Prologue

484 Words
“Aalis ka na naman? Saan mo balak pumunta, aber?” Nakataas ang kilay at naka-cross ang mga braso ni Nikki habang nakatingin sa akin. “B-bahala na…” alanganing tugon ko. Bitbit ko sa isang kamay ang malaking travelling bag na may lamang mga damit at sa kabila naman ay akay ko ang dalawang taong gulang kong anak na babae. “Anong bahala na? May tililing ka ba? Kakaladkarin mo na naman ang anak mo kung saan-saan samantalang ang ganda na ng buhay ninyo dito.” Mabilis siyang lumapit sa amin at binuhat ang batang akay ko. Umiiyak na iyon kaya inaalo ni Nikki. “Oo. Maayos naman talaga kami dito. Salamat sa'yo pero kasi…” Hindi ko maituloy ang sasabihin. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na hindi ko na siya kayang pakisamahan dahil nasasaktan lang ako sa katotohanang hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya? Sa tuwing tititigan ko siya, kitang-kita ko na hindi ko mababago ang katauhan niya. Kahit pa pumuti ang uwak, bakla pa rin siya at hindi papatol sa isang tulad ko. “Anong kasi-kasi? Tigilan mo nga ang kadramahan mo, Maria Allena at manahimik ka sa pamamahay na ito.” “Pero hindi ko na nga kasi kaya!” Tumaas ang boses ko at tumulo ang aking mga luha. Ikinagulat naman ni Nikki ang aking naging reaksyon. “Anong hindi kaya? Pinapahirapan ba kita? Inaalila ba kita? Hindi naman 'di ba?” “Hindi iyon, Nikki! Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Habang tumatagal ang pagsasama natin, lalo akong nahuhulog sa'yo! Pagod na akong mahulog na walang sumasalo.” Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Napanganga siya at parang naengkanto na nakatitig sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa narinig. “Kita mo na, hindi ka rin makasagot kaya anong aasahan ko? Masasaktan lang ako kaya mabuti pang umalis na lang kami ng anak ko.” Kinuha ko ang bata kay Nikki pero mabilis niyang naiiwas iyon. “No! Walang aalis. Hindi kayo aalis,” ma-autoridad na sabi niya. Parang tunay na siyang lalaki. Biglang nawala ang lambot sa boses niya. “Pero Nikki…” “From now on, call me Nicholas, Nico, Kulas o Adonis. Bahala ka kung anong gusto mong itawag sa akin. Kalimutan mo na ang baklang Nikki na nakilala mo.” “Ha?” Ako naman ang napanganga kasabay ng pagkunot ng noo. “Bingi ka ba? Forget Nikki and love me as Nicholas. Handa akong magpakalalaki, huwag lang kayong mawala ni Danaya sa buhay ko.” “Nicholas…” tanging nasambit ko. “Nandidiri ako sa pangalang iyan noon pero ang sweet kapag ikaw ang bumabanggit niyan. I’m not supposed to be in love with you. I am supposed to be in love with an oppa. Bakla ako, lalaki ang gusto ko pero noon iyon. Noong hindi pa kita nakikilala.” Wala akong naitugon kundi “ha?” Parang nabibingi pa rin yata ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa bibig niya. Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Pakisampal naman ako! Iyong malakas para matauhan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD