Ang kaninang mapayapang unit ni Nathan ay naging maingay nang dumating si Shawn. May pa-bonus pa nga dahil bumili siya ng malaking pizza kaya tuwang-tuwa ang mga kasama namin. Mabuti talaga at nagdala si Shawn ng pagkain dahil gutom na gutom na ako at hindi naman nakakasubog ang chips lalo na at maanghang. 'Yong cupcakes na ginawa nina Cossie at Nathan ay agad din nilang naubos. Nakakatakam na nga, eh, kaso pinanindigan ko na ang sinabi kong hindi ko gusto ng blue berry. Iyong dalawang chocolate flavor na natira ay kinain na rin ni Shawn pagdating niya. Goodbye, cupcakes. Bibili na lang siguro ako mamaya pag-uwi. "So, what about the schedule next week?" panimulang tanong ni Demi nang makaupo na at makakuha ng pagkain. "Christmas na next week. Ang bilis ng panahon!" "Tama ka riyan,"