Chapter 2

2505 Words
"H-hello..." kinakabahang sabi ko matapos pindutin ang answer button ng aking celphone. "Nasaan ka?" Halata sa boses niya na naiinis siya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong magkasalubong ang kilay niya ngayon. "A..." Ano nga bang sasabihin ko? Magsisinungaling ba ako o sasabihin ang totoo na kasama ko ngayon si Sid? Pero siguradong magagalit siya sa akin. "Answer me," madiin ang bawat salita niya. Halatang may sama ng loob. "Sorry, Nikki. Nauna na akong umuwi. May emergency daw sa bahay sabi ni Ate e." Pinili kong magsinungaling. Kung kaharap ako ni Nikki ngayon, mababasa niyang nagsisinungaling ako. Buti na lang at hindi. "Emergency? Are you sure?" halatang hindi siya naniniwala sa dahilan ko. "O-oo naman." Pinanindigan ko na ang aking pagsisinungaling. "Okay." Iyon lang ang sagot niya at pinatay na ang kabilang linya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga matapos ang usapan namin ni Nikki. Iniisip ko pa rin kung talagang naniwala siya sa sinabi ko. Parang iba kasi ang tono ng kanyang boses. Nakokonsensiya talaga ako dahil ngayon lang ako nagsinungaling sa kanya at dahil iyon kay Sid. "Sorry, Nikki. Ngayon lang ito, promise. Hindi na mauulit." bulong ko sa aking sarili habang iniisip si Nikki. Tumingin ako sa gawi ni Sid. Ganito nga siguro ang nagagawa ng pag-ibig. Sadyang hahamakin ang lahat, masunod lamang. Tumingin ako sa labas ng restaurant habang naghihintay kay Sid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatayo sa harap ng fastfood chain na kinaroroonan namin. Nakatingin ito sa akin. Kahit nasa malayo ito, kitang-kita kong nakataas ang kilay nito. "N-Nikki..." nasambit ko habang nakatingin sa labas ng restaurant na kinaroroonan namin ngayon ni Sid. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Buking na agad ang pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paanong nakasunod agad si Nikki sa amin at ngayon ay nakatayo sa di-kalayuan at nakamasid sa akin. Naka-cross arm pa ito. Halata sa mukha nito ang pagkayamot. Agad akong tumayo para sana lumabas at lapitan si Nikki pero parating na si Sid dala-dala ang mga inorder niya para sa aming dalawa. Agad niyang napansin ang pagkabalisa ko. Sinalubong niya ako at pinigilang lumabas. "Allena, saan mo balak magpunta? Halika, kain na tayo." "Kasi ano..." Magpapaliwanag pa sana ako pero nag-alangan ako. Napatingin na lang ako sa gawi kung saan ko nakita si Nikki pero wala na ito roon. Siguro ay umalis na rin siya matapos malaman na nagsisinungaling ako. Paniguradong deadma ako sa kanya bukas. Baka totohanin nito ang sinabing friendship over na kami. Parang hindi ko yata matatanggap iyon dahil siya ang pinakaunang lalaki s***h bakla na naging ka-close ko at siya lang ang naging kasa-kasama ko mula nang ma-hire ako sa kumpanyang pinapasukan namin, mahigit isang buwan na ang nakakaraan. "Is there something bothering you?" Muling lumapit sa akin si Sid matapos ilapag ang tray ng pagkain namin sa mesa. "W-wala." Tipid ko lang siyang nginitian saka sumunod na sa kanya patungo sa mesa namin. Wala na nga akong ganang kumain kahit pa nga favorite ko ang hamburger at french fries na nakahain. Konti lang ang nabawas ko roon. "Ayaw mo ba talaga sa akin?" seryosong tanong ni Sid na nagpatigil sa aking pagsubo ng fries. "Ha?" "Siguro nga ayaw mo akong kasama dahil mukhang hindi ka masaya," may lungkot sa boses niya nang sabihin iyon. Nilaro na lang din niya ng tinidor ang spaghetti na nasa kanyang plato. "Hindi naman sa ganoon." Napayuko ako sa hiya. "I'm just guilty. Iniwan ko kasi sina Nikki at hindi ako nagpaalam sa kanila bago ako sumama sa'yo." "Bakit kailangan pa ng permiso nila? They are not your parents." "Yes but they are my friends," depensa ko. "Friends na kailangang pakialaman ang mga desisyon mo sa buhay? You are old enough to think what is good for you. You don't need their opinion especially when it comes to love." "Hindi sila nakikialam, concern lang sila sa akin." "Iba ang concern sa nanghihimasok. They decide for you. It's not good." "Desisyon kong iwasan ka." "Pero bakit?" Lumungkot ang kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm just curious. Ano bang kasinungalingan ang sinabi nila sa'yo tungkol sa akin?" "Hindi sinungaling ang mga kaibigan ko." Binawi ko ang aking kamay na hawak niya. Nainsulto ako sa kanyang sinabi. Kanina pa niya pinaparamdam sa akin ang disgusto niya sa mga kaibigan ko. "I'm sorry. I didn't mean to use that term. I'm just curious kung bakit pinapalayo ka nila sa akin." "You are a certified fuckboy," diretsa kong tugon. "Ayaw lang nila na maging isa ako sa maging biktima mo." Malakas na tawa ang itinugon niya sa sinabi ko na ikinakunot ng aking noo. "Anong nakakatawa?" "That was so funny. Rumors lang ang lahat ng iyon." "Rumors? Pero kalat ang balita tungkol sa babaeng nabuntis mo at nag-resign sa company natin." "That's not true. That girl was so obsess with me. Ipinagkalat niyang nabuntis ko siya para hindi ko siya iwanan pero lalo lang akong nasakal sa kanya kaya hindi ko na siya binalikan. Until now I was suffering because of what she did. Like now, I don't even have the chance to prove to you that I'm seriously inlove with you. Dahil ngayon pa lang, turn off ka na sa akin," mahabang paliwanag niya. "Inlove ka talaga sa akin? Hindi mo ba ako lolokohin?" paniniguro ko. Tinitigan ko siya sa mga mata para malaman kung nagsisinungaling siya o hindi. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nakipagtitigan sa akin. "Give me a chance and I'll make sure that you will never regret it." Naantig ang puso ko sa sinabi niya. Hindi siya makakatingin sa mata ko kung nagsisinungaling siya. Napanatag ako at naniwala sa mga sinabi niya. Kung mahal ko ang isang tao, mas paniniwalaan ko siya kaysa ibang tao. Hindi naman siguro masamang sumubok, ngayon lang naman ako na-inlove ng ganito at sinabi naman niyang mahal niya rin ako. Suwerte na rin ako dahil hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal rin. "Okay." Iyon lang ang nasabi ko saka ngumiti. "Okay means what?" "I'll give you a chance. Pinapayagan na kitang manligaw sa akin." "Yes!" Kitang-kita ko ang pagniningning ng kanyang mga mata. Bakas roon ang sobrang saya. Hindi ko na naisip ang inaalala ko kanina. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ako na napasaya ko si Sid. Pagkatapos namin kumain ay nagyaya pa siyang mamasyal. Nagroad trip kami sakay ng kanyang motor. Nakarating kami sa bayan ng Naic at doon kumain ng pares na nasa nakapuwesto lang sa gilid ng highway. Nagutom daw kasi ulit siya dahil burger at fries lang din ang kinain niya kanina sa fastfood chain na pinuntahan namin kanina. Matapos iyon ay naggala pa kami sa may tabing dagat. Isa raw iyon sa resort na pag-aari ng kanyang pinsan na nasa abroad. "I hope it's not the last time that I can take you here," sabi ni Sid habang nakatingin sa malawak na dagat. Nakaupo kami sa cottage na nasa tabing dagat. Kahit gustuhin ko kasing umupo sa buhangin ay hindi puwede dahil baka mapagalitan ako ni Ate Alliyah at tanungin kung saan ako nanggaling. Masyadong mahigpit ang ate ko at hindi ako basta-basta pinapayagan na pumunta sa kung saan-saan lalo na at lalaki ang aking kasama. Nakakaengganyo ang dagat. Parang nagyaya na magtampisaw at maligo roon pero hindi namin magawang maligo dahil hindi naman kami nakahanda ng damit pampaligo. Biglaang lakad naman kasi iyon kaya sa susunod na lamang kung may pagkakataon pa kaming bumalik pa rito. "I hope so," sabi ko. "I love the place. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin at ang ganda ng view ng dagat." "Kung sasagutin mo ako, I will take you here every time you want," nakangiting sabi niya sa akin. "Buti sana kung lagi tayong may oras para mamasyal ng ganito. Ngayon lang naman tayo nagkaroon ng pagkakataon dahil walang overtime pero kapag balik O.T na naman tayo, subsob na naman sa trabaho. Wala ng oras para sa happenings." 6am to 2pm lang kasi ang oras ng pasok namin sa trabaho. Maaga gumising pero maaga rin nakakauwi kaya mas maraming oras makapagpahinga. Iyon nga lang bawas sa suweldo dahil walang overtime pay. Ganito talaga ang laban kapag minimum wage earner ka lang. "Pag sinagot mo na ako, I will make time for you. Kahit puro pa tayo overtime, hindi ako papayag na wala akong oras para sa'yo." "Ang lakas mong mambola. Kaya siguro ang daming babae ang napapaikot mo sa mga kamay mo." "Ang pangit talaga ng impression mo sa akin. How can I change that?" "Hindi mo ako masisisi. Doon ka mas kilala ng mga tao." "Sabi nga nila, first impression don't last. Kaya patutunayan ko sa'yo na mali ang impression mo sa akin." "Okay, tingnan natin. Goodluck na lang sa'yo." "Tsina-challenge mo ako ha? Sige ba, challenge accepted." "Ay teka, speaking of oras, anong oras na?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa kanyang wrist watch. "It's already 5:30pm," sagot niya. "Naku patay!" Bigla akong kinabahan kaya mabilis akong tumayo. "Tara na!" "Why in a hurry?" takang-taka tanong ni Sid sa akin. "Basta tara na kung gusto mo pa akong makita bukas." "Ha?" Lalong kumunot ang noo ni Sid. "I'll explain you later. Ang mahalaga ngayon, maihatid mo ako sa bahay ngayon na! As in now na. Bilisan mo!" Hinatak ko na siya papunta sa motor niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Ako na ang naunang magsuot ng helmet. Inabot ko na lang sa kanya ang helmet niya at pinasuot iyon. "Bakit ka ba kasi nagmamadali? Maaga pa naman a." "Maaga pa sa'yo ang 5:30 pero sa ate ko, gabi na iyon. Kapag lagpas 6pm at wala pa ako sa bahay, iisipin noon na naglakwatsa pa ako. Patay ako." "Istrikto ang ate mo?" "Hindi lang istrikto, dragon iyon. Baka bugahan ako ng apoy noon kapag hindi ako sumunod sa rules niya kaya tama na ang daldal, ihatid mo na ako." "Sige, let's go." Sumakay na siya sa kanyang motor. Umangkas naman agad ako roon bago niya paandarin iyon nang mabilis. Mabuti na lang talaga at motor ang sasakyan ni Sid. Nakaiwas kami sa mabigat na traffic sa Tejero at mabilis kaming nakarating sa bahay namin sa Malabon. "Anong oras na?" agad na tanong ko kay Sid nang makarating kami sa tapat ng bahay. Pero pinaparada ko si Sid sa medyo malayo para hindi kami makita ni Ate. "6:15pm." "Okay, thanks." Nakahinga ako nang maluwag. May 15 minutes pa ako. Magdadahilan na lamang ako na may overtime kami at na-traffic ako. Sana makalusot ang dahilan ko kay ate mamaya. "Sige na, alis ka na bago ka pa makita ni ate." "Wala bang goodbye kiss?" "Saka na iyon kapag officially on na tayo. Goodbye na lang muna," sabi ko na lang saka kumaway at tinalikuran na siya. Halos patakbo ko nang nilakad ang bahay namin. Humihingal pa nga ako nang makarating. Bubuksan ko na ang pinto nang biglang bumukas iyon. Bumungad sa harapan ko si ate Alliyah na nakataas ang kilay at naka-cross arm. Tiningnan ko siya habang kagat-kagat ang labi ko. Kinakabahan na agad ako sa tingin palang niya. "Saan ka pa naglamyerda?" mataray na tanong niya. Hindi man lang niya ako pinapasok sa loob ay ini-interrogate na niya agad ako. Tumayo ako nang tuwid bago nagsalita. "N-na-traffic lang ako Are kaya na-late ako nang uwi." "Traffic? Baka palusot mo lang iyan a." Hindi talaga siya madaling mapaniwala. "Totoo. Traffic talaga kaya nga naglakad na lang ako noong alam kong malapit na ako dito sa bahay e. Kasi kung aantayin ko pa ang pag-usad ng traffic baka alas syete na ako makarating. Nag-isip muna siya bago ako pinapasok ng tuluyan sa loob ng bahay. Pero kahit na nasa loob na ako para bang sinusuri pa niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Allena," muling tawag niya sa akin. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya. "B-bakit Ate?" kinakabahang tanong ko. "May dagat na ba sa kalsada ngayon?" tanong niya habang nakatingin sa may paanan ko. "Ha?" Tiningnan ko rin ang paanan ko at nakita ko ang kaunting buhanging dumikit sa sandals ko. Naku! Patay! Buti na lang, nakalusot ako sa dahilan ko kay ate kagabi kung hindi patay na naman ako sa kanya. Sinabi ko lang naman na may nadaanan akong nagco-construction malapit sa amin kaya nayapakan ko ang buhangin na nasa kalsada. Ngayong umaga, akala ko okay na pero mukhang diskumpyado pa rin siya. Tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa habang kumakain ako ng almusal. "May problema ba, ate?" kinakabahang tanong ko. "Wala naman," tipid niyang sabi pero nakatitig pa rin sa akin. Pinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain. "Allena, alam mo ang rules sa bahay na ito kaya huwag na sanang mauulit ang ginawa mo kagabi." Tumango ako. Alam ko naman lahat ng rules ni Ate Alliyah at hindi ko iyon kinakalimutan dahil ayoko ring mapagalitan at maparusahan. Kilala ko si Ate kapag nagalit siya. Naka palayasin na lang niya ako dito. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito kapag nagkataon. "Ayoko rin na mababalitaan na nagpapaligaw ka lang sa company ninyo. Ang pinunta mo dito ay para magtrabaho at para makatulong tayo kina Inay. Hindi ko gusto na bigyan mo ako o si Inay ng sakit ng ulo. Naiintindihan mo ba?" Sunod-sunod akong tumango. "Promise ate, hindi kita bibigyan ng sakit ng ulo." "Siguraduhin mo lang ha?" "Opo, ate." Umalis na ako matapos kumain. Naghintay lamang si Sid sa kanto na malayo sa amin at mula doon ay sumakay na ako sa Sniper 150 niyang motor. Sinabi ko kasi na doon na siya maghintay at huwag sa mismong bahay namin. "You are so scared with your sister. Anong meron sa kanya para katakutan mo siya ng ganyan?" nagtatakang tanong ni Sid habang nasa biyahe kami. "Mula ng mamatay si itay, si Ate Alliyah na ang tumayong ama para sa akin. Siya na ang naging katuwang ni inay sa lahat ng bagay. Kaya sobrang istrikto niya pagdating sa akin dahil ayaw niya ring mapariwara ang buhay ko." "You're lucky to have her." "Lucky ba iyong laging pinaghihigpitan?" "In the other side, yes. Because that's their way to express their love for you." "Sabagay, ramdam ko naman na mahal ako ni Ate kahit na naghihigpit siya sa akin." Hindi na sumagot pa si Sid hanggang sa makarating kami sa company. Naghiwalay na kami pagdating sa locker area. Nakita ko si Nikki habang kumukuha siya ng gamit sa kanyang locker. Nakita rin niya ako pero hindi niya ako pinansin. Parang hangin lang akong dumaan sa kanyang harapan. Sobrang seryoso ang kanyang mukha, ni hindi man lang ngumingiti kahit kanino. Para bang nadamay ang buong mundo sa galit niya sa akin. "Nikki," tawag ko sa kanya pero parang wala rin siyang narinig. Dire-diretso lamang siya sa production. Walang lingon-lingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD