Hindi ko alam na napaka-planner pala nitong si Nathan! Nabanggit kasi ni Sir B na si Nathan ang nag-arrange at nag-organize nitong Team Building (hindi ko pa rin maintindihan why would he do that) kaya lahat ng activities at gagawin namin ay naka-sched. "Sumunod na lang tayo sa sched na ginawa niya," biro ni Sir B. "Medyo compulsive talaga 'yon when it comes to his beloved scheds." Oh-kay. Last day of our stay, umaga pa lang ay nagsimula na kami. Gumising kami ng 6 AM para mag-breakfast. Super sarap ng mga pagkain nila rito! Lalo na ang mga seafoods. By 8 AM, nag-start na kami sa activities tulad ng Tug of War (my team lose. Laban na laban kasi sina Sam), Balloon Juggle (finally, nanalo kami!), Egg Drop at Office Pictionary. Halos lahat kami ay nag-enjoy, no one was left behind. Naka