"Ascella, pahawak nga muna nito." Napalingon ako kay Khloe nang iabot niya sa akin ang hawak niyang bag at nagmamadaling umalis. "Nakalimutan ko pala 'yong jacket ko! Nasa bulsa pa naman no'n 'yong airpods ko." Sinundan ko siya ng tingin nang patakbo siyang bumalik sa loob ng orphanage kung nasaan sina Ate Pat dahil kausap pa ng mga ito ang mga madre at ang mga namamahala rito. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Darren sa pwesto namin. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng isang puno kung saan malilim habang naghihintay sa kanila. Medyo sumisikat na kasi ang araw dahil malapit nang mag-ala-sais. Ang iba sa mga kasama namin ay nag-ikot-ikot pa muna o 'di kaya'y nakikipag-usap sa mga bata. Akala nga namin ay hindi na kami maaabutan ng mga bata dahil maaga kaming aalis, but it turns out na gumising