“Soleil!” a familiar voice called me.
Hindi ko kaagad napansin ang tumawag sa pangalan ko dahil tulala at wala sa sarili akong naglalakad palabas ng school. Kagagaling ko lang sa school’s office para kumuha ng requirements. Malapit na kasi ang enrollment para sa college, dahil patapos na ang summer.
Hindi ko alam pero pagod na pagod ako sa araw na ‘to. I just want to go home, but I suddenly remembered, our home that was supposed to feel like one feels nothing and unfamiliar.
It doesn’t feel like home, at all.
Walang mapili. Parehong nakakapagod at nakakasawa ang bahay at paaralan.
“Soleil!” muling pagtawag nito sa pangalan ko.
Wala naman akong choice kundi ang lingunin kung sino man iyon. Nakita ko si Meeia, ang highschool classmate at kaibigan ko, humahangos papalapit sa akin na tila nagmamadali.
“Bakit?” maikling sagot ko.
She worriedly rushed to me. Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko na ipinagtaka ko naman. “A-Ayos ka lang ba?” tanong niya.
I nodded out of the blue. “Bakit? May problema ba?”
“H-Hindi mo pa alam?”
Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ang alin?” She looks so out of herself. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?
Hindi siya sumagot kaya muli akong nagsalita. “Sabihin mo na lang, Meeia. Gusto ko nang umuwi.”
“N-Ngayong gabi raw ang flight nila Zion paalis ng bansa... Nagpaalam na ba siya sa ‘yo?”
Natigilan ako sa sinabi niya at paulit-ulit na prinoseso iyon sa utak ko. I felt my heart sunk, and it started to beat so fast. Hindi ako makasagot at tanging naiwan lamang sa kaniya ang tingin.
Akala ko ba hindi iyon matutuloy? Sabay pa nga kaming nag-asikaso ng requirements last week para sa nalalapit na enrollment, ‘di ba?
Bakit hindi niya sinabi?
O talagang wala siyang balak sabihin?
Unti-unting umusbong ang kaba at takot sa akin. Nagsimula ring manginig ang kamay ko at ang panghihina ng tuhod. Bigla akong nakaramdam ng takot, na baka hindi ko na siya maabutan, baka hindi ko siya mapigilan.
Baka tuluyan niya akong iwan.
“Nasaan siya ngayon?” mabilis na tanong ko kay Meeia. Nakita ko ang pagdaan ng awa sa mga mata niya. I don’t need anyone’s sympathy for now. I don’t need anyone to pity me. “Meeia, nasaan siya?” halos pasigaw na dagdag ko.
“Huwag mo na lang siyang puntahan, Sol.”
And how can she dictate me? How can she easily tell those words? Dahil hindi naman siya ang nasa pwesto ko. No one will ever know how it feels to be left, and to be forgotten, nang ganon-ganon na lang.
Tuluyan kong inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko at hinarap siya. “Meeia, sabihin mo kung nasaan siya! Pupuntahan ko siya. Hind–”
“Pero, Soleil–”
“Meeia naman!” I almost shouted.
Napabuntong-hininga siya bago yumuko. “N-Nasa parke raw siya ngayon, malapit na silang bumyahe papuntang airport. Sol, I don’t think maaabutan mo pa s—”
Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin at nagmamadali na akong umalis. Halos takbuhin ko na ang paglabas sa gate ng eskwelahan. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na ‘yon pinansin pa.
Wala akong pakialam kung gaano kalayo ang parkeng iyon, o kahit habulin ko pa siya hanggang sa airport, gagawin ko. He can’t leave me just like this. He can’t just fade away like a shadow I have to chase.
Gusto kong tanungin ang sarili, kung bakit ganoon na lang kadali para sa iba na mang-iwan. How can they leave people hanging, like an old magazine that has faded because of time, and threw them away because it’s already no use.
I don’t care even if I almost lost my breath because of running, o kahit ilang beses pa akong makabunggo ng mga nakakasalubong, o kahit mabasa pa ako sa nagbabantang ulan.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ang park na sinasabi ni Meeia. Hinihingal na inilibot ko ang paningin. Tumatagaktak na rin ang pawis ko at bahagya nang nagulo ang buhok. I looked at the crowded place, hoping that I could see him.
Halos mawalan na ako ng pag-asa nang hindi ko siya makita. Hindi ko siya matanaw. Pero halos tumigil ang puso ko nang huminto ang paningin ko sa lalaking nasa likuran ko, may kalayuan mula sa kinatatayuan ko.
Bakas ang gulat sa mga mata niya nang magtama ang paningin namin. Inalis niya ang magkabilang kamay na nakapasok sa magkabilang bulsa. Bahagyang nililipad ng malakas na hangin ang mga hibla ng buhok niya. Ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan at pag-aalala kahit na may maliit na ngiti sa mga labi niya nang makita ako.
Alam ko ‘yon. Nababasa ko.
Habang tinitingnan ang imahe niyang iyon, pakiramdam ko ay tumigil ang oras at mundo.
They said that for a moment, everything will just stop. That’s how you define love.
Ang cheesy mang pakinggan pero pakiramdam ko, wala akong ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko.
That image of him will be forever vivid in my mind. It marked my soul and everything out.
Tanging ang ilaw mula sa iba’t-ibang rides ang nagbibigay liwanag sa parke. Padilim na rin ang paligid dahil nakalubog na ang araw. Malakas at malamig ang ihip ng hangin, sapat na para liparin ang ilang hibla ng aking buhok.
Nanatili kaming nakatingin sa isa’t-isa, at hindi ko alam na... iyon na pala ang huling beses na makikita ko siya.
Hindi ko alam na iyon na pala ang mga oras na sa wakas, after eight years na magkasama kami mula pagkabata, dumating na ang oras na kailangan na naming tuparin ang mga pangarap namin nang magkahiwalay.
Doon ko na-realize na finally, sa eight years kong paghihintay, pag-asa at pagpapakatanga, nasagot na rin ang matagal ko nang tanong.
Naiintindihan ko na.
Naiintindihan ko na... na tuluyan niya na akong iniwan sa pagitan ng kawalan.
Napasinghap ako nang tuluyang magising mula sa pagkakabangungot. Humahangos akong napabangon bago napahawak sa tapat ng dibdib at pilit na pinakalma ang sarili. Nahihirapan akong huminga. Pinagpapawisan din kahit nakatutok naman ang electric fan. Umupo ako at sumandal sa pinakasulok ng headboard ng kama at niyakap ang mga tuhod.
I cried silently. It’s happening again, the nightmares I’m trying to forget.
But how can I forget the past?
It always hunt me. The park, the wind, those lights and that image of him. Lahat ‘yon ay tandang-tanda ko pa rin. Lahat ‘yon ay malinaw pa rin sa memorya ko, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
I cursed under my breath. I knew I shouldn’t have wrote it!
Sa pag-aakalang makakalimutan ang nakaraan, I tried to confess it silently... through my novel.
But I was wrong. Indeed.
Tahimik ang buong bahay. Wala akong marinig maliban sa tunog ng electricfan at ang tunog ng sarili kong pag-iyak at ang mahihinang paghikbi.
You shouldn’t cry, Sage. It’s just a dream. It will never happen again.
I tried to comfort myself. I cried the night again until I fell asleep.
Three years. Three years have passed yet the pain is still here, the trauma, the questions, and everything, dahil lahat ‘yon ay nagmarka sa akin at sa pagkatao ko.
I saw everything in my dreams again...
It felt so real.
DUMAAN muna ako sa office kinabukasan. Naiwan ko kasi ‘yong folder ko kagabi dahil sa pagmamadali.
Kung hindi ba naman kasi umepal si Sam kagabi, eh, ‘di sana ay hindi ko ‘yon maiiwan.
“Ay, hala siya!” nakahawak sa bibig na usisa ni Fae at tumingin sa ‘kin. “Anong nangyari sa ‘yo?!”
Napayuko na lang ako at tinakpan ang mukha ng mga hibla ng buhok. Kanina pa ako pinagtitingan sa may lobby.
Hello?! Ngayon lang ba sila nakakita ng taong naka-shades kahit malamig at makulimlim ang panahon?
Meron palang bagyo kaya ang lakas ng ulan kagabi. I didn’t watch news yesterday, kaya naman hindi ko alam. Kung alam ko lang, sana nagdala ako ng payong para hindi ako maulanan.
Hindi nga ako nagkasakit pero binangungot naman ako sa pagtulog. Isang mapait na bangungot.
Ugh, erase, erase! Don’t think any negative things, Sage!
“Uh... wala ‘to, Fae. Masakit kasi ‘yong mata ko kaya nag-shades ako,” nakatungong sabi ko.
Wow, Sage. What a lame excuse! Masakit ang mata? Seriously?
Lumapit naman si Sam at nag-ambang tatanggalin ang suot kong salamin. Napaatras ako at bahagya siyang itinulak. “A-Ano ba’ng ginagawa mo?”
“Masakit ang mata?” natatawang tanong niya. “Sus! Patingin nga!”
Hinarangan ko ang kamay niya. “Totoo naman! S-Saka may sore eyes ako.”
“Sore eyes? O broken heart?” biglang sulpot ni Miss Darcy.
Nataranta naman ako pagkakita sa kaniya. Bakit nandito agad si Miss Darcy? Alas-sais pa lang, ah!
Ano ba naman ‘to. Nakakahiya! Bakit ba kasi ako umiyak-iyak kagabi?!
Kasalanan ‘to ng lalaking nakabunggo ko! Dahil sa kaniya kaya binangungot ako. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Kung hindi pa tumunog ‘yong kotseng nabagsakan namin, hindi pa mapuputol ang tinginan namin.
Mabuti na lang at mukhang kotse niya pala ‘yon dahil kung sa iba, siguradong lagot kami. Sa sobrang hiya ko, nag-sorry na lang ako at halos tumakbo na paalis. Hindi ko na siya tinulungan pang makatayo at iniwan siya roon.
Nagsitawanan sila sa sinabi ni Miss Darcy. Napilitan din akong tumawa kahit hindi naman ako natutuwa. “Hindi naman po ako broken hearted, Miss Darcy,” napapakamot sa ulo na sabi ko. “Masakit lang po talaga ‘yong mata ko.”
Matapos nila akong guluhin at ulanin ng pang-aasar, nakuha ko na rin ang folder na naiwan ko. Nagmadali na rin akong umalis dahil baka ma-late pa ako sa first class ko.
Dumaan muna ako sa pantry para kumuha ng biscuit. Hindi kasi ako nag-almusal. Bahala na kung kaninong pakete ng biscuits ‘yon basta ay kinuha ko na lang. Gutom na ako at saka dalawang piraso lang naman.
Pagtalikod sa cabinet ay nakita ko si Sir B, nagtitimpla ng kape habang nakatalikod sa direksiyon ko.
“Hay, nako! Nakakaloka ka talagang bata ka!” sabi ni Sir habang nakaipit sa bandang tenga ang cellphone niya. “Ini-stress mo bangs ko!”
Medyo nagtaka ako kung sinong kausap niya. Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero anong gagawin ko, eh, naririnig ko ang pag-uusap nila?
“Oh, sige. Susunduin kita bukas,” sabi pa ni Sir B. “Oo! Sabi ko kasi sa ‘yo, huwag kang magpaka-stress, ‘yan tuloy,” sermon niya sa kausap. “Kumain ka sa tamang oras at ‘yong mga bilin ko, sundin mo. Huwag mo nang masiyadong isipin. Tutulungan kita. Oo, medyo mahihirapan kang mapapayag ‘yon—basta, I know her that’s why! ‘Wag na maraming tanong!”
Pagkatapos niya itong kausapin ay pinatay niya na rin ang tawag at binaba ang cellphone nang saktong pagkatalikod niya ay nakita niya ako. Agad akong napaiwas ng tingin habang nagkukunwaring naghahanap ng biscuit.
“Oh, ano’t nandito ka?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako. “Ah, may dinaanan lang po akong gamit, Sir.”
Narinig ko pang may binulong ito bago tumalikod sa akin at naglakad na paalis. Hinawi niya pa ang buhok kahit na wala naman talaga siya n’on. Natawa ako bago napailing-iling na lang.
“Ang blooming mo po ngayon, Sir!” sabi ko habang nakatanaw sa kaniya.
“Alam ko! Juskong bata ‘to. Wala pa ring dagdag sa sahod!” pairap niyang sabi kaya natawa na lang ako.
Sungit talaga! Kailan kaya siya babait sa ‘kin?