Chapter 2

2393 Words
“Ano namang sabi ng boss mo roon sa resto bar tungkol sa pag-re-resign mo?” tanong ni Demi, ang nag-iisa at pinakamalapit kong kaibigan, bago umupo sa upuang nasa harap ko. Nilapag niya ang kapeng in-order sa mesa. Maliit akong ngumiti bago natawa. Ibinalik ko ang tingin at atensyon sa pagta-type sa laptop ko. “Wala naman. Mukhang natuwa pa nga siya na umalis na ako, eh,” sagot ko sa tanong niya. “Feeling ko nanghihinayang na siya sa pinapasahod niya sa ‘kin dahil hindi naman ako pumapasok araw-araw.” “Ang baba naman ng sahod doon. Nakakapagod pa,” sabi niya at ngumiwi. Agad naman akong sumang-ayon. Bukod sa hindi naman ganoon kataas ang sahod ko sa resto bar bilang waitress, sobrang nakakapagod din doon lalo na’t maraming customers ang sadyang nakakaubos ng pasensya at lakas. May ilan pang pagti-trip-an ka or worse may mambabastos pa sa ‘yo. “Saka mas mabuting mag-focus na lang ako sa AR dahil mas maayos ang sahod ko roon. Baka mamaya ay hindi na nagbibiro si Sir B na ipag-resign ako,” sabi ko bago napairap. Minsan kasi ay hindi ko maiwasang makatulog sa opisina dahil sa sobrang pagod at antok ko, minsan naman ay sobrang lutang ko kaya hindi ko magawa nang maayos ang mga pinagagawa niya. “Bakit nga pala nandito ka? Wala ka bang trabaho?” tanong ko kay Demi at nagtatakang tiningnan siya. Napangiwi naman siya bago tumungga sa hawak na kape. “Maaga akong nag-out. Nagkasagutan na naman kami ni Hapon.” “Ha? Na naman?” pag-re-react ko. Palagi na lang kasi silang nagkakasagutan at nag-aaway n’ong manager niya sa film production company kung saan siya nagtatrabaho. Take note, boss nila ‘yon, ha, pero palagi niyang kaaway. Ewan ko ba, may pagka-war freak at attitude rin kasi ang babaeng ‘to. “Eh, nakaka-badtrip. Ayon, nilayasan ko,” aniya at umirap. “Anong akala niya sa ‘kin? Matatakot sa kaniya? Excuse me, that’s not in my vocabulary.” Napailing-iling na lamang ako habang nakatingin sa kaniya kaya inismiran niya ako. “Teka nga, ano ba ‘yang ginagawa mo?” mayamaya ay tanong niya at sinilip ang pinagkakaabalahan ko sa laptop. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa Diliman. Sakto naman na ka-chat ko si Demi kanina at sinabi niyang malapit lang siya rito kaya naman naisip niyang daanan ako. “Nagsusulat ako ng alternative ending for That One Summer.” Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “What?! Alternative ending?!” Tumango na lang ako at bahagyang sumimangot. Kanina pa kasi ako nagsusulat pero binubura ko rin at pinapalitan. Hindi ako makuntento sa bawat salitang tina-type ko. Pakiramdam ko ay palaging may kulang at kapos. Baka naman naninibago lang ako sa pagsusulat sa characters ng mga bida dahil ilang taon ko nang natapos ang kwentong ito. Matagal na ang huling beses na sinulat ko ang ending kaya medyo nahihirapan ako ngayon. Eh, bakit ba naman kasi naisip ko pang magsulat ng alternative ending? As if i-re-release ko ‘to, eh, hindi rin naman. Ewan ko ba. Basta nagising na lang ako kaninang madaling-araw at naisip na mag-type ng ending. Nababaliw na yata ako. “Akala ko ba final na ‘yong ending, ha?! Pero gusto ko ‘yan! I-pu-publish mo ba?” sunod-sunod na sabi ni Demi. Umiling ako na agad niya namang ikinasimangot. “Ay, gago, paasa. Nahiya ka pa, i-publish mo na!” “Ayoko! Random thoughts lang naman ‘to at saka walang sense ‘tong nasulat ko!” angal ko. Pinilit niya pa ako na ipabasa sa kaniya ‘yon pero agad ko nang sinarado ang laptop at inilayo sa kaniya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga nasa katabi naming table dahil sa pag-aagawan namin. Sa huli ay hindi niya nakuha at bumalik na lang siya sa pagkakaupo. Pinagkrus niya ang mga braso at inasar-asar ako. “Nahiya ka pa. Sana hindi na lang alternative ending ang ginawa mo. Dapat sequel na agad para naman matuwa sa ‘yo ang mga readers mo.” Ako naman ang umirap sa kaniya. “Asa!” Ilang sandali pa siyang nanatili roon at ginugulo ako bago napagpasiyahang umalis na dahil may pupuntahan pa raw siya. Ako naman ay nanatili lang sa coffee shop at nagpatuloy sa ginagawa. Sabado ngayon kaya walang klase. Hindi ko alam kung anong klaseng elemento ba ang sumapi sa akin ngayong araw at naisipan ko pang dito sa coffee shop mag-aral at magsulat samantalang pwede namang nanatili na lang ako sa bahay. Minsan, ang unpredictable talaga ng kaluluwa ko. Sulat, bura, rephrase, revise. Paulit-ulit ang ginawa ko buong hapon. Napatingin pa sa akin ang nasa katabi kong table dahil masiyadong marahas ang pagpindot ko sa keyboard. Paanong hindi, eh, nakaka-badtrip! Wrong timing yata na ngayon ko pa ‘to naisipang isulat. My short attention span and anger issues can’t handle! Kahit na medyo sumasakit na ang ulo ay pinilit ko pa ring ipagpatuloy ang sinusulat ko. Siguro ay iyon ang isa sa mga bagay na kadalasang nararamdaman o na-e-encounter ng mga writers, ang frustration, iyong tipong kahit hindi mo na alam ang mga salitang isusulat, pipilitin mo pa ring hagilapin iyon at mangapa lalo na kung gustong-gusto mong matapos ang parte ng kwentong sinusulat mo. In my case, I always go with the flow. Simpleng story telling, hindi masiyadong malalim. I just write whatever comes in my mind, weave them, and get frustrated with it later on. I just write words as if my characters are telling me what I should write and what I should not write. And it gets really frustrating when one of those characters… is actually me. Every character a writer writes has a part of them. Bawat karakter na binubuhay nila ay palaging may bakas nila, sinasadya man o hindi. I love writing characters I don’t like, and sometimes hate to tell their stories I should’ve kept to myself… but maybe that’s just writing. Sa lahat ng nobelang isinulat ko, siguro That One Summer ang pinakamalapit sa akin, hindi lang dahil ito ang pinakasikat kundi dahil marami akong bakas at parte sa kwento at mga karakter nito. That One Summer has always been my least favorite novel, but it has a really special place in my heart. That’s where I started. And now, staring at the almost-blanked pages in my laptop, I can’t help but feel frustrated and worried… unbound yet captive, and carefree yet anxious. Sa mahigit dalawang taon ang nakakalipas mula nang huli kong isulat sina Soleil at Zion, nahihirapan akong gawan sila ng bagong ending… isang masayang ending. Hours passed by so quickly yet they felt like a long day. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa mga salitang itinitipa, sa kaharap na laptop, at sa kapeng nasa tabi nito. For the past three years since I started writing, palaging ganito ang set up ko pero hanggang ngayon, may mga sandali na hindi pa rin talaga ako sanay. Napahikab ako nang makaramdam ng pagod at pagkaantok. Sinarado ko ang laptop bago ipinatong ang ulo sa mesa… hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Hindi ko alam kung dahil ba hindi makatarungan ang sinulat kong ending kung kaya’t hanggang sa panaginip ay dinalaw ako nito… That One Summer (Alternate ending) — Soleil Noble Ever since I was a child, I have always believed happy endings, I always believed the power a love holds. Naniniwala ako kay Kupido at sa destiny sh*ts na ‘yan. Well… dati. I’ve always been so fascinated when it comes to that line ‘and they lived happily ever after’ in every fairytale’s ending. Siguro nga masiyado akong nalunod sa mga disney love stories noong mga panahong wala pa akong ideya sa pagmamahal na kung tutuusin ay sadyang napakalayo sa totoong buhay. Pero siguro, isa sa mga dahilan kung bakit na-stuck ako sa mga mala-fairytale na love stories ay dahil sa parents ko. Their story was once my favorite. Nakita ko kung gaano kamahal ng mga magulang ko ang isa’t-isa, kung paanong masaya at buo ang pamilya namin, at kung gaano ako kakuntento dati dahil sa pamilyang meron ako. But later on as I grew older, I realized that life is really not a fairytale. Hindi totoo na kapag nasa panganib ka ay biglang may darating na prince charming o knight in shining armor para iligtas ka. Hindi totoo na palaging may happy ending. Hindi totoo na palagi kang malaya. Hindi ko alam. Basta bigla na lang akong nagising isang araw, hindi na buo ang pamilya ko, hindi na masaya, nawala na lang na parang bula ang nakasanayan. Sa isang pitik lang ng tadhana, nagbago ang lahat. When we found out that my dad cheated on my mom, that is also exactly the day I realized that maybe all this time, I am believing on the other side of ‘love’ and ‘happy family’. Nalaman na lang namin na may kinakasama pala siya noon habang nagtatrabaho sa Maynila at nasa probinsiya kami, tapos may anak pala sila, dalawa. ‘Yong isa ay halos kasing-edad ko na. Mas matanda lang ako nang dalawang taon. Nakita ko kung paanong umiyak si Mama, kung paanong gumuho ang mundo niya, at kung paano siya nasaktan. At kasabay ng pagguho ng mundong iyon ay nawala rin ang saya at sigla ng pamilya namin. Bumalik si Papa, humingi siya ng tawad at tinanggap naman siya ulit ni Mama. Nakakatawa kung paanong para na lang kaming naglolokohan, nagpapanggap na maaayos pa ang lahat, na maibabalik pa ang lahat sa dati. My mom has always been the most precious person in my life. She’s that kind, she’s loveable, and she never wronged anyone… that’s why I can’t understand why my dad still cheated on her. Pero siguro nga ganoon talaga ang mga lalaki. Hindi nakukuntento. Hindi mapagkakatiwalaan. I feel like they are all the same. At siguro noon ding mga oras na iyon ko na-realize kung gaano kakomplikado ang sinasabi nilang pagmamahal. I once asked myself… bakit kaya ganoon? Bakit pinipili pa rin ng ibang mga babae na tanggapin ang lalaking nanakit sa kanila? Ang lalaking nanloko sa kanila? Ang lalaking sumira sa tiwala nila? Ganoon ba talaga magmahal? Kahit na tinanggap pa rin ng nanay ko ang tatay ko pagkatapos ng nangyari, hindi na rin kami kailanman bumalik pa sa dati. Sa huli, nagkahiwalay pa rin sila, at naiwan kami nang tuluyan. Twelve pa lang ako noon at ngayon, nineteen na. Seven years have passed yet the trauma is still here. Narito pa rin ang takot sa tuwing may nang-iiwan sa akin. Narito pa rin ang sakit, narito pa rin ang mga bakas, ni hindi ko magawang magtiwala ulit sa kahit kanino. Nahihirapan pa rin ako. Noong mga panahong ‘yon, hindi namin makausap nang maayos si Mama. Bata pa ang mga kapatid ko noon. Wala akong masandalan. Hindi ko alam kung saan lulugar, kung saan pupunta. Pero naalala ko, nandoon pala ang nag-iisa kong kaibigan noon, ‘yong nakababata kong si Zion. Kaklase at kapitbahay ko siya. Natatandaan kong pag-aari nila ‘yong malaki at magandang bahay sa lugar namin. Naging magkaibigan kami noong nasa elementary pa lang kami, umabot ‘yon hanggang highschool. Sobrang close namin. Naging magkasangga kami sa lahat ng bagay. Ang away ng isa ay away ng dalawa. Natatawa na lang ako kapag naaalala kong nakisali siya sa sabunutan noong elementary kami para ipagtanggol ako. Siya ang naging katulong ko noong mga oras na ‘yon na hindi ko na maayos ang pag-aaral ko dahil wala ako sa focus. Siya ang gumagawa at sumasagot sa assignments ko. Siya ang nagpapaalam sa teachers kapag absent ako. Without his help, malamang nahinto ako noon sa pag-aaral. Zion and I literally grew up together. Nang tumungtong kami sa highschool, parehas kami ng pinasukang school pero hindi na kami magkaklase. 2nd year highschool noong na-realize ko ang feelings ko sa kaniya. Hindi naman siya nagka-girlfriend noong highschool, wala rin siyang niligawan. Madalas pa nga na kaming dalawa ang napagkakamalang mag-girlfriend at boyfriend. Dahil nga sa laging siya ang kasama ko, hindi na ako nagkaroon pa ng ibang kaibigang lalaki. Maski magkaroon ng mga kaibigang babae ay kaunti lang. Pagdating ng kolehiyo, umalis siya, pumunta ang pamilya niya sa ibang bansa. Hindi ko alam kung bakit. Nagpaalam naman siya, pero hindi ko mahanap doon ang sagot sa mga tanong ko. Sa tatlong taon sa college, nahirapan akong mag-adjust. Nahirapan akong makipagkaibigan sa iba. In that three years, I went through a lot I can’t even name everything that happened. Traumas and uncountable pain I’ve encountered. That all happened to me in such a young age. But maybe all stories comes with a twist. Noong mga panahong nag-mo-move on ako, bumalik siya. He came back, at hinanap niya ako. At ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na after three years, nandito siya ngayon sa harapan ko at kasama namin. “Kumusta, Sol? Masaya akong… makita ka ulit.” And as I stare at him, I realized that maybe all this time, I really didn’t forget him. Maybe I really didn’t forget his promises, the feeling every time our eyes meet, and the feeling of being in love over him. For the past years since my dad left us and after everything that happened to my parents, I’ve said to myself that I will never marry anyone, I will never give myself and my heart to a guy, because if that is love and marriage, then I don’t want it. I’ve said to myself that I won’t believe in love anymore, but maybe… I still do. I am still hoping for a love I used to believe since I was young. And I am just waiting for someone who will make me believe again. And deep inside, I knew I am still longing for a love like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD