Chapter 1

2714 Words
"Hi, Allena," bati ng isang lalaki sabay kindat sa akin. Ikinagulat ko ang bigla niyang pagsulpot sa aking tabi. Nakahalumbaba pa ito sa mesa kung saan ko ginagawa ang aking trabaho. Napatigil tuloy ako sa pagtingin ng mga defect ng component na hawak ko sa malaking magnifying glass na nasa aking harapan. QC Inspector ako sa isang electronics company dito sa PEZA na located dito sa Cavite. "Problema mo?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit pa guwapo siya. Mukha rin kasing ang presko-presko niya. Kahit hindi naman kalakasan ang aircon sa company na ito ay parang dala yata niya ang lakas ng bagyong Yolanda. "Taray naman. Masama bang makipagkaibigan?" "I don't talk to stranger," mataray na sabi ko saka ibinalik ang atensiyon sa tinitingnan kong component. Kilala ko naman talaga ang lalaking ito pero sinabi ko lang iyon dahil ayaw ko siyang kausapin. Unang araw ko palang sa kumpanya na ito ay binalaan na ako tungkol sa lalaking ito ng ilang concern citizen s***h bagong kaibigan kong kapwa ko production operator din. Isa itong hashtag certified fuckboy. Kung ayaw kong maging isa sa mga biktima niya, dapat ngayon pa lang umiwas na ako sa kanya. Oh tukso, layuan mo ako! Isa talaga siyang malaking tukso dahil hindi lang siya basta guwapo, maipagmamalaki din talaga ang taglay nitong kakisigan. Umaapaw sa s*x appeal ang lalaking ito at kahit sinong marupok na babae ay bibigay sa karisma nito kahit sa isang kindat lang pero never ako. Never talaga. Promise, hindi talaga ako papadala sa mga buladas ng lalaking ito kahit sungkitin pa niya ang mga bituin para sa akin o sumisid pa siya sa karagatan Pacific ocean para kumuha ng perlas para sa akin. Manigas siya. "Bakit ba ang suplada mo? May itatanong lang naman ako sa'yo." "Wala akong panahong sagutin ang mga walang kuwenta mong tanong," sabi ko pa na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Bawal tumingin dahil baka ma-hipnotismo niya ako, mahirap na baka bumigay ako. "Ouch, ang sakit naman. Tagos sa puso ko." Sa pamamagitan ng peripheral vision ko nakita ko ang pag-arte niya na kunwari ay naninikip ang dibdib. Hawak-hawak niya ito at nagkunwaring nasasaktan base sa facial reaction nitong hindi maipinta. "Umarte ka pa para matuluyan ka," bulong ko pero hindi ko pa rin siya nililingon. Manigas siya pero hindi ko papansinin ang kaartehan niya. "G-gugustuhin mo ba talagang mawala ako?" Kunwari ay nahihirapan pa siyang magsalita. Pang-best actor awardee. Ang galing talaga. "Maglaho ka na lang please," seryosong tugon ko. Ikinagulat ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at ilagay sa kanyang dibdib. Napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi ko maikakailang biglang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na at nakatitig ang maganda niyang mata sa akin. Parang nang-aakit. Para siyang artista sa paningin ko, may hawig kay Dennis Trillo, maniac version nga lang. "I'll maybe gone but I promise that I always keep you in my heart," sabi pa nito na lumusaw sa puso ko. Oh Allena, huwag kang marupok. Binitiwan niya ang kamay ko at iniwan akong nakatulala habang minamasdan ang paglalakad niya palayo. Bakit ba ganoon na lang ang epekto ng lalaking ito sa akin kahit pilit kong iwasan? Inaamin ko na unang kita ko pa lang sa kanya ay attracted na ako sa kanya. Siguro dahil pang leading man talaga ang aura niya at marami ang nagpapantasya sa kanya at isa na ako doon. Pinipigilan ko lang dahil sa warning na ibinigay sa akin ng concern fellow workers ko sa kumpanyang ito. "Beware: Never fall to Albert Isidro Fuentes." Nakaitalic at bold letter pa iyan para mas ramdam. Kung puwede lang iyang ipaskil sa bawat sulok ng company baka ginawa na nila para lang maging aware ang lahat ng babaeng balak pormahan nito. "Huy!" Isang malakas na hampas sa mesa ang biglang nagpapitlag sa akin. Pakiramdam ko ay muntik nang mahulog ang puso ko kung hindi ako napahawak sa aking dibdib. Mukhang mamamatay yata ako ng wala sa oras dahil sa baklang may kagagawan ng pagkagulat ko. "Aatakihin naman ako sa'yo, Niks." Hinampas ko siya sa braso. Hindi naman iyon kalakasan pero umaray pa rin siya na akala mo naman ay talagang nasaktan. Sobrang arte talaga ng baklang ito. "Mapanakit kang babae ka ha?" "O.A mo." "Ako pa ngayon ang O.A e ikaw nga itong akala mo naman aatakihin sa puso e ginulat ka lang naman." Inirapan pa niya ako. Tatak na talaga niya ang irap moment niya. Mataray pa sa akin, akala mo naman tunay na babae. "Sino namang hindi aatakihin sa'yo? Bigla ka kayang nanggugulat diyan." "Hindi ka naman magugulat kung hindi ka tulaley. Sino ba kasing tinitingnan mo?" Tumingin din siya sa dako kung saan niya ako naabutang nakatulala. Buti na lang at wala na roon si Sid. Nakahinga ako nang maluwag. Ibinalik ko na lang ang atensiyon sa tinitingnan kong component at hindi pinansin ang tinatanong niya. Busy-busy-han ang peg ko. "Deadma girl ha. Sige ganyanan na, walang pansinan forever," pananakot pa nito saka nilapag ang hawak na maliit na tray na may lamang ilang component. Siya ang tagadala ng mga ininspeksiyon ko. Mabilis niya akong tinalikuran kaya naman hinabol ko siya at pinigilan sa braso. Matampuhin ang baklang ito kaya kapag hindi agad sinuyo ay tototohanin talaga niya ang banta na hindi ako papansinin. "Ito naman, tampo agad." "Nagsisekreto ka na kasi sa akin ngayon, parang hindi tayo close." Umirap siya at nag-cross arm pa. "E kasi naman..." kagat-labing sabi ko. Nagdadalawang-isip ako kung dapat ko pa bang sabihin ang hindi na dapat sabihin? Baka sermunan lang ako ng baklang ito. "Kasi ano?" Hinihintay talaga niya ang sasabihin ko at hindi na ako puwedeng magsinungaling pa. "Halika." Hinila ko siya sa tabi ng mesang pinagpapatungan ng magnifying glass. "Atin lang ito ha." "Oo na. Ano ba kasi iyon?" "Mag-promise ka muna," "Promise na. Bilis na. Dami mong segway e," naiinis nang sabi niya habang nakataas ang kanang kamay. "Okay, ganito kasi iyon e. Huwag kang mabibigla ha? Kasi... I think, I'm inlove." Kumislap ang mga mata niya sa excitement. "Really? Kanino naman, girl?" "Promise me muna na hindi ka magagalit," paniniguro ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Don't tell me, inlove ka sa taong may signage na "taken" sa noo?" Agad niya akong pinanlakihan ng mata. "Grabe, hindi 'no?" "Kung hindi taken e bakit ako magagalit?" "E kasi inlove ako sa taong hindi dapat mahalin. Inlove ako kay..." Sadyang binitin ko ang dapat kong sabihin. "Kanino nga?" Tila naiinip na siya sa dami ng paligoy-ligoy ko. "Kay Sid," halos pabulong lang nang sabihin ko iyon. Yumuko pa ako upang mag-iwas ng tingin. "Kanino?" Tumaas ang boses niya na para bang nainis dahil hindi niya narinig ang sinabi ko. "Kay Albert Isidro, 'yong process engineer." Unti-unti kong tiningnan ang naging reaksyon niya sa sinabi ko at tama nga ako. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya at nakasimangot siya. Nakapamewang pa siya na akala mo ay susugod sa gera. "Maria Allena!" Mariin at dahan-dahan niyang binanggit ang pangalan ko at nahintakutan ako nang ilapit niya ang mukha niya sa aking mukha. Pinakatitigan niya ako na halos tumagos sa kaluluwa ko. Parang ibang tao na siya at hindi na ang baklang kaibigan ko. Lalong napadiin ang kagat ko sa aking labi na halos magdugo na ito. Feeling ko lulubog ako sa kinatatayuan ko. "Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sa'yo na bawal ma-inlove sa lalaking iyon?" Pinagdiinan niya talaga ang salitang bawal. "Alam ko naman kaya lang..." "Kaya lang ano? Marupok ka? Nagpadala ka sa buladas ng lalaking iyon? Hay naku, Maria Allena, makukurot kita sa singit na babae ka." Gigil na gigil talaga siya sa akin. Nilapit din niya ang kanyang kamay na pangurot sa akin. Umilag naman ako para hindi niya ako maabot at baka talagang makurot niya ako sa singit. "Hindi naman ako nagpadala e." "Hindi nagpadala e inlove ka na nga." "Inlove lang pero hindi naman niya alam. Iniiwasan ko pa rin naman siya. Hindi ko nga pinapansin ang mga palipad-hangin niya e." "Naku! Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman kong nakipagmabutihan ka sa lalaking iyon, F.O na tayo as in friendship over na. Maghanap ka na ng ibang bff." Umirap ulit ito saka ako tinalikuran. "Promise, hindi magiging kami. Never as in never forever." Muli niya akong nilingon at sa pagkakataong iyon, nakangiti na siya sa akin. "I'll keep your promise. Love you, babu!" Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang lumayo. Napangiti na rin ako. Siguro kung papipiliin ako sa ngayon kung sino sa dalawa ang mas matimbang, mas pipiliin ko si Nikki. Mas mahalaga ang friendship kaysa love at isa pa, mahirap na ring sumubok ma-inlove sa taong hindi mo alam kung sasaktan ka lang sa huli. Doon na ako sa safe. Pero parang hindi yata ako tatantanan ng tukso dahil heto na naman siya, palapit sa mesa kung saan kami kakain ng mga kaibigan ko. Buti na lang at nakapila pa si Nikki kung hindi ay gegerahin agad niya ito. Umupo si Sid sa tabi ko at agad naman akong siniko ni Giselle kasabay ang panlalaki ng mata na para bang sinasabing huwag mong pansinin kundi lagot ka. "Hi, Allena." Lumabas ang mapuputing ngipin nito na lalong nagpaguwapo dito. Kaybilis naman ng t***k ng puso ko kahit simpleng pagbati lang iyon pero kahit ganoon ang sigaw ng puso ko, iba naman ang sinasabi ng isip ko. Tumingin ako sa malayo para umiwas sa kanya. "Gusto lang sana kitang yayaing kumain sa labas mamaya? Treat ko." Sumulyap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.Ang hirap magpanggap na mataray, promise. "P'wede ba Sid, tantanan mo na ako. Hindi ako p'wede mamaya at hindi rin ako p'wede bukas o kahit kailan. I'm a busy person. Wala akong time makipag-date." "Hindi ko naman sinabing date, sabi ko treat. Ililibre lang kita dahil birthday ko ngayon." "Why don't you celebrate with your buddies? Sila na lang ang ilibre mo." "Sige pa Allena, push mo ang pag-ignore sa kanya! Kaya mo iyan!" pagtsi-cheer ko sa sarili ko. Para kasing konti na lang bibigay na ako. "But I like you. Gusto kong ikaw ang makasama sa birthday ko." Napanganga ako. Ikinagulat ko ang sinabi niyang iyon. Konting push pa baka bumigay na talaga ako sa mga buladas ng lalaking ito. Hindi ko kasi maiwasang kiligin sa sinabi niya. Dapat hindi ako magpahalata. "Narinig mo namang sinabi niyang hindi siya puwede 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?" Padabog na inilapag ni Nikki ang tray na may lamang pagkain sa aming mesa. Nakataas ang kilay nito sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya. Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang to the rescue si Nikki. Muntik na akong bumigay. Itinaas naman ni Sid ang mga kamay bilang pagsuko. "I'm not here to fight. I just invited her." "Iba na lang ang i-invite mo. Tsupi!" pagtataboy niya kay Sid. Tumayo naman si Sid at muli akong nilingon. "I won't take no for an answer. See you later." Kumindat pa ito bago tuluyang umalis. Padabog namang umupo si Nikki sa silyang inalisan ni Sid. "Ang aga-aga naiimbyerna ang beauty ko sa pashnea na iyon a." "Huwag mo na lang kasing pansinin," sabi ko sa kanya. "Sa sarili mo sabihin iyan, Allena." Inirapan pa niya ako na para bang sa akin na yata nabunton ang galit niya kay Sid. Hindi na lang ako umimik at nagsimulang kumain. Paano ko nga ba hindi papansinin si Sid kung panay ang lapit niya sa akin? Hindi talaga ako makaiwas dahil hanggang sa uwian ay nakaabang siya sa akin. Naglalakad pa lang ako palabas ng company ay nakita ko na ang bulto niya na nakatayo sa may gate. Sinalubong na niya agad ako. "Let's go," anyaya niya sabay abot ng isang pulang helmet sa akin. Agad siyang sumakay sa motor at halatang hinihintay niya ako sumakay rin. "Hindi ako sasama sa'yo." Pilit kong ibinabalik ang helmet sa kanya. "Just this once, pagbigyan mo na ako. Ngayon lang ito and I promise that I will stop bothering you." Nagtaas pa ito ng kanang kamay bilang pangako. "Okay. Kung ito lang ang paraan para tigilan mo na ako, pagbibigyan kita. Pero siguraduhin mo na last na ito ha?" paniniguro ko. Abot tenga naman ang ngiti niya dahil sa sagot ko. Isinuot ko na ang helmet at umangkas sa likuran niya. Parang nag-ala tambol ang puso ko dahil sa kaba nang maamoy ko ang manly scent niya. Parang nagyayaya ng mainit na yakap pero pinigilan ko ang aking sarili. Sa halip na sa baywang ako humawak ay sa balikat na lang. "First time mo bang sumakay sa motor?" tanong niya. "Nope. Ayaw lang talaga kitang yakapin baka kung anong isipin ng iba," nahihiyang sabi ko. Feeling ko kasi ay marami na ngang mata ang nakatingin sa amin ngayon. Big issue talaga kapag isang Albert Isidro ang kasama mo. Parang celebrity. "Ikaw ang bahala pero baka mahulog ka. Okay lang sana kung sa akin ka mahulog, sasaluhin kita pero delikado kung ang sementadong kalsada ang sumalo sa'yo, masakit iyon." Ewan ko kung nagbibiro siya o ano. Hindi ko na lang pinansin. Umarangkada itong bigla ng takbo kaya naman mabilis akong yumakap sa baywang niya. Napapikit ako sa sobrang takot. Oh God, ayoko pang matigok. Mahal ko pa ang aking buhay. "Yayakap ka rin pala e, kunwari ka pa. Araaaay!" Kinurot ko siya sa abs kaya naman napadaing siyang bigla. Sa sobrang tigas ng muscles niya sa tiyan, halos wala nga yata akong mapisil na taba. Pure muscles talaga, halatang naggi-gym ito sa ganda ng katawan kahit hindi ko pa man nakikita ng personal. Nai-imagine ko lang. Oh my! Pinagnanasaan ko ba ang katawan ng lalaking ito? Ano ba itong kahalayan sa utak ko? Erase! Erase! "Hindi pa man tayo pinanggigigilan mo na ako." Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, halata namang ngising-ngisi siya nang sabihin iyon. "Ibaba mo na lang kaya ako!" Inis na hinampas ko siya sa balikat. "Not until we got there." Iyon lang at itinuon na niya ang atensiyon sa kalsada. Mabilis lang naming narating ang isang fast food restaurant na katapat lang ng maingate ng PEZA. Nang maiparada niya ang motor saka pa lamang ako bumaba at inabot sa kanya ang helmet. Kinuha naman niya iyon at itinago sa may compartment ng motor. "Let's go." Inalok niya ang kanyang braso para doon ako humawak pero tiningnan ko lang iyon. Hindi niya ako girlfriend para umakto kaming parang magkasintahan. "Don't be shy. We're friends, right?" Nginitian niya ako ng matamis sabay hawak sa kamay ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya papasok ng restaurant. Nasa loob na kami pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. Isinama pa niya ako sa may counter para umorder ng makakain. "Anong gusto mong kainin diyan?" Itinuro niya ang menu na nakapaskil sa itaas ng counter. "Kahit ano," walang gana kong tugon. Naiilang pa rin ako dahil pakiramdam ko, lahat ng mga mata ng tao ay sa amin nakatingin. Sino ba namang hindi mapapatingin sa lalaking kasama ko na puwedeng irampa as model sa mga fashion show? "Okay, halika." Iginiya niya ako sa mesang malapit sa salamin ng restaurant na iyon. "Take a sit and I'll take the order." Hinila pa niya ang upuan para makaupo ako saka lang siya bumalik sa counter para umorder. Habang nakapila siya ay nakatingin lang ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang mga mata namin, umiwas na lang ako. Hindi ko na kasi maawat ang aking puso sa mabilis na pagtibok sa tuwing titingin siya akin. Lalo na ngayon na magkasama pa kaming kakain, makasubo pa kaya ako nito sa sobrang hiya? Napapitlag pa ako sa gulat nang tumunog ang aking celphone. Dali-dali kong binuksan ang aking slingbag at kinuha iyon mula sa loob. Nikki is calling... Napakagat labi ako nang maalalang naiwan ko pala si Nikki sa company. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Sabay pa naman kaming nagko-commute noon kahit na mas malayo ang bahay niya sa bahay ko. Pareho lang naman kasi ng daan at sasakyan. Naku patay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD