bc

A Piece Of Paper 'Victor & Myra' (COMPLETED)

book_age18+
24.1K
FOLLOW
89.5K
READ
billionaire
pregnant
CEO
drama
twisted
bxg
office/work place
first love
nurse
wife
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila pag nagmahal ka, dapat sundin mo ang kung ano ang idinidikta ng 'yong puso.

Pero paano mo susundin ang idinidikta ng iyong puso kung iba naman ang sinasabi ng 'yong isip.

At paano mo pakikinggan ang isinisigaw ng iyong isip kung ang taong nilalaman na mismo ng iyong puso ang nagsasabing wala kang puwang sa kanyang mundo, sa mundong una pa lang ay pinangarap mo nang pasukin.

"It's just A Piece Of Paper?"

Hanggang saan at kailan ka kakapit para sa isang kapirasong papel?

Sa isang kapirasong papel na alam mong nasa'yo ang karapatan.

Ngunit paano ka lalaban kung ang karapatan mo ay tanging nasa kapirasong papel lamang at wala sa puso ng lalaking isinisigaw ng iyong puso.

"It's just A Piece Of Paper, Myra!!" -Victor

"Oo, Victor!! At ang kapirasong papel na iyan ang aking patuloy na pinanghahawakan para lang manatili kang akin!!" -Myra

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
(PAALALA lang po, ang istoryang ito ay sumasailalim pa rin po sa pagsasaayos ng mga mali. Kaya sana ay maunawaan po ninyo kung hanggang ngayon ay napaka-kalat pa rin po ng aking mga story. Salamat po.) MYRA's POV "Nakakapagod na namang araw," mahina kong sambit habang nag‐aayos ng aking mga gamit, dahil sa natapos na namang oras ng aking duty sa hospital na aking pinagtatrabahohan dito sa Dubai. Pang umaga ngayon ang aking shift, at three years na ring halos palaging gan'to ang aking routine sa araw araw. Sa totoo lang, Canada talaga ang target country ko noon, ngunit dahil sa isang kaibigan ay nahikayat akong dito na lang kami mag-apply. Pumayag naman ako upang masubukan ko rin muna ang Middle East, and after graduation nag-take agad ako ng board exam and after my first take of board examination nakapasa naman ako, kaya't agad ko ring inasikaso ang aking License for Nursing. At nang makuha ko na rin ang aking lisensya'y nag-apply naman ako agad sa isang malaking hospital sa Manila, and after six months nag-apply naman ako to work abroad, na agad din naman akong natanggap. Unang taon ko rito noon ay nakauwi rin ako agad after a year upang magbakasyon, ngunit noong nakabalik na ako uli rito'y hindi na muna ako umuwi, kaya ngayon'y dalawang tao na rin akong hindi nakakauwi sa Pilipinas. Subalit nag-file na rin naman ako for my vacation sa Management at naipasa ko na rin ang mga papel na hinihingi nila. At ngayo'y hintay ko na lang din na aprobahan nila para makapagbakasyon na rin muna ako. Aminado naman ako sa aking sarili na sobra ko na ring nami-miss ang aking mga magulang, gano'n na rin ang aking nag-iisang best of friend na si Marie. Hindi ko pa rin masabi sa kanila ang plano kong pag-uwi dahil wala pa rin namang approval sa hinihingi kong bakasyon mula sa mula sa management. "Oy, sis," mahinang tawag sa aking ni Jona. Napalingon naman ako at ngumiti, "Hhmm?" simpleng tugon ko. "Tuloy ka ba for your vacation sa Pilipinas?" tanong ni Joan, habang inaayos na rin nito ang sariling mga gamit sa lamesa. Ito 'yong kaibigan kong naghikayat sa akin na magtrabaho rito sa Dubai. "Gusto ko na talaga, sis, eh. Kaso wala pang approval mula sa itaas," 'tsaka ako bumuntonghininga, "Sana nga paboran, miss ko na rin kasi sa atin, eh." sagot ko na bahagya ko lamang itong nilingon at muling nagpatuloy sa ginagawa. Naramdaman ko naman ang marahan nitong pagtapik sa aking balikat. "Ano ka ba? Think positive lang, t'saka I'm sure papayagan ka n'yan kasi last year hindi mo naman ginamit yong vacation mo 'di ba?" pagbibigay naman nito ng positibong sagot. Ngumiti ako t'saka tumango. "Kung sa bagay, tama ka rin," tugon ko, "Ano? Sabay ka na ba? Pauwi na ako, eh. Grabe talaga 'no? Nakakapagod 'tong araw na 'to, gusto ko na na talagang matulog," sambit ko t'saka ako nag-unat ng katawan. Tumango ito, "Oo, pauwi na rin ako, kaya tara na." pag-aaya naman nito. Nang makauwi kami sa aming apartment ay agad na rin akong naglinis ng katawan at nahiga. Tiningnan ko ang oras sa pinas at nakita kong gabi na rin doon sa mga oras na 'to, kaya't hindi na muna ako tumawag at minabuti kong ipikit na lang din ang aking mga mata para makapagpahinga na rin. KINABUKASAN nagising ako sa aking alarm at bumangon na rin upang makapagasikaso na sa pagpasok ko sa trabaho. Alas nuebe ng umaga ang aking duty ngayon hanggang alas singko ng hapon. Sampung minuto bago mag-alas nuebe ng umaga ay nakarating sa hospital, na kamuntikan pa akong ma-late sa oras. Dali-dali naman akong pumasok sa hospital at nag-time-in para sa mga kagaya kong nagtatrabaho rito. Agad na rin akong dumiretso sa aking puwesto nang matapos, ngunit hindi pa man nag-iinit ang aking puwet sa upuan ay lumapit sa akin ang aming head para ibigay sa akin ang papel for approval. Nanlaki ang aking mata dahil sa tuwa. "Yes!" malakas kong sambit, "Makakauwi na uli ako," t'saka ako tumwa. Nagtawanan naman ang aking mga kasamahan na karamihan din sa mga ito ay mga pinoy. Kaya no'ng unang dating ko rito'y hindi rin naman ako nahirapang mag-adjust dahil pakiramdam ko nasa Pilipinas din lang ako. "Congrats!" masayang bati sa akin ng aking mga kasamahan sa trabaho, at agad rin naman akong nagpasalamat. "Oy, congrats, sis," bati ni Joan, "Buti ka pa. Ako hindi ko pa alam kung kailan, eh," malungkot nitong sambit. Ngumit ako, "Ano ka ba? Makakauwi ka rin, sabi mo nga, 'di ba, think positive," sagot ko rito t'saka ko sinabyan ng kindat. "Haiisst.." buntonghininga nito. "Sana nga, sis." walang buhay nitong sambit, kaya't hindi ko naiwasang hindi mapatawa. Lumipas na naman ang maghapon at isang oras na lang ay tapos na naman ang aking duty. Nang matapos ako sa ilang pasyente sa pagkuha ng vital sign ay bumalik na rin ako sa Nurse Station, kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas ng aking social media account, napatitig naman ako agad sa balitang lumabas sa aking newsfeed. Sikat na sikat talaga ang pamilyang Montemayor, naibalita agad ang pagkaka-hospital ni Ninong Vicente, ayon dito nagkaroon ito ng mild heart attack at dahilan daw upang.muling magbalik ang panganay na anak na matagal na ring nawala sa Pilipinas. "Oh, nakauwi na pala uli si Kuya Daved. Well, good for him. Sana naman nakalimot na s'ya ng tuluyan sa malanding Nicole na 'yon," mahina kong sambit. "Hoy,Miss. Salcedo. Ano'ng binubulong bulong mo d'yan?" puna naman sa akin ni Joan, t'saka ako marahang tinapik sa balikat. Nakaupo na ito sa aking tabi na hindi ko man lang napansin. "Ah, ito kasing nabasa ko, nabanggit na rin naman ito ni Mama sa akin kahapon. Na nasahospital nga raw si Ninong Vicente, pero 'tong balita kay Kuya Daved, ngayon ko lang nalaman na nakauwi na pala uli," paliwanag ko naman habang nakatuon ang pansin sa cellphone. "Ah, s'ya ba 'yong kapatid na panganay ng first love mo? Kaso'y hanggang ngayon hindi n'ya alam na first love mo s'ya? Sino nga ba uli 'yon? Victor Montemayor na nga ba ang pangalan?" pang-aasar ni Joan na sinabayan pa ng paghalakhak. Agad ko naman itong siniko, dahil baka may makarinig dito, ayos lang kung hindi kilalang pamilya ang sinasabi nito. "Sis, bibig mo. 'No ka ba?" saway ko rito pero tinawanan lang naman ako ng loka-loka. Muli ko na naman tuloy naalala kung saan at paano nagsimulang tumibok ang aking batang puso para kay Victor. Nasa highschool pa lang kami noon ni Marie nang dumating sa Pilipinas si Victor. At nasa 14 year old pa lang din ako noon, habang si Victor naman ay nasa fourth year highschool at kasalukuyang nasa edad disi sais anyos at graduating na ng highschool. Nag-transfer ito sa school na pinapasukan namin ni Marie. Hindi naman talaga pang puro lang mayayaman 'yong school namin, may mga estudyante rin na can afford ang tuition fee kagaya ko pero si Marie kasi ay scholar ng eskwelahan namin kaya doon din s'ya nakapasok. First day pa lang noon ng klase nang makita ko si Victor, no'ng una hindi ko agad ito nakilala dahil sa ang laki na rin sobra ng pinagbago nito, nag-matured na ito, na huling kita ko kay Victor ay no'ng nasa 9 years old pa lang yata ako noon, isinama ito ni Lola Susan sa ibang bansa at doon na pinag-aral pero makalipas ang limang taon bumalik uli ang mga ito sa Pilipinas. Nakatitig lang ako sa kanya, at no'ng makababa na ito ng kotse narinig kong sinabi ng kapwa ko estudyante na ito raw ang pangalawang anak ng mag-asawang Montemayor kaya bigla kong naalala na maaaring si Victor 'yon. Tinitigan ko ang mukha nito na s'yang ikinabilis naman ng t***k ng aking batang puso, halos hindi ko na alam ang aking gagawin, na para ba akong natataranta kahit wala naman akong ginagawa ramdam ko rin ang panginginig ng aking kalamnan dahil sa sobrang kaba. Sobrang guwapo na nito ngayon, makakapal na kilay, medyo may kaliitang hugis ng mata, matangos na ilong at maninipis na labi, at ang mga pangahan nitong hugis ng mukha ang lalong nagpalakas ng dating dito lalo na pag bahagyang gumagalaw ang panga nito na para bang nanggigigil, malapad na dibdib at magandang hugis ng mga balikat at ang mataas nitong height na hindi angkop sa edad nitong 16 years old. Habang papalapit ito ay lalo namang ikinakabog ng aking dibdib na para bang gusto ng lumabas ng aking puso. Hanggang sa mapatingin ito sa akin at nagtama ang aming mga paningin, na lalo naman akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan, ramdam ko na rin ang panghihina ng aking mga tuhod dahil sa sobrang kaba ng aking nararamdaman pero 'di nagtagal ay umiwas na rin ito ng tingin na para bang hindi man lang ako nito kilala o hindi man lang ako nakilala. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa isiping maaaring hindi na nga ako nito kilala o tuloyan na ngang nakalimutan. Naalala ko pa noon, noong mga bata pa kami, nakikipaglaro rin naman ito sa akin pero madalang nga lang kasi lagi itong busy sa paglalaro ng mga gadget o kaya naman minsan nakikita ko 'tong nagbabasa ng libro. Sa buong taong 'yon wala akong ginawa kundi palihim ko 'tong tingnan o sundan, napakaseryoso nito at hindi ko man lang nakitang sumali ito sa mga sports o activity sa aming paaralan. Marami na rin akong nabalitang halos lahat ng magaganda rito sa school namin ay nakarelasyon na raw ni Victor pero isa hanggang dalawang araw lang daw, sabi nga ng iba pagnakuha na raw ni Victor ay ibinasura na raw nito na akala mo'y nagbalat lang ng candy pagkatapos ay itatapon na lang sa basurahan ang pinagbalatan. Hindi ko naman makayang paniwalaan dahil bukod sa minor age pa ito, ay gano'n na rin ang mga babaeng nali-link dito, ngunit sa balitang 'yon hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa aking puso kahit hindi man nito alam ang aking tunay na nararamdaman para dito ay masaya na akong lihim ko itong minamahal. Alam kong darating din ang araw na mapapansin din ako nito at pag-uukulan ng oras. Hanggang sa mag-college ako ay sinundan ko pa rin ito sa eskwelahang pinapasukan nito, pinilit ko pa nga noon si Marie maaring doon na rin ito mag-aral nang sa gano'n ay magkasama pa rin kami, ngunit ayaw na talaga nitong mag-aral at pinili na lang ang magtrabaho, dahil kailangan raw makatulong sa pamilya. Pinilit ko rin sina Mama na sa school na 'yon na lang ako mag-aral kung saan doon din nag-aaral si Victor, nalaman ko rin na parehas lang ng school na pinapasukan ni Kuya Daved kaya't natuwa naman ako, dahil kahit papaano mabait naman ito sa akin at kapatid na rin kung ituring ako ni Kuya Daved. Lumipas ang mga taon na lagi kong nakikita si Victor at nasasaksihan ang mga ginagawa nito, ang magpapalit-palit ng babae na akala mo'y nagpapalit lang ng damit, ang palagian nitong pagpunta sa mga bar kasama ang barkada at makipaglandian sa mga babaeng halos luwa na ang mga kaluluwa ng mga ito dahil sa sobrang tipid ng mga telang suot sa katawan. Dumating pa nga ako sa puntong ultimong pakikipag-s*x nito sa loob ng kotse ay akin ring nasaksihan na halos parang pinipiga ang aking puso nang mga oras na iyon. Kitang-kita ko ang ginagawa ng mga ito sa loob ng kotse, na kahit ang pag-uga ng sasakyan at mahihinang ungol na lumalabas dahil sa nakabukas na bintana ng sasakyan ay hindi nakatakas sa aking pansin. Wala man kaming relasyon at tanging ako lang talaga ang nagmamahal ay pakiramdam ko'y pinagtataksilan ako ni Victor. At kahit man lang ba kilalanin ako nito ay hindi nito ginawa, gano'n ako sobrang kahumaling kay Victor na lagi akong nakabuntot. Umuwi ako ng gabing 'yon na sobrang bigat ng aking nararamdamang sakit sa aking kalooban. Ilang araw rin akong nag-isip kung dapat ko pa ba 'tong sundan ng palihim at tingnan o hindi na, kasi habang tumatagal lalo lang ako nahuhumaling para dito. Simula no'n nagdesisyon na lang ako akong tumigil na sa aking ginagawa sa pagsubaybay o ang pagsunod-sunod kay Victor. Nanahimik na ako at hindi na ito sinundan o ang inalam pa kuna ano na ang mga ginagawa nito, dahil lalo lamang akong nasasaktan o lalo ko lamang sinasaktan ang aking sarili. Hanggang sa nakapagtapos na ito sa kolehiyo at nagsimulang pamahalaan ang kanilang company, at ako naman ay hinintay pa ang isang taon bago maka-graduate, at nang makatapos ay agad na nga akong nagtrabaho sa abroad dahil baka sakaling sa aking paglayo ko ay makalimutan ko na rin ang lihim kong pagmamahal para kay Victor. Subalit nagkamali ako, dahil sa ginawa kong 'yon ay para namang lalo ko lang tuloy itong iningatan sa aking puso, halos hindi na ito nawawala sa aking isip at araw-araw ko itong naaalala, na kahit ano'ng gawin ko o kahit saan ako pumunta. Marami rin namang nagtangkang manligaw sa akin ngunit lahat ng mga 'yon ay wala akong pinansin dahil para sa akin ay wala nang makahihigit pa kay Victor. At sa pananatili ko sa bansang ito ay walang araw ko 'tong hindi sinisilip sa mga social media account at sa lahat ng account nito ay naka-follow rin ako. Ganoon na nga talaga marahil kalalim ang aking nararamdaman para kay Victor, kahit minsan ay hindi man lang ako nito pinansin o pinag-ukulang lingunin, na para nga lang ako ritong hangin, na hindi nakikita sa paligid kahit alam nitong nasa malapit lang din ako. Napa buntonghininga na lang ako ng malalim dahil sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan, kung paano nagsimulang umusbong ang aking nararamdaman para kay Victor. Bahagya akong napapitlag ng magsalitang muli si Joan sa aking tabi. "Hoy!" malakas nitong sambit at may kasama pang pagtap sa a aking balikat. "Saan na ba nakarating 'yang isip mo? masyado na yatang malayo ang nilakad. Kanina pa ako daldal ng daldal dito, eh,pero walang Myra na sumasagot. Mukhang nahimbing na yata sa pag-iisip sa kanyang first love," may halong panunuksong sambit ni Joan, t'saka sinabayan ng ngiti. Napailing na lang ako rito at tumingin sa orasan. Kinuha ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Marie dahil alas singko na rito habang sa Pilipinas naman ay alas nuebe na ng gabi, na maaaring baka gising pa rin ito, dahil excited na rin kasi akong ibalita rito ang aking nalalapit na pag-uwi. Ilang ring lang naman din ang aking narinig nang sagutin nito ang aking tawag, kaya't hindi ko naman napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. "H-hello, Myra? Napatawag ka? Kumusta ka na d'yan?" rinig kong sambit ni Marie nang sagutin agad nito ang aking tawag. "Hello, Jhoy!" malakas ko namang sagot dito, at narinig kong para naman itong nainis sa aking ginawang pagsigaw na ikinatawa ko naman. "Ano ka ba namang babaeta ka, kulang na lang maglaglagan ang aking inipong kayaman sa loob ng maganda kong tainga sa lakas ng sigaw mo." may halong pagtataray naman nitong sagot sa akin dahilan upang mapahalakhak ako. "Ito naman, na-miss lang kita, bes, kumusta ka na ba? S'ya nga pala may good news ako sa 'yo." masigla kong sambit. "Eh, ano namang good news na 'yan? Sabihin mo na lang, 'wag mo na akong paghintayin kung good news din lang naman 'yan." halatang naiinip naman nitong tugon, na muli kong ikinatawa. "Excited lang, bes?" pang-aasar kong sambit. Humalakhak ito, "Ano nga kasi 'yon?" pangungulit nito. "Bes!" sigaw ko sa kabilang linya. "Pauwi na ako next week. Inaprobahan na ang aking bakasyon kaya makakauwi na ako. At dahil d'yan isang masiglang 'yeeehey! dahil makikita na uli kita!" masigla kong sambit dahil sa nararamdaman kong kaligayahan. "Wow! Talaga!?" 'nagulat naman nitong sambit na para bang hindi agad makapaniwala, "Na-excite naman ako bigla. Dalawang taon na rin kitang nami-miss, ha? Ilang buwan naman ang bakasyon mo rito?" Bumuntonghininga ako, "Three months lang, bes, kaya dapat nating sulitin ang pag-uwi ko, ha? Madami akong ikukuwento sa 'yo at gano'n ka rin syempre." t'saka ako tumawa. Naramdaman ko naman ang kasiglahan sa boses ni Marie, "Sige, bes, hintayin ko ang pag-uwi mo. Excited na akong makita ka, sobra." pagkatapos ay bahagya kong narinig ang mahina nitong pagtawa. "Syempre, ako rin, bes. Sige na, bye na muna. Nasa duty pa ako, eh," sagot ko at nagpaalam na rin. "Ikaw talaga, nasa trabaho ka pa pala, eh, bakit ka tumawag?" waring nanenermon nitong sambit. "Ikaw naman, syempre na-excite lang sa magandang balita. Oh, sige na, bye na. Kumusta mo na lang ako kina Mang Ruben at 'Nang Liza, ha? Bye!" masigla kong sambit pagkatapos ay pinutol ko na rin ang linya. Napangiti na lang ako ng malapad pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni Marie. Sobrang nami-miss ko na si Marie kaya excited na rin talaga akong makita ito, ang natatangi kong matalik na kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook