"I'M DELIGHTED that you accepted my invitation, Camilla Ventura," putol ni Mr. Dalas sa katahimikan.
Kahit na ayaw niya itong makaharap ngayon ay tipid niya itong nginitian. She had no choice but to do this for his father. Ayaw niyang mapahiya ito dahil sa kanya.
"It's all my pleasure, Mr. Dalas."
"Cut the formality. Call me Froi."
Lihim niyang nahigit ang kanyang hininga nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi naman sa nandidiri siya, but Mr. Dalas three times older than her. Kung titingnan mo parang mag-ama na silang dalawa.
"Camilla, you already know I'm interested in you."
Nangingiwing marahan niyang binawi ang kamay na hawak nito. "I don't mean to be impolite, but you already know I'm not interested in how you feel. I came here for business just like what my father told me, Mr. Dalas."
Pumayag siya sa request ng kanyang ama na siya ang pumunta sa dinner meeting nito kay Mr. Dalas, kaya heto siya ngayon tinitiis na makasama at makaharap ang manyakis na matanda.
"Business?" Pagag itong tumawa. "Alam ng ama mo na interisado ako sayo, Camilla. At alam natin pareho na gusto ng ama mo na maging kasosyo ako sa isang retail company, kaya walang pagdadakawang isip na ibinibigay ka niya sa akin."
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Kinikilabutan siya sa sinasabi nito. Alam niya na mataas ang ambisyon ng kanyang ama na magkaroon ng sarili nitong kumpanya pero hindi niya akalain na ibinubugaw na siya ng sariling ama.
"He's giving me to you? That's far too much, Mr. Dalas. I don't mean to be rude, but as the vice president of Secret Garden, I don't need your help just to have my own business."
Sinimsim nito ang alak na nasa baso nito. "Just like Ava Ventura, you have a sharp mouth, Camilla."
"Thank you if that's a compliment, Mr. Dalas."
"I was wondering... Are you the same with others who use their body to get what they want?"
Matamis niyang nginitian ang matanda. "Kung gagamitin ko rin lang ang katawan ko, sisiguraduhin kong sa taong mapapakinabangan ko ng husto."
Malisyosong humaplos ang kamay nito sa kamay niyang nasa lamesa. "Name your price, Camilla."
Magsasalita na sana siya nang may lalaking basta na lang lumapit sa kanila. "Mr. Dalas?"
Kunot ang noong tiningala niya ang lalaki. Ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala niya kung sino ito. Ngiwing yumuko siya para itago ang kaniyang mukha. Bakit sa dinami-raming lugar bakit dito pa sila nagpang-abot?
"Good evening, Ms. Ventura," bati nito sa kanya.
Walang choice kundi ang angatan niya ito ng tingin at tipid na nginitian. "Oh! Mr. Fortalejo. Good evening too."
"You have meeting with Mr. Dalas?"
Naguluhan siya sa tanong nito kaya walang sagot na lumabas sa bibig niya.
"No. I'm her date, Mr. Fortalejo," si Mr. Dalas ang sumagot.
"Date?"
Gulat na tiningnan niya ang matandang lalaki. Ang kapal naman ng mukha nito para sabihing date niya ito! Kahit siguro magunaw ang mundo hinding-hindi siya papatol dito, baka mahawa pa siya ng kung anong sakit meron ito.
Tumikim siya at pinilit na huwag mawala ang ngiti niya sa mga labi. "You want to know my price, Mr. Dalas? I'm afraid you can't afford me." Kulang pa ang perang mayroon ka para mabili mo ako."
Puno ng pang-iinsultong tumawa ito. "Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Camilla. Don't act as if you're still a virgin. We all know what kind of woman you are—"
Hindi na nito natuloy ang dapat pang sabihin nang buhusan ito ni Marco ng alak sa ulo. Gulat na tiningnan niya ang binata. Sa ginawa nito para itong naghahamon ng away.
Galit na tumayo si Mr. Dalas at dinuro si Marco. "How dare you!"
Tinabig nito ang daliri ng matanda na nakaturo sa kanya. "Hindi naman tama na bastusin mo ang ka-date mo, Mr. Dalas. Kung ayaw mong pagpiyestahan tayo ng paparazzi rito, mabuti pang umalis ka na."
Dahil sa takot na maiskandalo ito ay di na ito nagsalita pa. Galit na tumingin sa kaniya si Mr. Dalas at pagkatapos ay kay Marco bago ito nagpasyang umalis.
"You shouldn't do that," aniya rito.
Walang emosyon ang mga mata na tiningnan siya nito. "Ginawan lang kita ng pabor, Ms. Ventura."
"Pabor?" Natawa siya. "I don't need your help. Hindi mo ba alam sa ginawa mo—"
"Kung hindi ko ginawa iyon parang pinatotoo mo na rin ang sinasabi ng iba."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Kung naniniwala ka sa chismis sana hindi mo na lang ako tinulungan. Next time, don't meddle in other people's business. Mr. Fortalejo. Sinisira mo ang diskarte ko." Inis na tumayo siya at walang paalam na nagmartsa palabas ng restaurant.
Nanghihina ang mga tuhod na napasandal siya sa kanyang sasakyan. Nakakagulat ang mga nangyari, lalo na sa ginawa ni Marco. Hindi niya alam kung bakiy ito biglang nanghimasok sa kanila kanina.
Dinama niya ang dibdib, hanggang ngayon ang bilis-bilis pa rin ng tahip ng puso niya. Pero hindi ito ang dapat niyang intindihin kundi ang kanyang ama. Siguradong manggagalaiti ito sa galit once nakarating na rito ang ginawa ni Marco kay Mr. Dalas.
Buntong ang hiningang sumakay siya sa kanyang sasakyan at minaniobra paalis sa lugar na iyon. May maikukwento na naman siya kay Monica na siguradong magugustohan nitong pakinggan.
"DAPAT ba kitang tanungin kung bakit mo ginawa 'yun?" Kunot ang noong tanong ni Azi sa kaniya.
Kibit-balikat na naupo siya. Kahit man siya ay hindi niya alam kung bakit bigla siyang umentra sa usapan ni Mr. Dalas at Camilla Ventura. He knew Camilla because she is a Ventura, but he had never spoken to her before.
"You warned me to stay away from the Venturas because they're walking disasters, pero mukhang ikaw ang dapat kong pagsabihan." Natatawang umiling si Azi na ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.
Nagbuga siya ng hangin. "I know Mr. Dalas when it comes to women—"
"When was the last time you meddle in someone else's business, Marco? Iyon ang pinaka-ayaw mo sa lahat, o baka naman naagaw ni Camilla Ventura ang atensyon ng isang Fortalejo?"
Pagak siyang natawa. He couldn't deny Camilla's beauty. He has seen many beautiful women, but Camilla is unique in her beauty. Nanghihinayang lang siya kung sa isang matandang mayamang madaling mamatay lang ito babagsak.
Marami siyang naririnig na hindi magandang kumento patungkol sa magpinsang Ventura lalo na kay Camilla na muntikan na niyang paniwalaan, pero nagbago iyon nang makita niya ang pangamba sa mga mata nito kanina.
Natatawang umiling siya. "She's not my type, Azi, kung 'yan ang ibig mong sabihin. Kung magkakaroon man ulit ako ng interes na makipagrelasyon hinding-hindi sa isang Ventura."
"But your eyes tells otherwise," pang-aasar pa nito.
Muli siyang nailing. "Imbis na ako ang pinoproblema mo, bakit hindi ang problema mo kay Ava ang intindihin mo?" pagliliko niya sa usapan.
"I accepted her marriage proposal."
Bigla siyang nabilaukan sa sinabi nito. Wala sa oras na napainom siya ng tubig.
"Marriage what?"
"That's why I came to see you today, to tell you that we were married this morning."
Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito. Kung minsan hindi niya maintindihan ang mga desisyon nito, pero ang magpakasal sa taong hindi nito lubos na kilala ay talaga namang nakakabigla.
"Nagpakasal ka kay Ava Ventura ng ganu'ng kadali?" Tumango ito bilang sagot.
Umiiling siya habang pagak na natawa. "Alam kong kailangan mo ng pera, pero hindi ka naman talaga naghihirap, Azi, para magpakasal sa kanya."
Nagkibit ito ng balikat. "This is exciting isn't?"
"Exciting my ass! We're talking about marriage here, and marriage is a lifetime commitment."
"Meron kaming pinirmahang kasunduan kaya hindi ko dapat problemahin ang annulment."
Nailing siya. "Sayo ko dapat sabihin ang; mukhang nakuha ni Ava Ventura ang atensyon mo, Azi." Nagkibit ito ng balikat bilang sagot.
At muli, naukopa na naman ni Camilla ang isipan ni Marco na agad niyang pinilig ang ulo. Ganito lang siya dahil matagal na siyang hindi nakatikim ng init. Kailan ba ang huli? One week?
"Would you like to go to the bar tonight?"
Umiling ito. "Luluwas na kami ni Ava sa La Union mamaya."
"Whatever."
Sinipat nito ang relong pambisig. "I have to go."
"Ingat kayo sa byahe."
"Thanks, Bud." Tinapik siya nito sa balikat bago ito tuluyang umalis.