Pagkatapos umupo ni mia sa hinila nitong upuan, para sa kanya ay hindi niya ma iwasan na kiligin sa simpleng ginawa nito. Habang umu order sila ay hindi maiwasan ni mia na tumitig sa kaharap niya at hindi siya makapaniwala na may pagka gentle man pala ito sa likod nang seryosong mukha at laging naka kunot ang noo, "pero gwapo parin ito kahit seryoso" sabi niya sa loob² niya
samantalang siya ay parang alalay lang nito.
"Speaking of alalay" na isip niya na naghahanap pala siya nang trabaho ngayun kung uuwi siya sa inuupahan niya patay siya kay mrs guada dahil wala siyang pambayad dito kaya mag hahanap siya nang paraan baka itong ka harap niya baka makatulong sa problema niya ngayun.
Pagkatapos nitong nag order ina abala ang sarili nito sa cellphone nitong hawak hindi kasi siya nag order hinahayaan lang niya ito ang mag order kasi wala naman siyang kaalam alam sa mga pagkain dito. "ehem" tumikhim siya para para ma kuha niya ang atensyon nito pero hindi man lang nag angat nang tingin sa kanya at busy parin ito sa kakapindot nang cellphone. "ehem" medyo nilakasan na niya kaya nag angat na ito nang tingin pero naka kunot ang noo "may problema ba miss santos" sabi nitong na iirita sa kanya at ngiti lang ang sinukli niya dito kaya mas lalong naka kunot ang noo nito
"Meron po mister" sabi niya na medyo na hihiya pa siya,nag taas lang ito nang isang kilay at parang hinintay siyang mag salita ulit. Pero hindi niya alam kong anung pumasok sa kanyang utak ay bigla nalang siyang lumuhod sa harap nito. Nakita niyang na gulat ito sa kanyang ginawa at napa tingin sa paligid. Nang tumingin din siya "oh my gush" napa tampal nalang si mia sa kanyang noo at napa yuko dahil marami na ang naka tingin sa kanila at may ibang mga mata na parang nang husga sa kanya, hiyang hiya siya sa kanyang ginawa pero huli na dahil naka luhod na siya.
"What the f**k are you doing! are you insane?!" at pinatayo siya nito, tumayo na rin siya dahil hiyang hiya na siya "anu ba mia bakit hindi ka muna mag isip bago mo gagawin yan, yan tuloy pinag titinginan na kayo" sita niya sa kanyang sarili "sorry" hinging pa umanhin niya dito, ang naka kunot nitong noo kanina ay napalitan nang galit na sa tingin niya ay nag aapoy na ito sa subrang galit sa kanyang ginawa.
"Miss kung may peoblema ka, pwede bang huwag mong dalhin dito para kang baliw sa inaasta mo!" sabi nitong nag pigil sa galit sa kanya. Sorry po mister desperada na po kasi ako" sabi niyang ma ngiyak ngiyak na siya dahil pakiramdam niya baliw na talaga siya. Nilagay nito ang cellphone sa ibabaw nang mesa at nag krus ang mga kamay sa dibdib at humilig ang mga balikat nito sa may upuan."look miss, kong anu man yan wala akong pakialam!" anitong seryoso talaga at nag aapoy na ang mukha sa galit. "Sorry po ulit sir hindi na po ma uulit" sabi niya dito at nag taas pa siya nang kamay para manumpa na hindi na niya talaga gagawin. Tiningnan lang siya at napaka seryoso nito at parang mama matay na siya base sa mga titig nito kaya yumoko nalang si mia para hindi niya makita ang mga tingin nitong nakakamatay at nag simula na siyang kabahan dahil hindi na ito umimik, nang iangat niya ang kanyang ulo ay naka tingin parin ito sa kanya pero hindi na ito ma syadong galit kaya pinag patuloy ni mia ang kanyang pakay dito.
"Bahala na si batman" sabi niya sa kanyang sarili "ehem" tumikhim muna siya para kumuha nang lakas "sir may gusto sana akong hinging pabor sayo" sabi niya at hinintay niya na sumagot ito pero hindi man lang sumagot kaya pinag patuloy nalang niya ang kanyang sasabihin dito. "gusto ko sanang mag apply nang trabaho sa inyu sir, wala kasi akong mahanap na trabaho kanina pa at.." na putol ang sasabihin ni mia dito dahil dumating ang kanilang inorder "wow ang sarap naman!" at ina amoy pa niya habang naka pikit kahit hindi pa niya na tikman ang mga ito ay sa tingin niya ay masarap ang inihain sa kanila. Biglang tumunog ulit yung kanyang tiyan dahil gutom na gutom na talaga siya kaya wala na siyang pakialam sa kanyang kasama at nilantakan na niya ang pagkain na nasa harap niya.
Hindin nakita ni mia na naka ngiti at napa iling nalang si adrian sa kanyang ginawa at pinagmasdan nalang siya nitong kumain dahil para siyang patay gutom kong kumain.
"Sir tikman mo to" at inilagay niya ang isda sa pinggan nito "tikman mo sir ang sarap" sabi niya na abala parin sa pag subo dahil gutom talaga siya. "miss santos" tawag sa kanya dito dahilan para mag angat siya nang tingin, at nanaman seryoso parin ang mukha nito. "mia, for short" at matipid siyang ngumiti at binalik nalang niya ang kanyang atinsyon sa pagkain dahil nakakaasiwa ang mga tingin nito.
"tungkol sa pag apply mo nang trabaho, anung kaya mong gawin?" tanung nito sa kanya na sumosubo na rin, na gulat si mia dahil hindi niya ini expect na tanungin siya nito kaya nag liwanag ang kanyang paligid, "sir?" tanung niya dito dahil baka nag ilusyun nanaman siya. " "Siguro narinig mo na ako miss santos" anitong na inis na sa kanya "ito naman pinaulit ko lang kong tama ba yung na rinig ko galit agad, haist! kong hindi kalang gwapo baka kanina pa kita na sapak". "May sinasabi ka ba?" tanung nito sa kanya, " aiist na rinig ata, huh!, teka baka nabasa niya ang isip ko!" bigla siyang yumoko dahil baka hindi lang isip niya ang mabasa dito kundi pati puso na niya, napa iling nalang si mia "miss santos ganyan kaba talaga parang baliw?" tanung nito sa kanya "po hindi po, amh," at nag isip siya kong anung idahilan niya "amh na miss ko na kasi si nanay" bigla siyang umiwas nang tingin dito dahil pakiramdam niya tutulo yung mga luha niya dahil talagang na miss na niya ang kanyang ina at kapatid na nasa probinsya. Tangu lang ang binigay nito bilang sang ayun sa sinabi niya.
Nawalan tuloy siya nang ganang kumain nang mapag usapan nila ang kanyang pamilya sa probinsya na miss na niya kasi, at kong kumusta na sila doon dahil wala siyang cellphone na magamit para kuntakin ang kanyang ina, mang hiram lang siya kay mrs guada para ma ngumusta sa kanila at doon din ganun din sila wala kasi siyang pambili dahil inu una niya ang gamot sa kanyang nanay at tuition nang kanyang kapatid kaya pareho silang nag titiis ngayun.
"Kaya mia kailangan kang maka hanap nang trabaho kahit katulong lang nito para maka tipid kana rin nang pang upa, tama yun dapat ang kanyang gawin at para makita ko lagi si sir, " napa ngiti siya habang kinikilig at may biglang na isip. Tiningnan muna niya nang ma igi ito bago nag salita nang marahan. "sir kong pwede po kahit katulong sir, willing po akong mag yaya" sabi niyang pilit pinasigla ang kanyang boses dahil pakiramdam niya may tumusok sa puso niya pag malaman niya na may anak ito.
Napahinto ito sa pag subo at nag angat nang tingin "nanaman naka kunot parin" sa loob loob ni mia na parang nawalan na siya nang lakas "mukha ba akong may anak" tanung nito sa kanya at tinuro pa ang sarili nito. "hehehe sorry po sir hindi naman po" at naka hinga siya nang maluwag nang marinig niya na wala pa itong anak "haist salamat".
"Pardon" tanung nito sa kanya hindi namalayan ni mia na naisatinig pala niya "huh! ahh wala po sir" at ni ngitian nalang niya ito nang matipid "gaga ka talaga mia, kahit kailan baliw ka talaga" galit niya sa kanyang sarili. Pero hindi siya titigil hanggat hindi siya maka pasok sa puso nito ay iste nang trabho. "Willing po akong taga luto, taga laba, taga plantsa, taga linis, all around sir kayang kaya ko basta tanggapin niyu lang po ako" sabi niyang nag mamakaawa na talaga siya. "alam mo miss santos sa mga sinasabi mo lahat nang mga iyan, ay meron na ako kaya sorry" sabi nitong ni lalaro ang pagkain at hindi tumingin sa kanya, na dismaya si mia sa kanyang na rinig pati ba naman katulong wala rin siyang pag asa, ginaya na rin niya ang ginawa nito.
Na alala ni adrian ang hiling nang kanyang lolo na may ma ipakilala siya dito ngayung darating nitong kaarawan. "Alam mo nag wanted ako ngayon" sabi niya at tumitig siya sa mga mata nito nagtama ang kanilang mga tingin nung mag angat ito at hindi maipaliwanag ni adrian kung bakit ganun nalang ang epekto nang kaharap niya sa puso niya, nakita niyang medyo kumonut ang noo nito pero hindi ito nag salita kaya nag patuloy nalang siya sa kanyang sasabihin "nag wa wanted ako ngayun nang perfect house wife, anu apply ka? tanung niya dito at muntik nang hindi ma pigilan ni adrian ang kanyang sarili nang makita niyang naka nga nga ito sa pagka bigla, kaya hinawakan nalang niya ang baba nito at marahang pina tikom "baka mapasukan nang langaw mahirap na" sabi niyang naka ngisi dahil nakita niya na parang na himas masan ito at kung anu anung pinupulut parang tanga talaga to hindi alam kong anung gagawin . naka ramdam si adrian nang tawag nang kalikasan kaya iniwan niya ito na hindi parin alam kong anung gagawin at hindi niya hinintay kong anung sagot nito.
Nang maka alis na ang lalaki ay na iwan parin si mia na parang tanga hindi alam kong anung gagawin "tama ba ang narinig ko nag wanted siya nang perfect house wife o nag iilusyun na naman ako" saka binatukan niya ang kanyang sarili "haist mia anu pa ang hinintay mo arat na sunggaban mona, ang pangarap mo lang ang maka pasok sa bahay niya pero ito opportunity muna to dahil hindi lang sa bahay baka s kwarto pa" kilig na kilig si mia gusto na niyang sumigaw dahil sa kilig niyang na ramdaman at tuwa dahil sa wakas mapa sa kanya na ang taong mahal niya pero hindi niya kilala "aray" napa aray nalang siya dahil binatukan niya ang kanyang sarili "Gaga ka talaga mia kanina pa kayo nag uusap at nang alok na nang kasal pero kahit pangalan niya hindi mo alam at ang tindi pa mahal mona agad" saway niya sa kanyang sarili, ito talagang puso niya pasaway din sutil na puso!