Chapter 9

2175 Words
NAkarating na kami sa Knight palace at mabilis kong pinarada ang sasakyan ni Claire sa labas mismo ng mansion at mabilis din akong pumasok sa loob. Nakita ko kaagad ang buong Knight na may halong galit at pag-aalala. Nandito rin ang mga Stone siguro tumutulong sa nangyari kay chairman. Kaya lumapit agad ako sa kanila at napunta sa'kin ang attensyon nila. “Are you okay?!” tanong ko sa kanila. Nilapitan naman ako ng mga pinsan ko. “In-ambush ang chairman at ang ibang mga tauhan natin namatay, TSK.” Inis na sambit ni Sandro. Si Sandro Knight, anak siya ni tito Alessandro. “Mabuti na lang may nagsabi na a-ambushin si chairman, kaya nailipat agad siya ng sasakyan.” sambit naman ni Rios Knight. Isa siya sa pinaka misteryoso sa’min pero malambing naman ’yan pagdating sa mga pinsan niyang babae. Kapatid siya ni kuya Erin, at pangalawang anak sa pamilya nila. “Gosh! I can’t believe na magagawa niya kay chairman! Is there something we did wrong? Para paghigantihan niya?!” inis naman na tanong ni Delux Knight. She’s a strong and pretty woman. Anak ni Tita Fernina Knight ang nag-iisang babae na anak ni chairman pero Knight ang dinadala niyang last name. Napabuntong hininga naman ako at hinimas ko ang kamay ni Lux at matipid na ngumiti sa kan'ya. Hindi ko rin maaaring sabihin ang mga hinala ko na hindi talaga si chairman ang target kundi ako, dahil baka magkamali lang din ako. “May humabol rin samin kanina habang papunta kami rito,” sambit ko. Agad namang lumapit sa’kin si mommy. “Ven, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” tanong ni mom. Umiling naman ako sa kan’ya. Natigilan naman ako nang mapansin ko si chairman na nakakuyom ang kamao. Halata na rin sa kanya na matanda na talaga siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. Natatakot ako na kapag lumapit ako kay chairman baka itaboy niya ako. “Ven, sige na lapitan mo na ang chairman.” bulong sa’kin ni mom. Napatingin naman ako sa kan’ya at tinanguan lang niya ako. Kaya nginitian ko na muna si mommy bago ako lumapit kay chairman. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa kamay na ramdam kong nabigla rin siya sa ginawa ko. “I know you despise me, but I’m worried about you.” sambit ko kay lolo. Hindi niya ako sinagot at nanatili lang siyang nakatingin sa malayo at napansin ko rin ang pag-igting ng panga niya. Mukhang hindi na niya yata ako mapapatawad. “I apologize if I disappointed you, Grandpa. I made a mistake.” dagdag ko pa. Napakagat na ako sa labi para pigilan ang mga luha ko. Napapikit siya ng mariin pero nanatili pa rin siya sa pwesto niya at hindi manlang ako nilingon. Napangiti na lang ako ng mapait at mas lalong napayuko. Hanggang sa unti-unti ng tumutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala yung pagod sa nangyari sa’min kaysa sa nararamdaman ko ngayon. Mahirap para sa akin na galit si lolo dahil sa ginawa ko. “Sorry, kung napabayaan ko ang responsibilidad ko bilang isang Knight. Nakalimutan ko rin kung anong buhay na meron tayo. Hindi ko inisip ang mga pangaral mo sa’kin noon.” pinunasan ko ang mga luha ko at napaiwas ng tingin. “I’m sorry, kung sinuway ko ang batas mo para sa’kin. I’m sorry, kasi umalis ako ng walang paalam.” huminga ako ng malalim. “Ako na lang ang sasalo ng aking magiging parusa. H’wag lang ang mga anak ko...” umiiyak na sambit ko sa kaniya at naramdaman ko na lang niyakap ako ni mom. “Ven...” bulong ni mom, kaya yumakap din ako sa kanya nang mahigpit habang humahagulgol ng iyak. Naramdaman ko na lang ang pagtayo ni chairman habang nakaalalay ang nurse niya sa kaniya. “I don’t want to hear your explanation, Scarlett; you’re disappointing me.” seryosong sambit niya at umalis na siya mismo sa harap namin. Mas lalo akong napahagulgol ng marinig mismo sa kaniya ang salitang ni minsan hindi ko pa naririnig sa kaniya. Siguro nga nasaktan ko ang siya sa lahat ng ginawa ko. I know my mistake, at hindi ko yun pinagkakaila. Sa kabila rin nang lahat ng ginawa ko, wala akong kahit na kailan na pinagsisihan. Dahil dumating sa buhay ko ang dalawang tao, na nagbibigay ng lakas sa’kin para harapin ang laban at nagsisilbing ilaw ko, para muli kong makita ang pag-asa na hinihintay ko. Ang pag-asang mababalik sa dati ang pamilya namin kasama ng mga anak ko. Nagsilapitan ang mga pinsan ko sa’kin at niyakap nila ako kaya wala akong magawa kundi sa harapan nila. “I’m sorry! I’m sorry!” sambit ko sa kanila. Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko at sa lahat ng kasalanan ko. Ang mali ko lang nagtiwala ako sa taong nangako sa’kin na kahit na kailan hinding hindi niya ako masasaktan. “Shh! Mahal ka ng lolo masyado lang siyang nabibigla ngayon,” bulong ni Hill Knight sa’kin. Nakakatandang kapatid ni Lux. Tumango naman ako sa kanila at pinunasan ang mga luha ko saka ako ngumiti sa harapan nila. “Oh, ngumiti ka na!” sambit naman ni Arthur Knight. Natawa na lang ako sa kan’ya at naalala ko bigla ang mga anak ko. Kaya napatayo ako para hanapin sila dahil hindi nila ako sinalubong na palagi naman nilang ginagawa. Sa sobrang dami ng nangyari ngayong gabi nawala sa isip ko ang mga anak ko. “Mommy!” rinig ko ang sigaw ni Carrie at humawi ang mga tito at tita ko para makadaan sila. Napangiti na lang ng makita ko si Carrie pero nawala rin nang mapansin kong buhat siya ni Dominic na seryosong nakatingin sa’kin. “Mommy!” sigaw muli ni Carrie, at bumaba na siya sa pagkakarga kay Dominic at lumapit naman siya sa’kin at yumakap. “Welcome home, mommy. What happened?” nakangiting salubong niya sa’kin. Nginitian ko lang siya ng pilit at hinalikan ko siya sa pisngi. “Nothing, princess...” sambit ko at nakahinga ako ng maluwag ng malamang okay lang sila. Humiga na siya sa balikat ko kaya napahimas ako sa likuran niya. “Mom,” bati ni Agustin sa’kin at yumakap din siya kaya napangiti na lang ako. “I’m home. Are you okay?” tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi naman siya sa’kin. “Yes, we’re cool!” sambit ni Agustin. Napailing na lang ako pero napangiti rin dahil mukhang hindi naman sila aware sa nangyari kanina. “Ang cute!” hagikhik ni Lux. Ngumiti lang ako sa kanila. Pero natigilan kaming lahat ng magsalita si Sophia. “You’re not innocent, Scarlett. So, stop acting like that.” sambit niya. Nawala naman ang ngiti ko at hinarap ko na ang mga anak ko para bumulong sa kanila. Tumango naman sila at tumakbo na sila paakyat sa kwarto nila. “Sophia!” rinig kong sigaw ni mom sa kanya. Natawa naman siya at nagtataka na nakatingin sa mga pinsan ko at sa buong angkan. “What? I’m telling the truth! She’s disgrace to our family.” sambit niya sa lahat. Napailing na lang ako at tumayo na ako para harapin siya. Gusto niya talaga lagi siyang may eksena. “Sophia, stop it!” sigaw ni dad sa kaniya na mas lalong napangisi si Sophia. “Why dad? Nahihiya ka rin naman sa ginawa niya, di ba? Nahihiya kayo sa lahat ng ginawa niya, right?” tanong niya. Natigilan naman ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa buong pamilya ko na napaiwas ng tingin sa’kin. “N-no! Of course not!” Sagot ni dad sa kaniya na mas lalong namang ikinakatuwa ni Sophia. So, dad, kinahihiya mo rin ako? Why? You have no idea what happened to me. Napakurap naman ako nang marinig ko muli ang tawa niya. “Oh, yes, Scarlett. Pati ang sariling ama natin, kinakahiya yung ginawa mo.” sambit niya habang nakangisi. Napabuntong-hininga na lang ako. “Ano nanaman ba ’to, Sophia? Marami na ang nangyari ngayong gabi. H'wag ka ng dumagdag pa.” sambit ko sa kan’ya. Natigilan naman siya at tinaasan niya ako ng kilay. “Kung hindi ka sana bumalik sana maayos pa ang lagay ni lolo. Ikaw ang naglalagay sa kaniya sa panganib!” sigaw niya. Napailing na lang ako dahil mukhang dito talaga siya masaya ang pahiyain ako sa harapan ng buong angkan. “Palagi ka na lang bang may eksena? Palagi ka na lang bang haharang sa daan ko?” tanong ko. Hindi naman siya nakasagot kaya napangisi ako ng mapait. “Ilang beses na kitang pinagsabihan pero hindi ka nakikinig. Wala kang ibang pinapakinggan kun’di ang sarili mo lang.” Mas lalo siyang natahimik sa mga sinabi ko sa kanya. Mukhang nag-iisip pa siya nang pwedeng sabihin sa akin kaya napasuklay na lang ako sa buhok ko. “Yes, isa akong kahihiyan sa buong angkan. How about you? Paano mo maipapaliwanag sa lahat ang pagtataksil na ginawa mo?” tanong ko sa kaniya, na mas lalong nagpagulat sa lahat. "W-what?" gulat na tanong niya sa'kin at parang nagpapanic na siya kaya natawa na lang ako. “Bakit parang wala kang alam sa nangyari? Bakit parang nakalimot ka sa lahat ng kasalanan mo saçkin? At bakit parang wala kang alam sa nangyari? H’wag mo akong gawing mangmang, Sophia.” sambit ko sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at naghahanap pa rin siya ng butas para lang mas mapahiya ako. “I-I d-don’t know what you’re talking—” “No, Sophia Vivian. Alam mo kung anong sinasabi ko.” putol ko sa sasabihin niya. Napansin kong mas lalo siyang nagpapanic. Ito ang gusto niya, right Ang mapahiya ako? Pwes. Hindi lang ako ang mapapahiya kundi pati siya. “Shut up!” sigaw niya sa'kin habang dinuduro ako. I bit my lower lip. “Ano ba ang napag-usapan natin, Sophia? Na hindi kita pakikialamanan basta hindi ka rin makikialam. Tigilan mo na ’to.” sambit ko sa kaniya. At naglakad na ako para umakyat sa kwarto ko pero hinila ako ni Sophia at akmang sasampalin niya ako nang dumapo na sa pisngi niya ang palad ko. Hindi rin ako pinanganak kahapon para hindi ipagtanggol ang sarili ko. “Hindi pa kita nasasampal sa lahat ng kasalanan mo sa’kin, kaya wala kang karapatan na dumapo yang palad mo sa mukha ko. Wala! Dahil ako lang ang may karapatan!” sigaw ko sa kaniya. Halos magkagulo na ang mga pinsan ko marahil nagtataka sila kung ano ba talaga ang nangyayari saming magkapatid. “Ven...” “What happened?!” “I’m confused!” “Me too!” “Hindi lang kayo, assholes!” Nangingining naman ang mga kamay ko habang nakatingin kay Sophia na masama ang tingin sa’kin habang nakahawak siya sa pisngi niyang sinampal ko. “Sinabi ko na ’to sa ’yo at hindi ko na uulitin.” huminga ako ng malalim at lumapit ako sa kanya. “H’wag na ’wag mo akong pakikialamanan sa lahat ng gagawin ko, lalo na ang mga anak ko. Dahil kundi malalaman nila ang ginawa mo.” sambit ko sa kaniya at mabilis akong umalis sa harapan nila para puntahan ang mga anak ko na nakahiga na sa kama nila. “Mom?” Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na ngumiti ako kay Agustin. “I apologize, my little prince. Okay, go get some rest.” sambit ko sa kanya, at nginitian siya. “Don’t cry, mom; do you want me to kick her ass?” tanong niya sa’kin at nag-acting pa siya na maninipa siya. Natawa na lang ako at ginulo ang buhok niya. “What’s funny? I’m serious, mom! I’m going to kick that witch.” Oh, my little prince is so adorable! Niyakap ko si Agustin ng mahigpit at pinaghahalikan ko siya sa pisngi niya. “M-Mom! I-I c-can’t breathe!” Reklamo niya sa’kin. Natawa lang ako at hinalikan ko siya sa noo. “Go to sleep, my little prince. I’m fine, I swear,” nakangiting sambit ko sa kaniya. “Mahal na mahal kayo ni mommy mga anak,” bulong ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Agustin hanggang sa nakatulog na siya. Napabuntong hininga na lang ako at napangiti sa dalawang anak ko. Mas mahalaga pa sila sa lahat ng meron ako. Sila ang kayamanan ko, at sila ang lakas ko para lumaban, sila rin ang magiging kahinaan ko. Hindi ko hahayaan na mapahamak silang dalawa, kung kailangan kong itaya ang buhay ko para sa kanila, gagawin ko. Dahil walang ina na kayang makita na nahihirapan ang kanyang mga anak. Sila na ang buhay ko ngayon, kaya gagawin ko ang lahat para sa kinabukasan ng mga anak ko. Sumulyap pa ako saglit sa kanila at ngumiti. “Goodnight mga anak...” Bulong ko. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto nila bago ako nakangiting sinara ang pintuan ng kwarto nila, pero nawala ang ngiti ko ng makita muli sa harap ko ang taong pinaka ayaw kong makita. “Dominic...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD