Chapter 2

3210 Words
The LORD is faithful to all his promises and loving toward all he has made.” – Psalm 145:13b NIV ** Chapter 2 Deanne Grey’s lips brushed the girl’s lower lip. He sucked her lip while the girl’s tongue delved inside his partly parted mouth. The girl’s arms excitedly encircled around Grey’s neck and tiptoed so she could kiss him better. Grey held her small waist. His hand touched her belly. And the loud cheer from the audience makes me deaf of Dawn’s angry curses . . . Pagkasarado ni Grey ng pinto sa kabilang side ng sasakyan, umalingawngaw ang nakakabinging katahimikan. Gusto kong lumabas ulit at pakinggan ang ingay doon kaysa makulong sa sasakyan kasama siya. Kumatok sa bintana si Marc. Nagmura si Grey bago binaba ang bintana. “Sa’n kayo, p’re?” Marc asked and then glanced at me. Tiim kong sinarado ang labi. Grey held the steering wheel. “Seven eleven, p’re. Nauuhaw ako,” “Ah. Sunod kami nina Dawn!” “Bahala kayo, p’re. Sige na,” Sa kabilang kanto lang naman ang sinabi niyang convenience store. Pinarada ni Grey ang kotse sa harap pero hindi pinatay ang makina. Nakapirme ang mata ko sa kalsada nang binalingan niya ako. “Kuha lang ako mineral water, D.” His voice was almost a whisper. Nakainom siya at amoy na amoy ko ‘yon sa hininga niya. “May gusto ka bang ipasabay?” he added. Umiling ako. I even refused to look at him. “Sandali lang ako, D.” Bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng convenience store. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa loob. Dumeretso ito siya sa fridge. Hindi ko na nakita ang kinuha niya. Lumapit ito sa counter at nagbayad. Hindi siya nagtagal doon at lumabas din. He went back to me and drank from his bottle. Marc’s car pulled up behind us. Grey saw them but didn’t open his window. Nilingon kami ni Marc at Dawn bago tinulak ang pinto ng convenience store. Grey chuckled. “Gago ‘tong si Marc. Gusto lang pormahan si Dawn dinadaan pa sa kunwaring pagsunod sa atin,” Dalawang plastic bottled ng mineral water ang binila niya. Ininuman niya ang isa at tinabi ang isa pa. Pagkatapos ng dalawang lagok ay nagsindi ito ng sigarilyo. Pagbuga niya ng usok ay kumalat iyon sa loob ng sasakyan. “Kita mong kulob tayo, dito ka pa maninigarilyo!” kumulo ang dugo ko. Agad kong binaba ang bintana. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bahagya pang tumawa. “Sorry. Didikit nga pala sa damit mo.” Humalukipkip ako at mabagsik na bumaling sa labas ng bintana. Halos kami lang ang nasa kalsada at tao. The wind is cold but I knew deep inside me, that my blood is boiling. I hated his cigarette. I hated the smoke. I hated everything he is now. At mas lalo akong nagagalit dahil alam kong nakipaghalikan siya sa ibang babae kanina lang! Nagpatuloy siya sa paninigarilyo nang hindi kumikibo. Pero hinawakan ni Grey ang dulo ng buhok ko na tila binibilang niya sa palad ang hiblang nakuha. “I miss you.” bulong niya. I couldn’t help but scoffed after I heard it. Pasensya na pero labas sa ilong ang mga salitang iyon sa akin. I glared at him. Kalmado niya akong pinagmasdan. Sinandal niya ang likod ng ulo sa upuan. “Ilang araw kang hindi nagre reply sa text ko. Ni tumawag hindi mo nga magawa.” “Busy ako. Marami kaming ginagawa ng banda.” He answered almost politely. “Bente kuatro oras ka bang nagbabanda at hindi mo ‘ko matawagan?” “Tangna. Natutulog din naman ako, D. At saka, marami lang talaga akong inaasikaso.” “Hindi ka ba nagbabanyo? Wala kayong break? Lahat ng oras mo sakop ng pagbabanda mo?” Inahon niya ang ulo sa sandalan. Nakabitin sa nakabukas niyang bintana ang kaliwang kamay na may hawak ng sigarilyo. “Nagsusulat ako ng kanta. Nagpapractice, um-attend ng meeting, kumakausap ng mga tao. Halos hindi na ako kumakain para lang magtrabaho. Tapos tunog nag aakusa ka pa?” My teeth greeted. Why he couldn’t see what I am pointing out! “Isang tawag lang, Grey. Isa lang.” may diin kong salita. Hilaw siyang ngumisi. “Ano’ng problema kung hindi kita matawagan? Hindi naman ako umaalis ng bansa, a? Hindi ba pwedeng hectic ang schedule? Hiyang hiya naman ako sa schedule ng office girl na tulad mo.” I scoffed. “At anong kinalaman ng trabaho ko rito? ‘Yang pagte text at tawag mo lang ang sinasabi ko.” “C’mon, Deanne. Magkaiba tayo ng nature of work. Natural ‘di ba na hindi magkapareho ang oras natin. Nagta trabaho ka sa umaga, ako sa gabi. Simpleng logic na salita. Ginagawa mo pang issue ‘to.” “Issue? Hindi ka nagpaparamdam sa akin. Tapos ginagawan ko lang ng issue ‘to?” Lumingon siya sa labas at humithit sa sigarilyo. Pinanood ko siya hanggang lingunin niya ako ulit. “Para ka namang teenager kung umasta. We’re both adults. May kanya kanya pa rin tayong pinagkakaabalahan. Hindi ko pwedeng ibuhos sa ‘yo lahat ng oras ko. Noon, oo kaya ko pa. Pero kailangan ko ring mag focus sa ibang bagay, Deanne. Kailangan kong kumayod para magkapera.” “Hindi ko naman sinabing ibuhos mong lahat ng oras mo sa ‘kin!” “O ano’ng pinupunto mo? Hindi ba ‘yang pagtext at tawag ko?” “That’s not my point!” my voice raises. “O saan ka nanggagaling?!” I could feel my jaw shaking. I clenched my fist on my lap. I struggled to stop myself to lash out my anger and jealousy. Mas lalo akong nagagalit sa ekspresyon ng mukha niya at tono ng pagsasalita. They say, words are powerful. Well, right now, they really are. For a short while, I reflected on my words. Sumubra ba ako? Nag overreaction ba ako? Mali ba ang paraan ng pag confront ko? Pero kahit bigyan ko ng rason ang lahat ng iyan, iisa lang ang lumalabas na sagot. Humalik siya ng ibang babae. Umayos ako ng upo at tumitig sa harap. I think, he’s waiting for my answer. Kumakain na sa loob ng convenience store sina Marc at Dawn. Kitang kita namin sila sa glasswall. Pasulyap sulyap din sa amin. I gulped and lowered my voice. “I watched you . . . kissing another girl. On that f*****g stage.” I spit the words like as if it was the dirtiest words ever made. Pumalatak siya at binalingan ako. “Ah. So, ‘yon lang talaga ang kinagagalit mo.” “’Yon lang?” He nodded. “It’s just a kiss. Nagbabanda ako. Natural lang na magkaroon kami ng fans na babae. It’s part of my job.” “Is it part of your job to kiss your fan’s lips? Gano’n ba ang gusto mong palabasin, Grey?” He chuckled. Inikot niya ang kamay sa balikat ko para yakapin pero inalis ko iyon. “Nagseselos ka lang, D. Halik lang ‘yon. Ano ka ba,” I wanted to cry. I wanted to punch anything and break a glass. That’s my problem. ‘Kissing’ is not part of your job, Grey. You simply wanted it. I witnessed how you brush your lips to her and how your hands touch her. I didn’t know her name and I don’t care. He simply wanted her. “The minute you f*****g parted your lips, there I knew then that you wanted her, too. Not just a ‘kiss’ you’re saying.” His lips parted and unbelievably stared at me. Napapikit ako nang hinampas niyang malakas ang manibela. Galit niya akong tiningnan. “That’s bullshit, Deanne! Hindi lang kita tinawagan, nagkagan’yan ka na? Pati ‘yon nilalagyan mo ng kulay! Sa akin nga wala lang, e! Syinota ko ba ‘yon? Hindi ko kilala ‘yon! Tapos, pagsasalitaan mo ‘kong gusto ko nang higit sa halikan? Tandaan mo, nag eentertain din ako ng mga tao dahil sakop ‘yon ng trabaho ko. Nakakadismaya ka.” Galit siyang bumaba ng sasakyan. Umigtad ako nang pabalya niyang sinarado ang pinto. Lumayo siya nang ilang hakbang sa sasakyan at inubos ang sigarilyo. Lumabas sina Marc at Dawn. Nilapitan nilang pareho si Grey. Marc tapped his shoulder. While Dawn is smiling at them. Parang nagjo joke pero silang dalawa lang ni Marc ang nagkaintindihan. I bit my lower lip and suppressed my tears. Nag iinit ang gilid ng mga mata ko. I looked away and tried—f*****g tried not to shed a tear. Hindi ako nililingon ni Grey. Part of me, says, iuwi ko na lang ito. Magpalamig at saka siya kausapin ulit. But I hated the fact that we didn’t settle the issue that I brought up to him. Na hindi naman issue para sa kanya. I hated myself for throwing anger and I hated him for fighting back. Inubos niya lang ang sigarilyo at walang kibo akong hinatid sa mansyon. Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong nagtext sa kanya. Ako: Ingat sa pagdrive. Love you Hindi ako nagpapabaya sa pagt-text sa kanya tuwing hinahatid niya ako. Galit ako sa kanya pero kapag magkahiwalay na kami ay nag aalala rin ako. Kapag wala nang tama ng alak ng isip niya, baka malinawagan siya sa kinagagalit ko. Sa dining area, naabutan kong nakayupyop si Dylan sa mesa. Kasama niya ang isang bote ng alak na paborito ni Dad, pulutan at cellphone niya sa mesa. Nakasuot ng puting round neck t shirt at checkered na pajama. Ano’ng problema nito? But then, sakto at umiinom pala siya. Lumapit ako sa naubo sa tabi niya. He moved a bit and looked up at me. “Kauuwi mo lang?” malat ang boses niya. Bumuntong hininga ako. “Yup. Ano balita rito?” Nilapag ko ang bag at paper bag sa mesa. Sinalinan ko ang baso niyang walang laman ng bago. I sipped on it and winced. Arghh. Ang tindi naman ng iniinom nito. Ngumiwi ako at dagling binaba ang baso sa tabi ng cellphone. He chuckled. “Gano’n pa rin. Suplada.” Inisang lagok niya lang ang laman ng basong ‘yon. Ngumiwi ako. Nangingitim ang panga ni Dylan. “Muk’ang stressed na stressed, a. Ilang basted ba ang gusto mo para tantanan si Ruthie?” Padabog niyang nilapag ang baso. Pinaliitan ako ng mga mata. “Hindi ko siya susukuan. Akin lang si Ruth. Akin lang.” Humalukipkip ako at sinandal ang likod sa upuan. “Hindi mo ba . . . iniisip na magkagusto na lang sa iba? Baka hindi para sa ‘yo si Ruth. Kaya pinapahirapan ka,” He grinned. Lasing na ‘to. Pulang pula ang mukha at antok na antok na rin. Tinuro nya ang sarili. “Pinapahirapan niya ako . . . kasi . . . hindi niya maamin na gusto niya rin ako. Ang sarap ko kayang humalik. Lumalambot ang tuhod niya kapag naghahalikan kami.” “Tsk.” Usapang halik na naman. Inirapan ko siya. Nagngit ngit ulit ang dibdib ko nang maalala ang halikan ni Grey at ng babaeng hindi ko kilala. “If I know, baka hindi mo siya binibigyan ng chance na huminde.” “Hoy hindi, a. Gusto niya rin ang labi ko.” He looked at the table and sighed heavily. “Tulad nang pagkagusto ko sa kanya. Gustong gusto ko si Ruth. Mababaliw na ‘ko!” tinungkod niya ang mga siko sa mesa at sinabutan ang sarili. Tinitigan ko ang kambal ko. Umiling ako. How could a large man like him, looked so devastated and hurt over a woman? “Nagseselos ako. Tangna. Ayokong may ibang lalaki kay Ruth. Ako lang dapat. Ako lang dapat sa kanya, Deanne.” He’s murmuring his words and I almost couldn’t hear him. Nakikipag usap na siya sa sarili niya. Bumaba nang bumaba ang ulo niya hanggang sa bumagsak iyon sa mesa. Nabunggo niya ang cellphone at umilaw iyon. Ruth is his screen saver! Walangya. Hulog na hulog talaga ang kakambal ko sa kanya. Hindi na kami ang picture sa phone niya. Dylan is a loving and responsible son and brother. Mahigpit at masungit lang pero mabait naman ‘to. Ma-pride nga lang. Wala pa akong narinig na kinabaliwan niyang babae. Nagkaroon siya ng ibang girlfriend pero hindi siya naglalasing tulad ngayon. Kay Ruth lang siya nagbago at pursigido. Iba siya pagdating kay Ruth. My heart ached for my twin. Ang respetadong taong ito, sa mahal niya tumitiklop. Kaya niyang i-dedicate ang oras niya para planuhin kung paano ilalayo si Ruth sa Lolo niya. Kaya niyang gumawa nang kagimbal gimbal sa amin para makuha si Ruth at maging kanya. What kind of love does he has for her? Ang natitiyak ko, magkaiba sila magmahal ni Grey. I know, ang unfair ko para ikumpara silang dalawa. Si Dylan kasi hindi naman namomoroblema sa pera. May mataas na siyang posisyon sa trabaho. Bata pa lang kami, nakatakda na sa kanya ang WCC. Unlike Grey. Magkaiba sila nang pinanggalingan. I stared at the liquor bottle. “Hoy, Dylan. Tulog ka na ba?” “Hmmm.” “Tamad ba kayong mag text mga lalaki sa girlfriend ninyo?” Inangat niya ang ulo pero hindi na ako naabot ng mata niya. “Hindi ako nire-reply-an madalas.” Ngumisi ako. “Nino? Ni Ruth? Hindi ka naman niya boyfriend.” “I’m her future husband.” Tumawa ako at hinampas siya sa likod. “Loko. May pa future-future ka pang nalalaman. Hindi mo nga masuyo ngayon,” He raised his hand. “Kapag ako, sinagot na niya, araw araw ko siyang ite text. Wala kaming gagawing iba kundi mag usap nang usap. Pati mga alien, pag uusapan namin!” sabay subsob ng mukha sa mesa. “Hindi yata lahat ng lalaki ay tulad mo. O baka nagsasawa rin kayong kausapin ang girlfriend ninyo.” He groaned over the table. “Hindi ako . . . magsasawang . . . pakinggan ang boses ni Ruth . . .” Bumuntong hininga ako. “Kahit may trabaho magtetext ka pa rin?” I waited for his response. Kumunot ang noo ko at niyugyog siya sa balikat. “Huy. Tulog ka na ba?” Niyugyog ko siya ulit pero hindi na sumagot. I sighed heavily. “Hindi pa ako nakakapaglabas ng sama ng loob, tinulugan mo na ‘ko. Bwisit ka.” I murmured. Tumayo ako at niligpit ang kalat niya sa mesa. I checked my phone to see if Grey replied. Wala siyang text kundi kay Dawn lang. Dawn: How’s Grey? Mukhang nakainom, ah Pinili kong ‘wag sagutin ang text ni Dawn. Tinabi ko ang cellphone ko sa bag at ginising si Dylan para paakyatin na ito sa kwarto niya. Pero hindi gumagalaw. Just in time na magpapatulong ako sa gising pa, pumasok si Dean sa dining area. Kunot ang noo nitong tiningnan ang kuya niyang plakda sa mesa. “Dalhin natin ‘to sa kwarto,” He only pouted his lips and crossed his muscled arms on his chest. “D’yan mo na siya patulugin, ate.” “Isa . . .” I gave him a glaring look. Nagkamot ito ng batok at bumulong bulong. “Ang bigat niyan, e. Itali na lang natin tapos hilahin sa hagdanan,” Binatukan ko siya at tinuro ang kabilang braso ni Dylan. “’Pag ikaw ang naglasing dahil sa babae, kita mo, itatali rin kita at hihilahin sa hagdan. Tulungan mo ‘ko.” “Tsk. Babae ang mababaliw sa akin. Hindi ako.” I glared at my younger brother. Wala naman siyang nagawa na at tinulungan akong iakyat sa kwarto si Dylan. Hindi ko lang sinabi. Pero gan’yang gan’yang din si Dylan noon. Hindi daw mababaliw sa babae. Pero kinain niya rin. Itong mga kapatid ko, hindi ko malaman kung kanino nagmana ng ugali. Hindi na ako naghintay na mag reply si Grey sa text ko. Sunday morning, tinext ko siya ulit. Iba na ang mood ko at lumipas na rin ang galit ko. I wanted to call him kaso . . . bigla akong nahiya sa sasabihin. Umupo ako sa gilid ng kama at nag type ng text. Ako: Good morning! I’m sorry for last night. Where are you? May pupuntahan akong outreach program. Can you come? I have no other text. Pumasok ako sa banyo at naligo. Paglabas ko ay agad kong tiningnan ang phone ko. He texted back! Nagmadali akong basahin ang sagot niya. Grey: Practice ako ngayon. Hindi ako pwede. Next time na lang. I bit my lower lip and replied. Ako: Okay lang. I’m with my siblings and cousin. Ingat ka. Love you! Sabay sabay kaming nag almusal sa hapag na pamilya. Except Dylan at mukhang tulog pa rin. Dad and Mom were quiet. May sarili rin yata silang lakad. Kaya naman nakaalis kami nang walang aberya sa bahay. Kasama sina Dean, Dulce at Yandrei, dinaluhan namin ang isa sa mga event ng Foundation ng TV Network ni Uncle Reynald. Nagdala kami ng pagkain, school supplies at tulong sa isang bahay-ampunan sa Batangas. Kung pumayag sanang sumama ni Grey, ay hihilingin ko sa kanyang kumanta sa mga batang ito. Though, may program namang ihinanda ang team, iba pa rin kung si Grey. At para maka bonding naman niya ang pamilya ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin, may ilang si Grey sa pamilya ko. Lalo na sa parents ko. Madalas, kapag may party sa amin ay nagiging busy siya bigla. Hinahanap siya ni Dad sa akin palagi. Nahihiya rin akong sabihin na hindi siya pupunta. “Ate, ate! Video call daw si Uncle Adrian from states!” Dulce excitedly spoke to me. Hindi ko namalayang natulala na pala ako habang pinapanood ang mga batang kumakain. I took my phone out and video called our Uncle Adrian. “Hello, Uncle! Kumusta po?” Uncle Adrian is Mom’s brother. Sa states na siya ngayon naninirahan. Umuuwi lang kapag Pasko o kaya ay anniversary nina Dad. “Hi, everyone! We’re doing fine here, hija. Napatawag ako kasi nabanggit ni ate Aaliyah na may event kayo ngayon. You know naman na, malapit sa akin ang gan’yang programa. How’s everything, Deanne?” Sumilip si Yandrei sa camera at kumaway. “Hello, Uncle Adrian!” “Oh, hi Yandrei! Musta na? May boyfriend ka na?” I chuckled and watched Yan’s face. Nilapit ko sa kanya ang phone. “Naku, wala pa po, Uncle. Hinihintay ko si ‘The one,’ e.” Dulce winced her face. Parang gustong batukan ang pinsan. “’Wag kang mainip at darating ang tamang oras para r’yan.” Uncle said. “Oo nga po, Uncle. Kaya magpa practice muna akong magpakain ng mga bata. Para ‘pag nagka baby na ako, hasa na.” Tumawa nang malakas si Uncle Adrian. Napawi ang ngiti ko at kinurot sa baywang ang pinsan ko. “Aw! Ate naman, e. Joke lang ‘yun!” Pagkatapos nang maiksing kumustahan, pinakita ko kay Uncle Adrian ang pangyayari sa Bahay-ampunan. Kinausap niya rin ang namamahala at ang team ng foundation. The program went well. Kaya pagod na pagod kami pag uwi sa bahay. Bago matulog, I texted Grey. Ako: I’m home
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD