bc

His Sweet Surrender

book_age18+
75
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
second chance
drama
bxg
city
surrender
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Isang panaginip para kay Camilla na mahalin din siya ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal.

Hindi naman akalain ni Marco na muli siyang iibig sa ikalawang pagkakataon. Pero paano kung malaman niya na ang babaeng minahal niya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya sa loob ng limang taon?

Magagawa pa bang itama ni Camilla ang maling nagawa? Hanggang saan niya makakayang makita na masaya na si Marco ngunit sa babaeng unang minahal nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
"ARE you sure about this, Cam?" Nag-aalalang tanong ni Monica sa kaniya. Kinakabahan man ay mabilis siyang tumango. Kasalukuyan silang nasa isang bar kung saan ginaganap ang bachelor party para kay Marco Fortalejo. Nandito siya ngayon para gawin ang gustong ipagawa sa kanya ng kanyang ama. Her father wants her to make a plan para hindi matuloy ang kasal nila Marco at Claudine. Bakit hindi gusto ng kanyang ama na matuloy ang kasal ni Marco kay Claudine? Claudine is a daughter of Henri Salvador, the owner of Friendly Street Market. Kapag naikasal si Marco kay Claudine hindi malabong matulungan ito ng Salvador at maaaring matalo ang Secret Garden, iyon ang ayaw mangyari ng kanyang ama at ng kapatid nito. Inubos niya ang alak na laman ng baso niya. Sa ganung paraan man lang ay lumakas ang loob niya sa gagawin niya. Alam niyang mali ito, pero gusto niyang patunayan ang sarili sa ama. "I have to do this," aniya. "Hindi ka ba natatakot sa karma?" "I still have to do this, Monica. Kung hindi ko ito gagawin parang pinatunayan ko lang sa ama ko na mahina ako at walang kwenta." "Hindi naman sa ganitong paraan para mapatunayan mo ang sarili mo sa kanya." "You don't know my father, Monica. Hindi mo siya mapi-please sa isang simpleng bagay lang." Nagpakawala ng buntong-hininga ang kaibigan niya. "I know you, Cam, alam kong hindi mo ito basta gagawin lang ng walang sapat na dahilan. Tell me, bukod sa kagustuhan ito ng ama mo, ano pa ang ibang dahilan?" Nakipagtitigan siya rito para pagtakpan ang sarili na wala ng ibang dahilan, pero sa huli natalo siya. Humugot siya ng malalim na hangin at agad iyong pinakawalan. "I... I have an secret feelings for Marco," pagtatapat niya. Pagkabigla ang rumihistro sa mukha ni Monica. "Buong buhay mo, walang ibang lumalabas sa bibig mo kundi mga pangit na salita patungkol sa lalaking iyon, pero heto malalaman ko na may gusto ka sa kanya? Kailan pa?" Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at agad niya iyong tunungga. "Since high school." "That long? Kaya ba ginusto mo noon mag-aral sa King's Campus dahil doon din nag-aaral si Marco?" Marahan siyang tumango bilang sagot at muling nagbuga ng hangin. "Alam kong hindi ko ito dapat gawin, pero may bahagi sa puso ko na masaya ako kung hindi matutuloy ang kasal ni Marco at Claudine. Masisisi mo ba ako?" "But still it's wrong! Hindi pa huli ang lahat para itigil itong kalokohan mo." "Monica please... Nandito na ako. Nasa plano na ang lahat, aatras pa ba ako?" Muli siya nitong tinitigan, umiling at marahas na nagbuntong-hininga. "Tutulungan kita rito, pero ito na ang huling kalokohan na gagawin mo ito at kapag nagkabukuhan huwag na huwag kang lalapit sa akin na umiiyak habang sinasabi mong nagsisisi ka na." Tipid niya itong nginitian. "Thank you." "Don't thank me, hindi ko gusto itong gagawin natin." "Ma'am, naibigay ko na ho kay Marco," mahinang bulong sa kanya ng lalaking inutusan niyag mag-abot ng alak sa binata na merong pampatulog. "Thank you." Nang mawala na ito sa paningin niya ay muli siyang tumungga ng alak. "This is it." Ang lahat ay nasa kanyang plano. Mula sa taxi hanggang sa hotel na pagdadalhan nito. Lahat ng ito ay bayad, kaya sinigurado niya na walang mailalabas pagkatapos nito. Nang madala na si Marco sa hotel ay agad sioang sumunod doon ni Monica para gawin ang huling plano. Hinubad niya ang lahat ng suot niyang damit at tumabi kay Marco na mahimbing na natutulog. Sunod, pumaibabaw siya rito habang magkadaupang palad sila at lahat ng iyon ay kinukuhaan ng litrato ni Monica. Maingat na hinaplos ni Camilla ang pisngi ni Marco nang matapos ang mga ginawa nila ni Monica. Tipid siyang napangiti dahil gwapo pa rin ito kahit natutulog. Mahinang umungol ang binata tanda na malapit ng mawalan ng bisa ang gamot. "I'm sorry, Marco. Pagdating ng panahon na malaman mo ito sana napatawad mo ako," anas niya. Muli lang na umungol si Marco. Bago pa man ito tuluyang magising ay mabilis na umalis si Camilla sa lugar na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.4K
bc

The Sex Web

read
150.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook