Bukod sa pangarap ni Deborah na mahanap ang kaniyang ina, bahagi rin ng mumunting hiling niya ang lalaking kaniyang hinahangaan, si Parker na mula sa mayamang angkan sa bayan ng San Luciera. Ngunit hindi na magkakaroon pa ng katuparan ang bagay na iyon nang ampunin siya ng lola nitong si Senyora Isabela.
Nagawa niyang pigilin ang umibig kay Parker, but then Ford Craigan Salvatierro came—ang pinsan nitong mula pa sa ibang bansa at nagtungo sa Hacienda Salvatierro, ang unos na hindi lubos akalain ni Deborah na titibag sa matayog niyang prinsipyo.
Nagsimula sila sa pagkamuhi sa isa’t isa. Yet they shared a burning love that neither of them could stop, but one lie and it all crumbled down. Ano nga ba ang nananaig sa laban ng pag-ibig na pilit pinaghihiwalay ng kasinungalingan at madidilim na sekreto? Can they really win against the war of a scandalous love?
Solana Eveline Acosta hated Pierce when she first saw him; arrogant, bossy, and as hard as rock. Pagtapak niya pa lamang sa bayan ng La Esperanza ay sukdulan na ang iritasyon niya para sa lalaki. Solana got involved in an accident, at para protektahan ang kaniyang buhay ay kinailangan niyang magpanggap bilang pamangkin ni Donya Viera.
But what if she gets entangled with the donya’s real nephew? Walang iba kundi ang aroganteng si Pierce Atlas Archemedes na nagparamdam ng dalawang klase ng init sa kaniya—init ng ulo at init na hindi niya pa nararanasan sa kaniyang tanang buhay. At hindi pa nakatulong ang pag-alok nito ng kasal upang solusyunan ang kaniyang problema at problema nito! Pero para kay Solana, ang pagpapakasal kay Pierce ay pagtalon sa isang matarik na bangin—a sureball death.
But what if she falls in love in the midst of it all? Would Solana give way to Pierce’s boundless escapades even when she knows it’ll cost her heart?
“Limutin mo ang pag-ibig ko, Terrell, for I will also forget that I’ve loved you all my life.”
Luzeene loved Terrell like no other, even when he felt like a far, far away dream. Ibinigay niya ang lahat dito dahil sa kaniyang pagmamahal kahit pa nga wala itong pagtingin sa kaniya. She was arranged to marry this man, after all. Pero ni minsan ay hindi nito pinaramdam na nais din nitong makasal sa kaniya, ngunit tila ba kaisa ni Luzeene ang langit. Dahil sa huli, siya pa rin ang pinakasalan ni Terrell. She married him even when she knows that he is very much inlove with someone else. Hindi kasi nais magpakasal ng babaeng mahal nito. Bulag sa pag-ibig kung maituturing ngunit umasa siyang isang araw—mamahalin din siya ni Terrell.
Pero darating pa nga ba ang araw na iyon? Kung bumilang ang mga panahong ibang babae pa rin ang tinitibok ng puso ni Terrell at hanggang kama lang ang kanilang ugnayan.
At kung mahalin nga siya ng asawa, paano kung puso niya naman ang mapagod? Kaya niya bang buhaying muli ang pag-ibig na sumumpa nang lilimot?
Nang malaman ni Isla Laurena na itinakda siya ng mga magulang na ikasal sa isang lalaking hindi niya kilala para sa negosyo ay naisipan niyang tumakas at magpakalayo-layo. Until she reached the small town of La Esperanza. Sa gabing maulan ay muntik na niyang harapin ang kamatayan sa kamay ng mga hindi nakikilalang lalaki. Desperate to save her life, hinarang niya ang isang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada at rumaragasang ulan, making her cross paths with Seatiel Del Fuego, the man who saved and nurtured her, and the exact same man whom she was meant to marry. Ang lalaking tinakbuhan niya sa nakatakda nilang kasal ay siya ring lalaking kumupkop sa kaniya nang mapadpad siya sa La Esperanza.
Fate sent her to Seatiel like a wave crashing against the shore and no matter how hard she tried to unravel, Isla was still caught in his burning love that ignited her, fiercely and relentlessly.
“Happy birthday, little tease. Hope you like my gift as much as I like getting trapped by your little teases.” – Reigan Laurentius De Alba
Bata pa lamang si Everleigh Zarina Altarejos ay iniibig niya na si Reigan De Alba, the eldest among De Alba cousins, twenty-two, managing different companies at the same time, hot, and the town’s apple of the eye, ngunit bigo iyon. She can’t have him. He’s years older than her! At nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Pero hindi iyon matanggap ng batang puso ni Everleigh. That’s why she did everything to make Reigan slip and fall for her. Kahit pa nga sa hindi kaaya-ayang paraan, and that is to ruin his supposed marriage to Camila.
At nagtagumpay siya. Nakuha niya si Reigan. She tricked him. He married her.
Magagawa nga kayang itama ni Everleigh ang kaniyang pagkakamali ngayong tila hindi na umuubra dito ang kaniyang mga pakulo? At sa kaniyang pagbabalik, bakit imbes na tuluyan itong limutin ay mas iniibig niya lamang si Reigan?
“I can entertain all your whims, sweetheart. So you won’t be needing your damn boys.” — Silvien Leander De Alba
Napahiya si Triana Marie sa mismong araw ng sana’y kasal nila ni Rhys. Hindi siya sinipot nito at sumama sa ibang babae. Hindi niya matanggap ang kahihiyang tinamo kung kaya’t ginawa niya ang lahat para hanapin ang babaeng pinili nito—si Helena. Napag-alaman niyang ikakasal na rin pala dapat ito sa ibang lalaki.
Bilang ganti ay nabuo ang isang plano. Aagawin niya ang dapat sana’y mapapangasawa nito—isang lalaking nagngangalang Silvien Leander De Alba. Ayun na sana... sa wakas ay makakaganti na siya sa manloloko niyang boyfriend at babae nito!
Pero... teka? Si Silvien Leander De Alba? Ang lalaking noon ay minsan niya nang tinanggihan at iniwan? Paano pa itutuloy ni Triana ang plano kung mas malinaw pa sa sikat ng araw ang lamig nito sa kaniya? He was cold and playful, but she was too desperate to own him! Ngayon, magagawa niya pa nga kayang mabawi at muling mapaibig ang pusong tumalikod na?
Nathalia Amaris Sandoval is in a secret rebellion. Gustong-gusto niyang makuha ang atensyon ng ama na lagi na lamang nakatuon sa kaniyang Kuya Cielo, pero hindi niya kailanman inasahang ang isang pagkakamali ay babaguhin ang kaniyang buhay. Paano niya pa maitatama ang pagkakamaling nagsimula sa maling kwartong kaniyang napasukan? Kung ngayon ay nakatakda na siyang ikasal kay Isles Gaise Privello, a law student and a famous playboy, and also the man who hates her guts!
Hanggang saan ang kaya nilang ilaban para sa pag-ibig na walang magandang simula? At hanggang kailan kayang panindigan ni Isles ang kaniyang pangako?
Bata pa lang ay malaki na ang pagkakagusto ni Aestheria Sulliven sa kaniyang long time bestfriend na si Archie Costalejo. He has been her protector ever since they were kids, her knight in shining armour, her savior. For Ace, Archie is her everything. Hanggang sa tumungtong sila sa kolehiyo ay tanging ang lalaki lang ang nagugustuhan niya. She was so whipped with this childhood love of her. Kaya nang subukin sila ng reyalidad ng buhay, paano niya mapangangalagaan ang tanging pag-ibig na alam niya?
How far can you go for a childhood love you swore to never let go?
NOTE: THIS WAS MY FIRST EVER STORY. NOT EDITED. CONTAINS SO MANY GRAMMATICAL MISTAKES.
Isang summer bago ang college entrance exam, nagbago ang buong buhay ni Ascella Blythe Morquez nang iwan siya ng kaniyang childhood bestfriend, si Kenji, at nagpunta ito sa ibang bansa nang walang pasabi. Biglaan. Ni hindi niya alam kung bakit.
Ngayon, hindi niya malaman kung paano niya lilimutin at ibabaon ang lahat ng pinagsamahan nila. At kung paano tatalikuran ang nararamdaman para sa kababatang matagal niya nang gusto. Mas nagulo pa ang lahat ng makilala niya si Nathan Alejos, a graduating film student who had himself involve in Sage’s life as she struggles between living in the present and looking back in the past.
How will Nathan chase a girl named after the fire sign, who was then deeply and wildly in love with someone else?
At paano nga ba pakikisamahan ni Sage si Nathan kung lagi niyang naaalala rito ang hindi niya malimot-limutang first love?
Sweet, wild, and free. At twenty, in a series of encounters, Mauvereen found herself falling in love with Cillian Lorenzo, ang kuya ng matalik niyang kaibigang si Nathalia. She gave everything to him. Every bit of her heart and innocence. All to Cillian Lorenzo. At para kay Cielo, si Mauvereen ang gamot na hindi niya kailanman inakalang kailangan niya, a drug that made him so high he almost forgot his one and only goal, a revenge he plotted for over twelve years.
Paano mapapanatili ang matamis na pag-ibig kung tuluyang iniwan ni Cielo si Mauve, with a beating heart and a new life that will never make her forget about him?