Wanted: Perfect House Wife
Alas kwatro na nang madaling araw ay naka sanayan na ni mia ang mag exercise at mag jogging. Habang tumatakbo siya ay may maka sa lubong siyang isang lalaki na sa tingin niya ay gwapo ito maganda ang pangangatawan,makisig, matipuno, matangkad, na sa tingin niya ay nasa 6foot ang height, parang nasa kanya na ang lahat nang katangian nang isang lalaki, Naamoy ni mia ang ginamit nitong pabango habang papalapit ito sa kanya.
Sadyang mamahalin ang ginamit nitong pabango base sa amoy nito. "hmm ang bango naman" sabi ni mia sa kanyang sarili habang kini kilig sa kanyang na isip, "stupid! mia santos kahit kailan ang landi mo talaga" saway niya dito.Nang malapit na ang lalaki sa kanya ay hindi niya ma alis ang tingin niya dito titig na titig siya sa mukha nang lalaki dahil bakit parang hindi niya ma syadong ma aninag ang mukha nito.
Saktong pag lagpas nang lalaki sa kanya ay biglang na tumba si mia dahil hindi niya alam na may ma apakan siyang bagay dahilan sa kanyang pag bagsak sana. Pero buti at nahawakan agad siya nang lalaki ngunit parang nakayakap ito sa kanya. Nang maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang beywang ay ang lakas nang kabog sa kanyang dibdib at lalo na nang ma amoy niya ang ma bango nitong hininga, ay may parang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan.
Nang mag angat siya nang tingin ay nag kasalubong ang kanilang mga mata at ang mga mata nito ay parang na ngungusap at nang mapa tingin siya sa labi nito ay parang nag anyaya sa kanya na halikan niya ito, kaya hindi na napigilan ni mia ang kanyang sarili ay agad niya itong hinalikan at ang akala niya ay smock lang pero nang tumugun ang lalaki sa halik niya ay lumalim pa ito at......
Tok tok tok "mia mia!! gising na!! buksan mo tong pinto" sigaw nang kumakatok sa kanya, kaya napa balikwas na lang si mia dahil gulat na gulat siya sa ingay nito sa labas. "Mia anu ba buksan mo tong pinto alam kong gising kana" patuloy parin ito sa pag katok pero hindi niya pina kinggan ang ingay sa labas bagkos pilit niyang ina alala ang kanyang magandang panaginip at saka pumikit uli siya at tinakpan niya ang kanyang tainga nang unan. "mia alalahanin mo dapat may karugtong ang iyong panaginip nandon na eh! maganda na sana yun" habang pinipilit niyang ibalik ang kanyang panaginip kong wala lang ma agang nam bwesit sa kanya ay..
"Ahhh shiiit!!" sigaw niya dito dahil hindi na siya maka tulog ulit "hoy babae ka anung nangyari sayo diyan,buksan mo tong pinto" sigaw ni mrs guada sa kanya nung ma rinig niya na sumigaw si mia. Habang si mia naman ay nag pa gulong gulong naman sa kanyang lumang kama dahil sa kilig at inis nang kanyang naramdaman, kilig dahil sa kanyang panaginip at inis dahil naputol ito. "mia anu ba buksan mo tong pinto o sisirain ko to" sigaw ulit sa kanya ni mrs guada dahil hindi parin siya kumilos para pag buksan niya ito "eh di sirain mo wala akong paki alam dahil sayo naman to" sa loob loob niya pero naka higa parin siya dahil wala siyang pupuntahan ngayun dahil wala na siyang trabho dahil nag tanggalan nang tao ang kompanyang pinagtrabahuan niya kahapon at isa siya sa na tanggal dahil high school lamang ang kanyang natapos.
" Haist buhay nga naman oh ang hirap" at napahilamos na lang siya sa kanyang mukha "mia anu ba na ririnig mo ba ako" sigaw ulit dito " patay si mrs guada pala muntik ko nang maka limutan" at mabilis siyang tumayo pero bago niya binuksan ang matanda ay may na isip nana man siyang kalokohan dito, ginulo niya nang ma igi ang kanyang buhok at tinakip ito nang bahagya sa kanyang mukha at pag bukas niya sa pinto ay gulat na gulat ito.
"Putchak kang babae ka anung ginagawa mo hindi ka nakakatuwa!" galit nitong sabi sa kanya at pilit hinahabol ang hininga nito at marahan nitong hina hagod ang dibdib "sorry po mrs guada hindi ko po alam kasi na ikaw pala yun kaya hindi na ako nag suklay" pag dadahilan niya dito "anu bang nangyayari sayo bakit sumisigaw ka at matagal mo akong pinagbuksan nang pinto" ani nito na pilit kinakalma ang sarili.
Medyo na konsinsya si mia sa kanyang ginawa dahil kitang kita niya ang mukha nito na gulat na gulat ito at parang ma ubusan na nang hangin ang matanda. Sinu ba naman ang hindi ma gulat sa kanyang hitsura na naka white shirts siya tpos gulong g**o ang kanyang buhok na mataas at tinakip pa niya ito sa kanyang mukha at pag bukas niya sa pinto ay hindi siya nag salita basta - basta nalang niyang binuksan ang pinto kaya gulat na gulat ito sa kanya kaya medyo na awa siya sa matanda kaya hinagod hagod na rin niya ang likod at dibdib nito "sorry po mrs guada kayo po kasi binulabog niyo ang tulog ko" hinging paumanhin niya dito "at pati na rin ang panaginip ko basta basta niyo nalang pinutol" dagdag pa niya rito na hindi niya maisa tinig "ikaw talagang bata ka kahit kailan hindi ka nag babago sa ugali mo pasaway ka parin" at parang naka move on na ang matanda dahil sa pag hagod niya sa may likod nito
"O siya huwag mo nang uulitin yon dahil mamatay ako nang maaga niyan" at naka ngiti na ito "promise po mrs guada hinding hindi na po ma uulit" sumpa niya dito na naka taas pa ang dalawa niyang kamay. "Ay siya nga pala muntik ko nang maka limutan" sabi nito "ma niningil na ako sa upa mo nang dalawang buwan na hindi mo pa na babayaran" . "Po? mrs guada naman!?" sabay kamot niya sa kanyang ulo kahit hindi naman nga ngati basta na lang siyang napakamot dito "mrs guada pwede po bang.." sabi niyang naka ngiti at may pa pikit - pikit pa siya sa kanyang mata at sinadya pa niyang ibitin ang kanyang sasabihin dito dahil alam niya, na alam rin ni mrs guada kong anu ang kanyang ibig sabihin "mia naman hihingi ka na naman nang palugit? hanggang kailan ka ganyan aba lagi lagi nalang yan ah" sabi nito na medyo na iirita na sa kanya.
"Eh kasi po mrs guada yung pera kasing ibabayad ko sa inyu na ipadala ko po sa aking inay sa probinsya dahil may sakit siya at kailngan niyang mapa gamot" katwiran niya dito "mia naman! kahit isang buwan lang sana" dagdag pa nito "sorry po mrs guada walang wala po kasi ako dito ngayun, dahil wala na po akong trabaho dahil isa po ako sa tinanggal kahapon sa kompanyang pinagtrabahuan ko" ma ngiyak ngiyak niyang paliwanag dito "pero hayaan niyo po gagawa at gagawa ako nang paraan para maka pagbayad ako sa inyu" sabi niya nang hindi ito umimik "kailan mia?" tanung nito sa kanya "kasi kong hindi ka talaga maka pag bayad sa iyung renta nang dalawang buwan, pasinsya na mia kasi kailangan ko nang pa alisin ka dito dahil sayang yung kita ko sa daming gustong umupa dito pero dahil sayo, dahil napa mahal kana sa akin at anak na rin ang turing ko sayo kaya please mia gumawa ka nang paraan para may ma ibayad ka sa akin dahil kundi ma pipilitan akong pa alisin kita dito" mahabang paliwanag nito sa kanya "opo mrs guada na intindihan naman kita" sabi niya nang ma lungkot ang tinig
"Ok mia basta gawan mo nang paraan yan at bibigyan kita nang palugit hanggang tatlong araw lang at sana naman may ma ibayad kana sa akin para hindi na ako ma pilitan na pa alisin ka" sabi nito sa kanya na ma lungkot rin ang boses nito gaya niya pero wala nang ma gagawa ito dahil ito lang ang tanging pinag kukuhaan nang pang araw araw nito
"Ok po mrs guada gagawa po ako nang paraan para may ma ibabayad ako sa inyu promise" sabay taas nang isa niyang kamay para manumpa at todo ngiti niya dito dahil na kita niyang ma lungkot na rin ito. "O siya, at aasahan ko yan at talagang lagi mo akong pina pangiti kaya ang hirap para sa akin ang paalisin ka kaya lang wala akong magawa dahil ito lang ang tanging hanap buhay ko, dito lang ako kumukuha nang pang araw araw at alam mo yan mia kaya pasinsya kana" at bumalik naman ang mukha nitong ma lungkot.
"Mrs guada naman tama na po yan relax!" at pilit niyang pinapakalma ang matanda dahil ayaw niyang mag iyakan pa sila dito dahil dapat think positive lang lagi. Hinarap niya ang matanda sa kanya at niyakap niya ito "mrs guada huwag ho kayong mag alala dapat think positive lang tayo at may mahahanap din akong trabaho ngayun at may ma ibabayad na ako sa inyu" pilit niyang pina sigla ang kanyang boses at mukhang nahawa naman ito sa kanya "tama ka diyan kaya anu pang hinihintay mo gumayak kana para mas ma aga kang maka kita nang trabaho ngayun at akoy aalis na rin at may iba pa akong pupuntahan" sabi nito sa kanya at kumalas ito sa pag ka yakap sa kanya at sabay tulak papasok sa loob nang kanyang kwarto.
"Ok!ok! po inay" sagot niya dito at nag tawanan na lang sila at nag pa alam na ito sa kanya "haist! na miss ko tuloy ang nanay ko" sabi niya nang hinatid niya nang tanaw ang papalayung matanda dahil unang pag dating niya dito sa apartment nito ay magaan na ang kanyang loob dito dahil nakita niya ang kanyang nanay rito kaya ganun na lang niya itong biruin. "mia siya nga pala mag iingat ka" sigaw nito at kumaway pa sa kanya, napa ngiti na lang si mia "salamat po mrs guada at ikaw rin po mag iingat sila sayo" biro niyang sagot rito at todo kaway pa siya dito.
"Ikaw talagang bata ka" turo nito sa kanya at napa iling nalang ito at na iwan si mia na tawang tawa siya kay mrs guada "hahaha ang sarap talagang biruin itong si mrs guada kahit kailan" sabi niya sa kanyang sarili at habang kinakausap niya ang kanyang sarili ay pumasok na siya sa kanyang kwarto para mag almusal muna at maligo. Nang matapos na siyang ma ligo ay nag bihis na siya nang damit na pang alis at ang tanging sinout niya ay maong na medyo kupas na at tinernuhan niya nang t-shirts. Paalis na sana siya nang bigla niyang ma alala na ma init ngayun kaya kinuha niya ang kanyang sumbrero dahil wala siyang perang ipambili nang payong at kong sa kali ring umulan ay kahit pa paano ay ma gamit siya.
Maka lipas ang ilang oras ay nakarating na si mia sa kanyang pupuntahan at agad niyang ginawa ang pag bibigay nang biodata sa mga kompanyang kanyang madaanan. Pasa dito, pasa doon ang lagi niyang ginagawa pero lahat nang pinasahan niya ay puro lang tatawagan lang siya pag may bakante na ito, hindi man lang tiningnan kong anu ang kaya niyang gawin "haist ang hirap talagang mag hanap nang trabaho lalo na kong high school lang ang na tapos mo" ma ngiyak ngiyak niyang sabi dahil nakaramdam na siya nang pagod pero hindi siya hihinto hanggang may mahanap siyang trabaho para may ma ibayad na siya kay mrs guada at para maka pag padala na rin siya nang pera sa kanyang ina at sa kanyang kapatid na nag aaral pa.
Habang nag iisip si mia ay nakaramdam na siya nang gutom kaya kinuha niya ang kanyang maliit na wallet sa kanyang bag at tiningnan niya kong may pera pa siyang ma ipambili nang pagkain. Laking dismaya niya dahil tanging 30 pesos lang ang na iwan sa kanyang pera "anung gagawin ko dito?, anung ma ibibili nitong pag kain sa pera na to?" na yayamot niyang sabi.
Nang tumawid si mia ay wala siya sa kanyang sarili kaya hindi niya napansin ang paparating na sasakyan kaya Nagulat nalang siya sa kanyang narinig dahil todo busina ito sa kanya. hindi niya alam kong anung gagawin niya dahil hindi na niya ma ihakbang ang kanyang mga paa dahil sa nginginig na ang kanyang boung katawan dahil sa subrang takot ang kanyang naramdaman. Sa subrang kaba ay napa pikit nalang si mia at tanging nag dasal nalang siya at hinintay nalang niya na ma bundol siya nito, pero bago pa siya ma bundol nito ay nakaramdam na siya nang pagka hilo at parang umiikot ang kanyang paligid. Ang tanging huling na rinig nalang ni mia ay ang sigawan nang mga tao sa kanyang paligid bago siya na walan nang malay.