Nakahiga na ako ngayon sa aking silid nang matapos akong mag-shower at magbihis ng pantulog, isang pair nighties na lang ang aking sinuot ngayon, kulay pula na malabot ang tela, na sobrang eksi ng short at hanggang pusod lang din ang kapares nitong pang itaas at sobrang nipis ng strap at malalim sa may parting dibdib ang design.
Sanay na rin naman ako magsuot ng gan'to pagmatutulog, isa pa'y wala rin naman ibang tao rito maliban lang kina Mama at Papa.
Sobra ko rin na-miss 'tong silid kong 'to at muli ko namang naalala si Marie, lagi rin dito noon aking kaibigan, minsan nga natutulog din dito sa amin pag napagkakatuwaan naming manood ng mga k-drama or para magkuwentohan.
Ngunit nang nakapagtrabaho na si Marie ay bihira na rin nangyari 'yon, hindi ko tuloy na naman maiwasang makaramdam ng awa para sa aking kaibigan.
Napalingon ako sa aking cellphone ng sunod-sunod ang naging tunog nito, dahil agad ko na rin naman itong ikinonekta sa wifi kanina bago ako maligo.
Binuksan ko 'yon at tiningnan, ngunit puro notification lang din naman sa pic na in-post ko kahapon bago ako mag-flight.
Kinuhaan ko ng larawan ang aking sarili sa Dubai Airport kahapon habang ang anggolo ko'y kuha ang eroplano sa papalubog na araw.
Puro lang naman, 'Takecare and have a safe flight.' ang aking nababasa, maliban sa isang comment ni Unknown na naman, hindi ko 'to friend pero naka-follow 'to sa akin.
Bigla namang kumabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan, para bang may bagay na gusto tumbukin ang aking puso, ngunit hindi ko naman masabi dahil napaka-imposible naman talagang pag-aaksayahan ako ng oras o mag abalang pagtuunan ni Victor ang aking mga post.
'Let's watch the sunset together, Sweetheart. Soon..' comment ni Unknown, sabay tulo ng aking luha sa hindi ko maintindihang dahilan kung bakit gan'to ang aking pakiramdam.
Sinasabi ng aking puso na si Victor iyon, ngunit kabaliktaran naman ng sinasabi ng aking isip na hindi s'ya 'yan dahil imposible.
Mahigit dalawang taon ko na rin nakikitang palagi ito nag ha-heart sa aking mga post pero pag ang post ko ay may kasamang lalaki ay angry reaction ang nakikita kong reaction nito, ngunit nitong huli lang ito nag-comment sa lahat ng naging post ko, sa post ko kung saan nag-comment si Kuya Daved.
Binuksan ko ang profile nito saka ko pinindot ang message, susubukan kong tawagan sa videocall gaya ng advice ni Kuya Daved.
Ilang ring lang ay sinagot din nito pero napakunot naman ang aking kilay ng wala akong ibang makita kundi ang napakadilim ng camera sa kabilang linya, at sobrang tahimik walang nagsasalita, kaya hindi ko na natiis ang sarili kong tanungin ito.
"May I know who you are? I just wanted to know lang naman po, kasi ilang araw mo na rin akong pinag-iisip kung sino ba si Unknown, eh....So? Puwede ka bang magpakilala?" tanong ko rito ngunit nanatili lang itong tahimik sa kabilang linya, pakiramdam ko pinanood lang ako nito, kaya't muli akong nagsalita.
"Okay sige, kung ayaw mong magpakilala, okay lang, it's your choice, but I don't think I should give you a chance to be with me to watch the sunset. Since I don't know you naman, eh, 'di ba?" may halong pagtataray na sambit ko rito sa kabila ng pagtambol ng aking dibdib.
Aaminin kong iba talaga ang aking pakiramdam para sa taong ito na nasa kabilang linya lamang, at iba rin ang kabog ng aking dibdib.
Napataas naman ang kaliwa kong kilay nang marinig ko ang mahina nitong pagngisi, ngunit sa kabilang banda'y may biglang waring kilig naman akong naramdaman sa simpleng tunog ng pagngisi nito.
Napalingon ako sa pinto ng aking silid nang marinig ko ang pagkatok ni Mama, ipinatong ko ang aking cellphone sa stand nito na nakapatong sa bedside table at nakaharap ito sa pintuan.
Tumayo ako at tumungo sa pintuan upang pagbuksan si Mama ng pinto.
Naka-lock na aking pinto, kaya't hindi na rin makapasok si Mama, pagbukas ko ay bahagyang humakbang si Mama para iabot sa akin ang maliit kong maleta na naiwan pa sa sala, pagkatapos ay nagpaalam na rin ito.
Isinara ko na uli ang pinto nang makaalis na si Mama, ngunit bago ako bumalik sa kama ay dinala ko muna sa tabi ng aking closet ang maletang dinala ni Mama, pagkatapos ay saka ako bumalik sa kama at naupo, kinuha ko uli ang aking cellphone t'saka ko ito iniharap sa akin, alam kong nakikita ako nito at pinanood lang ang aking mga galaw, dahil imposible rin namang hindi n'ya ako kita sa camera mula napaka liwanag ng aking silid.
Ilang sandali ng aming pananahimik ay narinig kong bumuntonghininga ito, dahil hindi na rin ako nagsalita pa at pinakiramdaman ko na lang din ito.
Maya-maya'y muli 'tong bumuntonghininga kaya't 'di na ako nakatiis at muli akong nagsalita.
"Okay, Mr. Unknown. Hindi ka rin lang naman siguro talaga magpapakilala sa akin kaya mas mabuting matulog na lang ako, at baka sakaling sa panaginip ko man lang ay makilala na kita. Bye.." mataray kong sambit, t'saka ko pinindot ang end button.
Napa buntonghininga na lang ako nang tuluyan na itong nawala sa camera at napaisip habang nakatitig sa aking cellphone.
"Sino ka ba talaga? Bakit gan'to na lang kalakas ang epekto mo sa aking puso, mula pa kanina ay nagwawala na ang aking puso nang sagutin mo ang aking tawag, iba talaga ang pakiramdam ko, ramdam kong kilala kita, at alam kong kilala mo rin ako, pero bakit ayaw mong magpakilala? Masyado mo namang ginugulo ang aking isip, pati ang puso ko'y nagagawa mo pang idinadamay," mahina kong sambit habang nakatitig sa aking cellphone.
Humiga na ako at ibinalik ko na rin ang aking cellphone sa stand nito, t'saka ako umayos ng higa, muli ko na namang naalala si Victor, at napatanong na lang ako sa aking isip kung kumusta na ito at ano na rin kaya ang balita rito.
Simula nang umalis ako noon palaging sa social media lang nito ako nakasubaybay, puro post lang naman ng mga babae na kasama ito at naka-tag sa kanya ang aking mga nakikita.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi makaramdam ng inis at manggigil sa mga babaeng nakayakap sa mga braso nito, dahil pakiramdam ko'y nilalandi ng mga iyon ang aking mahal.
'Kala naman nila gano'n na sila kagaganda. Eh, mas maganda pa nga ako sa kanila.'
Napa buntonghininga na lang ako sa kung ano-anong tinatakbo ng aking isip.
Ano nga ba naman ang karapatan ko para kay Victor, kung gano'ng wala naman kaming relasyon, ni hindi nga man lang din siguro ako naalala ng taong 'yon.
"Kailan mo kaya ako mapapansin Victor ko? Maganda rin naman ako at sexy ah, pero bakit sila lang talaga ang napapansin mo?" mahina kong sambit, t'saka bumuntonghinga at ipinikit na lang ang aking mga mata dahil.
Gusto ko na rin talaga magpahinga dahil sa pagod na nararamdaman ng aking katawan at baka sakaling mapanaginipan ko pa si Victor na sa aking panaginip ay kilala na ako nito at baka sakaling mahalin na rin ako, kahit sa panaginip na lang.
_VICTOR's POV_
Narito ako ngayon sa aking condo at dito na muna ako umuwi pagkagaling ko sa opisina.
Sobrang dami na nang nangyari simula ng ma-hospital si Dad, sobrang dami na rin ng aking inaasikaso, at ngayon nga ay kailangan ko muna pamahalaan ang isa pang kumpanya namin sa Hong Kong dahil umuwi na rito si Kuya Vince sa Pilipinas, at ito na rin kasi ang papalit kay Dad.
Isa pa ding kinakaharap ng aming pamilya ay ang nangyayaring anumalya sa kumpanya at nalaman namin na malaking pera na rin ang nawawala doon, kaya't hindi natigil si Kuya sa pagpapa-imbestiga sa problemang iyon.
Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang aking social media, puro mga tag-post lang ang madalas kong makita pag nagbubukas ako ng aking mga account, napangiti ako nang maalala ko 'yong isang fake account na ginawa ko para ma-follow ko si Myra, hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginagawa, wala naman akong gusto para kay Myra.
Oo, kung sa ganda ay maganda rin naman ito, sexy, at alam kong hindi rin ito magpapahuli sa pagandahan at pa-sexy-han pagdating sa ibang mga babae, dahil ito man ay may mga gano'ng katangian din na tinataglay.
Hindi rin ito mababa, at kung tutuusin, paborito kong tingnan mula pa noon ay ang mahahaba nitong mga biyas, dahil long leged ito.
Alam ko sa sarili kong wala akong gusto kay Myra, ngunit bakit para akong asong ulol na laging nakamasid at nakabantay rito.
Naalala ko pa noon, no'ng nasa high school pa lang kami, nakikita ko itong laging palihim na nakabuntot sa akin o kaya naman ay palihim akong pinagmamasdan, madalas ko 'tong mahuli sa ganoong tagpo, at bigla naman 'tong iiwas ng tingin o kaya ay tatalikod, napapangiti na lang ako sa mga kilos nito.
Aaminin kong natutuwa ako sa mga gano'ng ugali ni Myra, minsan nga'y pakiramdam ko nakukumpleto nito ang araw ko.
Hanggang sa nakatapos ako ng high school at lumipat ng ibang school na mas malaki at kumpleto ang mga kurso.
Ngunit makalipas ang isang taon ay muli ko na naman 'tong nakita sa university kung saan ako nag aaral, napatawa na lang ako noon sa aking isip sa kaalamang muli na naman ako nitong palihim na sinusundan.
Nakaramdam ako ng tuwa at kung ano'ng klaseng damdamamin sa aking puso, na hindi ko naman mapangalanan kung anong uri ng damdaming 'yon.
Lumipas ang mga araw at naging gano'n na naman nga kagaya no'ng high school ang gawain ni Myra para sa akin, laging nakabuntot at nakasubaysabay sa lahat ng aking ginagawa kahit nga ang pagpunta punta ko sa mga bar kasama ang aking mga barkada ay nakikita ko pa rin ito sa lugar na 'yon.
Subalit hindi na lang ako nagpapahalata na alam kong nando'n ito, hanggang sa may naka-s*x akong babae na dinala ko sa aking kotse at doon ko ginalaw.
Nakita ko ring sumunod doon sa amin si Myra, at ayaw ko sanang galawin 'yong babaeng 'yon sa loob ng aking kotse noon kasi alam kong makikita at makikita 'yon ni Myra, ngunit hindi ko na rin napigilan ang aking sarili nang lalo kong maramdaman ang init ng aking katawan dahil sa ginawa ng babaeng 'yon na pagsubo sa aking p*****i.
Hanggang sa tuloyan na ngang may nangyari sa amin ng babaeng 'yon, habang nakatingin sa amin si Myra at kita ko pa sa mukha nito ang gulat at sakit na lumitaw sa mga mata nito, bigla 'tong tumalikod t'saka tumakbo.
Bigla naman akong waring natauhan at nakaramdam na para bang may kumurot sa aking damdamin, kaya't itinulak ko 'yong babae nang oras na iyon at pinababa ng aking kotse.
Mabili kong pinaharurot ang aking sasakyan pauwi sa mansyon, dahil nawalan na rin ako ng gana nang oras na 'yon at biglang nanlamig ang aking katawan nang makita ko ang sakit na namutawi sa mga mata ni Myra.
At simula no'n ay hindi ko na uli nakita pa si Myra, hindi ko na rin nakikitang palihin ako nitong sinusundan na kahit ultimo oras ng aking pagpunta sa cafeteria noon ay nakasunod ito, ngunit pagkatapos ng tagpong nasaksihan nito nang gabing 'yon ay hindi ko na nakita pa kahit na anino nito.
Naramdam kong lumayo na ito at umiwas, na hindi ko alam kung bakit, hanggang sa maka-graduate na ako at namahala na sa aming kumpanya ay wala na akong nabalitaan pang kahit ano tungkol dito.
Ngunit isang araw nagulat ako nang makita ko sa mansyon si Myra kasama nito sina Tita Rita at Tito Marvin.
Nakaramdam naman ako ng kung anong tuwa sa aking dibdib dahil muli ko 'tong nakita simula no'ng huli, no'ng nasa college pa kami.
Naupo ako sa upuang katapat ni Myra at nakinig lang sa mga pinag-uusapan ng mga taong nasa harapan ko, habang pasimple kong tinitingnan ang dalaga.
Subalit bigla naman ako nakaramdam ng matinding pagkabog sa aking dibdib nang makita kong bahagyang ngumiti si Myra dahilan upang lumitaw ang maliliit na dimple sa mga gilid ng labi nito habang nakatingin sa cellphone.
'Shiit! Bakit gan'to? Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.'
Pasimple kong hinawakan ang aking dibdib kung saan tapat ng aking puso, pagkatapos ay tumayo ako at umalis sa harapan ng mga ito, dahil hindi ko gusto ang gano'ng pakiramdam at alam ko sa sarili kong hindi ko 'to gusto.
Kaya imposibleng may nararamdaman ako para kay Myra, isa pa may babae akong gustong mapasa-akin at hindi ang babaeng aking nasa harapan.
Nagulat naman sina Mom sa aking ginawang pagtayo, ngumiti naman ako sa mga 'to saka nagpaalam pero muli akong tinawag nina Mom at Dad at muling pinaupo, dahil may mahalaga raw kaming pag-uusapan.
Naupo naman ako uli, t'saka ko muling pinakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
Nagulat ako nang sabihin ni Mom na gusto n'yang magtrabaho si Myra sa kumpanya namin ngunit hindi para maging empleyado sa kahit anong department kundi upang maging isang Company Nurse.
Napamaang naman ako sa aking nalaman dahil sa ilang taon nitong nakabuntot at pagsubaybay sa akin ay hindi ko man lang napansin o inalam kung ano'ng kurso ang kinukuha nito noon.
At bigla ko namang naalala ang uniform nito, kaya pala palagi 'tong naka-white pair uniform na skirt dahil nurse pala ang kinukuha nitong kurso noon.
Nakaramdam ako ng paghanga at tuw nang malaman kong maaari 'tong magtrabaho sa aming kumpanya at palagi ko na uli 'tong makikita, narinig kong in-offer-an rin ito ni Mom ng malaking sahod para hindi na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa ibang bansa, na bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang malaman kong may plano pala 'tong mangibang bansa, mas mapapalayo na 'to at lalong hindi ko na makikita pa sa aking paligid.
Naibulong ko na lang sa aking sarili na sana ay pumayag ito sa offer ni Mom, pero biglang bumagsak ang aking pag-asa na maaari ko 'tong makasama sa loob ng kumpanya nang marinig ang ang negatibo nitong sagot.
Tumanggi ito o tinanggihan nito ang offer ni Mom, napamura na lang ako sa aking isipan.
Hindi naman ako umimiik at nanatili lamang nakikinig sa kanila, hanggang sa nagpaalam na rin ang mga 'to ay hindi na talaga napilit ni Mom o hindi na talaga nagbago ang desisyon ni Myra na sa dapat ay kumpanya na lang namin magtrabaho.