"Hindi na ako nagpalagay ng internet dito. Alam mo naman. Masyadong magulo sa social media. Puro kabulastugan ng mga tao," sambit ni Marco bago nguyain ang kinakain.
"Heto po ang juice," wika ni Susan. Dahan-dahan siyang nagsalin ng orange juice sa baso ni Marco at sunod naman ay sa baso ni Daniel.
"Kapag magulo na kasi sa Maynila eh ito lang ang paraiso ko. Walang ingay, walang gulo, walang internet. Kung gusto mo mag-enjoy eh ayan ang dagat, masarap na pagkain, andyan naman si Jojo. Kung anong gusto mo iluluto niyan."
"Ay, maraming seafoods dito. Mga alimango, hipon," sagot naman ni Jojo. Nakangiti namang nakikinig si Daniel habang takam na takam sa kanyang kinakain na alimasag.
"Mukha nga pong masaya dito," wika ni Daniel.
"Huwag ka lang masyadong lalayo dito. Eh hindi ka pa kilala ng mga tao dyan. Baka kung ano ang isipin nila," paalala ni Marco.
"Ako na ho ang bahala kay sir Daniel. Ililibot ko siya rito para makilala," sagot naman ni Jojo. Tila nagtaka naman si Daniel.
"Aalis ho ba kayo sir?"
"Hinatid lang talaga kita dito. May aasikasuhin pa kasi ako sa munisipyo. Mas maiging dumito ka muna, magpahinga. Baka bukas ng umaga eh makabalik na ako dito," sambit ni Marco. Tumango lamang si Daniel at muling kumain.
___________________________________
Nang matapos kumain ay nagtungo sa harapan ng bahay si Daniel. Kinapa ang kanyang bulsa at doon ay nakita ang isang pakete ng yosi. Binuksan niya iyon, tatlo na lamang ang laman nito. Kinuha niya ang isa at inilagay sa kanyang bibig. Muli niyang kinapa ang kanyang bulsa ngunit hindi niya mahanap ang kanyang lighter.
"s**t," bulong niya na lamang.
"Oh..." wika ni Marco. Sa isang pitik ay lumabas ang maliit na apoy sa kanyang lighter. Napakaganda ng disenyo ng lighter na iyon na tila isang pasadya. Kulay ginto ang kaha nito na parihaba.
"Nagyo-yosi ka pa rin palang bata ka haha," sambit ni Marco.
"Minsan na lang sir. Sinusubukan ko namang bawasan," sagot ni Marco.
"Haha ayos lang 'yan," wika ng lalaki.
Bumukas naman ang pinto sa kanilang likuran, naroon si Jojo, dala ang maleta ng lalaki. Humithithit muna ng yosi ang binata bago niya ito nilingon.
"Ang aga naman sir, kakarating pa lang natin dito eh," wika ni Daniel.
"Nako, eh kung hindi nga lang nagkataon na may aasikasuhin ako dito sa Polilio eh hindi kita madadala. Sinabay ko lang ang lahat," sagot ni Marco.
"For the meantime, eh...mag-relax ka muna dito," wika ni Marco. Inilalagay naman ni Jojo ang bag ng lalaki sa loob ng tricycle.
"Oh, baka wala kang dalang lighter dyan eh," sambit niyang muli habang inaabot ang kanyang lighter na kakaiba ang disenyo.
"S-seryoso ka sir?" tanong ni Marco. Sa tuwa ay hindi niya mapigilang titigan ang lighter na iyon.
"Oo! Sa'yo na 'yan. Marami akong ganyan," wika ng lalaki.
"Sir, tara na po. Baka gabihin pabalik eh," sabat naman ni Jojo.
"Oh pa'no? Iwan muna kita dito. Pag may kailangan ka tumawag ka lang. May signal naman dito. Pero paalala ko ah? 'wag ka munang mag-internet, para naman maging clear 'yang thoughts mo," paalala ni Marco.
"Opo sir, Salamat po ulit."
"Sige...tara na Jo."
Tinitigan ni Daniel ang tricycle na papalayo. Hawak niya pa rin ang lighter na ibinigay sa kanya ng kanyang editor. Muli niya itong tinitigan at kinilatis ang disenyo. May nakaukit na rosas sa likod ng lighter na iyon. Sa harap naman ay mistulang fountain pen ang disenyo. Muli siyang tumitig sa tricycle na papalayo.
_________________________________
Paikot-ikot lamang sa kanyang kwarto si Daniel sa unang gabi, inaayos niya ang kanyang mga gamit at inilalagay iyon sa cabinet. Muli siyang titingin sa typewriter at saka mapapangiti.
"Di man lang laptop ang pinadala," bulong niya habang natatawa.
Batid niya sa kanyang sarili na seryoso na ang kanyang editor upang siya ay makapagsulat. Kinuha niya ang laman ng kanyang maleta at inilalabas din ang iba sa kanyang kama. Naroon ang ilan niyang mga nailimbag na libro noon. Napangiti na lamang siya habang tinitingnan ang mga iyon. Humulas naman ang kanyang ngiti nang makita ang pinakahuling libro na kanyang isinulat dalawang taon na ang nakakaraan. Nakalagay doon ang titulong 'Tagu-Taguan,' isang nobela na bagama't romance ang tema ay tila nagbabagong anyo at bihis habang ito ay binabasa. Inilapag niya iyon sa gilid at saka humiga sa kanyang kama. Muli siyang sumulyap sa typewriter sa kanyang mesa at sunod naman ay sa bintana. Muli niyang naalala ang imahe ng isang babae sa bintanang iyon. Tumitig siya nang matagal dito at saka tumulala sa kisame.
Sa pagkabagot ay kinapa niya ang kanyang bulsa, kinuha ang isang pakete ng yosi, dalawa na lamang ang laman noon. Kinuha niya ang isang stick at inilagay niya sa kanyang bibig. Sinindihan niya iyon gamit ang lighter na ibinigay sa kanya ng kanyang editor. Nang masindihan ay tinitigan niyang maigi ang lighter at tila tinatapat ito sa liwanag ng bumbilya sa kisame. Hindi niya lubos maisip ngunit sa bawat pagkapa ng hulma ng disenyong rosas at panulat sa lighter na iyon ay napapatulala na lamang siya.
"Daniel!"
Isang boses ng babaeng sumisigaw ang kanyang narinig kasabay ng kakaibang pangitain sa kanyang isipan. Nakita niya ang dugo sa kanyang kamay habang hawak ang lighter na iyon. Sa gulat ay nalaglag ang lighter na hawak sa kanyang mukha.
"Aray ko, put...!" sambit niya. Napaupo siya sa kama at kinuha ang lighter na iyon. Dahan-dahan siyang pumihit ng tingin sa bintana. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nakita. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng ingay sa ibaba.
__________________________________
"Oh, sir Daniel. Gising pa po pala kayo," wika ni Jojo, ang kusinero at katiwala ng bahay.
"Mang Jo. Nakarating na po pala kayo. Di ko narinig ang tricycle eh," sambit ni Daniel.
"Ah opo, naglakad lang ako pabalik. Diyan ko kasi ipinaparada yung tricycle sa kapatid ko. Malapit lang dito. Eh kumain na ho ba kayo pala?"
"Ahh oo, kami nga lang dalawa ni Susan ang kumain. Eh kumain na po ba kayo Mang Jo?" tanong ni Daniel.
"Ah oo. Nagpakain si kapitan kanina eh. Sabi naman ni Sir Marco doon muna siya tutuloy. May mga aasikasuhin daw." Tumango-tango lang si Daniel habang iginagala ang mata sa bawat pader ng bahay.
"Ay may problema po ba?" tanong ng lalaki.
"Ahh wala lang. Kukuha lang sana ako ng tubig eh," wika ni Daniel.
"Ay tubig? Ah sige ako na at ako'y nauuhaw din eh. Sandali lang po sir ah?"
"Hindi na ako nagpalagay ng internet dito. Alam mo naman. Masyadong magulo sa social media. Puro kabulastugan ng mga tao," sambit ni Marco bago nguyain ang kinakain.
"Heto po ang juice," wika ni Susan. Dahan-dahan siyang nagsalin ng orange juice sa baso ni Marco at sunod naman ay sa baso ni Daniel.
"Kapag magulo na kasi sa Maynila eh ito lang ang paraiso ko. Walang ingay, walang gulo, walang internet. Kung gusto mo mag-enjoy, eh ayan ang dagat, masarap na pagkain, andyan naman si Jojo. Kung anong gusto mo iluluto niyan."
"Ay, maraming seafoods dito. Mga alimango, hipon," sagot naman ni Jojo. Nakangiti namang nakikinig si Daniel habang takam na takam sa kanyang kinakain na alimasag.
"Mukha nga pong masaya dito," wika ni Daniel.
"Huwag ka lang masyadong lalayo dito. Eh hindi ka pa kilala ng mga tao dyan. Baka kung ano ang isipin nila," paalala ni Marco.
"Ako na ho ang bahala kay sir Daniel. Ililibot ko siya rito para makilala," sagot naman ni Jojo. Tila nagtaka naman si Daniel.
"Aalis ho ba kayo, sir?"
"Hinatid lang talaga kita dito. May aasikasuhin pa kasi ako sa munisipyo. Mas maiging dumito ka muna, magpahinga. Baka bukas ng umaga eh makabalik na ako dito," sambit ni Marco. Tumango lamang si Daniel at muling kumain.
___________________________________
Nang matapos kumain ay nagtungo sa harapan ng bahay si Daniel. Kinapa ang kanyang bulsa at doon ay nakita ang isang pakete ng yosi. Binuksan niya iyon, tatlo na lamang ang laman nito. Kinuha niya ang isa at inilagay sa kanyang bibig. Muli niyang kinapa ang kanyang bulsa ngunit hindi niya mahanap ang kanyang lighter.
"s**t," bulong niya na lamang.
"Oh..." wika ni Marco. Sa isang pitik ay lumabas ang maliit na apoy sa kanyang lighter. Napakaganda ng disenyo ng lighter na iyon na tila isang pasadya. Kulay ginto ang kaha nito na parihaba.
"Nagyo-yosi ka pa rin palang bata ka," sambit ni Marco habang nakangiti.
"Minsan na lang, sir. Sinusubukan ko namang bawasan," sagot ni Marco.
"Haha ayos lang 'yan," wika ng lalaki.
Bumukas naman ang pinto sa kanilang likuran, naroon si Jojo, dala ang maleta ng lalaki. Humithithit muna ng yosi ang binata bago niya ito nilingon.
"Ang aga naman, sir, kakarating pa lang natin dito, eh," wika ni Daniel.
"Nako, eh kung hindi nga lang nagkataon na may aasikasuhin ako dito sa Polilio eh hindi kita madadala. Sinabay ko lang ang lahat," sagot ni Marco.
"For the meantime, eh...mag-relax ka muna dito," wika ni Marco. Inilalagay naman ni Jojo ang bag ng lalaki sa loob ng tricycle.
"Oh, baka wala kang dalang lighter d’yan eh," sambit niyang muli habang inaabot ang kanyang lighter na kakaiba ang disenyo.
"S-seryoso ka, sir?" tanong ni Marco. Sa tuwa ay hindi niya mapigilang titigan ang lighter na iyon.
"Oo! Sa'yo na 'yan. Marami akong ganyan," wika ng lalaki.
"Sir, tara na po. Baka gabihin pabalik, eh," sabat naman ni Jojo.
"Oh pa'no? Iwan muna kita dito. Pag may kailangan ka tumawag ka lang. May signal naman dito. Pero paalala ko, ah? 'wag ka munang mag-internet, para naman maging clear 'yang thoughts mo," paalala ni Marco.
"Opo, sir. Salamat po ulit."
"Sige...tara na, Jo."
Tinitigan ni Daniel ang tricycle na papalayo. Hawak niya pa rin ang lighter na ibinigay sa kanya ng kanyang editor. Muli niya itong tinitigan at kinilatis ang disenyo. May nakaukit na rosas sa likod ng lighter na iyon. Sa harap naman ay mistulang fountain pen ang disenyo. Muli siyang tumitig sa tricycle na papalayo.
_________________________________
Paikot-ikot lamang sa kanyang kwarto si Daniel sa unang gabi, inaayos niya ang kanyang mga gamit at inilalagay iyon sa cabinet. Muli siyang titingin sa typewriter at saka mapapangiti.
"Di man lang laptop ang pinadala," bulong niya habang natatawa.
Batid niya sa kanyang sarili na seryoso na ang kanyang editor upang siya ay makapagsulat. Kinuha niya ang laman ng kanyang maleta at inilalabas din ang iba sa kanyang kama. Naroon ang ilan niyang mga nailimbag na libro noon. Napangiti na lamang siya habang tinitingnan ang mga iyon. Humulas naman ang kanyang ngiti nang makita ang pinakahuling libro na kanyang isinulat dalawang taon na ang nakakaraan. Nakalagay doon ang titulong 'Tagu-Taguan,' isang nobela na bagama't romance ang tema ay tila nagbabagong anyo at bihis habang ito ay binabasa. Inilapag niya iyon sa gilid at saka humiga sa kanyang kama. Muli siyang sumulyap sa typewriter sa kanyang mesa at sunod naman ay sa bintana. Muli niyang naalala ang imahe ng isang babae sa bintanang iyon. Tumitig siya nang matagal dito at saka tumulala sa kisame.
Sa pagkabagot ay kinapa niya ang kanyang bulsa, kinuha ang isang pakete ng yosi, dalawa na lamang ang laman noon. Kinuha niya ang isang stick at inilagay niya sa kanyang bibig. Sinindihan niya iyon gamit ang lighter na ibinigay sa kanya ng kanyang editor. Nang masindihan ay tinitigan niyang maigi ang lighter at tila tinatapat ito sa liwanag ng bumbilya sa kisame. Hindi niya lubos maisip ngunit sa bawat pagkapa ng hulma ng disenyong rosas at panulat sa lighter na iyon ay napapatulala na lamang siya.
"Daniel!"
Isang boses ng babaeng sumisigaw ang kanyang narinig kasabay ng kakaibang pangitain sa kanyang isipan. Nakita niya ang dugo sa kanyang kamay habang hawak ang lighter na iyon. Sa gulat ay nalaglag ang lighter na hawak sa kanyang mukha.
"Aray ko, put - !" sambit niya. Napaupo siya sa kama at kinuha ang lighter na iyon. Dahan-dahan siyang pumihit ng tingin sa bintana. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nakita. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng ingay sa ibaba.
__________________________________
"Oh, sir Daniel. Gising pa po pala kayo," wika ni Jojo, ang kusinero at katiwala ng bahay.
"Mang Jo. Nakarating na po pala kayo. Di ko narinig ang tricycle, eh," sambit ni Daniel.
"Ah opo, naglakad lang ako pabalik. Diyan ko kasi ipinaparada yung tricycle sa kapatid ko. Malapit lang dito. Eh kumain na ho ba kayo pala?"
"Ahh oo, kami nga lang dalawa ni Susan ang kumain. Eh kumain na po ba kayo, Mang Jo?" tanong ni Daniel.
"Ah oo. Nagpakain si kapitan kanina eh. Sabi naman ni Sir Marco doon muna siya tutuloy. May mga aasikasuhin daw." Tumango-tango lang si Daniel habang iginagala ang mata sa bawat pader ng bahay.
"Ay, may problema po ba?" tanong ng lalaki.
"Ahh wala lang. Kukuha lang sana ako ng tubig, eh," wika ni Daniel.
"Ay tubig? Ah sige ako na at ako'y nauuhaw din eh. Sandali lang po sir ah?"
Naupo si Daniel sa sofa, muli niyang iginala ang mga mata. Makikita sa ilang sulok ng bahay ang mga marka na tila niluma na. Mga painting marahil ang marka ng frame na kanyang nakikita o kaya ay ilang mga litrato. Ipinatong naman ni Jojo ang dalang pitsel at dalawang baso sa mesa.
"Gaano na ho katagal ang bahay na 'to?" tanong ni Daniel. Nagsalin naman ng tubig sa baso si Jojo at iniabot sa kanya.
"Matagal na po, sir. Siguro mga sampung taon na rin. Bakit, sir?" tanong rin ni Jojo.
"Wala lang. Noon kasi parang wala namang nabanggit si Sir Marco na may rest house siya dito. Kung hindi ko pa nirequest na magkaroon ng tahimik na pwesto eh hindi niya ako dadalhin dito," nakangiting sambit ni Daniel.
"Hindi niya rin kasi masyadong sinasabi sa iba ang lugar na 'to. Peace of mind kumbaga. Pero okay ka naman dito ano, sir?"
"Ayos lang...ayos lang naman. Maganda," wika ni Daniel ngunit sa likod ng kanyang isipan ay mayroong bumabagabag sa kanya. Hindi niya iyon maitago kaya't muli siyang nagtanong.
"Wala naman ho sigurong nangyari sa bahay na 'to ano? Mga multo?" natatawang sambit ni Daniel. Natatawa marahil dahil sa kanyang edad ay natatakot pa rin siya sa mga multo. Ngunit hindi niya maiwaglit sa kanyang isipan ang kanyang nakita.
Tawa lamang din ang naitugon ni Jojo. Muli namang uminom ng tubig si Daniel.
"Sorry sa tanong ko, Mang Jo, ah? Parang bata lang eh, 'no?" sambit ni Daniel.
"Nako ayos lang. Matagal na rin kasing hindi nabalikan ang bahay na ito ni sir. Bakit may nakita ho ba kayo?" tanong ni Jojo. Unti-unti ay naging seryoso ang aura ng kanyang mukha.
"Ewan ko...nakakatawa lang. Baka guni-guni ko lang yung nakita ko kanina," wika niya. Hinawakan niya ang kanyang ulo dahil bahagyang sumakit ang kanyang sintido.
"Dati po kasing resort ito. Eh, sa tumal ng mga bisita at di rin naaasikaso masyado eh ginawa na lang rest house ni sir Marco. Matagal ring naiwan kaya ganito," kwento ni Jojo.
"Nire-renovate kasi ito bago kayo pumunta sir. Mga isang taon na rin. 'Yang pinto at bintana na 'yan bago ho 'yan, eh. Nagkaroon po kasi ng sunog dito dati. Pero 'yan lang naman ang nasunog," pagpapatuloy niya.
"Bakit? Ano hong nangyari dito?" tanong ni Daniel.
"Eh dati kasi, may mga bisita dito. Magnobyo daw eh. Nagtalo yata. Parang natabig yung kandila na nakadisenyo, ayon kumalat ang apoy. Pero hindi naman malala. Nasunog lang yang pinto tsaka yang mga bintana gawa ng kurtina na nakasabit," dagdag pa ni Jojo.
Napatingin naman si Daniel sa pintuang iyon. Sa lakas ng kanyang imahinasyon dahil sa pagiging writer ay tila nakikita niya ang mga nangyari. Maya-maya pa ay muling sumakit ang kanyang ulo.
"Ayos lang ho ba kayo, sir? Eh mukhang napagod talaga kayo sa byahe ano? Gusto niyo po ba ng beer? Mayroon naman tayo dyan," alok ni Jojo.
"Eh ayos lang po ba?" tanong ng binata.
"Aba'y, oo naman sir. Ibinilin kayo sa akin ni Sir Marco, eh. Kailangan daw lahat ng i-request niyo eh ibigay ko hehe. Teka lang kukuha lang ako, sir." Tumayo si Jojo at nagtungo sa kusina. Muli namang kinuha ni Daniel ang kanyang baso at pinaglaruan ito sa kanyang kamay habang nakatitig sa pinto. Nakikita niya ang apoy sa kanyang mga mata at ang nasusunog na pinto at kurtina ngunit may iba pa siyang nakikita sa kanyang imahinasyon. Ang dugo na unti-unting gumagapang mula sa labas ng pintuang iyon at tila isang mabagal na musika na unti-unting lumalakas sa kanyang isipan.
"Sir!" Napataas ang kanyang dalawang balikat nang tapikin siya ni Jojo.
"Ito lang ho ang mayroon tayo, beer na nasa bote. Ay, mag-isa ko alng din inuubos 'yan, eh. Ayos lang po ba ito?" tanong ni Jojo nang ipakita ang isang bote ng beer na grande.
"A-ah, oo naman. Okay 'yan."
"Hayaan niyo po at mamimili ako bukas para may i-stock tayo. Maganda ito pampatulog," sambit ni Jojo. Nagsalin siya ng gintong likido sa panibagong baso at iniabot kay Daniel. Ininom naman ito ng binata.
"Ay sarap..." wika ni Daniel nang lumagok ng gintong likido mula sa kanyang baso.
"Baka may gusto po kayong ipabili bukas para maisabay ko na," tanong ni Jojo.
Kinapa ni Daniel ang kanyang bulsa. Naalala niyang isang stick na lamang ng yosi ang laman ng paketeng naroon. Sasabihin niya dapat ang tungkol doon ngunit natigilan siya.
"A-ah wala. Okay naman," wika ni Daniel. Inisip niyang mas mainam na siya na mismo bumili at maging responsable sa kanyang bisyo.
"Malayo ba ang mga bilihan dito? Mga convenience store o grocery?"
"Medyo malapit lang naman. Pero mas maigi siguro ako na lang ang bumili, sir. Para hindi ka na maabala. Baka may makakilala pa kasi sa'yo diyan, pagkaguluhan ka pa," pagbibiro ni Jojo.
"Imposible naman. Hindi ko nga alam kung nakakaabot ang mga libro ko rito," wika ni Daniel.
"Nako 'wag mo ismolin ang lugar namin, sir. Ang libangan ng mga tao dito kundi manood ng TV, magchismisan, eh magbasa din ng libro. Lagi ngang ibinibida ni sir Marco ang mga libro mo dito. Kahit ako binabasa ko ang mga libro mo, eh," wika ni Jojo habang natatawa. Napangiti naman si Daniel at tumingin sa kanya.
"Nako, salamat. Pero alam ko hindi naman ako ganoon kasikat dito. Imposible 'yon," nangingiting sagot ni Daniel.
"Eh, hinihintay lang talaga namin ang susunod mong isusulat, sir. Excited na siguro ang mga fans mo ano, sir? After 2 years eh makakapagsulat ka na ulit," wika ni Jojo. Napangiti naman si Daniel at napatingin sa kanya. Unti-unti na lamang humulas ang kanyang ngiti nang makita ang numerong '2' na tila marka ng pagkaluma sa pader sa likuran ng lalaki. Nagsalubong ng kaunti ang kanyang kilay at muling tumingin sa baso ng beer na iniinom.
_______________________________
Nakatulala pa rin sa kisame si Daniel nang mahiga sa kama. Tila ginagawa niyang unan ang kanyang dalawang kamay na nasa likod ng kanyang ulo. Magaan ngunit kakaiba ang kanyang nararamdaman ngunit naglalaro rin sa kanyang ulirat ang kakaibang pakiramdam. Marahil ay namamahay, naiirita o kaya'y naninibago. Napatingin siyang muli sa bintana nang matagal. Sa tagal ng pagkakatitig na iyon ay hindi niya namalayan ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng kanyang mga mata.
_____________________________
Nakakarinig siya ng kakaibang tawanan, mabagal at malayo. Maririnig ang tawa ng isang babae at ng isang lalaki ngunit mas nangingibabaw ang tawa ng babaeng iyon sa kanyang isipan. Madilim ang lahat ngunit may liwanag sa malayo. Sa kanyang paglalakad ay unti-unting sumasabog ang liwanag sa kanyang harapan.
"Dali tara na..." wika ng babae na tila tumatawa nang mahinhin. Wala ang imahe sa kanyang isipan. Tanging kadiliman lamang ang naroon at ang liwanag na unti-unting lumalawak.
Nang tuluyan nang sumabog ang liwanag ay saka niya iminulat nang dahan-dahan ang kanyang mga mata. Nasisinagan na iyon ng umagang araw. Nawala na ang mga tawanan sa malayo nang magkaroon siya ng malay mula sa malalim na pagkakatulog. Lumingon siya at nakita niya sa kanyang mesa kung saan naroon ang typewriter ang isang plato ng pagkain bilang kanyang almusal. Naroon din ang isang tasa ng kape na umuusok pa nang bahagya. Tiningnan niya ang bulaklak sa vase, napalitan na iyon ng bagong bulaklak ngunit sunflower pa rin ang nakalagay doon.