Episode 7

1577 Words
Pabalik na si adrian sa mesa kong saan iniwan niya si mea. Habang papalapit siya dito ay hindi niya ma iwasan ang mapa ngiti tuwing ma alala niya ang mga ikinikilos nito dahil parang baliw na ewan, sa tanang buhay niya ngayun lang siya nakaramdam nang kakaiba pag dating sa babae gaya nang naramdaman niya ngayun kay mia na minsan nakakainis na ito pero mawala agad yun pag makita niya ang mukha nitong nag papa cute sa kanya at malakas ang kabog nang kanyang dibdib tuwing makita niya ito. Malapit na si adrian sa kina rorounan ni mia at hindi niya ma alis ang kanyang tingin sa babae habang papalapit siya, nang may biglang humarang sa daanan niya "Adrian martinez? hi!" na gulat si adrian nang napagsinu ang humarang sa kanya kaya napa tiim bagang na lang siya nang makita niya ang babae, bigla nalang itong pinulopot ang mga kamay nito sa may liig niya kaya hindi niya na iwasan ang pag halik nito sa kanyang labi. Pag tingin ni adrian sa gawi ni mia ay naka tingin na ito sa kanila at naka kunot ang noo. Enough ellen!" habang nag pigil sa galit at pilit niyang ina alis ang mga kamay nito sa liig niya "hon I miss you so much," at yayakap pa sana ito sa kanya ngunit na pigilan niya ito at agad siyang nag lakad papunta sa kina rorounan ni mia habang nakasunod parin si ellen sa kanyang likod. "Adrian, wait!" tawag nito sa kanya, pero hindi niya ito pinansin. "Sabi ko sayo huwag kang titingin pero tingin ka parin nang tingin o anu ang sakit diba, nasasaktan ka dahil may nobya na pala pero inalok ka na maging asawa nito, umasa kapa mia!? sinu kaba ha! ha!" habang sinusundot ni mia ang mata nang isda gamit ang tinidor, nasasaktan siya sa kanyang nakita dahil may nobya na pala ito pero bakit nag hanap pa nang maging asawa nito at talagang dito pa talaga sa restaurant mag halikan. "tsk,tsk,tsk kawawang isda pinatay na nga na walang kalaban laban pati mata pinag tripan" biglang kumabog ang dibdib ni mia nang may biglang bumulong sa kanya at naamoy niya ang mabango nitong hininga at nakikiliti siya sa pag bulong nito dahil parang hinahalikan na nito ang tainga niya dahil naramdaman niya ang mainit nitong mga labi. Hindi siya maka huma dahil parang na freeze ang bou niyang katawan sa ginawa nito, ang puso niyang na sasaktan kanina ngayun parang sumasayaw sa bilis nitong pag t***k. Kinuha ni adrian ang kamay ni mia saka hinala patayo "Ellen, meet mia my fiance" anito at inakbayan pa siya nito at marahang pinisil ang kanyang balikat, nakaramdam siya nang libu libung kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan sa simpleng pag pisil lang nito. "What!?" bulalas ni ellen at tiningnan siya mula ulo hangang paa, naasiwa siya sa mga tingin nito dahil ang mga tingin nito ay talagang nandiri sa kanya at napa ngiwi pa. "hahaha c'mon adrian are you kidding me? yan naba ang mga klasing tipong babae ang hanap mo?" at saka pinasadahan pa siya nang tingin habang naka taas ang kilay. "yes ellen why not? dahil ba sa sout niya? hindi basihan kong anung nakikita mo sa labas nang kaanyuan ang importante ang kalooban" kinilig naman si mia sa narinig niya dahil ang alam niya ang mayayaman ay walang respito at itong mga kagayang babae ang kaharap niya ang mga gusto nito. "hmm adrian pala ang pangalan nito mas lalo tuloy akong na in love sa kanya, hehehe," hindi na pigilan ni mia na mapa bungis ngis dahil sa kilig dahil pinagtanggol siya dito sa babaeng sawa kaya napa tingin ang dalawa sa kanya at ang babaeng sawa ay hindi ma ipinta ang mukha nang tingnan siy nito "ehem" tumikhim muna siya bago nag salita palaban kaya ako laking probinsya dapat hindi tayo mag pa apak kanino man, "miss parot, ah esti miss" saka siya naman ang tumingin dito mula ulo hanggang paa sinunod niya ang ginawa nito kanina sa kanya kaya naka kunot ang noo nito habang tiningnan niya "what!" biglang sigaw nito sa kanya dahil naasiwa na rin ito sa mga tingin niya "relax lang, ma init agad ang ulo mo" saka niya tinaas niya ang dalawang kamay niya para parmtahanin ito pero mas lalong lumaki ang mga mata nito na sa tingin niya hindi na kailangan pang palakihin dahil malaki na ang mga ito "miss ellen, kong anu man ang nakaraan niyo, pwede bang mag move on ka nalang kasi may fiance na siya at ako yun" turo niya sa kanyang sarili at nilakihan pa talaga niya ang kanyang ngiti para mas lalo itong uminit ang ulo. Ngunit hindi siya pinansin nito at kay adrian ito naka tingin at nag bago agad ang mukha na parang tupang maamo. "Please hon tell me, na niloloko mo lang ako" sabi nitong nag susumamo. Napa singhap si mia dahil bigla siyang hinarap nito at hinalikan sa mga labi ang una ay lapat lang nang bumuka ang bibig niya para mag salita sana ay nag kamali siya dahil tuluyan na nitong inangkin ang kanyang mga labi "hey!" pukaw nito sa kanila "both of you, go to hill" sabi nitong galit na galit ang mukha "Adrian martinez tandaan mo hindi pa tayo tapos, alam mo ako kong anung gusto ko na kukuha ko!" saka padaskol itong nag lakad papalayo. Naiwan si mia na na guguluhan sa sinabi nito bakit sinabi nitong go to hill ehh pa puntang langit sana yun ehh kong hindi pa umiksina ang bruhang sawa, hindi niya ma pagilan ang sarili dahil parang lumulutang parin siya sa hangin nang hinalikan siya nang mahal niya ar pinagtanggol pa siya nito. Habang kinikilig si mia, si adrian naman ay hindi ma ipinta ang mukha sa galit dahil alam niya kong anung klasing babae si ellen lahat gagawin nito kong anung gusto nito kumbaga what ellen's want ellen's get. Napatingin si mia sa kanyang kaharap parang ang may malalim itong iniisip dahil nakatingin sa kawalan habang nakakunot ang noo, hindi niya tuloy ma sisid sa subrang lalim, marahan niya itong tinapik at napa tingin ito sa kanya nang ngitian niya ito ay bigla nalang siyang hinila palabas nang restaurant. dumiritso agad sila sa parking lot kong saan naka parada ang kotse nito pinagbuksan pa siya nang pinto at pinasakay pagkatapos niyang umupo ay ito naman ang pumunta sa driver seat at hindi pa nito binuhay ang makina ay nag salita na ito. "Ano mia, tinanggap mo ba ang offer ko sayo na maging asawa ko?" hindi pa siya nakapagsalita ay nag tuloy - tuloy na ito "huwag kang mag alala dahil may contrata ang kasal natin sa loob nang isang taon, kailangan mo lang mag panggap sa lolo ko na ok tayo pag andyan siya dapat gampanan mo bilang asawa ko at kong wala na siya bahala kana kong anung gagawin mo" sabi nitong naka titig sa kanya hindi niya mabasa ang mga mata nito dahil samot saring reaksyon ang nakikita niya sa mga ito. Masaya siya nang alokin siya nito na maging asawa nito pero Nasasaktan siya sa sinabi nitong may kontrata ang kanilang pagsasama at ang kailangan niyang gawin ang mag panggap sa harap nang lolo nito, pero kong wala sa harap nila ay parang hindi sila mag kakilala ganun ba ang gusto nitong mangyari sa kanila, ang sakit ha habang pinipigilan niyang ma luha sa harap nito hindi niya alam kong anung isasagot niya dito dahil ang tanging alam niya ay nasasaktan ang puso niya. "Huwag ka ring mag alala tungkol sa pag panggap mo dahil babayaran kita nang 10 thousand a month kong maganda ang iyung performance ay may bunos kapang matatanggap" anito na talagang tinutusok na ang kanyang puso sa mga sinasabi nito, pero wala siyang magawa dahil kailngan rin niya nag pera para sa pamilya niya sa probinsya kaya tatanggapin nalang niya ang offer nito kahit masakit para sa kanya dahil binabayaran siya nito bilang asawa, ok lang siguro yun dahil ang gawin lang niya ay ang mag panggap sa harap nang lolo nito, lahat gagawin niya para mas lalong hindi siya ma inlove dito, napatango nalang si mia bilang pag sang ayun sa mga sinasabi nito dahil hindi na niya kayang mag salita pa baka gumaralgal ang kanyang boses dahil sa kakapigil nang luha niya na kanina pa gustong bumagsak at baka maka halata pa ito na inlove na siya dito. Pagkatapos nilang mag usap ay agad itong binuhay ang makina at tinanung kong saan siya nakatira dahil ihahatid daw siya nito wala siyang ganang sumagot dahil masakit parin sa kanyang kalooban ang totoo kong bakit niyaya siya nitong mag pakasal, at sinabi pa nito na sunduin siya bukas para mamili nang kanyang susuotin dahil ipakilala siya dito sa lolo nito tanging napa tangu- tangu lang si mia bilang pag sang ayun, pakiramdam kasi niya parang bumagsak lahat nang panaginip niya, ikaw kasing si tanga kahit alam nang hindi mangyayari pero ayan umaasa ka parin baka mag katotoo anu nasasaktan kana ngayun. Hindi na malayan ni mia na nakarating na pala sila sa apartment niya kong saan siya umu upa, ang bilis ata nitong nag mamaneho hindi man lang niya namalayan na nakarating na pala sila o marami lang talaga siyang iniisip. Hindi pa siya bumaba ay nginitian niya ito nang matamis na matamis na kahit mapait ang kanyang naramdaman pero kailangan niyang bumali rito para may ibabayad siya kay mrs guada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD