. Galit na galit pa rin niyang itsura ngayon. Mas lalong mababaliw ito dahil may karibal pala siya kay Ruth. Hay. ‘Wag sanang mabilaukan ngayon ito ngayon. But . . . what will happen if Ruth choose that Montevista? Paano ang kapatid kong baliw na baliw sa kanya? Kung ngayon pa lang, hindi na siya makausap nang matino, paano pa kung maging Montevista nga si Ruth? There is a possibility na hindi niya tanggapin na maging de Silva ulit. Because she’s hurt. Maraming pwedeng pumasok sa isip ng tao kapag nasasaktan. Masakit mang isipin pero may chance na hindi mag work ang plano ni Dylan. I knew how much he likes her. I knew how he halted himself from loving her. And it will hurt me too if he’s going to be hurt now. My father adored Dylan. The first son. Mula nang magkaisip ako, tanggap ko na si Dylan ang magmamana ng World City Corporation. Well, wala rin naman akong interest sa negosyo ni Dad. Nagtrabaho lang ako sa HR Department dahil madali akong makakapasok doon at gusto ko ring magkaroon ng silbi sa pamilya. At night, I went in a bar and partied with friends and officemates. That’s why they call me ‘Party Girl.’ Nagbababad ako sa trabaho buong maghapon at nagtatanggal ng stress sa gabi sa pagba bar. Pero never akong umuwi nang lango sa mansyon. It’s a no-no for me. Ayokong ma-stress sa akin si Mommy. Kapag hindi naman ako nakakapag bar ay dumadalaw ako sa Pastry shop ni Tita Jam July. Mom’s bestfriend. Doon ako tumatambay after work. Minsan nakikita ko siya roon tapos ay magkukwentuhan kami. Minsan din ay staff niya lang ang tao. Doon din ang bagsak ko kapag may work si Grey at hindi kami magkikita. My boyfriend. Maraming nagsasabi na patay na patay daw ako kay Grey. Ganun din daw ito sa akin. Kaya tuwing may gig sila at nanonood ako, ako raw ag palaging pinagtutungkulan ng lahat ng kantang inaawit niya. Tumatayo lang ako sa gilid para manood. Iniiwasan kong makita ng ilang kakilala at mga fans ng banda nila na kilala kong girlfriend ni Grey Ramirez. Ang lead vocalist at gwapong leader ng alternative band na SnapDragons. Hindi ako nagrereklamo sa kung ano ang takbo ng buhay ko ngayon. Mahal ko ang pamilya ko. Kuntento ako sa trabaho. May boyfriend ako. Kahit makukulit ay mahal ko rin ang mga kapatid ko at mga pinsan. Ofcourse, hindi kami perfect na pamilya. Pinagkikibit balikat ko na lang kapag may issue kaming lumabas sa media. Kadalasan kasi ay hindi totoo. Kaya kahit may gan’yang area ang buhay ko ay masasabi kong masaya at normal ang buhay ko. Though, there is still part in my life na hindi ko masabing ‘okay’ lang. Pero ayos lang naman. Atleast, wala problemang malala. Friday night, after work, niyaya ako ng kaibigan kong si Dawn na mag dinner sa labas. Kasama ang ilang college friends namin. Sumama ako dahil hindi kami magkikita ni Grey. We went in a restaurant around BGC. Naroon na ang dalawa pa naming kaibigan pagdating namin ni Dawn at in-order-an na rin kami ng pagkain. “So, I came back from Singapore! Wala akong kaalam alam, s’yempre. Then, pumunta kaming Merriot. Pagpasok ko sa suite namin, ayun na! He set up everything and proposed marriage to me!” masayang masayang kwento ni Jovy sa aming tatlo. Tiningnan ko ang diamond ring sa daliri niya. I smiled at her. “Maganda.” Dawn held her hand and looked down at the shining diamond. “Well, kung ako man ang pakitaan nang ganitong singsing, hinding hindi talaga ako tatanggi.” Mahinang tumawa si Claudine, isa pa naming kasama. Tiningnan niya ako at hilaw na ngumiti. Binawi ni Jovy ang kamay kay Dawn at bahaw din itong tumawa. All her joyful was now faded. “Matagal na siyang nagpaparinig ng kasal sa akin, Dawn. Hindi lang ako sa singsing pumayag.” She picked up her fork and resumed eating her food. Sumandal sa upuan si Dawn at humalukipkip. “C’mon, Jovy. Hindi naman sikat ang boyfriend mo. Bakit ka papakasal?” “Hindi ako naghahanap ng sikat na pakakasalan. Mahal ako kaya gusto niyang maging asawa.” Tumawa nang malakas si Dawn. Actually, hindi ko rin gusto ang salita niya. I looked at her. Lumagpas ang paningin ko sa attractive na lalaking nakaupo sa isa pang mesa. Hindi ito kalayuan sa pwesto namin at kaharap ang posisyon nito kaya agad ko siyang nakilala. Hindi ito nag iisa roon. May kausap na sexy-ng babae. Maputi at may kulay ang buhok. Binalewala ko ‘yung babae at tumitig sa kanya. This is Yale Montevista, right? Kumpara sa litrato, mas buhay na buhay pala siyang tingnan. His stubble looks fine. Hindi ako sanay na purihin ang lalaking sporting stubble and still living in a tropical country. But seeing him sporting that, hmm, it looks good on him. Ngumisi siya sa kausap. Bigla itong tumingin sa akin. Namilog ang mga mata ko at agad na inilipat ang mata kay Jovy. Kumalabog ang dibdib ko. Pambihira. I even gave Jovy a shaky smile. I gulped and continued eating my salad. Sumubo ako ng isang beses at uminom ng tubig. Over the rim of my glass, I looked at Yale again. And I caught him staring at me! Nasamid ako sa iniinom. Dawn, Jovy and Claudine all looked at me with concern written on their faces. Kinuha ko ang napkin at nagpunas ng labi. “Okay lang ako,” ilang beses kong sagot sa kanila. Naakit na naman akong tumingin sa mesa ng Montevista na iyon. Nakikinig ito sa sinasabi ng kasama. I wiped my lips and stared at him. Mas matangkad siyang tingnan sa personal. Malapad ang balikat at maawtoridad sa paningin. For the second time, he caught me staring at him! Though hindi na ako nagpanic sa pangalawang pagkakataon. Kaswal ko lang inalis ang tingin sa kanya. Nakinig ako sa bagong pinag uusapan ng mga kaibigan ko. Hindi na ako kumain ulit dahil nawalan na ako ng gana. Kinabahan na naman ako nang tumayo na ‘yung dalawa at tinatahak pa ang daan sa amin. I couldn’t look at him anymore. Hindi ko na kaya. In my peripheral vision, inayos niya ang kwelyo ng damit pagkalapit sa mesa namin. Naunang dumaan ang babae. Kasunod siya. Iniwas ko ang ulo sa pagdaan niya. Pagdaan nito ay nilapag niya ang nakatiklop na tissue sa tabi ng plato ko. Kitang kita ni Claudine ang ginawa ng lalaking iyon kaya natulala siya. He already left the restaurant when I turned around to look at him. “Ano ‘yan?” usisa ni Dawn sa tissue. “Ewan ko.” malamig kong sagot sa kanya. Pero binuklat ko ‘yung tissue. There was a phone number and a short message. ‘Call me.’ I scoffed and looked at the entrance door again. Umiling ako. Nilukot ang tissue. “Jerk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD