Two

1140 Words
"ANO itong nalaman ko mula kay Mr. Dalas?" Agad na tanong sa kanya ng ama pagkarating niya sa mansion nito. Buntong hiningang naupo si Camilla sa upuan na kaharap ng lamesa nito. Agad siya nitong tinawagan pagkatapos ng ingkwentro niya sa matandang hukluban. "Actually, Dad, good timing ang paglapit ni Mr. Fortalejo-" "So, it's true, your conversation with Mr. Dalas was ruined because of that Marco Fortalejo?" "Yes. But-" "Tawagan mo si Mr. Dalas at humingi ka ng pasensya." "What?! Dad, binastos ako ng matandang 'yon! And I'm thankful Marco was there—" "Kailangan ko si Mr. Dalas para sa bagong kumpanyang inaasam ko, Camilla!" "Pero alam mo kung ano ang gusto niya sa akin, Dad!" "Ibigay mo. You need to please him. Ayokong minamaliit ako ni Ava-" "Ganu'n lang? Dahil lang sa pride mo handa mo akong ipagamit sa matandang 'yon? You don't care how I feel?" "Your feelings doesn't matter, Camilla. Ang mahalaga matuloy ang usapan namin ni Mr. Dalas tungkol sa negosyong pinaplano ko!" "Dad! Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dinuro siya ng ama. "Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo, Camilla Luis kung ayaw mong itakwil kita bilang anak ko!" Dismayadong tumayo siya at walang paalam na tinalikuran ito. Hindi niya ito nilingon nang tawagin siya nito at malalaking hakbang na tinungo niya ang nakaparadang sasakyan. Nasasaktan siya sa pagtrato nito at ramdam naman niya na walang pagmamahal para sa kaniya ang ama, pero hindi niya akalain na aabot sa ganito. Inis na sumakay siya sa sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Dumiretso siya sa paboritong bar na palagi niyang tinatambayan sa tuwing masama ang loob niya. Maraming lalaki ang lumalapit sa kaniya pero wala siya sa mood na mag-entertain. Ang tanging gusto niya ay ang mapag-isa lang at ilabas ang sama ng loob niya sa ama. Pero kahit na ilang beses nito pinapasama ang loob niya palagi lang din niya itong pinapatawad at muling iniintindi dahil magulang pa rin niya ito at utang niya ang lahat dito kung nasaan man siya ngayon. Nang mamatay ang kaniyang ina ay bigla itong dumating para kunin siya. Para siyang nanalo sa loto ng mga oras na iyon dahil pangarap niyang makaalis mula sa kahirapan. Pinag-aral siya nito at binigyan ng magandang buhay, kaya siguro kung ano man ang ipinapagawa nito ay iyon na ang mga kabayaran ng mga naibigay nito sa kanya. Nang maubos ang alak sa baso niya ay muli siyang umorder at agad din iyong tinungga. "Can I join you?" tanong ng lalaki sa kanyang likuran. Pang-ilang tanong na ba 'yun? Nakakairita lang dahil paulit-ulit na lang. "No." mabilis niyang sagot. Pero kahit na sinabi niyang hindi ay umupo pa rin ito sa tabi niya, kaya inis na nilingon niya ito. "Bakit ba ang kulit mo! Sinabi ng ayoko! Gusto konh mapag-isa—" Natigilan siya nang makilala kung sino ang lalaking nasa kanyang tabi sa mga oras na iyon. Dala na ata ito ng alak "Marco Fortalejo?" mahina niyang banggit sa pangalan nito. Nakakaloko itong ngumiti. "May iba pa bang Marco Fortalejo maliban sa akin, na mas gwapo at matipuno?" Of course wala. Wala ng ibang Marco na kasing kwapo at kasing tikas nito. Inismiran niya ito at inalis ang tingin dito para takpan ang paghanga sa mga mata niya. "Huwag kang ngumiti, naiinis ako sa pagmumukha mo." "Mukhang badtrip ka? Dahil ba kanina?" Muli niya itong tiningnan. "Sana kasi hindi ka na lang nangialam kanina. I can protect my self from that old man." "You won't let him insult you?" "Yes. Of course." Tila naman nakumbinsi ang lalaking kaharap. "I'm sorry." Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ko naman talaga minasama ang ginawa mo. Actually I really hate that old man, kaya salamat." "Kahit sinong lalaki gagawin ang ginawa ko." "Hindi lahat. Wala ng gentleman sa panahon ngayon." "So, I am a gentleman?" "Huwag kaagad lumaki ang ulo mo, Mr. Fortalejo." He chuckled. Ang tawa nito ay tila musika sa pandinig ni Camilla. Hindi siya lubos makapaniwala dahil dati sa malayo niya lang ito tinitingan pero ngayon na hindi niya lang ito basta kaharap kundi katabi niya ito at nakakausap. "By the way, I want to introduce my self to you properly." Muli niya itong nilingon. "Kailangan pa ba 'yan? I mean We already know each other because we work in the same industry." "I think it's necessary." "You think so?" Marco replied quickly. "Yes." "Okay. If you think it's necessary, go ahead." Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan. "I'm Marco Fortalejo." "Camilla Ventura," aniya na tinanggap ang pakikipagkamay nito." "Why is the beautiful woman drinking alone in this corner?" "Nag-aalis lang ako ng sama ng loob, Mr. Bolero," aniya na binawi ang kamay mula rito. Dahil kung hindi niya gagawin iyon baka mahalata na nito na meron itong ipekto sa kanya. Nangunot ang noo nito. "Sama ng loob? Kanino? Sa boyfriend mo?" "The last time I check wala akong boyfriend." Nagbuntong hininga siya. "Nag-aalis lang ako ng sama ng loob sa ama ko." Inubos niya ang natitirang alak sa baso niya. "Huwag nang pag-usapan. Ikaw, may kasama ka ba rito?" Umorder muna ito ng alak sa bartender bago siya nito sinagot. "I'm celebrating my best friend's wedding alone." Tumaas ang kilay niya. "Your best friend's wedding?" "Yes. Azi with your cousin, Ava Ventura?" Namilog ang bibig niya. "Oh! Oo nga pala. So, tayo ba ang magse-celebrate para sa kanila?" Natatawa niyang tanong. Umiling-iling ito. "I'm not mad at them. I just don't understand why it seems so easy for them to get married." "Actually, hindi ko rin maintindihan si Ava kung bakit niya ginawa iyon." "Knowing Ava Ventura, gagawin niya ang lahat para makuha ang lahat ng gusto niya." Iniwas niya ang tingin sa binata. Tulad niya na gumawa ng pagkakamali para sa pansariling dahilan. "I'm sorry," paumanhin ni Marco. "Hindi ako galit. Marahil hindi mo lang naiintindihan o ng nakararami ang desisyon ni Ava. Pero hindi siya masamang tao tulad ng tingin ng iba sa kanya o tulad ng pagkakakilala mo sa kanya." "I'm sorry. I don't mean to..." Nagbuntong-hininga ito. "You know I have my own issue about marriage... I'm sorry. I'm really sorry." He sincerely apologized. Nang tingnan niya ito ay nakatingin din ito sa kanya. His green eyes met her. Ngayon lang niya natitigan ng malapitan ang mga mata nito. Sush tantalizing eyes. Aniya sa kaniyang sarili. "So handsome..." anas niya. "What did you say?" He asked with a frown. Tila naman siya natauhan. Nagsalin siya ng alak sa baso at natungga niya iyon ng wala sa oras. "Want to drink with me, Marco?" Marco grinned. "You don't want to be alone now?" "Yes. Na-realize ko na boring din palang uminom ng mag-isa." "Sure. It's my pleasure, Camilla." May pang-aakit niya itong nginitian. Marahil dala ng alak kung bakit lakas loob niyang nagawa iyon. "Let's make this night, memorable, Marco."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD